Kabanata 5

1281 Words
"Good morning sa magiging asawa ko!" nakangiting bungad sa akin ni Corro pagkarating ko sa hapag kainan ng bahay nila. Sinalubong ako nito ng yakap at halik sa sentido. "Kamusta ang tulog mo?" Matamis na napangiti ako sa iniakto nito. Para na kaming mag-asawa. "Good morning! Maayos naman," napabuntong-hininga ako. "Namamahay lang siguro." Ngumiti itong muli bago kumalas sa pagkakayakap at iginiya ako paupo. "Kumain ka na, Babe." anito saka umupo sa tabi ko. Ako naman ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "Pwede nangang talaga kayong maging mag-asawa." mahina ngunit nakangiting tukoy sa amin ni Nay Cristy— katulong sa bahay. Nakangiting nag-angat kami ng tingin sa matanda. "Good morning po, Nay Cristy!" bati ni Corro rito. "Saluhan niyo na po kaming kumain," alok ko rito. Maluwag na ngumiti itong muli sa amin, "Nag-almusal na kaming mga kapwa ko katulong. Wag niyo na akong intindihin. Mauna na ako sainyo." saad nito saka umalis ng hapag. "Babe, ako na nyan, kumain kana," tukoy naman sa akin ni Corro. Nagsimula kaming kumain. Kaming dalawa lang ni Corro ang nasa hapag pero napakaraming nakahain na agahan. Hindi ako sanay sa ganito, Sa bahay namin ng pamilya ko ay kape at pandesal lang ang agahan, minsan may sinangag kapag maraming bigas. Panay ang sulyap sa akin ni Corro, kaya tinaasan ko ito ng kilay, "Sulyap ka riyan?" Ngumisi ito saka umiling. "Naisip ko lang kapag mag-asawa na tayo," napangiti ako, ang sarap madinig ng mga iyon mula sa taong mahal mo. "Hindi na ako makapaghintay sa kasal natin." ani pa nito. "Mamanhikan muna kayo," ngisi ko rin dito. Tumango-tango ito na parang nagpa-plano, "Syempre naman, pero sa ngayon, ipapasyal muna kita rito sa Manila." "Ayy! Gusto ko yan!" excited na sabi ko rito. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nag-ayos para sa pamamasyal namin ni Corro sa Manila. Ngayon palang ako makakapamasyal sa lugar na ito. Bigla namang pumasok sa isip ko si Lola Sacorro. Noong mga bata pa kami ni Nelya ay panay ang kwento ni lola samin, nabanggit din niya na ang bagong bayan ang isa sa mga gusto niyang mapuntahan na lugar. Napangiti ako, paniguradong matutuwa si Lola kapag nalaman niyang sa Luneta ako inalok ng kasal ni Corro. Botong-boto si Lola sa relasyon namin. Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko at mas napangiti. Kinikilig ako tuwing makikita ko iyon, naalala ko kasi yung sandaling nag-propose si Corro sa akin. "Nandito na tayo," anunsyo ni Corro matapos iparada ang sasakyan sa hindi ko alam kung saang sulok ng siyudad. Bumaba ito at umikot para alalayan akong makababa. Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid, "Nasaan tayo?" takang tanong ko. Hinawakan nito ang kamay ko saka kami sabay na naglakad. Pumasok kami sa entrace at doon tumambad ang tanawing napakaganda. "Nasa Manila Ocean Park, Babe." sagot ni Corro sa tanong ko kanina. Napanganga na lang ako sa nakikita, "Grabe ang ganda, Babe!" halos tili ng sabi ko. Ako na mismo ang humila kay Corro para tuluyang makapasok sa Park na iyon. "Tingnan mo, Babe!" turo ko sa paging lumalangoy doon, "Hindi ganyan yung mga pagi na nakikita ko sa Pasacao." pagkokompara ko. Panay ang turo at daldal ko habang nililibot namin ang buong Ocean Park. Si Corro ay panay ngiti at sagot sa akin. Marami rin kaming litrato, bawat sulok ata ay kinuhan namin ng litrato. Nang mag-tanghalian ay kumain kami sa isang magarang restaurant. Hindi ko alam kung anong pangngalan, basta sosyal. Sa Star City ang sunod na pinagdalhan sa akin ni Corro. "Mas malaki at mas magandang perya pala ito." namamanghang saad ko. Hindi naman na bago sa akin ang perya dahil may mga ganoon din naman sa Bicol tuwing September, pista ng Peñafrancia. Kung saan-saan kami naglaro at nagsasakay ni Corro. Sa mataas na ferris wheel na napakaganda ng view kapag nasa itaas, sa roller coaster na puro tili at tawa lang ang naririnig ko, mayroon pang may tubig kaya ayun at medyo nabasa yung damit namin. Nakakatuwang nakapamasyal ako rito, ganitong oras kasi sa Bicol ay nagtitinda ako. Kung mayaman siguro kami, nagsawa na si Nilo rito. "Bili muna tayo ng damit bago muling mamasyal, Babe." ani ni Corro habang nagmamaneho. Mayaman nga naman bili lang ng bili. "Ikaw na lang, Babe. Hindi naman ako masyadong nabasa." Napatingin ito sa akin saka ngumiti, "Masama ang magsuot ng basang damit, Misis." pangaral nito. Nangingiting napakamot na lang ako sa ulo. Kinikilig sa itinawag sa akin. Bumili nga kami ng damit, pinagtitinginan pa kami dahil medyo basa ang mga suot namin mula baywang pababa. Nakakainis lang dahil panay ang tingin ng babae sa Mall kay Corro. Pano ba naman kasi, basa na nga at lahat ang damit pero ang gwapo parin, habang ako mukhang dugyot sa tabi. Nagpatuloy muli kami sa pamamasyal matapos sa Mall. Alas sais na ng makarating kami sa Manila Bay. Magkahawak-kamay kaming naglakad sa kahabaan ng konkretong sidewalk sa gilid ng dagat. Panay parin ang kwentuhan at kuhanan ng litrato. Medyo malamig na ang simoy ng hangin dahil magga-gabi na, ang araw ay palubog narin kaya napakagandang tanawin. "Pagod kana ba?" tanong sa akin ni Corro ng maupo kami. Ngumiti ako saka sumandal sa balikat nito. "Hindi pa," sagot ko at naramdaman ang kamay nito sa balikat ko, naka-akbay. "Salamat nga pala." "Saan?" inosenteng tanong nito. "Sa pagdala sa akin dito, sa pag pasyal mo sa akin, sa pag propose mo kahapon, sa pagpapasaya mo sa akin." madamdaming saad ko. Naramdaman ko ang paghalik nito sa buhok ko, "Hindi ako magsasawang iparamdam yun sayo araw-araw, Misis." Kinikilig na napangiti na lang ako, siguradong kulay kamatis na naman ang buong pagmumukha ko. Nang tuluyan ng gumabi ay dinala ako ni Corro sa Intramuros. Maraming tulad naming magkasintahan ang nandoon. Sikat daw kasi ang lugar bilang pasyalan lalo na tuwing gabi. Napakaganda ng lugar, maraming ilaw na bagay na bagay sa dating ng lugar, bagay na bagay din iyon sa dilim ng gabi. Tulad ng mga nakaraang pinasyalan namin, bawat sulok ay may litrato. Pareho kaming napatigil sa paglalakad ni Corro ng biglang tumunog ang celllhone ko. Bigla rin akong nakaramdam ng kaba dahil doon. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko nakitang si Nelya ang tumatawag. Sinagot ko iyon ng hindi lumalayo kay Corro. "Hello, Nelya?" pambungad na bati ko pero puro hikbi ang naririnig ko sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko saka muling tiningnan ang screen ng cellphone. "Si Nelya naman to ah." nagtatakang saad ko saka ibinalik ang cellphone sa tainga ko. Matiim na nakatitig lang sa akin si Corro, hawak ang isang kamay ko. "Nelya," mas malakas na sambit ko pero hikbi ulit ang narinig kong tugon nito. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Corro ng dumagungdong ang kaba sa aking dibdib. "Nelya? Ikaw ba yan? B-bakit ka umiiyak?" dulot ng kaba ay nauutal nang tankng ko. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Corro. "N-neya..." ani ng kapatid ko sa kabilang linya at rinig ko ang mga hikbi nito. "Ano- Bakit ka ba umiiyak?" "Neya, u-umuwi kan-na rito," halos hindi ko maintindihan ang sinabi nito, nangingibabaw ang hikbi. Naguguluhan at kinakabahang kumunot ang noo ko. "May nangyari ba? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ko, bakas ang pag-aalala sa mukha at tono. "S-Si Lola..." iyon pa lang ang nasasabi ng kakambal ko pero nanginig na ang mga labi ko. "W-Wala na si L-Lola." mahina nitong sabi kasunod ng iyak at mga hikbi nito. Napatangang napakurap-kurap lang ako, ang mga luha sa mata ay nag-unahang tumulo. Agad na niyakap ako ni Corro, panay ang hagod nito sa likod ko habang nakasubsob ako sa dibdib nito pero wala akong maramdaman. Tila namanhid ang buong katawan ko dahil sa balitang iyon ni Nelya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD