Chapter 3

1453 Words
Skye's POV Naririto kami ngayon sa bahay nila Star for a review. May grand oral recitation kami bukas at hindi namin dapat ipagbalewala 'yon. Mabuti na lang at wala si Sun. Sun is Star's brother, my first love who had played with my heart. By the way, Jay Sun Herdez was his complete name. 'Wag niyo na lang pansinin ang mga pangalan namin. Sisihin niyo si LYtein for giving us these weird names! Napalingon kami sa biglang pagbukas ng front door nila. Si Moon lang pala. "Hey, ate star!" Masayang bati niya kay Star at magiliw na binigyan ito ng mabilis na halik sa magkabilang pisngi. "Hello, Skye. You're gorgeous as ever." Binigyan ko lang siya ng ngiting matipid. "Oh, masaya ka na dahil nakita mo na ulit crush mo?" Nanunuksong tanong agad ni Star sa kanya matapos niyang maupo sa tabi nito. "Oo, hindi kumukupas, ang gwapo pa rin ng kapitbahay niyo eh." Masiglang sagot ni Moon sa kanya. May crush itong si Moon sa kapitbahay nila Star? Why don't I know? Maybe it's just between them. I should not interfere. "Malandi ka talaga. So nasaan na 'yong mga pagkaing ipinadala ko sa'yo?" "Kiss muna?" Moon was pouting for star's kiss. Aww. Ang sweet ng mag pinsan. "Sa cheeks lang ha! Ayokong sa'yo mapunta first kiss ko!" Star starts moving closer to Moon saka dahan-dahang inilalapit ang mga labi sa kanang pisngi nito. 4...3...2... inches... "Sandali lang ha? Ba't naman kita kailangan pang ikiss when in fact kundisyon ko na nga 'yang pagpapadala ko sa'yo ng pagkain para lang makita mo si hmmmmmfffpppttt-" Di na natapos pa ni Star ang sasabihin dahil agad tinakpan ni Moon ang bunganga nito. "Ano ka ba naman ate star, ginu-good time lang kita, kumagat ka naman! Kahit kailan ang OA mo talaga! Haha!" Napapailing na iniwas ko na lang ang tingin sa dalawa saka nagpatuloy sa pagmememorya. Tumigil naman ang dalawa sa pagkukulitan ngunit makaraan ang ilang minuto ay nagsimula na namang mangulit si Moon kay Star. "Ate star, nanaginip ako kagabi." "Oh tapos?" "Wala lang. Nakakadiri kasi." "Edi wow. Manahimik ka nga dyan! Nag-aaral kami ni Skye!" "Alam ko pero kasi ang panget ng panaginip ko talaga kagabi. Sobrang nakakadiri." Napatingin ako kay Moon. Ang kulit niya kasi. Ang kyuuut! Magkasing edad lang kami pero 'di naman maikakailang mas matured ako mag-isip kaysa sa kanya. "Wala akong panahon alamin 'yang walang kwenta mong panaginip!" Naiinip na sagot ni Star kay Moon. Gusto kong tumawa... talaga. Kasi ang ganda talagang asarin ni Star eh. Pero baka magalit sa akin kapag 'di ako nagpigil. "Kailangan mong malaman ate star!" "Ano bang kinalaman ko kasi diyan? Kita mo ngang nagco-concentrate ako rito oh!" "Eh kasi..." Nag-aalanganing sagot ni Moon. "Eh kasi ano?" Pilit ni Star dito. "Eh kasi ano... Ikaw kasi. Ano. Ikaw..." "Ano ngaaaaa!!!?" "Nagjajakol ikaw." Bigla kong natakpan ang bunganga ko para mapigilan ko ang tawa ko. Hahaha! Ang lakas mang trip ni Moon! As I look at Star, halos magdikit na ang dalawang kilay nito. Hahaha! "Ang bastos mo talaga!" Tanging bulalas ni Star bago pinaghahampas sa balikat nito si Moon. "Panaginip lang naman 'yon ate star! Haha, aray ano ba. Masakit na 'yan!" "Aba black belter ka bakit 'di mo- ouch!" Hindi na natapos pa ni Star ang sasabihin dahil agad na gumamit na si Moon ng defense to attack move nito. Mabilis na nasagang niya ang susunod na naging hampas ni Star sa braso niya saka ito pinilipit patalikod sa kanya. "Okay-okay! You win!" Star surrendered. "Sabi mo eh!" Moon said and gave her a wink. Star just rolled her eyes and uttered, "Gwapo mo, ano?" "No! Maganda ako. Pero 'yong totoo ate star? Nagjajakol ka talaga?" Muli kong hinigpitan ang pagkakatabon ko sa bunganga ko dahil natatawa na naman ako. Ang lakas talaga niya mang trip! "Oh sige Skye! Tawa lang! Libre 'yan!" Star said. Aww. Haha, nahalata niya na ako. Tumikhim na lang ako matapos kong lumunok saka muling ibinalik ang atensyon sa reference book na hawak-hawak ko. Pero muling na distract na naman ang atensyon ko nang nagtanong na naman ulit si Moon kay Star ng tungkol sa bagay na 'yon. "Uy si ate star! Iniiwasan niyang sagutin kasi ayaw niyang magsinungaling! Haha!" "Tumahimik ka nga Moon!" "Nagjajakol ka nga e!" "Hindi ko knows mga pinansasasabi mo." "Masturbate in English." Moon said, making Star understand it even more. Napatingin na lang ako sa kanya, pigil pa rin ang tawa. Kinindatan niya lang ako saka muling inasar si Star. She still hasn't changed. Siya parin ang Moon na nakilala ko simula elementary. Ang kyut na makulit! "Wala akong alam tungkol diyan kaya tumigil ka na dahil marami pa akong dapat pag-aralan!" "Kilala kita ate star! Haha, nagsisinungaling ka eh!" "O sige na! Nagjajakol na ako!" Nawala bigla sa mga labi ni Moon ang nakakalokong mga ngiti nito kanina. For short, she's shocked... like me. "Pero minsan lang naman! Kapag naka topless lang si Zac Efron!" Dagdag niya pa. Akala ko ay nagbibiro lang siya nung una para tumigil na si Moon sa pangungulit sa kanya... pero dinagdagan niya pa ng 'minsan lang naman'. "Ba't di mo rin tanungin si Skye para fair?" Binigyan naman ako ng nakakalokong ngiti ni Star. Naku, idinadamay niya pa ako. Nang dumako ang tingin ko kay Moon ay inunahan ko na siya. "I have not tried even for once." "Don't be so defensive. Alam ko namang si ate star pa lang ang may experience 'non. Haha!" Moon said. Napatango na lang ako saka tuluyan ng pinakawalan ang tawa ko. Hahaha! "Pinagkakampihan niyo ako mga letse kayo!" Naiinis na sabi ni Star sa aming dalawa. Sinabayan na rin ako ni Moon sa pagtawa saka lumipat sa tabi ko. "Na miss kita. Miss mo rin ba ako?" Nagpapacute na tanong agad niya sa akin. She really knows my weaknesses. She knows I like cute ones kaya mahihilig ako sa mga pusa. Pero hindi siya pusa. Pero cute siya ^_^ "Of course!" I briefly answered. She's been my so close classmate since elementary and high school. It won't be easy for me to forget our guts and trips. "So..." Tinignan niya ako ng may kasamang nakakalokong ngiti. "So what?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko naman sa kanya. "So you really don't masturbate, huh?" This time, si Star na naman ang tumawa. 'Yong tawang sobrang lakas! 'Di man lang nagpigil. Best friend ba talaga ang tingin nito sa akin? "Wag ka nga moon! Baka ikaw diyan eh!" Saway ko sa kanya. Akala niya siya lang marunong mang-asar, huh? Hay! Di ko talaga alam eh. Kapag nakakasama ko siya, nawawala ang bait ko. Sinabayan na rin ni Moon si Star sa pagtawa. "Di nga ako nagma-masturbate!" Pilit ko sa kanila. Eh sa totoo naman eh! Di ko talaga ginagawa 'yon! "Gusto mong turuan ko siya?" Natatawang tanong ni Star kay Moon. "Naku ate star, wag na. Mukhang alam naman na niya eh." "Haha, oo nga. Best friends kami niyan eh!" Tapos nag apir pa sila ng dalawang beses! Ngali-ngaling inapakan ko ang paa ni Moon. "Aray! Masakit 'yon Skye!" "Sige, mang-asar ka pa!" Banta ko sa kanya. Napansin ko naman ang agad na pagbabago ng mga tingin niya. Tumitiklop na siya. I know I have this power over her. And I just don't know why. Isa lang ang napansin ko... noong nagsumbong ako sa kanya ng tungkol sa first heartache ko at si Sun na pinsan niya ang nagbigay sa akin 'non, 'di niya na muli pang kinibo ito. That simply means... na ayaw niyang nakikitang nasasaktan ako. Kaya kung wala siya sa mga panahong 'yon para maipagtanggol ako, gumagawa siya ng ibang paraan para paghigantihan ang kung sino man ang nanakit sa akin. Ganyan talaga siya... sa mga taong malalapit sa kanya. Hindi dahil sa iba ang tingin niya sa akin. Alam kong hindi ganoong tao si Moon. Babaeng babae kami, I know J "Sorry na Skye. Joke lang 'yon eh. Di na mauulit." She apologized after giving me a tight hug. 'Yong totoo? Na miss ko talaga mga yakap niya. I feel safe whenever she surrounds me with her arms. "Ikaw kasi ate star! Sinali-sali mo pa si Skye eh! Nagalit tuloy sa akin!" Natatawa na naman ako. Haha, kawawa ni Star kasi. Sinisisi na naman nitong makulit na pinsan niya. "OMG! Nagtext si kuya! Pauwi na raw siya!" Star said after checking her phone. "Then we should go. Sa bahay na tayo. Moon, are you coming?" Natatarantang tanong ko while putting my books on my pack bag. "Why are we going?" Nagtatakang tanong niya naman. "I can't face him yet. Not now, please?" Nakikiusap na sagot ko. I bet naiintindihan niya naman. "I'll get my car." Tanging sabi niya at nauna nang lumabas. Well, she also knows I hate driving and Star doesn't know how. Mabuti na lang din at nandito siya. It will take time for me to contact Manong Marcus to get us out here. So I guess I'll have to thank Moon for being here 'cause we're really in a hurry to go. "Sorry Skye. Ang alam ko kasi ay gagabihin si kuya ng uwi." Star explained as we walk out their door to Moon's car. "Okay lang, bespwend. I just can't face him yet." "I know and I'm really sorry." "Tama na ang ka OA-han ate star! Tara na!" Moon interrupted us. Oh, I could teach Moon how to play tennis then I'll make her the playmaker then. She could be a great one! Haha, sayang lang. She's not in the same school with us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD