Nakangiti si Father sa amin at tumango kay Corro. “You may now kiss your bride.” anito na ikinabaling ko ulit sa ngayon ay asawa ko nang si Corro. Parang nag-slow motion ang pagtanggal niya sa belo ko. Muli ako nitong nilapit sa kanya at hinalikan sa noo, napapikit ako at didilat na sana ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko. Nabingi ang ako ng maghiyawan at malakas na pumalakpak ang mga dumalo. Nang matapos ang halik ay nahihiya akong napayakap kay Corro. Humarap ito sa mga tao saka umakbay na lamang sa akin. “Asawa ko na si Neya!” anito sa ama na parang hindi makapaniwala. Napatawa ang lahat dahil doon. Makarating sa reception ay muli akong napahanga. Mas malalaki ang arc doon na puno rin ng bulaklak katulad ng sa simbahan pero may mga fairy lights at malilit na bulb light na naka

