How Pain Can Turn Us Into Another Person
Chapter Nine
Gwyneth
"ANONG gagawin natin?" Tanong ni Dominic.
"Patayin siya?! Ano paba? Yun naman yung plano diba? Patayin ang may kagagawan nito." Sabi ni Rose
"Hindi yun ganoon kadali Rose, hindi porket pinaghihinalaan natin ang isang tao ay papatayin na." Sabi ni Jericha.
"So? Anong gagawin natin? Magpakatanga at hayaan siya patayin tayo? Sa kakaganyan niyo baka mamatay nalang tayo dito." Saad ni Rose.
"Stop!" Awat ko "Wag nga kayo magkagulo. Kunin nalang natin si Bryan at bumalik sa camp, at tungkol kay Asprid, pagmasdan muna natin siya bago gumawa ng kilos. Mahirap gumawa ng isang bagay lalo't pinagsususpetsahan palang natin siya."
"Sige, tara tanggalin muna natin si Bryan at bumalik sa camp." Sabi ni Elijah
"Tara!" Sangayon ni Mazuzuki.
"Ang bobo." Bulong ni Rose.
Nagsimula na kaming kumilos. Tinanggal namin ang lubid sa katawan ni Bryan. Binaba namin ito at binuhat nila Dominic at Elijah.
Sinimulan na namin maglakad pabalik sa aming camp. Lakad lang kami ng lakad habang dala nila Dominic at Elijah si Bryan. Ilang saglit ay nakarating nadin kami sa aming lugar.
Nilapag nila Dominic at Elijah ang katawan ni Bryan.
"Aspriddd!?" Tawag namin.
"Aspriddd!?" Tawag namin muli at biglang lumabas sa Asprid sa tent niya na pupungas pungas pa ng mata.
"Bakit guys? Saan kayo pumunta?" Tanong nito.
"Ah, wala." Sagot ko at ngumiti ng peke.
Totoo ka ba Asprid? Is that is your real self? Or the other one, the fake one who is the master in this game?
"Ahh." Ani nito.
Tiningnan ko ang mga kaibigan ko sa likod at parang sinasabi na 'makisama nalang kayo"
"Guys, magayos muna tayo at maghanap ng makakain para may breakfast man lang tayo."
"Ako na sa kahoy Gwyneth!" Sabi ni Mazuzuki na nagtaas pa ng kamay.
"Sama ako Bro!" Sabi ni Elijah.
"Ge." Sagot ni Mazuzuki
"Maghahanap naman ako ng prutas sa mga puno puno." Sabi ni Mae. "Samahan mo ko Krystal?"
"Ah o-ok?" Sagot ni Krystal ng Wala sa sarili at ngumiti kay Mae.
"Sige. Mag ingat kayo ah?" Saad ko at tumuloy na sila sa pagalis.
Tiningnan ko ang mga natira. Pumunta sila sa kani-kanilang tent at yung iba naupo.
This was the third day, monday. Ang araw na dapat naming uwi, at ngayon? Naguguluhan na ako. I dont know what to do. I dont know what to decide.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napakahirap gumawa ng kilos at desisyon. This was a life and death matter na one wrong move and it will all affect everything. Everything and everyone. It's hard.
Ako pa naman ang nagsisilbing leader sa amin. I am the one who is leading the way to them, so if i lead them to the wrong path. It will backfire to me, no, not only me, Us.
Kaya merong pressure sa akin. Merong tension. Im the leader, so i should have my stand. I should have my plan, desicion and action.
Tatlong araw na kami pinaglalaruan ng tao na nasa likod nito. Tatlong araw. And now? Ano? Nasaan kami dinala ng plano at desisyon kong mag stay kami dito? Saan? The wrong path, the wrong way.
Akala ko siguro nun ang galing ko, matalino, leader and i have the authority. Inisip ko pa si Rose na ang killer na medyo hindi tumutugma. At Ngayon nararamdaman ko ang guilt sa sarili ko. I taste the bitter and sour taste of my wrong desicion. Mas lalo ko silang nilapit sa kapahamakan. And now, im paying for it.
"Im not a good leader." Bulong ko sa sarili ko.
Krystal
Tahimik lang akong naglalakad kasama si Mae sa paghahanap ng makakain namin. Nagsasalita siya na hindi ko naman pinapansin. Iniisip ko parin kasi yung nangyari kanina.
Bryan
Bakit Kailangan mangyari to sa amin? Bakit Kailangan siyang kuhanin sa akin? Bakit Kailangan mawala siya?
Ansakit. Bakit ganoon? Kung kelan kakasimula palang ang love story namin ay na wakasan agad? Winakasan ng isang demonyo.
Bigla kong naramdaman ang galit na nanalaytay sa katawan ko. Im soft, fragile, and innocent. Hindi ko kayang magalit sa tao, pero ngayon? Sobrang galit ang nanalaytay sa katawan ko.
Galit ako, galit ako sa demonyong gumawa nito kay Bryan! He doesnt deserve to die. He doesnt deserve to be killed. Ang dapat na mamatay ay ang may kagagawan nito! Siya ang dapat mamatay at sinusunog sa impyerno!
He or she is evil. Napakasama niya. Paano niya nagawa pumatay ng isang tao na kaibigan pa man niya din?
Napakahirap talaga magtiwala ngayon sa mga kaibigan ko. Hindi ko na alam kung sino ang kakausapin ko at lalapitan. Ang tao dapat na kasama ko sa pagharap nito ay wala na.
He die because of the monster, the devil or the culprit.
Now, tinanggal ko ang totoong ako, i changed it to the other one. The tough and strong Krystal. Hindi na yung soft and sweet na ako. I need to change. Hindi nakakatulong ang pagiging mahina ko dito.
Sometimes, pain can really change you to another person. Pain can make you strong. Sa nangyari sa akin, natuto ako. I don't need someone's help. Kaylangan ko matuto mag isa. Kaylangan ko tumayo sa sariling paa.
"Krystal? Uy?" Ani ng katabi kong si Mae dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Kanina ka pa tulala at para kang papatay sa tingin mo. Kanina din pa ako nagsasalita at hindi ka ata nakikinig. Iniisip mo si Bryan?" Tanong nito.
"Wala." Nasagot ko nalang. "Pagpatuloy nalang natin ang paghahanap ng makakain natin Mae nang makabalik agad tayo."