Today is sunday at kahit pagod kagabi ay maaga pa din akong nagising. I'm a morning person, kidding nasanay lang talaga akong maaga gumising. Nag-ayos na ko para makapag-jogging saglit sa labas. Yes every sunday morning ay lumalabas ako para mag jogging sa may park na malapit dito sa apartment na tinutuluyan ko. Tuwing sunday lang kasi ako may free time para kahit papano i exercise yung katawan kong pagod sa trabaho tuwing weekdays.
"Good morning Yuki" Bati sakin nung landlady na nakasalubong ko paglabas kaya binati ko din sya pabalik. So far mabait naman sya kaya wala akong problema sa tinutuluyan ko.
"Ate Yuki, magjo jogging ka na po ba? Sama po ako" Sabi ni Myka na anak nung landlady na naabutan kong naglalakad papuntang park. Minsan nagkakasabay kami mag jogging kaya tinanguan ko na lang sya.
Pagdating namin sa park before ako magsimulang tumakbo, sinet ko muna yung earpods ko para nagsa-soundtrip ako habang tumatakbo.
Nakaka 30 minutes pa lang ako ng takbo pero nakaramdam agad ako ng pagod kaya naupo muna ako saglit sa may ilalim ng isang puno. After magpahinga ng limang minuto, takbo ulit hanggang sa satisfied na ko't inaya ko na pauwi yung kasama ko, sakto din naman na tumataas na yung sikat ng araw at medyo mainit na.
Nakauwi na ko and nakapaglinis na din ako ng sarili ko. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pwede magluto at ng kung anong pwede kainin habang nanunuod ng anime mamaya. Hindi ako magsisimba ngayon dahil nagsimba pa lang ako last sunday. Yes po, every other sunday ako nagsisimba kaya wag ninyo ako tularan readers.
Ang tagal kong nag-isip kung anong kakainin ko pero sa huli, toasted bread lang kinain ko for breakfast dahil tinamad akong magluto dahil medyo maaga pa naman for lunch. Syempre with milk. Mawala na lahat, wag lang yung gatas. After magligpit sa kusina, tinungo ko naman ang living room at doon sumalampak ng higa sa sofa at nagsimulang mag browse sa aking social media.
I browse on f*******: and so far wala namang magandang balita o chismis. I checked my inbox at nakita ko yung mga message ng kaibigan ko sa group chat namin.
"Tulog pa din ba ang reyna? Haha" Yesha
"Tulog pa ata" Jaz
"Sayang, hindi ko na videohan yung nangyari kagabi" Lisa. But I know that they had filmed that scenario, knowing my friends.
"Ako din, sayang." Yesha
Ilan lang yan sa nabasa ko bago ako mag type ng message
"Yung bills ko bayaran nyo" I sent the message at agad silang nag reply
"Oo, at dahil mabait kami at natuwa kami sa performance mo kagabi, gagawin na naming one year" Reply ni Jaz. Mayayaman ang mga kaibigan nya kaya barya lang yung bills nya para sa mga ito
"Masyado mong ginalingan sis, how to be you?" Reply naman ni Yesha
"We're so proud of you Yuki, akalain mong may ganun ka palang talent sa pag arte. Hahaha" Reply naman ni Lisa
"Ipagdasal nyo na lang na hindi ko na makita yung lalaking yun dahil sobrang nakakahiya yung ginawa ko no, at please lang wag na natin pag usapan ang nakakahiyang pangyayaring yun" Reply ko sa kanila bago ako nag log out. Tumatawag kasi si mama.
"Good morning nak! Kumusta ka naman dyan? Kumakain ka pa ba? Miss ka na namin, kailan ka ba bibisita man lang dito sa bahay?" bungad na sabi ng nanay ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag nya
"Kapag di na po ako tinamad 'ma. Sayang ang vacation leave kung gagamitin na ngayon, baka wala na akong magamit sa pasko nyan. Sagot ko naman sa kanya
"Ano ka ba namang bata ka. Hindi naman sa Mindanao tayo nakatira. Hindi ka ba uuwi next weekend?" Tanong ulit ni mama.
"Bakit ano po bang meron next weekend?" Tanong ko naman dahil walang nakalagay sa calendar ko kung anong okasyon ang meron.
"Birthday ng lolo mo, nakalimutan mo na ba? Hinahanap ka na din nun." Sagot naman ni mama. Ahh, oo nga pala, birthday nga pala ng lolo ko sa father side.
"O-opo naman, pupunta po ako. S-syempre naman po, mawawala ba naman ako sa special day na yun. Hehe" Medyo alanganing sagot ko kay mama dahil parang ayoko pumunta.
"Oh sige, see you na. Take care okay. I love you."
"I love you too po" Sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.
Sa totoo lang ayoko talaga pumunta dun, I'm sure katakot takot na namang eksena magaganap. Nakakasawa na kayang ipakilala sa kung kani kanino, feeling ko na lang lagi ay binibenta ako ng lolo ko sa mga kakilala nya eh. Pero wala naman akong choice kundi ang pumunta. Haaays
Naibenta nya na kasi yung kuya ko dati, joke. Kasal na kasi yung kuya ko 2 years ago pa kaya gusto na namang magpaka cupid. Si lolo din kasi naghanap ng asawa para kay kuya. Pero ayoko kasi ng ganun, nakaka stress yun saka I'm still young, 25 pa lang ako no. Eto ang mahirap kapag wala kang pinsan sa father side eh, wala silang ibang mapagtripan. Tinamad kasing gumawa ng anak si lolo't lola kaya si papa lang tuloy anak nya. Hmp!
By the way, nakalimutan ko na magpakilala sainyo, mahaba na yung eskena pero di ko pa na introduce sarili ko. I am Shaira Miyuki Mendez, a 25 years old and a regular office employee sa city. My family lives in Batangas. I have an older brother and a younger brother, yes po ako lang yung nagiisang girl samin. My older brother has his own family na while my younger brother is an elementary student. Opo malaki yung age gap namin kaya masyadong spoiled samin yung batang yun.
So as you know, pinapauwi ako next weekend samin kasi nga birthday ng lolo ko and I'm sure one of his agenda na naman is ang ireto ako sa mga apo ng kaibigan nya na pupunta sa party.
Taray may paparty, well hindi naman ako gagastos kaya okay lang magpaparty sila. I wasn't born with golden nor silver spoon in my mouth kaya medyo may taglay akong kakuriputan when it comes to money tho my family owned a farm. Our farm has different variety of vegetables and fruits, there's also a fish pond and meron ding alagang baboy, manok and kalabaw. Yung farm na yun is pagaari talaga ng lolo ko sa father side and ngayon si papa na yung nagma manage since agriculture yung tinapos ng tatay ko sa college.
I don't consider us as a well-off family, kahit maraming nagsasabi na mayaman daw kami. Hindi din kami pinalaki na maluho at materialistic, nag aral at nakapagtapos kami ng kuya ko sa public school and as an scholar kaya naman medyo may pagka praktikal ako. Eme.
Aish kanina pa pala ako kwento ng kwento, charge muna nga ako ng phone, deadbatt na eh.
to be continued...