Lumipas ang isang linggo at ngayon ay pauwi ako sa Batangas to attend my grandfather's birthday celebration na alam kong hindi ko din mai enjoy.
Kapag umuuwi sa Batangas ay nagco commute lang talaga ako dahil wala akong sariling sasakyan, meron naman akong sasakyan sa Batangas pero hindi ko dinadala sa city dahil tinatamad ako at mas gusto ko na mag commute kesa mag drive kahit na marunong naman ako. Wala din kasing parking space yung apartment ko kaya sayang lang kung dadalhin ko ko sa city yun, hindi ko sya maaalagaan eh.
Ilang oras din ang byahe kaya makaka idlip ako. Nag file muna ako ng 2 days na vacation leave para naman kahit pano masulit ko ang pahinga ko na hopefully meron pero who knows.
Medyo matagal ang byahe dahil friday night at maraming uuwi sa malalapit na probinsya from manila at medyo siksikan sa bus, buti na lamang at nakapagpa reserved ako ng maaga kaya may maayos akong pwesto.
Hating gabi na nung nakarating ako sa terminal at nandun na ang kuya ko na susundo sakin.
"Kuyaaaaaa!" Sigaw ko nung makita sya at agad naman itong lumapit sakin.
"Kumusta ang byahe?" Tanong nito habang naglalakad papunta kung saan naka park ang sasakyan namin
"Okay lang naman kuya, medyo traffic nga lang, pero goods lang. Na miss kita kuya." Sabi ko dito
"Na miss ka din namin Shami" Sabi naman nito. Shami ang tawag saking ng family and relatives ko, pinag combine yung 2 names ko, while my friends ay Yuki naman ang tawag sakin para maiba naman daw and I like the latter one better
Isang oras din ang byahe papunta sa farm namin kaya di ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising na lamang ako nung huminto na ang sasakyan.
"Good evening po ma'am, sir" bati saamin ng kasambahay naming si manang Lourdes.
"Good morning po manang. Kumusta po kayo? Gumaganda kayo ahh, may nanliligaw na po ba sainyo?" Pabirong bati ko dito.
"Haha nakung bata ka, sa tanda kong ito, magpapaligaw pa ba ako?" Sagot naman ng matanda. Malapit na mag senior citizen si manang at wala pa itong asawa o anak. Tumanda ito sa farm kaya parang lola nya na rin ito. Pero kahit na matanda na ay sobrang malakas pa rin ito at kayang kaya pa gumawa ng mga gawaing bahay, pero kahit ganun ay hindi namanna ito pinagtatrabaho pa nina papa.
Binati din kami ng ibapang kasambahay na naroon ngayonna abala sa paghahanda at pag aayos. May naririnig na din akong mga ingay ng baboy at biik na kinakatay para ipanghanda.
Dumiretso muna ako sa kwarto ko para magbihis, matapos nun ay pinuntahan ko na sina papa sa kubo kung saan sila naguusap nila lolo.
"'Pa! 'Ma! Lo, mano po." Bati ko sa mga ito. Kasama na din nila si Kuya, wala doon ang asawa ng kuya nya dahil anito'y nasa kwarto at binabantayan ang sanggol na anak.
"Ate Shamiiii!" Sigaw ng bunso nyang kapatid nung makita sya dito.
"Ingay naman bunso" Sambit ko
"I miss you ate!" Sabi nito at yumakap sakin ng makalapit na ito at niyakap ko naman ito pabalik.
"Miss ka din ni Ate, pero wala akong pasalubong. Marami ng pagkain dito sa bahay eh" Natatawa kong sabi sa kanya
"Haha ate, okay lang big boy na ako kaya hindi na ko hahanap ngpasalubong no." Sagot naman nito sa kanya.
"Aba'y mabuti kung ganun. Gaano na ba katanggad ang big boy na yan, baka may nililigawan ka na ha, bawal iiyak ako?" Biro ko dito
"Ate naman, wala pa akong liligawan, wala ka pa ngang boypren eh. Saka study first sabi ni mama" Sagot naman nito sa kanya
"Tama tama! Very good!" Komento ko.
"Nag dinner ka na ba Shami?" Tanong ni mama
"Hindi pa po pero hindi naman po ako gutom." Sagot ko kay mama
"Kumusta naman sa Maynila? How's work?" Tanong naman ni papa
"Okay lang po 'Pa. So far, maingay at polluted pa din. Haha" Birong sagot ko rito
"Hanggang kailan ka naman mag stay dito apo?" Tanong naman ni lolo
"Hanggang tuesday po ako naka vacation leave 'Lo." Sagot ko dito
"Mabuti kung ganun, ng masulit ko ang pagpapakilala ko sayo sa mga apo ng kaibigan ko" Sabi naman ng matanda
"'Pa naman, baka ma pressure ang apo mo nyan" Saway naman ng kanyang ama sa lolo nya
"Aba'y tumatanda na ang anak mo, kaya kailangan na nya magka nobyo. Malay mo may magustuhan sya sa isa sa mga ipapakilala ko mamaya." Sagot naman ng lolo nya
"O sya, magpahinga ka na muna dun Shami sa kwarto mo. Alam naming pagod ka sa byahe." Sabi ng mama nya at sinunod nya naman ito.
Bumalik na sya sa kwarto nya dahil pagod at inaantok na din sya at bukod pa rito'y gusto nyang iwasan topic ng lolo nya.
Tanghali na nung sya'y nagising at sobrang ingay na din sa labas. Binuksan nya ang bintana para tignan kung ano na ang ganap sa ibaba at nakita nyang maraming taong nag aayos sa garden.
Maraming inimbita party ng lolo nya, bukod sa mga ka business nito at mga kaibigang mga corporate at imbitado din lahat ng trabahante sa farm. That's what she like about her family, walang pinipili. She's lucky that she grew up in a family like hers.
Narinig nyang may kumatok sa kwarto nya kaya naman pinagbuksan nya ito.
"Good morning ma'am Shaira" Bati sa kanya ng isa nilang kasambahay na wari nya'y bago pa lamang. "Magtatanghalian na daw po kayo." Sabi pa nito.
"Good morning din, ano pangalan mo?" Bati at tanong ko dito
"Aya po ma'am" Sagot nito
"Okay Aya, just call me Shami too, wag na Shaira masyadong pormal kasi. And pasabi na pababa na ko. Thank you." Sabi ko at nginitian ito
"Yes po ma'am Shami" at umalis na ito.
Natapos kaming mananghalian at back to being busy na ulit ang pamilya nya, kaya naman bumalik na ulit muna sya sa kwarto nya para kunin ang nakalimutang cellphone.
Kinuha nya ang phone nya at nag message sa mga kaibigan.
"Zup mga beshy ko?! Busy kayo?" Message ko sa groupchat namin.
Agad naman nagsi reply ang mga ito.
"Pasalubong wag kalimutan ha" reply ni Yesha
"Hottie na probinsyano gusto ko bes" reply naman ni Lisa
"Kuya mo na lang sakin. Joke taken na pala" Jaz
"Hahahaha, gagi Jaz mag move on ka na, wala ka ng pag asa kay kuya Nate. Hahahaha" reply naman ni Lisa
"Che!! Kaya nga joke eh. Taken na ko don't worry" Sagot naman ni Jaz
"Hoy! Kailan pa? Bakit hindi namin alam?" reply naman ni Yesha
"Kahapon lang, duhh" reply ulit ni Jaz
"Makipag break ka na, hindi pwede ang may jowa sa tropa, damay damay tayo dito bes" reply ulit ni Lisa
"Ipakilala mo samin yan Jaz, kakaliskisan namin" reply ko naman
"Grabe naman sa kakaliskisan. Haha" reply ni Jaz
"Don't worry, ipapakilala ko sya sainyo pag uwi ni Yuki dito sa manila" reply ulit ni Jaz
"Gwapo?" Tanong ni Yesha
"Hindi! Ayan para hindi kayo ma disappoint" reply ni Jaz
"Gagi! Hahahahaha" reply ko naman
"Inunahan na, iba din. Totoo na ba yan Jaz? Baka maloko ka ulit ha, hinay hinay lang wag muna isuko ang bataan. Ay joke ikaw pala nakikipag break na una dahil hindi mo na trip." reply ni Lisa
"???" reply ni Jaz
"Just so you know my girl, ako ang unang nakikipag break dahil nahuhuli ko silang nagche cheat, malakas ata radar ng kaibigan nyong to." Dagdag pa ni Jaz
"Ay naisuko na? Geh okay lang yan, gurang ka naman na eh. Pero sabagay, kupal naman kasi mga naging ex mo kaya deserve iwan" reply ulit ni Lisa
"Ikaw ba Lisa may jowa na?" Tanong naman ni Jaz
"Walang pag asa bes, makunat si manager. HAHA!" reply nito
"Ayy iba ang gaga manager pala puntirya." reply pabalik ni Jazz
"HAHA syempre! Pero di makuha sa pa maria clara bes, daanin ko kaya sa pagiging Audrey ?" reply pabalik ni Lisa
"HAHAHA" reply namin pareho ni Yesha
"tinatawa mo dyan Yesha, if I know may nanliligaw na din sayo." reply ni Lisa
"?" reply pabalik ni Yesha
"Pero seryoso, ang kunat ni manager. Jusko mauubusan ako ng pilik mata kaka wink eh" reklamo ni Lisa
"Baka kaya di mo mabingwit, wink lang ginagawa mo. Hahaha" reply ni Jaz
"Don't worry, aakitin ko sya soon, may team building kami next week, pag di ko pa sya nakuha edi maghanap na ko ng iba. Hahahahaha" reply ni Lisa
"Gagi. Hahaha, good luck sayo bes" reply ni Yesha
"Good luck sa love life nyong tatlo. Support ko kung saan kayo happy. Haha" reply ko sa kanila
"Sus, nasaan na ba kasi yung Mr. Hottie na inangkin mo bes? Bagay kayo. Ayy sorry bawal pala pag usapan, hahahahaha." reply ni Jaz
"Tigilan nyo ko. Hahahaha. Sige na babye muna, tulong muna ako mag prepare para sa party ni lolo." Reply ko naman
"Good luck sana may magustuhan ka na sa rereto sayo ng lolo mo. Hahaha" reply ni Lisa
"Haha, pasalubong ha. Labyu bes ingat dyan." reply ni Jaz
"2" reply ni Lisa
"3" reply ni Yesha
"gesgeeee" reply ko bago lumabas ng kwarto at pumunta sa garden
Lumabas ako then realized na wala naman pala akong maitutulong sa kanila sa pag aayos kaya naman nag picture picture na lang ako gamit ang phone ko dahil di ko naman dala yung camera ko.
Busy ang mga tao, binabati ako ng mga nakakasalubong ko na nakakakilala sakin na trabahante sa farm.
Hours passed at nagsisimula na din ang celebration. Maraming bisita at magiliw ang lahat.
Naglalakad lakad ako ngayon at nakita ako ng lolo ko na habang kausap nya ang isang kaibigan.
"Shami apo" pagtawag nito sa kanya. Agad naman ang lumapit dito at di nga ako nagkamali dahil may ipinakilala ito saakin.
"Shami, this is Aiden Gabriel Lacsamano. He's managing their branch restaurant in Makati. He's 27 yrs old and binata. He's the grandson of my friend Adrian. Aiden, this is my granddaughter Shaira Miyuki, I hope you too could get along." Pagpapakilala ng lolo nya
"Hi Shami, I'm Aiden. Nice to meet you." Pagpapakilala ng binata sa kanya
"Nice to meet you too Aiden." Nginitian ko ito at nakipagkamay din.
"Pwede ba na maiwan muna namin kayong dalawa dito? Shami ikaw muna bahala kay Aiden." Paalam ng kanyang lolo at iniwan na sila nito.
"So, I heard na family mo lang tumatawag sayo ng Shami, how do you want me to address you?" Tanong ng binata sa kanya
"Shami na lang, yun din naman pagpapakilala ni lolo." Sagot ko sa kanya.
"You're a chef?" Curious kong tanong, sabi kasi nagma manage sya ng restaurant eh, malay mo ba
"Yeah, how did you know?" Tanong nito
"Hula lang. Anyways, kumain ka na ba?" Tanong ko rito.
"Yeah, a little." Sagot nito.
"Why konti? Dapat dinamihan mo." Sabi ko naman.
"Busog pa kasi ako." sagot naman ng binata
Halos buong gabi si Aiden lang ang kasama at ka kwentuhan ko and thank god dahil wala ng ibang ipinakilala sa kanya ang kanyang lolo.
Mabait si Aiden kaya medyo nagkasundo naman kami at madaling nagkagaanan ng loob. Napagkasunduan din namin na kapag hindi busy ay mag meet, since wala namang magagalit. Nagbigayan na din ng contact infos and so on.
Inaya nya din ako na pumunta sa restau nila, and libre lang daw pag pumunta ako at sya mismo magluluto for me. Pumayag naman ako dahil sa "libre" word na narinig ko. Don't get me wrong, hindi ako pumapayag basta kapag may nagaaya na ililibre ako, I'm just comfortable with Aiden that's why I agreed.
Hindi naman nagkaroon ng problema sa party at maayos naman itong nairaos.
Natapos ang party at nagsiuwian na ang mga bisita at nagliligpit at nagaayos na ang iba.
Nagpaalam na din si Aiden na uuwi na, hindi sana sya pinapayagan ng lolo kaya lang he insisted to go home kasi nakakahiya daw and parang hindi magandang impression if mag stay over sya dun eh kakakilala pa lang daw sakin. Wala namang kaso dun, di naman sya nangliligaw eh, pero gusto nya umalis kaya hayaan na.
Aiden visited the next day because he promised my grandfather that he'll have dinner with us. He brought wine as gift and a bouquet of tulips for me. Natanong nya din kasi last night about what's my fave flower and said that it was tulips.
While having dinner, my family and I together with Aiden had conversation. Maraming kwento ang lolo kaya halos sya lang nagsasalita. Panay din ang tanong nito kay Aiden.
"So Aiden iho, what do you think of Shami?" Tanong ng lolo nya sa binata
Tinignan muna sya ng binata bago ito sumagot. "Shami is beautiful, and I would want to get to know her better if you and she'll allow me" sagot nito at tumingin ulit sa kanya ng nakangiti
"It's good to hear that. Alam mo bangmarami na akong ipinakilala sa batang to pero ni isa wala man lang pumasa. Sana naman this time, with you magkaroon ng progress. Hindi na rin naman kayo bumabata" Saad ng lolo nya
"I'll think positively and hope so too that I get a chance" Sagot naman ng binata sa matanda.
After they had dinner ay nagpaalam na si Aiden na uuwi na at inihatid nya ito sa parking lot.
"See you tomorrow Shami" Paalam ng binata ng makasakay na ito sa kanyang kotse
"See you and ingat sa pag drive." Paalam nya rin dito.
Napagkasunduan nila na sasabay na sya sa binata pabalik ng Maynila bukas
Pagdating sa kwarto nya ay inilapag nya sa mesa ang bulaklak na ibinigay sa kanya ni Aiden. Pinicturan muna nya ito at ipinost sa kanyang IG at sss story bago inayos at nilagay sa vase.
Later on, her she heard her phone beep and saw her friends messages
"May pa tulips si kumare" komento ni Lisa
"I smell aomething, it's the smell of Yuki getting in a relationship soon" message naman ni Jaz
"Who's that lucky one on that caption? Mr. Chef?" Tanong naman ni Yesha.
Her friends really know her. Hindi kasi sya ma post na tao. As matter of fact, halos once a month lang nya ginagawa ito and alam ng mga friends nya na nagustuhan ko ito kaya naisali ko sa post ko. And I can't deny na nagustuhan ko naman talaga yung flowers.
Among others na pinakilala sa kanya ng lolo nya, Aiden is better, I mean he stands out not just because of his looks but also because of his attitude.
"he's just a friend girls" reply ko na lang dito
"A friend huh" reply pabalik ni Lisa. Hindi nya na ito nireplyan at natulog na lamang dahil inaantok na rin sya.
Kinabukasan, gaya ng napagkasunduan ay sumabay na nga lang sya kay Aiden pabalik sa syudad. Nagkwentuhan lang sila buong byahe at makalipas nga ang ilang oras ay nakabalik na sya sa kanyang apartment.
Sa mga nakalipas na araw, lagi nyang nakakausap sa telepono si Aiden, nagkikita din sila minsan kaya mabilis silang nagkasundo. Nagsisimula na din na magustuhan nya ito coz of his gestures.
Aiden's really a good and caring man based on her observation. Mahusay din itong magluto, masasarap ang mga inihain nito sa kanya sa tuwing bumibisita sya sa restaurant na mina manage at pagaari nito.