Napatingin ako kay Seyyara ng marinig ko itong bumuntong hininga. Iyong buntong hininga na parang may hindi matanggap at binabagabag. Tumingin ako kay Corro na naka-akbay sa akin at nakitang masuri nitong pinag-aaralan ang anak. Ibinalik ko ang tingin ko kay Seyyara na nakatayo sa harap ng nitso nila Lolo Hereneyo at Lola Sacorro. Wala akong ideya sa tumatakbo sa isip nito pero ramdam kong may iniisip itong malalim. Katorse, katorse na ang anak namin ni Corro pero parang kailan lang ay nagpapaulan pa ito ng buhangin sa labas ng bahay. Parang kailan lang ay ginagawa pa lang namin ito ni Corro— itinigil ko ang mapunta roon. Nakakahiya kina Lola na mag-isip ng kamunduan gayong narito kami para dumalaw at magpaalan. Palagi kaming pumupunta rito para dalawin sina Lolo Hereneyo at Lola Sacor

