Epilogue

601 Words
Epilogue "Isang gubat sa Cavite, nasunog ng hindi nalalaman. Ang gubat, may mga tao na nag-lalaman at natagpuang walang buhay!" Bumuntung hininga siya at tiningnan ang radyo, pinatay niya ito at binalik ang tingin sa monitor kung saan siya may ginagawa. Ang Project, ang Project na Film nila na ine-edit niya para ipasa sa school. Ang Project na naglalaman ng mga kuha ng kaklase at kaibigan niyang pinatay at inalipusta. Plinay niya ang ine-edit na video. Tinitingnan ang mga Kaklase at Kaibigan na sila Claire,Bryan,Reggie at iba pang kinuhanan niya ng video bago mamatay na nag-mamakaawa at sumisigaw sa sakit sa nangyayari sa kanila. Cinompress niya ang mga clips at natapos na ang ineedit na video, sinave niya ito at bi-nurn sa CD. Nang matapos ay clinick niya na ang button ng diskdrive para lumabas ang CD, kinuha niya ito sa daliri at nilagay sa kamay at tiningnan ng mabuti. Sa kamay niya, ang Project na film sa isang subject para sa clearance nila, ang project na nagsisimbolo para sa pag-hihiganti niya. Ang Project na plinano ng perperkto at tama na naging taliwas, ang Project na dapat ay fake at acting lang, ang Project na naging madugo at walang awa, ang Project na naging makarealidad at makatotohanan. Kinuha niya ang pentel at sinulatan ang CD ng title, 'Project:Bloody Trip'. Napangiti siya, natutuwa sa nagawa niyang likha. Pinunasan niya ang CD at pinasok sa isang safe na lagayan ng CD. Kinuha niya ito at pinasok sa bag. Handa na siyang pumunta ng school. Tumayo siya at tumingin sa salamin tsaka nag-ayos ng mukha at sarili, pagktapos ay kinuha ang bag at binitbit tsaka bumaba ng bahay. Nag-paalam siya sa kanyang pangalawang magulang at umalis, lumakad na siya papuntang eskwelahan at nasa isip ang Project na kanyang ipapasa sa kanilang Guro. Nakarating na siya ng eskwelahan at dali-daling pumunta sa room niya dahil mala-late na siya. Binuksan niya ang pinto ng room nila at pumasok, gulat at hindi makapaniwala na nakita siya ng mga kaklase at ang guro niya. "Good Morning Lyn, welcome back." Bati ng Guro niya pero hindi niya pinansin at umupo sa upuan niya "Nasaan na ang mga kaklase at kamembers mo sa group na hindi pa daw bumabalik Lyn? Hinahanap sila sa amin ng mga magulang nila." "Nakauwi na po sila kahapon kasabay ko, siguro ay dala ng pagod kaya hindi muna pumasok po, Mam." Sabi nito. "Ahh! Ganun ba? Pero natapos niyo naman ba ang project niyo?" Tanong ng guro "Opo, ito po at nasa bag ko." Tugon nito at kinuha ang Project nila at inabot sa guro. "Salamat, nag-aalala ako sa inyo dahil ang tagal niyong nawala at nagshooting, siguro masyadong effort at maganda to? Matingnan nga natin Class." Sabi ng Guro nila na ngi-ngiti-ngiti sa kanya at pumunta sa laptop para ilagay ang CD para matransfer sa wire ng Monitor Screen at mapanood. "Mam, may i go out po? May kukunin lang po ako sa locker." Sabi nito habang nakataas ang kamay. "A-ahh sige! Bilisan mo ah? Papanoorin pa natin tong gawa niyo, diba Class?" Sabi ng Guro nila. "Opo." Sagot naman ng mga kaklase niya. Tumayo na siya at dumiretso palabas ng room, pumunta siya sa CR na malapit at nagkulong sa cubicle. Nilabas niya ang blade sa bulsa ng palda niya at pinakititigan to. 'Since i already done my job, im done with my mission. Im done with my revenge.' Nilapit niya ang blade sa pulsuhan niya at unti-unti ay ginagalaw ito pataas pababa, tinatamaan kung saan ang pulso niya. Ginagawa niya lang ito paulit-ulit,taas baba na tinatamaan ang kung saan ang pulso niya hanggang sa kumalat ang maraming dugo at unti-unti ay manghina siya at mawalan ng malay. 'Im done with everything' THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD