So ayun, ininom ko lahat ng laman nung hawak kong bote at sinimulang maglakad patungo sa grupo ng mga lalaki para halikan ang isa sa kanila. Kaya ko to! Sabi ko sa sarili ko, pinalalakas ko ang loob ko kahit na sobrang kaba yung nararamdaman ko dahil eto ang unang beses na gagawin ko to. Hmmm. Infairness din naman, mukhang may itsura ang mga lalaking ito, di na masama.
Habang naglalakad may mga nariring akong nagsisigawan.....
"Wow chicks pare!" Sabi nung isang lalaki na sa isang table na medyo kalapit samin
"Ang ganda nya dude" Sabi naman nung isa nitong kasama
"Akin ka na lang miss!" Sabi pa nung isa pa
"Tss. Di naman maganda, mas maganda pa ko dyan eh" Sabi naman nung kasama nilang babae. Hindi ko na lang pinansin kasi di naman sila kailangan ko
Nung malapit na ko sa table nila ay lalapit na sana ako sa kung nasaan yung lalaking napili kong halikan, ng may biglang dumaang balyena sa tabi ko kaya muntik na ko matumba kaya naman napamura na lang ako "WTF". Yung malanding balyenang sumagi sakin ay biglang tumabi kay Mr. V-neck. Akala ko uupo lang sa tabi, pero bigla itong naupo sa lap nung lalaking yun at bigla itong hinalikan. Tss, akala ko pa naman wala tong girlfriend eh, pero may nakalingkis na balyena.
Tinignan ko si guy, nakaupo lang sya, walang pakialam sa balyenang nakaupo at humalik sa kanya, napansin ko din na nakatingin sya sakin na nasa harap nya na ngayon at dahil nakainom ako't medyo may tama ang utak ko may biglang pumasok sa utak ko.
"AND WHO'S THIS FVCKING WHALE SITTING ON YOUR LAP HA, YOU JERK??!! ARE YOU CHEATING ON ME? HOW DARE YOU?!" Nakuha ko ata lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng bar dahil sa pagsigaw ko. Oh well hayaan natin sila, let the show begin. Tss
"And who're you calling a whale, b***h?" maarteng pagkakasabi nung balyena. And so I pointed her.
"Hmmm" Kunwari'y nag-iisip "YOU?" sagot ko naman
"What the?!!" pagalit nitong sabi na para bang uusok na ilong nya
"What the hell are you doin' with my boyfriend? Can you please stay away from him, coz baka mangati sya bigla and oh baka mabalian sya ng buto dahil may umupong balyena sa kanya. Gosh" mas maarte kong pagkakasabi.
"You" She's about to slap me but I won't let anyone touch my face so
"Ooops, nadulas. Serves you right?" Inunahan ko na sya nang sampal kasi sayang ang oras, tumatagal ang eksena. Mahal pa naman talent fee ko.
"Who the hell are you to slap me?" Nanggagalaiti na sa galit yung balyena
"Sino ako? Well, I am Yuki, and oh NASIRA ko ba face mo? Paayos mo na lang ulit yan b***h, saka tabi nga nakaharang ka eh" Ini-emphasize ko talaga yung isang word, kasi wala lang, gusto ko lang pakialam nyo ba.
Medyo tinulak ko ng bahagya yung balyena not knowing na lahat na pala talaga ng tao sa bar na malapit samin ay pinagtitinginan na kami. Maging yung mga nandito sa table na pinuntahan ko ay nakatingin preferably sakin. Tss. Gusto ko nang tapusin tong kahibangan ko ngayong gabi kaya ayoko na magsayang nang oras.
"Tss" I sat on his lap and slowly wipe his lips using the tissue I got on their table.
"Sa susunod wag kang papahalik sa iba kasi nadudumihan yang labi mo. Huwag ka din magpaupo ng balyena sa lap mo at baka mabalian ka ng buto, lampa ka pa naman. Pahalik ka pa sa iba, di mo alam baka may mga germs at virus na pala sila. Hmp!" Sabi ko while pinupunasan yung labi nya. Okay Yuki para saan yun?
Hanggang ngayon ramdam ko pa din na pinagtitinginan pa din ako ng mga tao. Tsk, hahalikan ko lang naman tong mokong na to eh, nakahanap pa ata ako ng kaaway. Tinaas ko yung tingin ko sa kanya kaya napansin kong nakatitig din pala sya sakin, kaya ang ginawa ko nginitian ko sya ng pagka sweet bago ko ginawa yung dare ng mga kaibigan ko sakin.
I kissed him. Dapat smack lang sana yung gagawin ko kaya lang alam kong nandito pa yung balyena, gusto ko pang bwisitin ng konti kaya mas diniinan ko pa yung halik ko.
"Aarrrrggghhhh!!" Padabog na dinig kong sabi ng balyena kaya napa-smirk na lang ako at dun ko na naramdaman na nagre-respond na pala tong lalaking to sa halik ko. Oh no, kailangan ko ng tapusin to kahit alam kong bitin.
I stopped kissing him at tumayo na sa pagkakaupo sa lap nya at tinignan ko sya ulit. "Don't let any other b***h kiss your lips again and sat on your lap, that's my spot and this is mine you jerk." Turo ko sa labi nya bago umalis at bumalik sa table namin.
Pagdating ko sa table namin, dun na nagsimulang magsilabasan yung pawis dahil sa kaba na nararamdaman ko kanina dahil sa lintek na dare na yan kaya agad kong hiningi yung sling bag ko kay Lisa na syang nakahawak nito. Uuwi na ko, tama na yung eksenang yun at baka lamunin na ko ng lupa. Nakaka-stress.
"Don't forget to pay ALL my bills for FIVE months" I said to my friends before I left them.
Mabilis akong lumabas ng bar at nagpara ng taxi para makauwi agad. Agad naman akong nakarating sa apartment na tinutuluyan ko dahil hindi na masyadong traffic since hatinggabi na din. Napainom ako ng maraming tubig dahil saka pa lang talaga nagsi sink in sakin yung ginawa kong eksena sa bar kanina.y
I did my night rituals. Then after that I rested myself on my bed. Haaaays, buti na lang linggo bukas. I closed my eyes then fell asleep.
to be continued...