Skye's POV "Wala pa ba si Moon?" Naitanong ni Star sa akin. Napagdesisyunan naming kumain ng lunch na lang together since pareho naman pala kaming hindi tambay sa bahay ngayon. Kagagaling lang ni Star sa Salon upang magpagupit at magpakulay ng buhok. Kakaalis ko lang din ng studio with my Mommy Loree and Mom Rian for our family photoshoot na ifi-feature sa next magazine ng Monjey comp., na pag-aari ng Lola Fere ko, ang kakambal ng lola Lenella ko, ang mom ng mommy Loree ko. Sorry kung medyo nalilito kayo. He-he. "Eh si Milky Way?" Naitanong ko rin sa kanya. "Na traffic daw but she'll be here in a while." Nakangiting sagot naman niya sa akin. "Saan ba siya galing?" "Kinausap pa 'yong manager ng construction nila. Utos ng dad niya." "Hmmm, mukhang you're getting to know her more ah. T

