Chapter 33 "Used to" “Santi, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Ayalyn na nakadungaw sa cubicle ko. Napakurap-kurap naman ako at napatingin sa spreadsheet na nasa monitor ko, kung ano-ano na ang mga nakatype doon. Inangat ko ang kamay ko na wala sasariling nakadiin sa keyboard. “O-okay lang ako.” I took a deep breath. “Lunch?” “Sige. Close ko lang ‘to.” Tumango naman siya at bumalik sa cubicle niya. Mabilis kong tiningnan kung ano na ang nakalagay sa monitor ko. I had to undo it. Sinara ko na muna pansamantala at tumayo na. Sabay kaming bumaba papunta sa canteen. With our food on the tray we sat in our usual table. Magkatabi sina Sitti at Ayalyn nasa tapat naman nila ako. Tahimik akong kumakain, hindi sumasabay sa usual na kwentohan. Pansin

