Chapter 11 "Intangible" Kanina pa siya lumabas pero naiwan sa pinto ang tingin ko. I sighed dreamily. Tiningnan ko ang laman ng mga paper bags. Bagong-bago at halatang mga mamahalin ang mga ito. May pantulog, casual at may underwear din! Kumuha ako ng isang pares ng pajama at panty saka pumasok sa banyo. Naghalf bath lang ako. Natuwa pa ako sa heater. Pinakialaman ko na ang kabinet na may lamang mga toiletries. Kumuha ako ng toothbrush at ginamit iyon. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Dinama ng mga kamay ko ang malambot na mattress pagkahiga ko. Nagpagulong-gulong ako sa malapad na kama. You don't get to enjoy this everyday. Dahil siguro nakatulog ako kanina hindi na ako inaantok. Naaliw na ako kakaikot dito sa kama. Ang bango-bango pa ng kumot at unan. I feel like a queen.

