
Sa kagustuhang makapagpahinga at makalimot pansamantala ni Raine sa lahat ng nangyayari, ang Isla Ydeia ang lugar na kaniyang matatakbuhan.
Sampung araw lamang iyon ngunit halos buong buhay na ng dalaga ang nakasalalay roon. Lalo na ng magtagpo ang landas nila Sandro, ang binatang ginawa 'atang katatawanan ang buhay niya nang bigla na lamang itong magdeklara na sa loob ng sampung araw niya sa Isla ay mapapaibig siya nito.
Nagbakasyon siya para makatakas sa problemang dulot ng kaniyang dating nobyo, huwag naman sana na hanggang sa Isla ay magkakaroon pa rin siya ng problema na dulot na naman ng isang Adan.
