Kabanata 36

1745 Words

Mayo 18, 1899 Sa aking talaarawan, Magandang gabi sa iyo, kaibigan kong kuwaderno. Alam mo bang pinilit ko lamang na makapagsulat ngayon? Pagod pa rin kasi ang aking kamay dahil sa paghahabi ng banig. Simula kahapon hanggang ngayon ay iyon lang aking ginawa sa buong maghapon, maliban na lamang sa gawaing bahay. May nakaipit na sulat muli sa aming bintana pagkagising ko kanina. Mabuti na lamang talaga at ako ang palaging nauunang gumising sa aming pamilya kaya wala ng iba pang makakakita noon. Galing ulit sa iniibig at manliligaw kong si Hereneyo ang sulat. Nagtataka lamang ako kung sino ang naglalagay ng sulat ni Hereneyo doon, maging kung sino ang kumukuha ng sulat ko upang mabasa ni Hereneyo. Imposible namang ang iniibig ko ang gumawa noon dahil kilala siya ng mga tao sa kalapit nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD