Star's POV
*GOR (Grand Oral Recitation) in our Soc Sc 121A: Life and Works of Dr. Jose Rizal.
"Hello Ms. Herdez. Kumusta?" Abot tengang mga ngiting tanong sa akin ni Mr. Pochi, ang baklang Soc Sc Instructor namin.
Yes! You heard este read it right! He's gay. At... mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako to the point na parang ako na lang ang palaging nakikita niya rito!
Hello, sir? 37 po kaming mga students mo rito! Ba't ako na lang parating tinatawag mo? Huhu T_T
"O-okay naman po, sir." Kinakabahan kong sagot sa kanya ngunit di ako nagpahalata.
"Mabuti naman. Madali lang naman ang mga inihandang tanong ko eh. Nasa kabanata isa hanggang tatlo pa lang naman tayo di'ba? At nakapag-review ka naman na kasama ang pinakakinamumuhian kong babae rito di'ba?" Aniya na ang tinutukoy na kinakamuhian nito ay si Skye.
Yes, he hates Skye dahil sa sobrang kagandahang taglay nito. Idagdag pa ang katalinuhan at ang mahinhing mga galaw nito. He hates her nga kasi insecure kamo! Haha, but well, flat 1 pa rin naman ang mga grado ni Skye sa kanya. Siya pa rin ang top student. He hates her sa mga aspect lang na 'yon pero hindi kasama roon ang pagbibigay ng grado niya.
"P-paano niyo po nalamang nag review kaming magkasama ni Skye kahapon?"
"May naka-tag na photo kasi sa f*******: mo. Abala kayo sa pag-aaral ni Skye. Stolen ata eh kaya di niyo siguro napansin. At siyempre friends tayo roon kaya nakita ko."
Nasapo ko ang noo ko nang nagkaroon na ako ng hint kung sino ang may gawa 'non. MOON!!!
"Di mo pa siguro nakita, ano? Alam mo ba kung anong caption ang nilagay ng uploader doon?" Dagdag tanong niya pa.
Mabilis na napatingin ako kay Skye. Siya man din ay halatang kinakabahan.
"A-ano po yun, sir?"
"The Masterbating Queen Star is having a review together with the Goddess Skye."
Oh syet! Lagot ka sa akin mamaya Moon!!! Ughhh!
Ayan na, nagsisimula nang magtawanan mga ka blockmates namin! Huhuhu nakakahiya! Naintindihan kaya nila 'yong MASTERBATING na 'yon? Uwaaahhh!! Ang sarap mag suicide!
"When are you going to start asking questions in anent to your own subject, sir?" Biglang tumahimik ang buong silid sa biglang pagtatanong ni Skye. She emphasized IN ANENT TO YOUR OWN SUBJECT.
She's my heroine! She saved me from shame!
"Okay. I'm sorry class." Mr. Pochi apologized. "Okay then, simulan na natin ang Grand Oral Recitation."
OMG! This is it!
Skye's POV
"Let's go for the easy questions. Bawat isa sa inyo ay kailangang sumagot ng tatlong mga katanungan. Kapag nasagot niyo ang 3 questions nang tama, exempted na kayo sa midterm exam sa subject na 'to. Give me 3 correct answers I'll give you flat 1. Two correct answers you'll get 1.5. Give me one correct answer, you'll be graded 2. Give me no effort of answering the questions, I'll give you 3. Nakuha niyo ba?"
"Yes sir!" We all said in chorus.
"Okay, Ms. Marco? Maaari bang pumunta ka rito sa harapan?"
I nodded before standing up. Sumulyap ako sa nag-aalalang mukha ni Star saka siya nginitian telling her that I'll be fine.
The moment I reached the front, I then faced my blockmates with an exhale to ignore the anxiety.
"Number 1 question..." Ayan na. Magtatanong na si sir. "Can you give me the 35 professions of Dr. Jose Rizal stated in the book of Zaide's Second Edition?"
"Yes." Maikli kong sagot.
"Very good! Let's proceed to the next question!"
Haha, well, it's just a tricky question tho and it should only be answered by a yes or a no. Hindi niya naman tinanong kung kaya ko bang i-ENUMERATE sa kanya 'yon. Pero kung ganoon nga 'yon, alam ko naman din ang mga sagot doon.
I'm so proud of my brain!
"Number two. Who was Jose Rizal's only brother?"
Too easy.
"Paciano."
"Very good! Let's proceed to the last question!"
Tell me it's something hard. I find the last two questions so easy. I should have not reviewed.
"What stimulated the inborn artistic and literary talents of Jose Rizal?"
I know that! Nasa Chapter 2 'yan!
Napatingin ako kay Star. She looked so worried. Kung sa kanya siguro ito itinanong ay maaaring hindi niya ito masagot. But well, I know this.
"What stimulated Jose Rizal's inborn artistic and literary talents are the scenic beauties of Calamba and the beautiful garden of the Rizal family." I proudly answered before giving Mr. Pochi a slight smile.
Tinaasan niya lang ako ng isang kilay before giving me an applause. My blockmates followed. I returned to my own seat after.
"Congrats, bespwend! I'm so proud of you!" Star greeted me with matching beautiful eyes.
Baliw talaga.
"Ms. Herdez?" Tawag sa kanya ni Mr. Pochi.
"Oh my God! Ako na!" She inhaled exhaled before looking at me.
"Kaya mo 'yan. Tiwala lang." I said before she stood up and went in front.
"Okay, Ms. Herdez... Here's your first question. What is Jose Rizal's complete name?"
"Hah sir! Ang dali naman niyan! Hahaha! Siyempre... Jose Protacio Rizal Mer-Mercado- a-ano na nga 'yong apelyido ni Bea? 'Yong artista ba! 'Yong si ano ahhh naalala ko na!! Bea Alonzo!" Nagkamot siya ng batok sandali bago ipinagpatuloy ang pagsagot, "Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda! Hahaha! Akala mo hindi ko alam sir ha! Hah! Nag-aral kaya 'to! Hahaha!"
Sira talaga siya. Haha.
"Okay, nag-aral ka nga! 2nd question, sino ang pambansang bayani ng pilipinas?"
"Are you kidding sir? Lahat naman ata kayang sagutan 'yan eh!"
"So sino nga?"
"Si Jose Rizal siyempre!"
"Mali!"
Boo! Haha! Ibang klase rin mantrip si sir eh!
"Kailangan may Doctor! Dr. Jose Rizal dapat! Pero joke lang. Considered na rin 'yon. Let's proceed to the last question."
Isang tanong na lang at makakakuha ka narin ng flat 1, Star! Kaya mo 'yan!
"Ang huling tanong na sasagutin mo ay hindi mo makikita sa librong pinag-aralan mo kahapon pero napakadali lang nito! Kahit Grade 3 student ay masasagot ito!"
"A-ano 'yon?" Kinakabahang tanong ni Star kay Mr. Pochi.
"Kung si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas, ano naman ang pambansang hayo--?"
"WAHAHAHAHA! WAAAH! Wahahahaha! Pambansang hayop ba sir? Haha ang dali niyan eh!" Tawang-tawang sagot ni Star. Hawak-hawak pa niya ang tiyan niya sa kakatawa. Hindi niya rin pinatapos si sir muna.
Well, excited ata siyang sumagot. ^_^
"Sabi ko ngang madali lang. So ano ngayon ang pambansang hayop Ms. Herdez?"
Go Star! Alam kong alam mo ang sagot!
"Wahahahaha! Siyempre ASO sir! Hahahaha!"
Huwaaat?!!
(O_O) My face
(o_0) Mr. Pochi's face
(0_0) My blockmates' faces
Aso? Dog? SRSLY?
Nasapo ko na lamang ang noo ko... Star naman eh!
"Paanong naging aso naman ang pambansang hayop?" Mr. Pochi asked Star.
"Hahaha eh kasi aso naman ang alaga ng pambansang bayani! Di'ba? Di'ba Skye? Si Usman nga 'yon eh! Aso kaya si Usman! Kaya malamang kung ano yung alaga ng pambansang bayani, 'yon na rin ang pambansang hayop! Hahahaha! Tama ako sir di'ba?"
Kalabaw. Kalabaw ang pambansang hayop, Star! -_-
"Okay, Ms. Herdez. Thank you for that mala-Ms.Universe answer. You may now take your seat." Mr. Pochi said.
"Thank you! Thank you!" Malapad ang mga ngiting pasalamat naman ni Star. Nilagay niya pa ang isang kamay sa bewang at rumampa na parang kandidato kamo pabalik sa katabing upuan ko.
"Matalino na ba ako Skye?" She asked.
"Matalino ka naman, Star. Medyo shunga ka lang minsan. Hehe."
Binigyan niya lang ako ng masamang tingin.
--
Moon's POV
Naalimpungatan ako nang bigla na lang tumunog ang phone ko on my bedside table. Kitang-kita roon ang caller.
My Skye calling...
Agad ko siyang sinagot.
("Hello?")
("Moon! Can we talk? Importante lang. Punta kang condo ko after your class. May pag-uusapan tayo.")
("About saan ba?")
("About sa pagkakatali ko sa'yo at sa pagkakatali mo sa akin.")
("H-huh? Hindi kita maintindihan Skye.")
("Laters na lang, okay? Punta ka. Bye.")
("B-bye.") I said before she hanged up.
Alam kong tungkol sa arrange marriage namin ang gusto niyang pag-usapan. I just acted like hindi ko pa alam. Well then, mag-a-absent na muna ako ngayong araw na'to. Mukhang kakailanganin ko lahat ng lakas ko sa pag-amin ko ng nararamdaman ko sa kanya mamaya sakali mang gustuhin niyang ipakiusap sa mga magulang ko na ipacancel 'yon. 'Di ako papayag.
She doesn't know that this was my entire plan. Ang alam niya ay ang mga magulang namin ang may kagagawan.
--
Skye's POV
"Hey." Moon kissed my left cheek bago ako hinarap. Nakatagilid ako sa kanya because I'm making a sunny side up for us. Paboritong paborito namin itong palaman sa tinapay.
"Andito ka na pala. Doon ka na muna sa sala manood. I'll finish this muna." Utos ko sa kanya. Medyo nakakailang kasi 'yong tinigtignan niya ako ngayon.
"Mas maganda kang panoorin eh."
Napataas naman ang isang kilay ko saka ko siya hinarap. I crossed my arms and asked her, "And what do you mean by that?"
"Mas maganda rito kamo. Tipid na sa kuryente, busog pa ang mga mata ko." She replied with a wink.
Mas lalong napataas lang ang kilay ko at napailing na lang mismo. I can't find anything to say tho. But...
"Oh my God!" I shouted in shock. Oh no masusunog na 'yong itlog! Natataranta pa man ay inalis ko na ang isang malapit ng masunog na sunny side up egg gamit ang kutsara. I don't use any flat ladle in making sunny side up tho. Mas komportable ako sa spoon lang.
Nang kukunin ko na sana ang pangalawang sunny side up egg na ginawa ko ay biglang may tumalsik na mantika which causes me to step back a little, not knowing na masasagi ko na pala ng kamay ko ang frying pan sa pagmamadali kong kunin 'yon para hindi ma over cooked.
"Aww-ah-ouch!" Nasabi ko na lang nang mabitawan ko na ang kutsara pagkatapos kong mapaso.
What made me a little uneasy now is that... nasa bunganga na ni Moon 'yong middle finger ko. Mariin niya itong sinipsip sipsip through her tongue.
I can feel her teeth, her cold saliva, and... the care on her eyes the moment I looked at her looking at me, too.
Pero wait! Middle finger ko? Ang nasa bunganga niya ngayon? Oh no! Agad kong binawi ang daliri ko mula sa bunganga niya saka mabilis na hinugasan ito ng tubig sa gripo.
Hindi maganda 'yon... Lalo pa't middle finger ko pa? No!
"You okay?" She asked.
"Yes. Pero 'di mo na dapat ginawa 'yon."
"That was just the least I can do for now. The saliva helps in reducing the pain, doesn't it?" Kababakasan pa rin sa mukha niya ang pag-alala.
Nginitian ko na lamang siya bago siya itinulak papuntang sala. Ako na ang nag on ng TV para sa kanya bago muling bumalik sa kusina.
"Next time hindi na daliri mo ang sisipsipin ko! Haha!"
"Whatever, moon!"
"Whatever huh? Haha!"
'Di ko na lang siya pinansin pa at muling ipinagpatuloy na lang ang paggawa ng panibagong sunny side up dahil tuluyan nang nasunog 'yong isa.
--
Moon's POV
"Alam mo na bang tinali tayo nila sa isang approved marriage? I just can't spell them." Skye asked.
"Talaga? Arranged?" Sana makalusot ang acting ko sa kanya.
"Yes! Tayong dalawa ha? Tayong dalawa!" She unbelievably said.
"Eh? Ayaw mo ba Skye?"
"Hindi naman sa ayoko Moon. Pero pareho tayong babae and that's beyond abnormal!"
"Okay lang naman sa akin, Skye. Ano bang sabi nila?"
"Really? Okay lang sa'yo 'yong ganon? Wala silang sinabi maliban doon sa I should give it a try daw."
"And if you give it a try?"
"Di ko rin alam. Ayoko ngang subukan eh. I just can't imagine myself with a girl also. By the way, you said okay lang sa'yo kanina? Why Moon? Don't tell me hindi ka straight?"
"I am... dati. Noong 'di pa kita nakikilala."
Silence... Skye's beautiful face turned red for a moment.
"Please try this with me, Skye. If this would not work out, then you can have your freedom."