Unknown POV 9 years ago (Grade 3) "Ang sama-sama niyo! Bakit ayaw niyo ako isali sa laro niyo?!" Halos maiyak ko ng tanong sa mga kaklase ko. Gumagaralgal na rin ang tinig ko dahil sa pagpipigil ng luha. "Kasi kulot ka! Salot ka! Alis dito, doon ka!" Pagtataboy sa akin ng isa sa mga kaklase ko. "Kasalanan ko bang naging kulot ako ha?! Gusto ko ring maglaro kasama niyo, isali niyo na ako!" "Maghanap ka ng ibang kalaro! 'Yong mga tulad mong kulot din!" Sigaw na sagot niya sa akin bago hinarap ang iba ko pang mga kaklaseng kalaro niya, "Lipat tayo ng ibang lugar, nanggugulo na naman 'tong kulot na 'to eh!" Yon lang at nagsitakbuhan na silang lahat palayo sa akin. Di ko na kinaya pang pigilan ang mga luha ko. Nakakuyom na lamang ang mga kamay na tinungo ko ang isang malaking puno rito sa

