Kabanata 15

1259 Words

Matapos kumain ay si Nelya na ang nagpresintang magligpit. Ako naman ay naligo muna at nagbihis bago lumabas sa bakuran para tawagan si Corro. May mangilan-ngilan pang naglalaro ng baraha roon kahit lumalalim na ang gabi. Isang ring palang sa cellphone nito ay sinagot nito agad ang aking tawag. "Good evening, Babe!" agad na salubong nito sa akin. Napangiti ako, alam kong pagod ito sa trabaho pero heto at tila napakasigla pa ng tinig. "Good evening. Kamusta ang trabaho?" "Maayos naman, hindi lang maganda ang tanawin dahil hindi kita nakita." hindi tunog biro iyon pero bahagya akong natawa. "Napaka-baduy mo paring bumanat, Engineer." nangingiting ani ko. Rinig ko ang baritono nitong tinig na bahagyang tumawa, "Hindi po iyon banat, Misis. Nagsasabi po ako ng totoo." Napapailing na nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD