Skye's POV Agad na pinatay ko ang shower faucet upang maayos na marinig ko ang mga sinasabi ni Moon mula sa labas ng pintuan ng banyo ko matapos niya itong katukin ng tatlong beses. "Skye! Ang tagal mong mag shower!" Seriously? Ang akala ko ay kanina pa niya nilisan ang condo unit ko dahil sa pagkakaalam ko ay may kailangan din pa siyang asikasuhin sa paaralan nila. "Why are you still here?!" Pasigaw na sagot ko naman sa kanya upang malinaw na marinig din niya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo pa ako napapatawad sa kasalanan ko! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko pa natitikman ang goodbye kiss este ang goodbye hug mo!" Di ko naiwasang mapangiti sa kakulitan niya though I know she deserves this. "Hindi ka pa nga nagso-sorry sa akin, gusto mo ng agad ay kunin ang patawad ko

