Star's POV 9pm. "Star! Tumunog 'yong phone mo, may text ka ata!" Sigaw sa akin ni kuya mula sa sala. Agad na tumungo na rin ako roon matapos kong kumuha ng tubig mula sa ref. From: Moon Hey! Huh? Aba hini-hey hey na lang ako nitong isang 'to?! Nakataas ang isang kilay na umupo ako sa tabi ni kuya sa Sofa bago nagreply sa mensahe ng pinsan ko. To: Moon Hey your face too! "Akin na lang." Narinig kong sabi ni kuya bago niya mabilis na kinuha ang baso ko sa kamay ko. "Ugh akin 'yan eh!" Reklamo ko naman habang nakasimangot na pinagmamasdan ang mabilis na pag-ubos niya ng laman na tubig nito. "Kuha ka na lang ulit doon." "No! Ikaw na naman kumuha para sa akin roon!" *c***k* (Tunog 'yan ng message tone ko. Lol oh di'ba unique 'no?) From: Moon I miss you Watda?! Ano na naman ang tr

