Erin Skye's POV
"Magandang hapon po, manang ges." Nakangiti kong bati sa katulong kong si manang ges nang makapasok na ako sa loob ng condo ko, located at the 3rd floor.
"Hello, skye. Magandang hapon din. Si Marcus ba?" Aniya na ang tinutukoy ay ang asawa nitong driver ko, si manong Marcus.
Ang mag-asawa ay labing isang taon nang naninilbihan sa amin. Si manang ges ay 57 taong gulang na habang ang asawa naman nitong si manong marcus ay 51 pa lamang.
Regalo sa akin ng mga magulang ko ang condo unit na ito. Nais nila ang maging independent ako kahit sa kakaunting mga bagay lamang na katulad nito. Pinalaki nila ako ng maayos, may kaginhawaan sa buhay at kapayapaan. Ngunit ang pinakaninanais daw nila ay ang matuto akong mamuhay nang mag-isa kahit papaano. Hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi ko lang sila para buhayin ako.
Isang beses lang sa isang linggo kung dalawin ako rito ni manang ges. Utos na rin yun ni Mom Rian dahil alam niyang madalas ay napapabayaan ko rin ang kalinisan rito dahil sa busy life ko. Kaya't sa tuwing naririto si manang ges ay nagmumukhang bago ulit ang condo ko. Uuwi rin ito agad kinabihan sa bahay upang doon ay ipagpatuloy ang paninilbihan kasama ang aking mga magulang.
Si manong marcus naman ang tagapagmaneho ko saan ko man gustuhing pumunta. He's just one text away. My Mommy Loree has given me a car to drive on ngunit minsan ko lamang kinahihiligan ang pagmamaneho kung kailangan na. Hindi naman sa wala akong tiwala sa driving skills ko pero noong nalaman ko ang naging sanhi ng pagkamatay ng Daddy Reyian ko at ang pagkaaksidente ng Mom Rian ko rati ay natakot na ako. Kung kaya't nanatiling nasa carport na lamang ang kotse ko.
"Nasa ilalim po. Hinihintay ka na po," Anito.
"Mabuti at eksakto naman ang pagdating niyo. Katatapos ko lang din maglinis dito. Paano, mauuna na kami Skye ha?"
"Sige po manang. Mag-iingat ho kayo."
Nang makalabas na si manang ay agad ko namang binuksan ang TV upang sandaling manood ng balita. 5:14pm pa lamang at 6:30 pa ako susunduin dito ng Mom Rian ko para sa dinner date naming tatlo kasama ang Mommy Loree ko.
How I miss hanging out with them.
Kung hindi lamang nila kagustuhan ang manirahan akong mag-isa rito ay mas gugustuhin ko pang manatili na lamang sa bahay kasama nila.
Sa ulo ng mga balita...
"Allison Mezzi, muling pinabilib ang bansa sa nasungkit na gold medal sa nakaraang Open Black Belt Competition sa Hong Kong nitong nakaraang isang araw."
Wow! Gold medal again?
Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda ko.
To Moon
Congrats moon!
Biglang uminit ang pakiramdam ko kaya't napagdesisyunan kong maligo na lang muna. Mabuti na rin ang makapagprepare ng maaga bago dumating sila Mom at Mommy para sunduin ako.
Star's POV
"Ate Star bilisan mo! Exactly 6pm ang showing ng The Amazing Praybeyt Benjamin e! 5:30 na!" Narinig kong sigaw ni Moon sa labas ng kwarto ko.
"Sandali lang! Magli-lipstick na lang ako!" Mabilis ko namang sagot sa kanya habang hinahanap ko sa pouch bag ko ang lipstick ko.
"Wag ka ng mag lipstick! Wala rin namang kwenta yang mga labi mo e!"
"Tumahimik ka dyan kung gusto mo pang samahan kita!"
Narinig ko ang pigil na tawa niya mula sa likod ng pintuan ng kwarto ko.
Tawa siya diyan eh wala ngang nakakatawa e -_-
Ayun! Nakita ko na rin ang lipstick ko!
"I'll count one to ten. Kapag hindi ka pa lumabas diyan, papasabugin ko na ang bomba!"
Anong bomba na naman ba pinagsasabi neto?
"Oo na ito na!" Pasigaw na sagot ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto ko.
Natatawang tinitigan niya lamang ako pagkatapos kong isarado ang pintuan ng kwarto ko.
"May nakakatawa ba, Moon?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.
"Nag lipstick ka ba talaga?" Tanong naman nito nang may kasamang nakakalokong ngiti.
"Oo! Bakit? Pinunasan ko lang!" Naiinis na sagot ko naman sa kanya. Nakakaasar ng bangs e. Pagtitripan na naman ako netong paborito kong pinsan -.-
"Ba't ka pa nag lipstick kung pupunasan mo lang din?"
"Pakialam mo? Eh gusto ko lang yung tamang hindi ako magmukhang pale."
"So ikaw yung magmumukhang pale? Hindi yung lips mo? Haha! Eh di hindi ka na lang nga dapat nag lipstick! Wala rin namang titingin diyan sa mga labi mo!"
"Eh ikaw, ba't tinitignan mo?"
"Eh kasi sabi mong nagli-lipstick ka kanina. Eh parang wala naman."
"Kasi nga pinunasan ko! Ang kulet!" Kinuha ko na lang ang kanang kamay niya saka hinila palabas ng bahay namin.
'Di siguro kami matatapos sa pagsasagutan kung hindi pa ako sumuko. Hay!
Dikit ang mga kilay na tinitigan ko siya nang makarating na kami sa harap ng kotse niya.
"Ikaw na magmaneho, ate star. Pagod ako e. Please?"
She's kidding, right? Sa bump car pwede pa pero rito? NO!
"Please, ate star? Pagod ako e."
"Eh di wag na tayong tumuloy! Matulog ka na lang!" Naiinis na sagot ko sa kanya. Naglalakad na ako papasok uli ng bahay nang...
"Plano ko pa naman sana ipag shopping ka mamaya bago bilhin yung relo mo." Malungkot ang boses nito pero muli akong napaharap sa kanya.
Aww. Ang cute ng moon ko! Nagpa-pout! Sarap i-hug!
"Eh moon naman! Alam mo namang hindi ako marunong mag drive ng ganyan! Ginawa mo na lang sanang bump car yan!"
"Come on, ate star! This will be fun! Hop in!" Tsaka pumasok na siya sa passenger seat. Napapasigh na pumwesto na lang din ako sa driver's seat.
"Kung gusto mong makaabot on time sa papanoorin natin, ikaw na lang dapat magmaneho!"
"Nandiyan ka na e. Paandarin mo na ang makina, ate star. But wait."
"Ano?"
"Put on your seat belt first." Utos niya sa akin.
"Ayoko! Eh paano kapag nahulog tayo sa bridge ha? Hindi ako marunong lumangoy! Harang pa 'tong seat belt na 'to baka hindi pa ako paalisin dito e! Ayoko pang mamatay!"
Tumawa siya bigla.
"At ngayon may nakakatawa gayong ayaw ko lang talagang mamatay moon ha? Sige, tawa lang!"
"Saang teleserye mo ba napanood yan, ate star? Mukhang nakita ko na rin yan e. Haha."
Tinignan ko lang siya ng masama. Tumigil naman siya sa pagtawa pero naroroon pa rin ang ngiti sa mga labi niya.
"K, fine. If ayaw mong magsuot, bahala ka. Ikaw naman ang magda-drive e." Pagsuko niya bago niya naman sinuot ang sa kanya.
"O tapos? What's next?" Tanong ko.
Kinakabahan na ako. Baka mamaya gugunaw na ang mundo ko.
"Start the ignition tas apakan mo yung clutch for neutral selection then go for the accelerator. Matutulog na muna ako. Wake me up kapag nasa mall na tayo."
Huwaaaaat?!!
"Moon!"
Tulog na siya -_-zZzzzZ
I took a deep sigh before doing what she just said.
Start the ignition daw. Okay. I rotated the key malapit sa steering wheel.
BROOOOOOMMMMMM!!
OMG! Medyo nagulat pa ako. Wait huhu ano na susunod? Mamahalin pa naman 'tong kotse nitong babaeng 'to!
"Hoy moon! Sa sinehan ka na kasi matulog! Gising na, ikaw na rito!"
OMG!! Umaatras, umaatras ang kotse! Oh no!
Natatarantang inapakan ko agad ang break. Huminto siya sa pag atras pero the moment na binitawan ko na ang break, it moved forward! OMG OMG! What to do?
"Moon!!!" Inaalog alog ko na siya. OMG OMG OMG! "Moon! Huhu pakiusap!" Naiiyak na ako.
Tumatakbo na talaga siya! Paano na 'to? Wait bababa ako! Pero paano si Moon?
"Moon! Pakiusap kung gusto mo pang pakasalan si Skye gumising ka na!!"
"Oh s**t! What happened?" Daig pa sa binangungot na mukha ang anyo niya nang magising.
"Tumatakbo lang siya! Huhu paano na 'to!" Naiiyak na tanong ko sa kanya. Natatawa lang na umusad siya sa tabi ko at inapakan ng mabilis ang break.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang ma-anticipate ko ang susunod na mangyayari.
"Ouch! Ang ilong ko!" Nabangga sa manibela. Ang sakit! Syet! Mapapango na 'ko neto! Ang ganda pa naman nitong pointed nose ko!
Sa lakas ba naman ng pag-apak niya ng break! Sino ang hindi madadala ha?
"Yan! Sabing mag seat belt e!" Natatawang pang-aasar niya sakin.
Ngayon alam ko na ang importance ng seat belt. Pero huhu, chuchu ang sakit talaga pramisss!
"Kanina pa ako natatae kung alam mo lang! Tutulog tulog ka lang kasi diyan, pinapahirapan mo ako." Naiiyak na talaga ako kaya tinakpan ko na lang ng mga palad ko ang mukha ko.
"Ssssh, sorry na ate star. Labas ka na."
"La-labas ako? Pinapalabas mo ako? Madaya ka talaga! Matapos mo akong pahirapan dito, sabi mo ililibre mo pa ako! 'Di lang ako makapagmaneho, magbabago na isip mo!"
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Labas na kasi, ate star! Ang OA mo!"
"Pinsan mo ba talaga ako moon ha? Bakit mo ako tino-torture? Di ka na naawa sa akin!"
"Ang drama mo! Labas na! Palit tayo. Ako na magmamaneho."
Ay. Yun lang pala e. Lalabas na sana ako nang maisip kong pwede namang siya na lang yung lumabas diba? Ako na lang yung uusad papunta roon sa seat niya.
"Ba't di na lang ikaw ang lumabas?"
"Isa, ate star!" She threatened me with her stare. Nakakatakot.
"Oo nga, sabi ko ngang ako na ang lalabas. Ikaw naman, di mo naman kelangang takutin ako eh."
"Drama mo e."
Hay. Ang OA ko naman kasi talaga.
Pagdating namin ng mall ay 6:16pm na kaya di na muna kami tumuloy doon sa TAPB. Standing na rin kasi. Maarte si moon e.
"Ate star, doon na lang tayo sa Feng Shui 2."
"No!"
"Haha! Bakit, takot ka?"
"Wag mo 'kong inaasar Allison Moon ha! Alam mong ayaw ko ng horror!"
"Tara na! Alam ko namang ayaw mo rin tumayo sa TAPB eh! Standing na nga diba? Wala na tayong choice. Dito na lang tayo. Tsaka crush mo si Coco Martin diba? Haha, bili ka na foods. Ako na sa ticket natin."
"No! Mag-isa ka roon!"
"Wala kang libreng shopping sige ka."
"Aaaaaahhh! Bakit ba ang hilig mong mang blackmail moon ha?" Ang sarap magdabog dito! Urghhhh!! Na miss ko tuloy si Skye! Mas maganda pang kasama yun mag shopping kaysa sa isang 'to e!
"Ano? Sasama ka sakin sa loob o hindi?"
Ayan binablockmail niya na naman ako -_-
May pera naman ako pang shopping ko e! Pero iba pa rin kapag libre!
"Sasama na! Pero hindi ako manonood! Matutulog ako!"
"Ikaw bahala."
Tumalikod na siya sa akin para bumili ng ticket namin. Inasikaso ko na lang muna yung mga kakainin naman namin sa loob. Hay!
Dinala ko na lang sana yung earphones ko! Kung alam ko lang na rito kami sa horror mapapadpad e. Tsk!
-
"Moon! Gumising ka nga! Paano ka ba nakakatulog sa ganito ha?"
WAAAAAAAAAHH!WAAAAAAAAAHHH!! WAAAAAAAAAHHH!!
Syet. Ang sarap lagyan ng duct tape nitong mga bunganga ng mga taong kasama naming nanonood dito! Alam na ngang matatakot sila e h nanonood pa rin! Parang tanga lang.
"Eh pagod ako ate star e. Halika samahan mo na lang ako matulog."
"At itong sinehan pa ang ginawa mong tulugan? SRSLY moon? Dito pa? Ang ingay nga!"
"Sanay na ako e." Pagbabalewalang sagot niya sa akin.
"Sanay ka dyan! Dinamay mo pa 'ko waaaaaaahhh! Syet!"
Letch3 na mga sigaw netong mga katabi namin oh! Nakakahawa! Kapag hindi ako nakatiis dito, lalabas na ako swear!
Pero paano naman 'tong pinsan ko? Mahal ko kaya 'to baka mapaano pa 'to rito e. Pero nahhh! Hello star? Nakalimutan mo na bang black belter na 'yan! Hay nakuuu. Me is so makakalimutin talaga -_-
"Miss, iinumin mo pa ba yang water mo?"
Napatingin ako roon sa nasa likurang itaas ko na babaeng nagtanong sa akin kung iinumin ko pa ba itong mineral water ko.
Nginitian ko lang siya ng pilit at inis-snob.
"Miss, akin na lang 'yan oh? Tinatamad na akong lumabas para bumili ng water eh. Nauuhaw na ako."
"May laway ko na 'to e, sorry." Binigyan ko ulit siya ng isang fake na ngiti bago muling ibinalik ang tingin sa malaking screen. Nagkunwari na lang akong masyadong 'focus' sa panonood.
Mamaya na ang kalbaryo mo, Star. Pero pwede naman sigurong tumabi muna ako matulog kay kuya just for tonight, di'ba? Huhu! Kung hindi lang dahil sa libreng yan e! Asar talaga 'tong paboritong pinsan ko!
--
Erin Skye's POV
It's always so good to be accompanied by this Margarita Tequila-based cocktail when I wanted to be alone. Alam kong alas otso ng umaga ang pasok ko bukas but I just don't care right now. Gusto kong maglasing to the point na makakalimutan ko ang lahat ng mga napag-usapan namin kanina ng mga magulang ko.
Gustong gusto ko ang mapag-isa sa tabi ng pool sa tuwing nalulungkot ako. Ramdam ko rin ngayon ang lamig ng tubig sa pool mula sa mga paa kong nakatusmaw dito. Parang ang sarap magpatianod dito't lunurin ang sarili ko upang makalimot.
"Mahal ko po ang Mom at Mommy ko. Alam ko ring mahal na mahal din nila ako ngunit bakit kailangang isaalang-alang pa nila ang kaligayahan ko sa ibang tao? Lord, please? Pakisagot naman po." Naiiyak na pinahid ko na lamang ang mga nauna nang tumulong luha sa mga pisngi ko hanggang sa 'di ko na napigilan ang mapahagulhol sa bigat ng damdamin ko. Naisabunot ko na lamang ang mga palad ko sa nakalugay na mga buhok ko nang muli kong maalala ang naging pag-uusap naming tatlo kanina.
*Flashback
"You have to marry, Moon." Aninag sa tono ng mommy loree ko ang sinseridad sa sinabi nito.
"Hindi mo siya kailangang biglain mylabs. She still has two years left. I told you to not tell her tonight! Masisira lang ang dinner date nating tatlo!" Naiinis naman ang tono ng mom rian ko nang sagutin nito ang mommy loree ko.
Ako? Naguguluhan, kinakabahan, at natatakot na tinitignan at pinakikinggan lamang silang dalawa sa mga sasabihin pa nila.
Buong buhay ko ay nanatiling tapat ako sa kanila. Buong buhay ko ay sinunod ko lahat ng gusto nila. Buong buhay ko rin bang pagsisisihan yun?
"No! She should know it by now para mas maaga mylabs." -mommy loree
"Masyado pang maaga!" -mom rian
Nakakalito na sila!
"Wait! Mommy loree, ano ba yung kailangan kong pakasalan si moon? Bakit?" I acted like I don't care about it. But deep inside, nananalangin na akong sana hindi totohanan ito.
"It's a little complicated to explain things to you right now. Malalaman mo kung bakit kung magiging kayo bago ang kasal." Seryosong sagot ulit sa akin ng mommy loree ko.
"Just don't mind what your mommy loree said, okay? It's nothing serious for now." Dagdag naman ng mom rian ko.
"Anong nothing serious Rian? She should know it na habang mas maaga! Wag mo 'kong pinapangunahan sa usaping 'to!" Galit na sabi ng mommy loree ko sa mom rian ko.
"Ang akala ko ay napag-usapan na natin ang tungkol dito na after niya nang magtapos ng kolehiyo natin sasabihin ito!" Sagot naman sa kanya ng mom rian ko.
Mukhang mag-aaway na sila.
"Wait, why? Bakit si moon pa? I mean, we're both girls." Inosenteng tanong ko sa kanilang dalawa.
Sabay naman silang napatingin sa akin.
"I'm sorry." I apologized to the two of them. "Look, mom," tinignan ko sa mga mata ang mom rian ko, "Mommy, look," tinignan ko na rin ang mommy loree ko. Nagsalita akong palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa, "I want a husband in the future... not a wife. Nirerespeto ko kayo dahil mahal na mahal ko kayo. If you both feel the same way for me, please? 'Wag niyo na akong itatali kahit kanino. Mamahalin ko kung sino ang gusto ko at hindi dahil sa kung sino man ang gusto niyo." Tumayo na ako at iniwanan sila. Hindi pa kami tapos sa kinakain namin pero wala na akong gana pang ipagpatuloy pa iyon. Nag taxi na lamang ako at napagdesisyunan na kanila lola lenella(parents ng mommy loree ko) na lang muna magpalipas ng gabi. Uuwi na lang ako sa condo ng maaga bukas before attending school.
Wala sa anyo ko ang galit, ang inis, ang pagkaasar nang sagutin ko ang mga magulang ko kanina. Sapat na ang nagmamakaawang tono ng boses ko para ipabatid sa kanilang hindi ako natutuwa.
*End of the Flashback
"May problema ka ba apo ko?"
"Ikaw pala lola. May iniisip lang po ako."
Nag-iisa akong apo ng lola ko kaya alam kong mahal na mahal niya ako. Lahat ng mga problema kong hindi ko masabi sa mga magulang ko ay kay lola ko nagagawang sabihin.
"Maaari mong sabihin kay lola nang gumaan naman ang loob mo." Aniya saka kinuha ang cocktail glass sa kanang kamay ko. "Hindi ito makakabuti, apo."
Nginitian ko lamang si lola bago ako magsimulang magkwento sa kanya tungkol sa napag-usapan namin kanina ng mga magulang ko.
"Naiintindihan kita, apo. Ayaw mo bang magmahal ng isang tulad mo? Hindi mo ba gusto ang pinapakitang pagmamahalan ng dalawang magulang mo?"
Napahinga ako nang malalim bago sinagot si lola. "Hindi naman po sa ganoon la. Hindi po ako against sa pagmamahalan nilang dalawa. Tanggap na tanggap ko po ang mga katulad nila but it doesn't mean na kailangan ko ring sumunod sa mga yapak nila. I wanted to have a normal life. Yung normal sa paningin ng mga taong nakakasalamuha natin. Yung relasyong katulad ng sa inyo ni lolo ang gusto ko. I want to have a baby on my own."
"Pero hindi mo naman matuturuan ang puso mo kung sino ang gusto nito, apo."
"Hindi ko pa po nararanasan ang magmahal ng kapwa ko babae. Kailanman ay hindi pa ako nagkaroon ng crush sa kapareho kong kasarian. Lola, hindi po ako bisexual o lesbiana. Paano ako sasaya kung si Moon ang itinutulak nila sa akin gayong kaibigan lamang ang pagtingin ko sa kanya? Masasaktan ko lang siya. As much as possible, ayaw kong paasahin siya."
Tumango tango na lamang si lola.
"Alam na rin ba ng moon na yan ang tungkol sa pagkakatali niyo sa isa't isa?"
"Hindi ko rin po alam, la. At kung alam man niya, alam kong ayaw rin niya."
--
Star's POV
"Kuya?" Dahan-dahan kong pinihit ang seradora ng pintuan ng kwarto ni kuya. Kanina pa ako kumakatok eh ayaw sumagot!
Nang tuluyan na akong makapasok ng kwarto niya ay agad kong pinindot ang switch ng ilaw niya.
Kaya hindi naman pala sumasagot kasi tulog na tulog na! Yung laway tumutulo pa!
Dumiretso akong cabinet ni kuya saka naghanap ng maisusuot muna. Kumuha akong pajama at tshirt niya saka nagbihis sa banyo niya.
Ayoko muna sa kwarto ko! Baka may magpakita pa sa aking multo roon, naku! Huhu asar na Feng Shui 2 naman kasi 'yan! Nakakaasar talaga, sobra! Pero okay na. At least nakalibre ako kay Moon.
Nagmumog na lamang ako matapos kong maghilamos nang hindi tumitingin sa salamin. Nakapikit lang ako magdamag sa banyo. Feel ko kasi kapag ibinuka ko ang mga mata ko ay may makikita akong multo. Huhu! Nakakaasar talaga!
Nang nakuntento na ako sa itsura ko ay lalabas na sana akong banyo para tumabi na kay ku- "Waaaaaaaahhh!!"
"What are you doing here, baby?" Syet! Si kuya lang pala.
Ohmo! Hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko. Syet! Akala ko kung sino na! Whooooh! Hinampas ko siya ng malakas sa braso.
"Ano ba kuya? Ba't ka ba nanggugulat? Gusto kong tumabi matulog sa'yo."
"Bakit? May problema ba?"
"Natatakot ako. Okay lang naman sa'yong tabi muna tayo di'ba?"
Mahal ako niyan! Papayag yan!
"Of course. Lika na. Akala ko kung sinong multo na ang nagmumulto rito sa banyo ko e."
Nice! Sa ganda kong 'to, pinagkamalan pa akong multo?
"Kuya talaga! He-he yung joke mo ang ganda!" Namimilosopang sagot ko sa kanya.
"Haha totoo! Mukha ka ngang white lady e!"
"Sige mang-asar ka pa!"
"Paputulan mo na kasi 'yang buhok mo! Ang haba na."
Doon ko lang napansin. Oo nga 'no? Walong buwan na ata akong hindi nakakapagpaputol ng buhok?
--
Moon's POV
Ahhhh! Ang sarap gumising sa umaga!
Agad kong kinuha ang phone ko sa bedside table.
"Yes! Walang pasok first subject!" Napasigaw ako nang mabasa ko ang message galing sa mayor namin na wala raw kaming pasok sa first subject! Dalawang subjects lang pala meron ako today so yeeeey! Mamayang hapon pa yung isa!
Excited na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kwarto pagkatapos kong magmumog at maghilamos. Nakita ko agad si mommy na kasalukuyang naghahanda ng breakfast namin pagbaba ko ng hagdan.
"Good morning my queen!" Agad kong bati kay mom with yakap on her waist.
"Oh? Masaya ata ang gising natin ah?"
"Well, I have no class for this morning."
"Ah, kaya naman pala. Tawagin mo na ang daddy mo at sabay na tayong mag breakfast."
"Copy." I called for dad after. Kinatok ko siya mula sa labas ng kwarto nila ni mommy.
"Dad! Let's eat breakfast together! Come out!" I heard him yawn. Mukhang kagigising lang ata.
"I thought you have work?" Nagtatakang tanong ko sa kanya paglabas niya ng pinto.
"Pinagod ako ng mommy mo kagabi eh." Sagot niyang may halong nakakalokong ngiti saka nauna na sa akin sa dining room.
Whoa! Haha! May ginawa ata silang importante kagabi. Baby? Haha
"Moon, by the way, nagtext sa akin ang tita loree mo na naipaalam na raw nila kay Skye kagabi ang about doon sa alam mo na." Mommy said after we prayed for our breakfast.
"Oh, I see. Anong reaction ni Skye?"
"As expected, she doesn't like it. Nag walk out daw."
"I told you she's straight. You should have not supported me by that stupid marriage."
"Don't call it stupid moon. This is your idea after all!" Daddy hissed.
I know, I know! Ako lahat ang may pakana nito. Ako ang nagpumilit sa mga magulang ko na suportahan ako sa ideyang ito.
Mahal ko si Skye at hindi ako tanga para hindi isiping wala akong pag-asa sa kanya. 'Di ko lang ipinapahalata sa kanya sa tuwing nagkakasama kami dahil natatakot akong baka iwasan niya ako kapag nalaman niya.
Only my parents and her parents know about this. At nagpapasalamat ako ng sobra dahil kahit alam kong mahirap para kanila tita loree at tita rian ang itali ang anak nila sa akin ay pumayag pa rin sila.
And it's just a sort of a try. Kapag ayaw talaga ni Skye sa akin, I told them na hindi ko siya pipilitin. I just want 'us' to try. Kaya ko siyang pasayahin araw-araw, kaya ko siyang ipagtanggol kanino man.
--
To: Ate Star
Ate star! Patambay ako sa bahay niyo mamayang hapon after ng pasok ko!
From: Ate Star
No! Magrereview kami ni Skye mamaya rito!
Whoa! Namiss ko na siya! I want to see her again!
To: Ate Star
Hindi ako manggugulo, promise!
From: Ate Star
Guguluhin mo si Skye for sure!
Ay oo nga pala! Alam din pala ni ate star na mahal ko si Skye. Haha
To: Ate Star
Hindi e! Tititigan ko lang siya. Hindi ako magsasalita, promise!
From: Ate Star
Bahala ka. Dala ka foods!
Foods lang pala e. Sure! Haha
To: Ate Star
Kahit ano! Basta makita ko lang siya ulit! Haha
From: Ate Star
Drama!
Haha! Di ko na siya nireplyan pa at hinintay na lamang lumipas ang oras.