Maaga kaming umalis ng bahay dahil sa plano namin ngayong araw. Tanging sina inay at Nilo lang ang natira sa bahay para umasikaso ng mga tao sa burol ngayong araw. Ibinagsak na ni itay ang ilan sakanyang mga nahuli sa pangingisda sa puwesto namin, habang ako ay naghihintay parin sa ibang mangingisda para bumili ng mga maidadagdag na tinda. "Neya, ikaw yung apo ni Sacorro di ba?" tanong ng isa sa mga mangingisda na pinagbibilhan ko ng mga kabibe, si Mang Tonyo. Tipid na ngumiti at tumango ako rito, "Opo." "Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ay inaasikaso mo na lang ang burol ng lola mo?" takang tanong pa nito sa akin. "Kailangan ko pong magdoble kayod, Mang Tonyo." Sabi ko na lang saka napabuntong-hininga. "Hirap pa naman ng buhay ngayon." wika nito sa katotohanan. "Magkano po ito laha

