Fear is only for weak
Chapter Seven
Elijah
NAGLALAKAD kami ni Bryan pabalik sa camp. Gabi na at sa tantiya ko ay mga alas'otso na ng gabi. Kakatapos lang namin kumuha ng mga kahoy para gawing pangsiga sa apoy.
"Sa tingin mo Dude. Totoo ba ang sinasabi nila Lyn at Asprid?" Tanong sa akin ni Bryan.
Nilingon ko siya.
"Hindi. Halata naman na parang nag-sisinungaling sila. Hindi naman sisigaw ng ga'nun si Lyn kung nalaglag lang siya sa puno. Parang may sikreto sa likod ng nangyari kanina. Hindi ko lang alam kung ano iyon basta ang sa tingin ko ay si Asprid talaga ang may kagagawan 'nun o kaya may tao pa sa likod nito."
"Grabe Dude. Parang ina-nalyze mo talaga ah?" Saad ni Bryan.
"Basta. May sikreto talaga sa nangyari kanina. Una palang, si Asprid na talaga ang suspect ko."
"Paano mo nasabi?" Sabi ni Bryan.
"Nung nilibing si Claire parang wala siyang paki at nang nagdadasal tayo, tinitingnan niya lang tayo na walang bakas ng pakielam. Sinabihan ko panga siya ng 'Your going to die' nang madaanan ko siya sa inis ko dahil sa tingin ko ay siya ang killer. Lalo lang nadagdagan na siya nga ang killer."
"Hindi kaya pinagplanuhan to nila Lyn at Asprid?" Ani ni Bryan.
"Paanong pinagplanuhan Bry?"
"Na sasabihin ni Lyn na nahulog siya ng puno, habang si Aprid naman ay tumatakbo pabalik ng camp. Plinagplanuhan nilang mag-sinungaling." Sagot nito.
"Hindi e, Sa lagay kanina ni Lyn parang hindi niya alam ang isasagot kanina sa atin. Parang naisipan niya lang isagot na nahulog siya? Basta! Ang gulo. Huwag muna natin isipin."
"Isa lang naman iniisip ko." Sabi ni Bryan.
"Ano?"
"Kaligtasan ni Krystal." Sagot nito.
"Nako Loverboy. Umamin kana kasi na hindi lang bestfriend ang tingin mo sa kanya. Tsk. Yan ang hirap sa atin e. Torpe haha."
"Tss ewan ko sayo EliJah, tara na at baka hinahanap na nila tayo." Ani nito at naunang maglakad sa akin.
Napikon pa ata si Bryan. Nag-simula na din akong maglakad pabalik sa camp, Naglakad kami nang naglakad hanggang sa marating namin ang camp.
"Gwyneth!" Tawag ni Bryan.
Nilingon siya ni Gwyneth.
"Oh?" Tugon nito.
"Saan ito ilalagay?" Ani ni Bryan.
"D'yan lang. Salamat." Sabi ni Gwyneth at tinuro ang gitna ng camp.
Pumunta kami sa gitna at nilagay ang mga kahoy na nakuha.
"Tsk. Makakapagpahinga din." Saad ni Bryan.
"Doon muna ako Bry sa tent ko." Pagpapaalam ko.
"Sige lang." Sagot nito.
Nag-simula na akong pumunta ng tent ko at pumasok. Kinuha ko ang bag ko at nilabas ko ang mga gamit na mag-liligtas sa akin sa trahedyang ito.
Baril at isang bentey'nuwebe. Ito ang mga armas na pwede kong panglaban sa kanya.
Ang mga gamit na ito ay bigay sa akin ng Daddy kong police. Binigay niya sa akin to para gamitin pang laban sa masama at sa pang sariling kaligtasan.
Wala sa aming pamilya ang pagiging duwag at matatakutin. Fear is only for weak and coward. Hindi ako takot ipaglaban ang buhay ko, Im brave and tough to stand on my own feet.
Kaya kung sino man ang nasa likod nito. Hindi ako natatakot sa kanya. Im willing to kill him or her without situation and mercy, wala akong pake kung kaibigan ko pa siya.
An eye for an eye, a tooth for a tooth my friend.
Bryan
Badtrip. Yan ang nararamdaman ko parin ngayon habang mag-isang nakaupo dito sa log at nakangalumbaba. Mga alasjis na rin ata ng gabi at ako nalang ang mag-isa dito sa labas.
Shit kasi tong si Elijah e. Kung ano-ano sinasabi kanina sa akin. Torpe daw. Tss. Hirap kaya umamin sa babaeng gusto mo lalo't best friend mo. Mamaya ireject pa ako ni Krystal at sabihin na hanggang best friend lang talaga ako. Hindi niya kasi alam kung ano ang pakiramdam at mangyayari.
Pag nireject ako syempre umamin ko, magkaka gap at awkwardan. Pero depende padin. Hays. Aamin na ba ako? Ang gulo. Damn.
"Ok ka lang Bry?" Tanong ng kilala kong tinig. Krystal.
Inangat ko ang mukha ko at nakita ang babaeng gusto ko na best friend ko.
"Ye-yeah? Ikaw?"
"Ok lang din. May problema ka ba? Kanina pa kita nakikitang tulala. Ano ba iniisip mo at nagpapagabi ka ata?" Tanong nito.
"Ikaw." Bulong ko at tinagilid ang ulo.
"Huh? 'Di ko narinig. Ano yun?" Saad nito.
"Wala. Wala yun Bespar. Wag mo na isipin."
"Nye. May narinig kaya ako. Parang narinig ko ata ay 'Ikaw'. Ako ba? Uy! Bakit mo ako iniisip ha? Ikaw bespar ah. Ano meron sa akin?" Sabi nito.
Tiningnan ko siya nang direkta sa mata at umubo para ayusin ang boses ko. f**k! Is now or never.
"I like you." Sabi ko at tinitigan siya lalo nang maigi sa mata.
Nagulat siya sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala. Palipat lipat ang tingin niya at binalik sa akin.
"Ako? Seryoso ka Bryan? Huwag mo nga ko lokohin Bespar." Sabi nito.
"Im telling the truth Krys. Pwede bang maging tayo?"
Finally. I have said the words that i had kept for a long time ago.
Tiningnan ko siya. Nakatingin din siya sa akin ng diretso.
"Ok." Ani nito.
"Ok?"
"Ok. Oo, tayo na." Sabi nito at ngumiti. "I like you too Bryan, ayoko lang umamin. Its a dignity for a women. Haha basta."
"Seryoso?" Sabi ko nang di makapaniwala.
"Ayaw mo?" Tugon nito.
"Gusto! Hindi lang ako makapaniwala." Sabi ko at yinakap siya na ginantihan niya rin naman.
"Ok. So, matutulog kana?" Sabi nito sa akin at bumitaw ng yakap.
"Yes." Sagot ko at ngumiti sa kanya .
"Oh, tara na at bumalik na sa mga tent natin. Gabi na. Bukas nalang." Sabi nito.
"Sige. Goodnight." Sabi ko at kiniss siya sa noo.
"Goodnight too." Sagot nito at ngumiti.
Naghiwalay na kami at nag-simula na akong pumunta sa tent ko. Binuksan ko ang zipper ng tent at gumapang papasok at humiga.
Nakangiti ako habang nakatingin sa taas ng tent ko nang biglang may pumasok.
"Oh? Bakit?" Tanong ko.
Ngumiti ito sa akin at unti-unti lumapit.
"May kailangan lang ako Bry." Tugon nito.
"Uhm?"
Bigla siyang may nilabas sa likod niya at biglang sinaksak sa dibdib ko. Paulit-ulit niyang ginawa iyon nang walang awa na parang demonyo.
Siya? Bakit? Bakit nagawa niya ito?
Napatingin ako sa kanya habang nakataas ang kutsilyo niya.
"Goodnight and sweetdreams." Sabi nito at ngumiti saka muling sinaksak ang kutsilyo sa dibdib ko.
Hindi ko na kaya kaya pinikit ko na ang aking mga mata at binalot ng karimlan.
Paalam Krystal.