Chapter Six

925 Words
Do not bite the trap so you won't get hurt Chapter Six Drake PROBLEMS? Hindi na yan mawawala sa atin. Hindi naman sa atin ibibigay yan kung hindi natin kaya. We're just being tested how far we can go. Just like math. Dahil favorite subject ko 'to, I'll relate this real life situation into a math problem. Sa isang problem sa math, there always a formula to find the solution in a problem. In our case, dapat makahanap ka ng hint para malaman mo ang killer dahil kung hindi ka makakahanap, hindi mo siya malalaman o sa math problem, hindi mo siya masasagutan. If you didn't get the right answer, you will failed. Dito sa nangyayari sa amin, you will die. Mahilig ako mag green jokes sa kahit sino kaya pag nag biro ako sa mga kaibigan ko ay tinatawag nila akong maniac. Hindi naman talaga ako ganun. Yun lang agad ang naiisip nila pag nag green joke ang isang tao. Logicaly thinking. Tiningnan ko si Lyn na inalalayan ng mga kaibigan ko. Kung iisipin ang bilis ng pangyayari. Parang kanina lang nilibing si Claire at ngayon ay may mga sugat si Lyn sa kanyang katawan. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. '1:26' Kanina lang nakabalik kami ng camp ay saktong 1:00 PM at ngayon naman may nangyari kay Lyn. Sino kaya ang gumawa nito kay Lyn? Siguro naman alam ni Lyn kung sino ang gumawa niyan sa kanya. Lumapit ako sa kanila. "Anong nangyari Lyn at bakit may mga sugat ka?" Tanong ni Gwyneth "Wa-wala. Triny ko kasi umakyat ng puno kaso nahulog ako kaya nagkasugat ako." Sagot nito habang nakatingin kay Asprid ng mariin. Tiningnan namin si Asprid. "Ikaw Asprid? Anong dahilan bakit tumatakbo ka kanina?" Tanong ni Jericha. "Wa-wala. Its just nothing." Sagot ni Asprid "Hmm. Bumalik muna tayo sa camp para gamutin ang sugat ni Lyn." Ani ni Gwyneth at nag-simula ng mag-lakad. Tiningnan ko muli si Lyn na inaaalalayan ngayon at sunod naman kay Asprid na nagsisimula ng maglakad. Lies. Kasinungalingan ang mga sinasabi nila. Tiningnan ko ang puno na malapit na pwedeng akyatan. Kung sinabi ni Lyn na umakyat siya ng puno, bakit Parang hindi man lang nagalaw ang mga dahon at sanga sa mga punong malapit? Parang walang bakas na umakyat siya ng puno. May tinatago ba siya? O may prinoprotektahan siya? Si Asprid. Kanina nakita namin siyang tumatakbo ng parang hindi alam kung saan pupunta at wala sa sarili. Nung nilapitan namin siya at tinanong kung bakit siya tumatakbo at siya ba yung sumigaw ay ang sinagot niya ay Uutal-utal at hinihingal na 'Wala lang. Tumatakbo lang ako.' At ang kasunod na hindi natapos na 'Oo ako yung sumi---' Kung iisipan sa sinabi ni Asprid na 'Oo ako yung sumi---' ay malalaman natin agad ang kaduktong. Sumigaw. Ang tanong namin ng lapitan namin siya ay 'Ikaw ba yung sumigaw? Anong nangyari bakit ka tumatakbo?' Kaya malamang na sumigaw ang kaduktong nun na hindi natuloy dahil sa isang sigaw ng humihingi ng tulong kundi si Lyn. Hmm. Kung iisipin, pwedeng si Asprid ang gumawa nun kay Lyn. Hindi naman siya magiging balisa at parang nagmamadali kung hindi siya ang gumawa nun. Ganoon ang nangyayari sa isang tao pag may ginawang hindi maganda. Kaso bakit ayaw aminin ni Lyn ang totoong nangyari? At bakit naman naisip niyang mag-dahilan na alam namang niyang may butas at pwedeng masabi na hindi totoo? Ang gulo, basta ang nasa isip ko ay si Asprid ang gumawa nito kay Lyn. Siya ang main suspect ko ngayon bilang killer. "Bro? Bro-oooh." Ani ni Mazuzuki habang winawave ang kamay niya sa mukha ko na nagpabalik sa akin sa realidad. "May iniisip kaba? Tara na. Tayo nalang ang natira." Saad ni Mazuzuki. "Tara na." Sagot ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa camp. Rose "Ano ba talaga ang totoong nangyari? Lyn at Asprid." Ani ni Gwyneth habang tinitingnan si Lyn na ginagamot ni Jericha at sunod ay kay Asprid. "Totoo ang sinasabi ko, umakyat talaga ako ng puno Gwyneth pero bumagsak ako at tumama ang katawan ko sa mga sanga." Sagot ni Lyn. "Ikaw, Asprid?" Sabi ni Gwyneth at tiningnan si Asprid. "Pabalik na ako ng camp at nakarinig ako ng tulong. Natakot ako na puntahan yun mag-isa dahil baka andoon ang killer. Yun ang totoo." Sagot ni Asprid. "So, this all just a coincidence? Na si Lyn ay bumagsak sa puno at si Asprid na tumatakbo pabalik dito? Wala naman palang kwenta! Im getting tired of the drama. Tss." Sabi ko ng may inis at umupo sa isang log at nangalumbaba. Tiningnan nila ako at binalik ang tingin sa nangyayari. "So, yun lang yun?" Sabi ni Mae "Kaya nga? Naisip pa naman namin na may nangyaring masama sa inyo Lyn at Asprid." Sabi ni Krystal. "Next time kasi wag mo na itry umakyat ng puno Lyn. Babae ka at wala kang kasama. Delikado." Sabi ni Dominic "So-sorry." Sabi ni Lyn. So dramatic. Tumayo na ako at naglakad paalis. "Saan ka pupunta Rose?" Tanong ni Bryan. "Sa tent." Sagot ko ng walang gana. Hindi ko na kaya ang mga drama. Simple lang ang nangyari pero pinapahaba. Ang daming alam. Bwisit. Pumasok na ako sa tent ko. Bakit ba kasi naisipan pang mag stay dito? An ta-tanga lang e. Hindi sila marunong mag-isip. Tsk. Mga walang kwentang kaibigan. Lagi nalang sumusunod sa leader-leaderan na Gwyneth. Pati si Jericha na pinaka best friend niya sa lahat na nag mumukhang assistant niya. Tss. Dapat ako nalang ang leader, para hindi nangyayari 'to. Letche, letche at letche. Bwisit na buhay. Bakit pa ako nadamay sa walang kwentang pangyayaring to? Hindi na ako natutuwang mag stay pa dito sa gubat. Sino ba kasi ang may pakana ng matigil na ang kalokohan? Nakakairita. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng makakain. Kakain nalang ako kesa isipin pa ang mga walang kwentang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD