Chapter 14

2296 Words
MARCO "Ano pong importanteng pag-uusapan natin? Bakit kailangan ipatawag niyo pa ako?" maang-maangan kong bungad kay Dad. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng hapagkainan. Nasa b****a pa lang ako ng main door kanina pagdating ko dinig na dinig ko na ang malakas na tawanan nila kaya dumeritso ako ng kusina. Naabutan ko silang kumakain. Nagulat pa sila pagkakita kay Keith sa likuran ko. Lihim akong napangiti ng makita kong nagkatinginan si Mom and Dad. Malamang nahulaan kaagad ang plano ko. Well, tutal nandito naman na si Tay Philip, malaya ko ng magagawa ang gusto ko dahil siya ang magiging kapalit ko. Lalo't may bagong pinupuntirya na namang babae si Miguel, malamang hindi siya aalis dito. Napangiti ako sa aking naisip. "Balak kong ipamana itong Hacienda kay Philip tutal ayaw niyo namang dalawa--" "Fernan..." sabad ni Tay Philip. Lahat kami napabaling sa kanya. "Hindi ako pumapayag diyan sa gusto mo." "Pero Phil... Kabilin-bilinan iyon ni Mom. Matagal na panahon kitang hinanap. Hayaan mong makabawi man lang ako sayo. Tsaka ayaw ng mga anak kong manatili--" "Hindi ko pa rin matatanggap 'yan." matigas niyang tanggi sa alok ni Dad. Nagkatinginan kami ni Migz. Sinesenyasan niya akong magsalita pero nanatiling nakatikom ang aking bibig. Nagkunwari akong hindi ko ma-gets ang pinapahiwatig ng kanyang mga titig sa akin. He released a pissed groaned. Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Napangisi ako. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Tanggapin n'yo na po Tay Philip. Tsaka 'yong utang niyo sa amin na sinasabi ni Tito Conrad 'wag niyo na din pong bayaran. Tulong pasasalamat namin 'yon sayo sa pagkupkop mo noon kay Dad. Kahit hindi mo siya lubusang kilala hindi ka nagdalawang isip na tulungan siya. Hayaan mong sa ganitong paraan e maipakita namin sayo kung gaano kami nagpapasalamat at tumatanaw ng malaking utang na loob sayo." pagkokombinse pa ni Migz. "Hindi. Subra-subra naman 'yan na tulong niyo sa akin. Tsaka hindi ako marunong magpatakbo ng ganyan kalaking Hacienda." Napahilamos si Migz ng kamay sa kanyang mukha. I smirked when he sent me a dagger stares. "'Yong tubuhan na lang po Dad ipangasiwa mo sa kanya. Tutal doon naman si Tay Philip nagtatrabaho." sabi ko. Tumango-tango si Dad. Nilingon niya si Tay Philip na umiiling. "Hindi ko pa rin--" "Hindi na ako papayag kung pati 'yon tatanggihan mo Phil. Ikaw na lang mangasiwa no'n. May tiwala ako sayo. Alam kong kaya mo 'yon dahil matagal ka doon nagtrabaho." sabad ni Dad. "Pero--" "Wala ng pero-pero. Bukas na bukas din lumipat na kayong mag-anak doon sa Rest House. Doon na kayo tumira para mas malapit kayo dito sa Mansyon nang makapagkwentuhan naman tayo. Ang tagal natin 'di nagkita." "Oo nga po Tay Philip. Tsaka may programang libreng pagamutan na ibibigay si Dad sa lahat ng trabahador dito sa Hacienda. Tutulungan niya din ang mga anak niyong makapag-aral ng libre hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. May bahay kami sa Manila kaya pwede silang lumipat ng eskwelahan doon or kahit saang eskwelahan na gusto nila." sigunda ko. "May kaibigan din akong magaling na physiotherapist, mas mapapadali no'n ang paggaling ni Nay Cora. Makakalakad siya agad. Hindi niya na kakailanganin pang gumamit ng tungkod, Tay Philip." sabi naman ni Miguel. Hindi ito umimik. Nakangiting tumayo ako sa aking kinauupuan. Napatayo din kaagad si Keith. Nakakunot-noong tiningnan ako ng mga magulang ko. Tinanguan ko si Migz saka tiningnan si Tay Philip. "I think everything is settled--" "Hindi pa ako sumasang-ayon sa gusto niyo. Subra--" "'Wag na po kayong kumontra pa. Nakapagpasya na po kami. Sa ayaw at sa gusto niyo lilipat na kayo bukas doon sa Rest House." sabi ko saka nilingon ang mga magulang ko. "May emergency kaming lakad ngayon ni Keith. Alis po muna kami." sabi ko sabay talikod. "Teka... anong emergency?" bulalas ni Mom. Napahinto ako sa paghakbang sa tanong ni Mom. Mariin akong napapikit at makailang ulit na minura ang aking sarili sa isip sa palpak na palusot ko para makalayas sa harapan nila. "Kailangan naming pumunta sa kabilang isla. May importate siyang kakausapin doon. Sasama ako sa kanya tutal may kakatagpuin din naman ako do'n." sabi ko sabay siko kay Keith. Nagtatakang nilingon niya ako. Nagsalubong lalo ang mga kilay ng magulang ko. Pasimple kong sinipa ang kanyang paa. Kaagad naman siyang nahimasmasan. "Uh---YES po. M-May pinapahanap ako kay S-Santos. N-Nasa kabilang isla siya ngayon kaya kailangan kong pumunta doon. 'Yon po." kandautal pang sabi niya. "Tsaka para makapag-usap din kayo Dad ni Tay Philip." dagdag ko pa. "Oo nga po Dad. Para makapag-bonding naman kayong dalawa." sabi ni Migz sabay tayo. "Kailangan ko na rin bumalik sa Barracks. Doon po ako nag-stay kaya 'di ako makita ni Nana Rosa dito sa Mansyon." paliwanag niya saka tiningnan si Tay Philip na hindi na umiimik pa sa kinauupuan. "Pasensya na din po ulit Tay Philip kung pinagtatanggal ko kayo sa trabaho. Hindi ko sinasadya. Sana tanggapin niyo po itong alok namin. Para naman po 'yon sa pamilya niyo. Tsaka para makapagbagong buhay kayong lahat. Sige maiwan ko po muna kayo." sabi niya saka malalaking hakbang na lumabas ng kusina. Sinamantala ko na din ang pagkakataon. Kaagad kong hinatak si Keith saka sumunod kay Migz. Ang bilis ng lakad nito. Animo'y may humahabol sa kanya. Paliko na ito sa likod ng Mansyon ng abutan namin siya. Nagulat pa ako ng malakas na piniksi ni Keith ang kanyang brasong mahigpit ko palang hawak. "Sorry. Nakalimutan ko hatak-hatak pala kita." nakangising sabi ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "Kaya ba sinama mo ako dito para makalayas ka? Hindi mo man lang ako in-inform. Dinadamay mo pa ako sa kasinungalingan mo." inis niyang sabi sa akin. "May importante talaga akong sadya doon. Tsaka itong si Miguel kasi ang hina magpalusot. Kita mo naman ayaw pumayag ni Tay Philip. Wala akong choice kundi gawin iyong exit natin para hindi na siya makatanggi pa. Alam mo naman na ayaw kong mag-stay dito. Hindi ko magagawa 'yong nasa bucket list ko kung nasa tabi-tabi lang si Dad." "Papayag kaya 'yon siya?" kinakabahan na tanong ni Migz. Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam. Mukhang hindi siya basta-basta kahit mahirap ang buhay nila. Now I know kung kanino nagmana ang anak niya." nakatawang sabi ko. Tumawa din si Migz. "May kaaway na naman nga 'yon kanina do'n sa karinderya e." Malakas kaming napahagalpak ng tawa ni Keith. "Kaliit na babae napakatapang." umiiling na sabi ni Keith. "Saan ba 'yon nakatira?" "'Wag mo ng alamin. Alis na tayo." sabi ko sabay hakbang patungo sa chopper. "Pa'no pala kung hindi pumayag 'yon si Tay Philip?" habol pang tanong ni Migz. Nilingon ko siya. "Problema mo na 'yon. Basta tinulungan na kita. Ikaw na bahala diyan." sabi ko at pinagpatuloy na ang paglalakad. Sumunod sa akin si Keith. Pagkasakay namin sa chopper ay kaagad niya iyon pinaandar. Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe namin sa ere. Nakarating kami kaagad sa kabilang Isla. "Buti naman at pinayagan ka ng mga magulang mo." nakangiting salubong sa akin ni Jonard pagkababa namin ni Keith. Nasa ere pa kami kanina natanaw ko na agad siyang nag-aantay sa rooftop ng malaking bahay nila. I smiled back. "Nakalusot lang ako sa kanila dahil dito sa kaibigan ko. Siya nga pala si Keith. Kababata ko." sabi ko sabay lingon sa kaibigan ko. "Jonard." sabi ni Jonard sabay lahad ng kamay kay Keith. Tiningnan niya ako saka binalingan si Jonard na nakalahad ang kamay. He smiled. "Keith." sabi niya sabay gagap ng kamay nito para mag-shake hands. "Tara, ipapakita ko sainyo 'yong site." sabi ni Jonard saka humakbang papunta sa hagdanan pababa ng rooftop. Sumunod kami sa kanya. Dinala niya kami sa dalampasigan. WOW. Humahangang iginagala ko ang aking paningin sa ganda ng lugar. Ang puti at subrang linis ng buhangin. Napapaligiran ng naglalakihang punong kahoy. Mangasol-ngasol pa ang tubig dagat. Lalo tuloy akong na-excite gumala at halughugin ang lugar. Parang ang sarap tumambay dito mamayang gabi. Napangiti ako sa aking naisip. "Kanina lang dumating sina Aling Dolor. Nag-birthday kasi 'yong kumare niya kaya hindi sila kaagad nakapunta dito. Inantay nila para ipasyal din dito 'yong mag-ina." kwento nito. "So, bakit binibenta 'yong lupa? I mean, ang ganda nitong lugar. Ang lapit dito sa dalampasigan. Pwede nilang pagkakitaan 'yon." sabi ko. "Hindi na nila maasikaso pa ang lupain nila dito kaya binebenta. Matagal na silang nanirahan sa San Agustin. May itinayong parlor 'yong anak nilang si Jordan sa Makati. Pumatok sa masa. Gagamitin ata do'n para mag-expand 'yong negosyo. Hindi ako sure. Hindi na rin ako nag-usisa pa dahil personal na buhay na nila 'yon." paliwanag niya. Tumango-tango ako. "Binayaran mo na ba?" "Hindi pa. Tingnan mo muna." sabi niya. I chuckled. "I trust you Jonard. Hindi ko na kailangan pang tingnan pa mismo 'yong site. Ito pa lang..." sabi ko habang minumuwestra ang dalampasigan. "...solve na ako. Mas maganda pa ihatid mo kami sa bulaluhan na sinasabi mo. Hindi kami nakakain masyado sa bahay ni Keith. Kailangan namin ng energy. Balak namin mag-zipline ngayon... tsaka safe ba dito magtambay ng gabi? Parang ang sarap mag-night swimming." "Naku, safe na safe dito. Tara punta muna tayo sa bulaluhan bago ko kayo igala. It's on me." sabi ni Jonard. "YES!" napasuntok pa ako sa hangin na ikinatawa ng dalawa. Ilang kilometro din ang nilakad namin bago kami nakarating sa sinasabing bulaluhan ni Jonard. Isang malaking kainan na yari sa kawayan ang bumungad sa amin. Napapaligiran ng maraming halaman sa gilid nito. Ang presko tingnan ng lugar. Ang dami ring taong kumakain sa loob pati sa labas. Mukhang masarap nga. Isip-isip ko pa. "Saan niyo gustong pumuwesto, sa loob o dito na lang sa labas?" tanong ni Jonard. "Sa--" napatigil ako ng biglang umalingangaw ang tunog ng call ringtone ng cellphone ko. Kaagad ko iyon kinuha sa aking bulsa. Miguel calling... Napakunot-noo ako ng makita kong si Migz na naman ang tumatawag. "Dito na lang tayo sa labas." sabi ni Keith sabay hakbang papunta sa bakanteng mesa. "I'll take this call muna." sabi ko sabay talikod matapos tumango ni Jonard. I pressed the answer button habang naglalakad palayo sa lugar. "O ano na naman ang problema mo?" bungad ko kay Migz. "Just want to say thank you. The plan went well." "Siguraduhin mo lang na hindi mo lulukuhin ang anak ni Tay Philip Migz. Tatlo kami nina Dad ang makakala--" "I love you bro, bye." sabad niya sabay patay ng tawag. Malakas akong napamura ng bigla itong nawala sa kabilang linya. I compose a text message. Ako: I'm warning you bro... 'wag mong isama sa listahan mo ang anak ni Tay Philip. Malilintikan ka talaga sa akin! Type ko sabay pihit habang pinipindot ko ang send button. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng may biglang bumangga sa akin. Malakas akong napamura ng mabitawan ko ang cellphone. "IKAW--!" "IKAW--!" Sabay pa naming bulalas sa isa't isa ng magkatinginan kaming dalawa. "Hanggang ba naman dito sinusundan mo ako para banggain?!" galit na sabi no'ng babae. I chuckled. "Anong ako ang bumangga sayo? Tsaka--HELLO? Hindi kita sinusundan no." "E bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito aber?" "Huy--PUBLIC place 'to. Kahit sino pwede ditong pumunta. Bakit ikaw ba ang may-ari ng isla na 'to?" "Jillian." tawag no'ng lalaking bigla na lang sumulpot sabay hawak sa braso niya. Sabay pa kaming napabaling sa kanya. "Saan ka ba pumunta? Hindi mo na ako binalikan doon sa loob." sabi niya sa lalaking lumapit. "Pasensya na. Sumakit kasi 'yong tiyan ko. Umuwi ako sa bahay." "'Yan... masyado ka kasing masiba." sabi niya na ikinatawa nilang dalawa. Malakas akong tumikhim ng mawala ako sa linya. Kaagad naman silang napabaling sa akin. Matagal kong tinitigan ang lalaking biglang nanlaki ang mata pagkakita sa akin. Kaagad din naman itong nagbawi ng tingin. Binalingan ko ang babaeng ang sama na ng titig sa akin. "May I have my phone please?" sabi ko sabay tingin sa kaliwang kamay niyang hawak ang cellphone ko. She evilly smirked at me. "NO." sabi niya sabay hatak sa lalaki at nilampasan ako. Natitigilang nasundan ko na lamang sila ng tingin. Ilang hakbang lang ang layo nila sa akin ng muli akong lingunin nong babae. Abot tainga ang kanyang nakakainis na ngisi habang pinapakita sa akin ang phone ko. Kaagad akong nahimasmasan. Akmang lalapitan ko sila ng bigla niyang ibato ang cellphone sa akin sabay karipas ng takbo. Aww! Malakas na daing ko ng tumama ito sa aking noo ng saluhin ko. Bwesit kang bansot ka! Mahawakan lang kita, makita mo. Nanggigigil na sambit ko sa aking sarili habang sinusundan sila ng masamang tingin. Palingon-lingon pa ang babaeng 'yon sa akin habang nilalabas-pasok ang dila. Inaasar pa ako! Damn. Ang lakas ng loob niyang pag-trip-an ako? Hah--Hindi niya kilala ang pinagluluko niya. Humanda siya sa akin kapag nagkrus muli ang landas namin. Nakatiim bagang na sabi ko saka humakbang palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Umupo ako sa bakanteng upuan. "O, bakit ganyan ang mukha mo? Bad news?" kaagad na tanong sa akin ni Jonard. "No. Nakabangga ko muli 'yong babaeng napagkamalan akong mandurukot doon sa San Agustin." sabi ko. Malakas na napahagalpak ng tawa ang dalawa. Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay. "Seriously? Ikaw? Napagkamalang mandurukot?" 'di makapaniwalang tanong ni Jonard. "Nagsuot ba naman ng punit-punit na damit. Pati 'yong short may pintura pa. Hindi man lang pumalit muna bago pumasok ng SM sa San Agustin." nakatawang sabi ni Keith. "Well, don't judge the book by its cover." inis na katwiran ko sa kanila. "May saltik ata ang babaeng 'yon e. Tinakbo ba naman 'yong cellphone--" natigilan ako ng pagtawanan na naman nila ako. Sinamaan ko sila ng tingin. "Kumain na nga tayo. Nakakainis, dumagdag pa kayo." sabi ko na ikinalakas lalo ng tawa nila. Napailing ako saka sinimulan ng kumain ng umuusok pang bulalong nasa harapan ko. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD