Madaling naubos ang mga tinda ni Neya sa palengke. Palibhasa ay may bumili ng bulto-bulto. Magtatanghalian pa lang ay nakapagligpit na siya at handa ng umuwi. Makakapaglako pa siya ng merienda. Sa daan pauwi ay maraming bulung-bulungan ang kanyang naririnig patungkol sa pagpunta ng mga Antonio sa kanilang bahay kagabi para maki-burol. Ani ng mga ito ay minamadali na daw ng aking mga magulang ang kasal naming dalawa ni Corro para ito ang sumagot sa libing ng kanyang Lola. Nakakapanghina lang na utak kalapati ang mga ganoong tao. Mga taong mapanghusga kahit wala naman talagang alam sa totoong kuwento. Nagtaka siya nang pagkarating niya sa kanilang bakuran ay walang katao-tao hindi tulad noong mga nakaraan, ngayon ay mga lamesa at upuan lamang ang naroon. Agad siyang pumasok sa kanilang

