Enero 11, 1899 Sa aking talaarawan, Maagang muli akong nagising kanina, talaarawan. Hindi iyon dahil maglalako ako ng paninda, dahil nakita nila inay at itay ang librong binabasa ko kahapon, iyong librong ibinigay sa akin ni Hereneyo. Nakakalungkot ang araw na ito, talaarawan. Ang paggising ko kanina ay nakakadurog sa aking puso. Hinalungkat kasi ni inay ang aking lagyanan ng damit kaya nakita niya iyong libro. Nagpapasalamat akong sa ibang lalagyan kita inilagay kagabi. Hindi pa man hilom ang aking puwitan ay panibagong palo na naman ang natamo ko galing sa aking ina. Pakiramdam ko ay kaunti na lang ay magkakanda sugat-sugat na ito. Kahit ang aking pagtayo ay hindi ko gaanong maituwid, pati ang paglakad ay dapat maingat ako, higit na mas masakit kapag ako ay umuupo. Higit na may mas

