Chapter Eight

980 Words
Another Day, Another Hope Or Another Day, Another Problem Chapter Eight Mae BINUKSAN ko ang labasan ng tent at tiningnan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko habang hinaharang gamit ang braso. Panibagong umaga, panibagong pagasa. Its monday. Dapat ngayon ay tapos na ang project at nakauwi na kami kahapon at nasa school ngayon, but a tragedy happen. A misfortune. A trial of life. A problem. Pero kahit na may ganito kaming nararanasan na problema, dapat maging matatag kami at matapang. We need to be strong and brave to surpass this test of life, just like me! Im a optismistic kind of a person that always thinks that life is wonderful and colorful if you just only look at the brighter side. Iniisip ko nga na mawawala din tong nangyayari sa amin. Titigil din ang gumagawa nito o kaya mahanap namin siya. I believe in saying that 'There's always a rainbow after the rain' kaya pag natapos na namin tong pagsubok nato, dadating si spongebob at luluwa ng rainbow at sasabihing 'Its wonderful' tapos tatawa siyang 'nyahahaha' Silly. Lumabas na ako ng tent at naglakad-lakad. Tiningnan ko ang paligid. Ako palang pala ang gising. Tulog pa ata silang lahat at nage-enjoy sa mga napapanaginipan nila. Lumakad ako papunta sa gubat. Patingin-tingin ako kaliwa't kanan, pinagmamasdan ko ang kagandahan ng kagubatan. May maririnig kapang mga huni ng ibon na kay ganda sa pandinig. Hayyy. Napakaganda ng buhay. Napakasarap. Hindi lang yun nakikita ng ibang tao dahil nabubulag sila ng kinakaharap nila at kanegatibohan. Nagiging sarado na ang utak nila dahil sa dinadalang problema. Binalik ko na ang paningin ko sa harap at nagulat ako sa nakikita ko. Napatakip ako sa bibig ko at umatras ng hakbang dahil sa nerbyos. "Oh. My." Bigkas ko. Si... Si Bryan. Totoo ba 'to? Walang halong biro? Bigla akong nanghina sa nakikita ko. Nakabitin patiwarik si Bryan, nakatali sa paa niya ang isang lubid na nakakabit sa puno. May mga dugong nakakalat sa kanyang katawan at maawa ka sa kanyang itsura ngayon. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa katawan ni Bryan. Grabe lang talaga. Hindi ba talaga to ititigil ng killer? Hindi manlang ba siya nahahabag sa pinaggagawa niya? Wala ba talaga siyang awa? Minsan pinipilit ko nalang gawing positibo ang iniisip ko dahil ayoko mag-isip ng hindi maganda. Ayokong mabuhay sa kalungkutan. Ayoko maging boring ang buhay ko. Ayoko na magkatotoo ang mga bagay na hindi maganda na iniisip ko. I just want to enjoy the every second of my life. I just want to fill my life with full of happiness. I want my life to be worth it. Pero, minsan talaga hindi ka na makakangiti pag may dumating na dagok sa buhay mo. Problema at pagsubok na mahirap lagpasan na sabi ko sa isip na laging may wakas ang problema at may katapusan, at sa katapusan ng isang problema ay makukuha mo ang hinahangad mong premyo, pero dito? Hindi ko alam. Ang iniisip kong ititigil na ito ng killer ay parang hindi na magkakatotoo. Magiging isang ilusyon nalang. Isang ideya na akala ko ay mangyayari. Wala siyang awa. Wala siyang habag. Wala siyang malasakit. Kaya hindi na dapat ako umasa dahil ang dapat kong gawin ay mahanap siya o mahanap namin siya. Hinawakan ko ang mukha ni Bryan at tiningnan. May nakita akong papel na nasa loob ng bibig niya. Nadidiri man ay kinuha ko at tinago muna sa bulsa. Lyn "Guys! Si Bryan!" Pahiyaw na sabi ni Mae. "Bakit?" Tugon ni Jericha. "Nakabigti siya! Tara, bilis!" Ani ni Mae. Nagsimula kaming sumunod kay Mae. Tumakbo kami at nakita namin ang sinasabi ni Mae. Si Bryan. Walang buhay at nakabitin. "May namatay na naman." Sabi ni Gwyneth. "Nabawasan naman tayo ng kaibigan." Sabi ni Drake. "Paano na to? Ano nang mangyayari sa atin?" Sabi ni Greg. Nanaig ang katahimikan. Lahat kami ay nakatingin sa walang buhay na katawan ni Bryan nang biglang may humawak sa mukha nito. "Br-Bryan." Sambit ni Krystal at may tumulong luha sa kanyang mata. "Bakit?" Kagat labi na sabi ni Krystal habang lumuluha "Bakit kaylangan mangyari to? Bakit!?" "Napakasama niya!!! Wala siyang awa!" Sigaw ni Krystal na nagkukuyom sa galit. Nilapitan na siya nila Gwyneth at Dominic. Nilayo nila sa katawan ni Bryan si Krystal at medyo lumayo sila ng kaunti sa amin. "Kawawa naman si Krystal." Sabi ni Mazuzuki. "Kaya nga e." Sangayon ni Jericha "Guys, may nakita akong papel sa bibig ni Bryan kanina. Eto." Sabi ni Mae at may nilabas na papel galing sa bulsa. "Ano yan Mae?" Tanong ni Greg. "Hindi ko alam?" Sagot ni Mae at nagtaas ng balikat. "Patingin nga Mae." Sabi ni Jericha at kinuha saka binuklat. "Anong sabi diyan?" Tanong ni Rose. "Ang nakalagay ay..." 'Clue: It was Science Lab and my name is 3 and 7. -Killer' "Clue? Science lab at 3 and 7? Paano yun?" Saad ko. "Ang gulo? Pangalan ng killer ay 3 at 7? 3 plus 7 ay equals sa 10? Ten ang pangalan niya? Shh. Paano magiging pangalan niya yan? Kahit na ako magaling sa math ata di masasagot iyan?" Sabi ni Drake. "Anong problema?" Tanong ni Gwyneth nang lumapit sa amin. "Ok na si Krystal?" Tanong ni Jericha. "Medyo. Pinapatahan ni Dom. Ano pinaguusapan niyo?" Tugon at tanong ni Gwyneth. Inabot ni Jericha ang sulat at kinuha naman ito ni Gwyneth at binasa. "Hmm. 3 at 7? So, ito ang clue ng killer?" Sabi ni Gwyneth at tumatango tango. "Wala si Asprid?" Tanong ni Elijah. "Ha? Oo nga? Nasan si Asprid? Siya ang natatanging wala dito?" Saad ni Reggie. Si Asprid? Siya naman talaga ang may kagagawan ng mga sugat ko kahapon. Hindi ko lang masabi ang totoo dahil natatakot ako. Hindi ako nahulog sa puno at bumagsak. Hiniwa niya ang pisngi, braso at tuhod ko at tumakbo. May mga sikreto at lihim na dapat itago. " Nasaan na yun? Hindi ba natin kasama pumunta dito?" Tanong ni Jericha. "Nagtataka na talaga ako kay Asprid. Siya kasi ang suspect ko sa pagiging killer e." Sabi ni Elijah. "Ako din. Pinaghihinalaan ko na si Asprid." Saad ni Drake. Nakita ko na palapit na sila Dominic at si Krystal na medyo ok na. "Oh? Ano na?" Tanong ni Dominic. "Si Asprid. Si Asprid ang tingin naming killer." Sagot ni Gwyneth. "Anong gagawin natin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD