Kabanata 37

4085 Words

Mayo 22,1899 Sa aking talaarawan, Magandang gabi sa iyo, kuwadernong kaibigan. Alam mo bang nangingiti ako habang nagsusulat ngayon? Tunay na napakasaya ko kahit may kalakip iyong kaba. Ganito na lamang ang aking nararamdaman dahil sa liham ni Hereneyo kaninang umaga. Kakaipit ko lamang ng aking sagot. Hindi na ako makapaghintay sa muling pagkikita namin. Pumayag akong makipagkita kay Hereneyo, talaarawan. Maganda kasi ang pagkakataon na umalis ako dahil aalis ang aking mga magulang bukas ng umaga. Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti ngayon habang nagsusulat, kahit nga ang umupo ng maayos ay hindi ko magawa dahil sa saya at pagkasabik na aking nadarama. Hindi na ako makapaghintay. Pagkagising pa lamang kaninang umaga ay iyong sulat na ni Hereneyo ang aking unang kinuha para mabasa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD