"Beh, busog ka na ba?" tanong ko kay Rina saka ipinagsalin ko siya ng tubig sa baso. "Opo Mommy!" masiglang sabi nito. Napangiti na lang ako. "Mommy." Pasimpleng napatingin ako kay Ridge na kanina pa walang kibo. Ano na naman ba'ng problema niya? Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganyan simula nang halikan niya ako. Diba dapat ako ang mailang? Siya ang unang humalik sa 'kin. "Mommy ko." Oo, sabihin na nating tumugon ako sa halik niya, pero siya pa rin ang unang humalik sa 'kin. Wala siyang karapatan mailang 'no, ako dapat ang hindi pumapansin sa kanya! "Mommy Reign." Ah gano'n, hindi niya talaga ako papansinin o titingnan man lang? Grabe, ang kapal niya naman. "Mommy!" Napapitlag ako at napatingin kay Rina na nakasimangot na sa 'kin. Bakit naman nakasimangot ang anak kong 'to? Ma

