Chapter 16 "Rest" Maraming mata ang lumuwa at leeg na nabali upon seeing the vocalist of Kampo Juan in front of our boarding house gate. Si Aling Barang na nasa loob at nagwawalis ay nabitawan pa ang walis tingting. Si Girly na nagdidilig ng halaman ay hindi na nakagalaw pa. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tumikhim ako at sinubokang balewalain ang mga nanunuod. “You better do what you said.” Paala ni Juancho tungkol sa pagakyat ko ng bakod. I nodded obediently. “Call me or text me, if you need anything.” I nodded again para huwag na humaba pa ang usapan at nang makaalis na siya. Hindi na ako komportable sa atensyong nakukuha. Napansin ko pa ang paglabas ng kapit-bahay namin para maki-usyoso. Hindi pa ba siya aalis? Para naman siyang magulang na nagbibil

