Mayo 26, 1899 Sa aking talaarawan, Magandang gabi sa iyo, kuwadernong kaibigan! Pasensya kana kung nakaligtaan kita kanina. Paano kasi ay nawili akong masyado sa pakikipag-kuwentuhan kay Hereneyo. Imbes na magsulat muna ay dumeretso na ako sa pagtulog, heto tuloy ako at nagsusulat sa kalagitnaan ng gabi. Ang sarap pa lang gumising na ang taong mahal mo ang bubungad sa iyo. Ngayon ko lamang naramdaman ito kaya estranghero iyon sa akin. Paano kasi kaninang umaga ay maaga akong nagising tulad ng aking nakasanayan. Nagising akong nakaunan sa braso ni Hereneyo, ang isang kamay ay nakapatong sa dibdib ng aking ginoo, habang ang malayang kamay nito ay nakayapos sa aking baywang. Kagabi ay natulog kaming magkahawak lamang ang mga kamay kaya naman nagulat ako kung paanong nagkaganoon kami. Nan

