Weeks passed by and now is monday and nandito na ako ngayon sa office kung saan ako nagta trabaho, kakarating ko lang actually kaya medyo ngarag pa dahil na stress ako sa pag commute. Sobrang siksikan kasi sa jeep at pahirapan din makasakay dahil andaming tao na naguunahan. Buti na lang din talaga't maaga ako nagigising kaya maaga din ako nakaka alis sa apartment. Mga 30 mins din kasi ang ride and 5-10 minutes walk from apartment to office kaya medyo nakakapagod sya pero okay lang kasi mataas naman magpasahod yung company na pinapasukan ko and marami ding benefits.
Anyways, kailangan ko na mag work kasi medyo maraming documents ng nakalagay sa table ko ngayon. I found out din na may announcement later which is ipapakilala daw yung bagong head ng department namin na I'm sure kamag anak lang din ng may ari ng company. Well, not my concern anymore, sana lang maayos yung papalit na head. Nag retire na kasi yung dati since medyo may edad na din. Sige magtatrabaho muna ako.
Lunch time came and napag desisyunan naming magkakaibigan na mag meet sa jollibee para dun mag lunch kasi nasa iisang area lang kaming apat nagwo-work. Lisa and I were friends since elementary and nung college na namin na meet sina Jaz at Yesha na magkaibigan din.
Nandito na kami ngayon sa Jollibee at nakapag order na din ng kanya kanya naming foods. One hour naman yung lunch break and malapit lang yung office kaya no need na mangarag pabalik.
"So kumusta naman ang araw nyo so far?" Tanong ni Yesha habang ngumunguya ng fried chicken nya.
"Okay naman, medyo hassle lang kasi ako daw yung magte-train dun sa bagong hire na employee" Sagot naman ni Lisa
"Good luck, sana di maubos pasensya mo girl" Sabi naman ni Jaz
"Yeah right, mabilis pa naman maubos pasensya ko nowadays" Ani Lisa na nakabusangot
"Oh why? Dahil ba hindi pa rin effective ang pagpapapansin mo sa manager mo? Akala ko ba papalitan mo na after ng TB nyo?" Taas kilay na tanong ni Yesha
"Well, hindi ko mapalitan. Sya gusto ko eh. Donno kung ano bang gayuma meron yun at nahulog ako sa kanya. Tsk" Sagot naman ni Lisa "Ikaw ba Yuki, ano ganap sa office nyo at sainyo ni Chef?" anito pa
"Key lang, may announcement daw later kasi magpapalit ng bagong head yung department namin at so far wala naman na kong paper works kasi natapos ko na sya kanina kaya maghapon na naman akong uupo siguro. While kami ni Aiden ay okay naman. We're still talking." Sagot ko
"I see. Nanliligaw na ba sya sayo Yuki?" Ani Yesha
"Nope. Ewan. He never mentioned." Sagot ko naman
"But you like him naman na diba? He said that he likes you too pero wala pa ding ligawang nangyayari? Mabagal ang kuya" Komento naman ni Lisa.
Nagkwentuhan lang kami then nung 15 minutes na lang before mag ala una ay nag decide na kaming bumalik sa kanya kanya naming workplace.
Time passed na wala ako halos ginawa sa table ko kundi makipagtitigan sa computer ko at magbasa ng files. Minsan may mga clarifications yung kasama ko dito sa office kaya sinasagot ko naman sila.
"Ma'am, kilala nyo po ba kung sino yung bago nating head dito sa department?" Dinig kong tanong nung isang employee
"Hindi eh, pero ang balita is anak daw ng CEO" Sagot naman nung isa
"Babae ba o lalaki? Sana gwapo or maganda tapos hindi suplado at suplada" Sabi naman nung isa pa
Nagsiayos na yung mga empleyado dahil papunta na daw sina Mr. Velasco at ako naman ay inaantok dito sa pwesto ko kaya kanina pa humihikab.
Ilang saglit nga lang at may mga pumasok nang mga naka formal suit kaya nagsitayuan naman kaming lahat.
"Good afternoon team. As you may know, I am no longer the Director of this department kasi medyo tumatanda na tayo. Haha. Ngayon pinapakilala ko sainyo ang inyong bagong Director, Mr. Kaizer Nathaniel Chua." Pag introduce ni Mr. Velasco, ang dati naming department head.
"Ito naman ay si Mr. Peter Santos, ang kanyang Secretary" dagdag pa nito.
"Good afternoon everyone." Bati naman nung secretary.
Isa isang pinakilala ni Mr. Velasco yung mga kasama ko dito sa opisina sa bagong head at secretary at nung ako na yung ipapakilala biglang napakunot ng noo ang lalaki kaya otomatikong tumaas ang kilay ko.
"Mr. Chua, this is Ms. Shaira Miyuki Mendez, our Assistant Manager. You can count on her." Blah blah blah, pag introduce ni Mr. Velasco
"Good afternoon Sir." Pagbati ko sa kanila at binati naman ako pabalik nung secretary pero yung isa ay nakakunot pa din ang noo
"Mr. Chua, let's head to your office." Sabi ulit ni Mr. Velasco at pumasok na nga silang tatlo room na io occupy nila and balik bisi bisihan na ulit sa work ang lahat.
Di ko namalayan ang oras dahil may mga inayos akong documents na for signature at nung napatingin ako sa orasan ay malapit na palang maguwian. Sakto namang patapos na ko sa documents na inaayos ko at ilalagay na lang sila sa table ng manager namin na pipirmahan nya bukas, on site kasi schedule nung manager ngayon kaya wala sya sa office the whole day.
Nagliligpit na ako ng mga gamit sa table ko nung lumapit yung secretary na si Mr. Santos
"Hi Ms. Mendez" Anito
"Yes Sir?" Tanong ko rito
"May mga files kasi akong kailangan, pwede mo bang mai send sakin sa email first thing in the morning, tomorrow?" Sabi nito at binigay yung listahan ng files na kailangan nya at sakto naman na may access ako sa files na yun kaya maibibigay ko sa kanya.
"Yes Sir, ngayon ko na lang din po ise-send sainyo dahil hindi ko pa naman nao off ang computer." Sagot ko naman dito kaya dali dali kong hinanap sa computer ko yung mga files na hinihingi saakin at madali ko namang nahanap ang mga ito dahil may kanya kanyang folder naman lahat ng files na naka saved sa computer. And for backup purposes, naka saved din sila sa drive.
After kong mai send yung files na hinihingi ng secretary ay lumapit ako sa table nito para iinform sya na naisend ko na sa kanya yung mga hinihingi nyang files. Then after that ay nagpaalam na ko ako sa kanila kasi mukhang magpapaiwan pa sila sa opisina.
Agad naman akong nakasakay pauwi at nakarating sa apartment. Ni microwave ko na lang yung leftover na pagkain na nakalagay sa ref at yun na yung dinner ko for tonight.
After doing my night rituals, I lied myself to bed at naghihikab na dahil medyo inaantok na.
"Medyo familiar yung mukha ng bago naming direktor, pero di ko matandaan kung saan ko sya nakita or baka may kamukha lang." Sabi ko sa sarili ko.
to be continued....