Kinagabihan ay dumami ang mga taong makikiburol, umuwi narin sina itay at inay ngunit naiwan sa center si Nelya at Tita Vicky. "Neng, makiki-inom ako ng kape." ani ni Mang Tonyo ng makita niya ito sa bakuran kasama ng ibang mangingisda. Nginitian ko ito, "Wag po kayong mahihiya, Mang Tonyo." nilagpasan na nya ang lalaki at dumeretso sa loob ng kanilang bahay. Kailangan na niyang maghanda dahil siguradong darating na anumang oras ang mga Antonio. Pumasok ang inay na hindi mapakali, mukhang nag-aalala ito sa sitwasyon ng kanyang Tita Vicky at sa paparating na bisita. "Nay, magiging maayos lang po ang lahat." pagpaoakalma ko rito. "Malakas po yun si Tita Vicky." Bumuntong hininga ito, "Hindi naman iyon ang inaalala ko. Maayos ang Tita Vicky mo pag alis ko sa center." muli itong bumunton

