Chapter 1

2529 Words
Star's POV Hello! Hi! Nagtataka ba kayo kung sino ako? Haha, by the way, pagpasensyahan niyo na kung hindi ako naisali ni author na sobrang busy na nakakapag-update pa naman kahit may exam pa sila. Haha! Ang ibig kong sabihin ay pagpasensyahan niyo na kung hindi niyo nakita ang pangalan ko sa INTRODUCTION nitong istorya. 'Di kasi raw ako pwede roon. Epal lang daw kasi ako rito kaya ganoon. Hay, nakakahurt ng chest si author! Haha, pero bahala na, malay natin ako ang gagawin niyang bida sa CTS 3 di'ba? Sana. Pero bago pa humaba 'tong bangs ko sa kaka-assume, sige na, sisimulan ko na 'tong pagiging epal ko. Alam ko namang 'yung iba diyan sa inyo ay nag-abang talaga ng update e. Hehe. Ako po... Ako po si... Ano na nga ba yung complete name ko? "Nichi Star Herdez! Nasa iyo ba yung pocket WiFi ko?" Ayun! Haha! Nichi Star Herdez pala ang kumpleto kong pangalan! Tsk, makakalimutin talaga ako, 'nak ng tigre paano kaya ako nakaabot ng pangalawang taon rito sa kolehiyo (2nd Year College)? "Wala, Skye! For sure nasa puwet mo lang 'yun!" Sagot ko sa best friend kong si Skye. Ay tama! Because of Skye nakapasa ako last year! Ganito kasi 'yun, makinig ay este magbasa kayo ng maayos ha! Hindi naman sa hindi ako matalino. Hindi rin naman sa bobo ako, ano? Haha, sadyang makakalimutin at tamad lang talaga akong mag open ng notes, mag review, at minsan ay makinig sa discussion kapag boring ang nagtuturo o kapag inaantok ako. Kaya ayun! Muntikan na akong mabagsak last year dahil sa sobrang baba ng quizzes ko. Pero kung papalarin ka ba naman, ano? Bigla na lang dumating si Skye sa buhay ko! Anghel na pinadala ng gwapo kong Diyos mula sa langit! In the middle of the first semester last year kasi ay biglang sumulpot na lang 'yang si Skye rito sa tabi ko. Nakapag-accelerate raw kamo dahil matalino. Wala akong friends dati, walang gustong lumapit sa akin kasi maingay daw ako at parating nasasaway pa raw ng instructor during discussion. Kaya yung mga naging seatmates ko on the first 3 days of class ngayong college? Hindi na ako muling tinabihan. Sad 'no? Wala akong makwentuhan, wala akong kachika, wala akong makopyahan! Hanggang sa dumating ang angel kong si Skye! Yiiee! I survived! Sobrang ganda na, matalino na, mabait pa! Oh? Eh di nakabawi rin ako nung first midterm exam namin! Naka second place pa ako sa highest nung finals na namin! Haha, si Skye yung first highest so alam na! Nangopya lang ako, haha! Pero sorry sila! Pinakopya ako e, sila? Wala! Nganga! As in yung ganito (*O*) Hahaha! "Anong nasa puwet ko lang?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. "Ang ibig kong sabihin ay baka naupuan mo lang!" Mataray kong sagot sa kanya. Di'ba naman mukhang shunga rin minsan si Skye, ano? Nahawa ata sa akin. "Ah so kelangan mo talagang sumigaw?" Nagtanong pa siya. "Hindi naman ako sumisigaw!" Umiling-iling na lang siya. 'Di na niya ako sinagot pa at nagpatuloy na lang sa pag scroll up & down sa phone niya. Ganyan talaga minsan e. Madalas nila akong nami-misunderstood o baka naman misinterpret ang right term doon? Or ewan! Nakalimutan ko na ulit! Basta! Hindi ako sumisigaw! "Susunduin ka ba ulit ngayon ng kuya mo, Star?" Sa hawak-hawak na phone niya siya nakatingin nang nagtanong siya sa akin. "Oo. Gusto mong sumabay na sa'min?" Balik na sagot-tanong ko naman sa kanya. "No. Baka mauuna na ako sa'yong umuwi. May dinner date pa kami ng parents ko tonight." "Ah o sige." 'Di na lang ako muling nagsalita pa. Medyo malungkot na naman kasi 'yung boses ni Skye. Siguro ay mahal niya pa rin si kuya hanggang ngayon. Kung bakit sa dinami-rami ba naman kasi ng mga lalaking halos magkandarapa na sa kakaligaw kahit halatang basted na sa kanya ay ang kuya ko pa rin ang nilalaman ng puso niya! Tsk! At 'yung tarantadong kuya ko naman, ang swerte-swerte niya na dahil masyado nang halatang mahal na mahal siya ni Skye, ayun! Naghahanap pa ng iba! Naku! Kung ako sa kuya ko, malamang ay wala na akong ibang titignan pa kundi si Skye lang! "Pakopyahin mo ako mamaya!" Tumango lang siya sa akin saka itinuon na ulit ang atensyon sa phone niya. Ang bait talaga, ano? "Skye?" I called for her nickname to get her attention for a while. "Ano 'yon?" Hindi nakatinging tanong naman niya sa akin. "Kailan ka magsasawang pakopyahin ako?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Kapag naging square na 'yung buwan." Tinalikuran niya na ulit ako at muling ipinagpatuloy ang kung ano mang ginagawa niya sa phone niya. Ang swerte ko talaga at naging best friend ko ang isang Erin Skye Marco! Best friend ko ang Crowd Princess, you know? Manny Pacquiao yo! Yo! Yo! You know? -- Biglang nag vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. Kinuha ko ito. May isang mensahe ako galing sa pinakapaborito at pinakacute, at pinaka close kong pinsan! From Moon Ate Star! Samahan mo ako manood ng sine mamaya please? Napangiti ako saka mabilis na nagreply. To Moon Basta libre mo ku ng new watch mamaya? Haha Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kanya. From Moon New watch again? Dami mo ng relo ah! To Moon Naku, nagrereklamo ka? May gagawin pala ako mamaya. Haha! Ang sama ko ba? Eh I want a new watch e! Medyo 'di na kasi presentable itong suot-suot ko. Marami na rin akong relo sa kwarto. Pwede nang collection. Twice a month ata ako bumibili ng bagong relo e. Yumayaman na ang Unisilver sa akin! Haha From Moon Oo na! Ibibili na kita! Sabi na! Haha, magrereklamo pa siya diyan e ang dami-dami niyang pera kaya! Doble pa sa isang buwan kong allowance, ano! Mayaman kami, oo siyempre. Pero hindi naman ako hambog po, sa totoo lang. Hehe, mas mayaman lang talaga pamilya ni Moon, enebeyen. To Moon Ayun naman pala e! Hehe sige tawagan lang kita after ko magbihis sa bahay. Sunduin mo ako roon! May kotse naman kasi kami pero ayoko lang mag drive. Nakakatakot kaya. Nagdadrive naman ako. Hehe, oo. Sa bump car. Mas maganda 'yon! Kapag nabunggo ako, hindi ako mamatay! From Moon Sige, tnx bye ate star! To Moon Bye favorite cousin! Mwa! Kung nagtataka pa rin kayo hanggang ngayon? Ito na ibubuod ko na lang kung sino talaga ako. 1. Best friend ako ni Skye. 2. Pinsan ako ni Moon. 3. Kuya ko ang first love ng best friend kong si Skye. 4. Mas matanda ako ng isang taon kay Moon kaya tinatawag niya akong 'ate star'. 5. Kung nagtataka pa rin kayo kung bakit kaklase ko si Skye, it's because nakapag accelerate nga po siya ng isang taon kaya ngayon ay magkasama kami sa ikalawang taon na namin sa kolehiyo. First year college kami nang magkakilala kami. Siya na ang naging anghel ko kaya nakatungtong pa ako sa pangalawang taong ito. ^^ Some infos: - First year college pa lang ang pinsan kong si Moon. Sila ang magkaklase rati ni Skye bago ito nakapag advance. And btw, hindi namin ka schoolmate si Moon. Sa ibang college university rito sa amin nag-aaral 'yung babaeng 'yun. - Ang first love ni Skye which is my kuya is 4 years older than me. Therefore, graduate na ito at may trabaho na rin. Yet... single pa rin kaya may chance pa si best friend kung saka-sakali. Ayan! Naiintindihan niyo na ba? Buti na lang at nasabi ko na sa inyo ng maaga. Baka mamaya ay makalimutan ko na naman. Hay! -- Examination time OMG! Ano 'to? Wala naman 'to sa napag-aralan namin kagabi ah! OMG! Or... Baka nakalimutan ko na naman? (/-_-) Hay! Why do I have to be so makakalimutin kasi? Magkasama na nga kaming nagreview ni Skye kagabi e! Nakalimutan ko pa rin?! Tsk! Nasapo ko na lamang ang noo ko nang mapansin kong one seat apart pala kami. Ibig sabihin, malayo sa akin si Skye! Hindi ako makakakopya! Ang layo niya!!! Huhuhu End of the world na! Multiple choice lang naman ito. Nakapag skip na ako ng anim na questions, ni isang letra wala pa rin akong namamarkahan sa answer sheet ko! Mas lalo lamang akong nataranta nang napasulyap ako sa answer sheet ni Skye. Ang dami niya ng na shade na letters!! Ako ni isa wala pa! Nakikita ko yung mga sagot niya, pero hindi ko klaro! Ang liit kaya! Hindi niya naman tinatakpan kasi alam niyang 100% ay susulyap talaga ako roon. Huhu paano na 'to? Paano na ang future ko? Ba't wala akong maisagot ni isa rito? Uso pa ba ang Eeny, meeny, miny, moe? Eh kung yung bintot-bintot na lang kaya? Wait! Signings na lang pala! Tama! Yun na lang! Ngumiti ako pagkatapos kong paglibutan ng tingin ang mga ka blockmates ko bago muling binasa ang question #1. 1. Rizal wrote his first poem in the native language entitled "To My Fellow Children" at what age? a. 5 b. 7 c. 8 d. 10 I smiled. Kapag tumingin sa akin si Sir, letter A ang sagot! Kapag humangin ng malakas, letter B ang sagot! 'Pag nag de kwatro si Skye, letter C ang sagot! Kapag sinaway ako ni Sir kasi hindi ako nakatingin sa papel ko, letter D ang sagot! Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Skye na gumalaw at nag de kwatro! Oh my! Oh my gosh! I know the answer na! It's Letter C! Letter C ang sagot! "Ms. Herdez! Look at your own paper!" Nakakagulat naman si Sir! Haha, eto na! Sa papel ko na po ako titingin! Sabi ko sa isip ko. Haha! Yes! Ang saya ko! Alam ko na ang sagot sa #1! Kulang na lang eh tumalon talon na ako sa kasiyahan! Haha Napangiti na lang ulit ako sa thought na may maisasagot na ako. I am about to shade letter C on my answer sheet nang biglang may naalala ako. C kapag nag de kwatro si Skye. D kapag sinaway ako ni Sir kasi hindi ako sa papel ko nakatingin. Mabilis na nawala sa mga labi ko ang pagkaganda-gandang ngiti ko. Waaaaa!!! I'm doomed! Tanging naisigaw ko sa isipan ko bago muling sinapo ang noo gamit ang dalawang kamay ko. "Psst!" Napatingin ako kay Skye. Bumulong siya sa akin na agad ko namang na gets. She's telling me not to write anything on my answer sheet. Tumango tango na lang ako sa thought na 'yon. Kung alam niya lang na wala pa talaga akong naisusulat e! Hindi ko pa nga pala naisusulat ang pangalan ko e! Wait, sulat ko na lang muna. Para kahit papaano e 'di naman mablangkuhan ito, ano. Kahit 'yung pangalan, course, date na lang ang tamaan ni Sir, okay na. Susulatan ko na sana nang tumikhim ng malakas si Skye saka ako pinandilatan ng mga mata. Napabulong na lang ako ng 'what' sa kanya. "Ms. Marco, may problema ba?" Ayan nakuha tuloy niya ang atensyon ni Sir. "Nothing, Sir. Medyo makati lang po ang lalamunan ko." Pagsisinungaling naman niya. Naku! Ang babaeng 'to! May tinatago rin palang talent sa pag-acting e! Natatawa na lang akong tumingin sa kanya. "You, Ms. Herdez! What's funny?" Sa akin na naman tumingin si sir. "Wala po, sir. Concern lang po ako sa best friend ko. Baka po kasi uubuhin na siya o kaya ay magkakasipon na pagkatapos tapos magkakasakit tapos mag-aabsent tapo-" "Shut up! Concentrate!" "Ikaw naman sir oh! 'Di ka talaga mabiro, ano? Natatawa lang po ako kasi ang cute pong magsalita ng best friend ko, ang ganda pa po, at hind-" "Isang salita pa, Ms. Herdez!" "Sabi ko nga po, sir, tatahimik na p-" "Dalawa!" "Oo na nga p-" "Tatlo!" I hate you! Sa isip na lang ako nag maktol pa baka ano pang magawa sa akin ni Sir. Hay. 5 minutes passed... Nasa test paper ang mga tingin ko pero wala rito ang isip ko. Medyo naging active lang ang mga mata ko nang dumating bigla ang President sa labas ng classroom namin at kinausap sandali si Sir. Medyo shocked pa rin ako. Oo, shock na shock sa ginawa ni Skye! Kinuha niya lang naman 'yong answer sheet ko at ipinagpalit sa answer sheet niya! "Ano 'to?" Pabulong na tanong ko sa kanya. She just winked at me saka nagsimula nang magsulat ng pangalan niya roon sa answer sheet ko. Tamang-tama naman ang pagbalik ni Sir. Buti hindi kami nahuli. Tinignan ko na lang yung answer sheet ni Skye na nasa armchair ko na ngayon. 1. C 2. A 3. A 4. B 5. D Wooooowwwww!!! 1-60 items, nasagutan niya na lahat!! O sige siya na! Siya na ang matalino na mabait! Siya na! Ako na maswerte sa kanya! Sige siya naaaaa!!! Napatingin ako sa itaas ng answer sheet niya. Blangko ang Name, Yr/Cr/Sec, Date, at Score. She did it on purpose. Napapangiti na lang akong nag fill in. Name: Nichi Star B. Herdez Yr/Cr/Sec: 2/ BS Architecture/A Date: 01/21/15 Score: 100 Haha! Pero joke lang 'yung 100! Hello? 60 items lang kaya tapos 100 ang score ko? Ang talino ko naman! Haha hay naku! Nakaka stress naman itong course na 'to kahit papaano. Sabay pa ata kaming magtatapos ng kolehiyo nung makulit kong pinsang si Moon! BSEd-MAPEH ang course niya kasi. Four-year degree lang. Five years sa amin eh. "5 minutes left." Pag-remind sa amin ni Sir. Well, okay na. Wala naman na akong problema. Nilibot ko ng tingin ang buong classroom. Tinignan ko na rin 'yung mga kablockmates kong natataranta na dahil hindi pa sila tapos sa pagsagot. Haha! Feel ko tuloy ang talino ko! Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang napatingin ako kay Skye. She's still answering tho. Oh my God! Sana makaabot siya sa time! "1 minute." Pag-remind ulit ni sir. OMG! OMG! Nanlalaki na lang ang mga mata ko sa kakatingin kay Skye. "Pass the test papers with your answer sheets now then you may go home." Oh no! "Done!" Nakangiting sabi sa akin ni Skye bago tumayo at isinubmit kay sir 'yung papers. Lihim na napasigh in relief na lang ako. Akala ko talaga hindi niya matatapos e! Tumayo na rin ako at nag submit kay sir saka sabay na kaming lumabas ng classroom ng best friend ko, as usual. "Ikaw next time 'wag mo na gagawin 'yun ha! Mahuli pa tayo e!" Naglalakad na kami palabas ng department. "Kaysa naman sa hayaan kong mangamote ang best friend kong bituin e." Nakangiti na namang sagot niya sa akin. Aww. Ang sweet talaga nitong genius kong best friend! Ano bang nakita nito sa akin at sa dinami-rami ba naman ng gustong maging kaibigan niya e ako ang pinili niya? Ah! Kasi dahil kay kuya! "What are you thinking?" Natanong niya bigla. "H-ha? Wala." Napahinto ako sa paglalakad kaya huminto na rin siya habang bakas sa mukha ang pagkalito at pag-aalala. I was hurt, you know? I was hurt! Akala ko best friend niya talaga ako kasi matalik na kaibigan niya ako. Emeshhh tinagalog ko lang -_- "Hey, anong problema?" "Kaya mo lang ba ako kinaibigan dahil kay kuya? Ha? Totoo ba Skye?" Yung luha ko parang tutulo na. Ang prangka ko kasi ayan tuloy. "Anong pinagsasabi mo? Best friend kita, Star. Kung 'yan ang intensyon ko nung una pa lang eh 'di dapat nung first year pa tayo ako nag take advantage sa kuya mo." Oo nga, ano? Naku ang drama ko. "Haha, ano ka ba! Ikaw talaga, joke lang! Pinapraktis ko lang ang acting skills ko eh! Hehe." Pagsisinungaling ko. Whew! Natatae tuloy ako rito! Ayan ang drama ko kasi eh! "Please stop doubting about this friendship we have here, Star. I treasure you like a sister now." Nakalapit na pala siya sa akin. Pinahid niya yung tumulo kong luha sa kanang mata ko. Akalain mo yun? Di ko nga naramdamang may tumulo eh! "Sorry na kasi, Skye. Love you bespwend!" Taos sa pusong sabi ko sa kanya bago ko siya niyakap. "I love you, too. 'Wag ka ng mag-iisip ule ng kung ano-ano ha?" "Naku, kung maka I love you too ka ha!" Pagbibiro ko sa kanya. "Sira! Hindi ako tomboy. Tara na nga!" Medyo naaasar na tulak niya sa akin bago kami muli ulit nagkasabay palabas. Naghiwalay na kami nang dumating na ang sundo niya at nauna na siyang umuwi. I waited for a couple of minutes pa bago dumating si kuya para sunduin na rin ako. "How's school, baby?" Bungad sa akin ni kuya after kong makaupo sa passenger seat bago isinarado ang pintuan ng kotse. "I feel perfect!" "Whoa! Good news!" He said before we left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD