JILLIAN
"Bakit mo naman ginawa 'yon?" nagtatakang tanong sa akin ni Jordan pagdating namin sa dalampasigan.
Humihingal na kaagad akong sumalampak sa buhanginan. Napagod ako kakatakbo makalayo lang sa lalaking 'yon. Akala ko hahabulin niya kami. Hindi ko naman sana gagawin 'yon e. Kaso iwan ko ba sa sarili ko at naisipan kong pag-trip-an siya. Tuloy sa subrang pagkataranta ko naibato ko ang cellphone sa kanya. Sapol ito sa noo. Napahagikhik ako.
"Anong bakit ginawa ko 'yon? Dasurb niya 'yon no." nakatawang sabi ko sa kanya. "Tsaka siya ang dahilan kung bakit pinahirapan mo akong magbibit ng pagkabigat-bigat na groceries!"
"Kawawa naman 'yon--AWW!" maarteng daing ni Jordan ng batukan ko siya.
"Naawa ka sa kanya pero sa akin hindi?" singhal ko sa kanya sabay ngiti habang inaalala ang umuusok sa galit na mukha ng lalaking 'yon. "Well amanos na kami ngayon. Pero infairness ang wafu niya no. Kamukha niya talaga 'yong lead singer ng PRINX Boy Band."
"Napansin ko nga din e. Akala ko nga siya 'yon kaso naka-long hair tsaka may tattoo at earings 'yong sa PRINX band samantalang siya naka-Ivy league haircut, walang tattoo. Ang linis-linis niya tsaka simple lang. Mukhang 'di makabasag pinggan hindi kagaya ni JM astig."
"JM? Sinong JM?" nagtatakang tanong ko kay Jordan.
"Sino pa ba? 'Yon ang tawag no'ng babaeng nagsabunutan do'n sa live show nila sa New York."
"Bakit JM? Diba Jeff ang pangalan niya?"
"Malay ko. Baka screen name lang niya 'yon. Tsaka misteryoso ang grupo nila. Kahit anong search ko sa google wala na akong mahanap na impormasyon tungkol sa kanya. Pinagde-delete pa 'yong iba."
"Wala na nga din akong update sa kanya--AYY ANO BA?!" singhal ko kay Jordan ng bigla niyang sundutin ang tagiliran ko.
He laughed. "Akala ko ba man hater ka? Ano 'yong nakita kong mga picture sa kwar--"
"Pumasok ka sa kwarto ko?!"
"Well aksidente lang nam--Aray! Pokang ka. Bitawan mo ako!" sigaw ni Jordan ng sabunutan ko ang buhok niya.
"Kaya pala may nawawala akong album doon."
"Wala akong kinukuha--Aray ang sakit Jillian!" hiyaw niya ng higpitan ko pa ang pagkakasabunot sa kanya.
"Ibalik mo 'yon. Luko ka. Matagal kong pinag-ipunan 'yon para makompleto ko ang lahat ng album niya tapos nanakawin mo lang."
"Isa lang naman--"
"Kahit na!"
"E sa akin naman 'yong dalawa no'n ah? Ibalik mo muna sa'kin 'yong dalawang kinuha mo saka ko ibabalik 'yon sayo."
"Eiiiiii." napapadyak ako sa sinabi niya.
Pinagkakalas niya ang kamay kong nakasabunot sa buhok niya. "Eiiiiii." naka-wacky face na gaya nya pa sa akin habang hinihimas ang kanyang anit. "'Wag mo ng pagpantasyahan ang lalaking 'yon. Never ka no'n magugustuhan. Kita mo naman ang itsura ng mga babaeng naghahabol sa kanya. Ingrown ka lang nila. Baka gusto mo din makatikim ng sabunot sa mga praning na babaeng 'yon."
"Ingrown." Iningusan ko siya. "Hindi ko siya pinagpapantasyahan no. Bilib lang ako sa ganda ng boses niya."
"Sus kunwari ka pa."
"Ito parang tanga. Langit at lupa ang agwat namin sa buhay no. Sa tingin mo magkokrus man lang ang landas naming dalawa? Mamuti na siguro 'yang mata mo hindi 'yon mangyayari."
"Nasa business industry din siya, remember? So malamang may chance. Kaya nga Business administration ang kinuha mong kurso." tumawa siya ng matigilan ako sa sinabi nya. "Um--um, kala mo 'di ko alam? Kaso malas wala kang mahanap na info about sa family business nila dito sa Pinas."
"Naku Jordan... masyadong malawak 'yang imahinasyon mo."
"Aminin mo na. Tayong dalawa lang naman ang nandito. Walang ibang makakarinig."
"Ano naman ang aaminin ko sayo? Baka nakakalimutan mo ang ginawa ni Itay sa pamilya namin. I will never ever do the same mistake. Tsaka sabihin na natin na crush ko nga siya. Ano naman ngayon? HELLO? Tao rin ako no. Hindi ako santo. Kaya normal 'yon. Aware din naman ako sa nangyayari sa paligid. Isa pa--CRUSH, paghanga. Ganun lang 'yon kasimple. Nilalagyan mo lang ng maling kahulugan 'yong collection ko sa album niya."
"Whatever." nakairap na sabi ni Jordan.
"Nandito lang pala kayong dalawa. Kung saan-saan na kami pumunta." biglang sabad ni Cheena.
Kaagad kaming napabaling sa kanila ni Jordan.
"Kanina pa namin kayo hinahanap." sigunda naman ni Blessie.
"Akala ko ba kakain kayo sa bulalohan? Bakit nandito kayo?" tanong ni Cheena.
I rolled my eyes. "Deniposit na nga ni Jordan sa banyo nila 'yong kinain nya e. Iniwan ako mag-isa doon. Tuloy nabitin ako sa kinain ko."
"Dapat tinake out mo na lang. Sinisi mo pa talaga ako." nakasimangot na sabi ni Jordan.
"Gusto ko sana kaso nahiya ako. Pinagtitinginan ako ng mga taong kumakain doon. Parang mga iwan kung makatingin. First time ata makakita ng bagong salta dito sa isla nila. Makatitig wagas."
Malakas na napahagalpak ng tawa ang tatlo. Tumigil lang sila ng samaan ko ng tingin. Parang tangang sabay-sabay pa silang napatakip ng bibig. Inirapan ko sila.
"First time makakita ng tarsier na kumakain."
"Malamang halos 'di na huminga kakasubo."
"Kulang na lang ata lunukin 'yong buto."
Kantiyaw nila sa akin habang pinagtatawanan ako. Ganun kasi ako kumain. Subo lang ng subo. Walang pakialam sa paligid. Hanggang sa namamalayan ko na lang lahat ng tao sa paligid ko naka-freeze na at bahagya pang nakanganga habang nakatitig sa akin. Damn. Ngayon ko lang na-realized na nakakahiya pala akong kumain.
"E bakit ba? Kain 'yong pinunta ko doon hindi para mag-inarte." pagtatanggol ko pa sa aking sarili.
Ang sarap ng bulalo nila e. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magkamay kanina. Tsaka marami din naman akong nakitang nagkamay. Bahala nga sila sa buhay nila. Hindi ko naman sila kilala. Bakit ko ba pinoproblema ang mga walang kakwenta-kwentang bagay?
"Buti 'di ka sinabihan na patay-gutom." sabi ni Jordan.
"ANO?!" bulalas ko pagkarinig sa sinabi niya. Nagulat pa ako ng bumalikwas ito ng tayo sabay takbo palayo habang tumatawa. "Bumalik ka ditong vakla ka! Makapatay-gutom sa akin wagas."
Kumembot-kembot pa ang luko habang nilalaro ng paa ang buhangin. "Tara, Zipline tayo! Tsaka mag-bonfire tayo dito mamayang gabi!" maya-maya sigaw niya.
Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Jordan. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan sabay wagwag ng aking pang-upo.
"Zipline daw tayo." sabi ni Blessie.
"Parang ang ganda nga mag-night swimming mamaya." sabi naman ni Cheena habang iginagala ang paningin sa paligid.
"Tara, siya pagbayarin natin." nakangising sabi ko.
"Ano ayaw niyo?!" nakapamaywang ng sigaw ulit ni Jordan.
Muli kaming nagkatinginan na tatlo saka ngumiti. "GUSTO!" sabay-sabay na sigaw namin saka tumitiling nagtatakbo palapit sa kanya.
Umakyat kami ng bundok. Ilang kilometro din ang layo ng nilakad namin. Nagpalinga-linga ako pagdating namin sa taas. Mangilan-ngilan lang ang tao. 'Yong iba nagpi-picture taking. Napangiti ako ng matanawan ko si Jordan na nakikipag-usap sa bantay doon sabay thumbs up sa amin.
"Sh*t excited ako!" impit na tili ni Cheena.
"Parang nakakatakot. Ang taas. Baka maihi ako nito sa nerbiyos." sabi ni Blessie habang dumudungaw sa baba.
Natawa kami ni Cheena sa sinabi niya.
"Ano excited na kayo..?" sabi ni Jordan na biglang sumulpot sa tabi namin. Sabay-sabay kaming tumango. "...itulak sa baba?" nakatawang dugtong pa niya.
Hinampas siya ni Blessie sa braso sabay atras. "'Wag kang magbiro ng ganyan." sabi niya saka nagpalinga-linga. "Saan ba pwedeng umihi dito? Nininerbiyos na ako e. Baka matuluyan ako nito mamaya."
Malakas kaming napahagalpak ng tawa sa sinabi niya.
"Next na po kayo. Sino mauuna?" sabad no'ng lalaking kausap kanina ni Jordan. A Zipline guide?
"Huh? Wait lang... iihi muna ako!" sabi ni Blessie sabay takbo sa kakahuyan.
Lumakas lalo ang tawanan namin sa kanya. Pati si Kuya napabunghalit din ng tawa.
"Mauna na kayo. Antayin ko si Blessie." sabi ko.
Excited na kaagad nagpalagay ng tali sa katawan si Cheena. Kinikilig pa ito habang walang kurap-kurap na nakatitig kay Kuya.
"Ready?" tanong ni Kuya.
"Yes na Yes!" sigaw ni Cheena. "Yahooooo!" tuwang-tuwang sigaw pa nito matapos bumulusok pababa.
Sumunod sa kanya si Jordan. Kaagad kong nilingon si Blessie na ngayon ay namumutla ng naglalakad palapit sa akin.
"Okey ka lang?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nanlalamig.
"Ma'am, sino sa inyo ang sunod?" sabad na tanong ni Kuya.
Nilingon ko si Jordan pero wala na ito doon. Malalim akong napabuntong-hininga.
"Itutuloy mo pa ba? Kung ayaw--"
"Hindi okey lang. Kaya ko. Naunahan lang ako ng kaba. M-Mauna ka na." sabi niya sabay tulak sa akin palapit kay Kuya.
"Sigurado ka?"
"Oo. Sunod ako sayo."
Nagkibit-balikat na lang ako saka lumapit kay Kuya. Nilagyan niya ako ng tali.
"Woooo!" sigaw ko ng mabilis akong bumulusok pababa.
Ang sarap! Para akong lumilipad. Although inatake ako ng adrenaline rush, still, kaagad din akong kumalma pagkakita ko sa ganda ng tanawin. Parang paraiso ang lugar. Parang ang sarap tumira dito. Tuloy napapaisip ako bakit ibinenta pa ni Nay Dolor 'yong lupain nila. Okey naman na 'yong Parlor ni Jordan sa Makati e. Nakakapanghinayang. Kung may pera lang sana ako...
"O, bakit ikaw? Dapat pinauna mo na si Blessie." bungad sa akin ni Jordan pagdating ko sa kabilang dulo. Kaagad din akong tinanggalan ng tali ni Kuya. "Ayaw e. Mauna na daw ako. Hintayin na lang natin."
Ilang minuto din ang hinintay namin bago ko matanawan na may taong palapit na sa kinaroroonan namin. Kinusot ko pa ang aking mata ng makita kong parang... lumaki ata si Blessie? Nagtatakang napatitig ako dito. Hanggang sa unti-unti akong napanganga habang nanlalaki ang aking mga mata ng makilala ko ang lalaking nakasakay.
Damn. Ano na naman ba ang ginagawa ng damuhong na 'to dito?
Tanong ko pa sa aking sarili. Abot tainga ang kanyang ngiti ng lapitan siya ni Kuya Guide. Naestatwa ako ng maghinang ang mga mata naming dalawa. Dahan-dahan naman napalis ang kanyang ngiti sa mga labi pagkakita sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatiim bagang siyang humakbang palapit sa akin. Oh my... si budol gang! Kaagad akong nahimasmasan sabay talikod. Kumaripas ako ng takbo.
"Huy--JILLIAN! Saan ka pupunta?!" narinig kong sigaw ni Jordan at Cheena pero hindi ko na sila pinansin pa.
Walang lingon-lingon akong tumakbo. Muntik-muntikan pa akong madapa sa pagmamadali ko. Subrang lakas at bilis ng kalabog ng dibdib ko. Parang gusto ng lumabas sa loob ng ribcage ko.
"Ha--" humihingal akong napayuko habang sunod-sunod na huminga pagdating ko sa dalampasigan. Bahagyang nakabukas ang mga labi para makasagap ng hangin. Pinatong ko ang dalawang kamay sa aking mga tuhod. Nanghihina ako. Shet. Bakit ba laging nandun ang lalaking 'yon kahit saan ako magpunta?
Malas talaga! Sambit ko pa sa aking sarili saka dahan-dahan na naglakad pauwi sa bahay nina Jordan.
***
Kinagabihan muli kaming lumabas ng bahay. May mga bitbit kaming kahoy, bote na may maliliit na papel na nakarolyo at may nakasulat na mga tanong, sari-saring pagkain na nakalagay sa basket. May iilan na tao kaming naabutan sa dalampasigan. Nagkakantahan. Kaagad din kami gumawa ng bonfire.
"Bakit ka pala nagtatakbo kanina Jillian? Tsaka sino 'yong lalaking nagtangkang lumapit sayo?" tanong ni Cheena habang sinisigaan ang mga kahoy.
"Iwan ko do'n, si budol gang."
"Budol gang?" sabay pang tanong nila ni Blessie na panay na kain ng Chips habang nakatanaw sa mga grupong nagkakantahan.
"Nakabangga niya daw 'yon sa SM sa San Agustin. Kanina do'n sa bulalohan nakabangga niya na naman. Tapos sa zipline nandun din s'ya." kwento ni Jordan.
Nilingon ni Cheena si Jordan. "Luh? Seryoso?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Yash--OH MY GOSH..." nanlalaki pa ang mga matang sabi ni Jordan animo'y may biglang magandang ideyang pumasok sa kanyang utak. Kuno't noong napatitig naman kami sa kanya. Pati si Blessie na-freeze sa ere ang pagsubo ng kamay na may hawak na chips sa bibig. "Hindi kaya... sinusundan ka niya Jillian?"
Natigilan ako. Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Stalker?" sabi ni Cheena sabay tingin sa akin. "Hindi kaya isa siya sa mga padala ng Tatay mo para bantayan kayo ng Inay mo?"
Ipinilig ko ang aking ulo ng biglang magsulputan ang mga negatibong pumasok sa isip ko. "Hindi ko alam. Tsaka bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?" inis na sabi ko sa kanila.
"Teka sino bang pinag-uusapan niyo?" clueless na tanong ni Blessie habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo.
"'Yong lalaki do'n sa zipline na sinundan mo." sabi ni Cheena.
"Uh--Kamukha siya ni Jeff ng PRINX diba?" kinikilig pang sabi niya.
I rolled my eyes. "Hawig lang."
"Ang gwapo niya kaya. Bakit mo naman tinawag na budol gang 'yon?" nakatawang sabi ni Cheena. "Tsaka bakit ang sama ng tingin niya sayo kanina? War kayo? Parang gusto kang lamunin na buhay."
"Binato 'yon ni Jillian ng cellphone kanina doon sa labas ng bulalohan. Sapol sa noo." sabi ni Jordan na ikinatawa naming lahat. "Baka sa kanya ka mean to be hindi sa lead singer ng PRINX, sa lowkey version ni Fafa Jeff."
"Ewww! Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo vakla. Hindi ko siya bet no. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'yon."
"Nakz... the more you hate, the more you love daw bess." sabi ni Blessie.
"Tsee! Iwanan ko talaga kayo dito kung siya lang din ang topic niyo." pagbabanta ko pa.
"Ito naman 'di na mabiro." sabi ni Jordan sabay lapit sa akin habang kinakalog ang bote. "O, pwesto na kayo."
Kaagad kaming tumalima. Pinabilugan namin ang bonfire saka nagsimulang maglaro ng Truth Or Consequence. Ang kaso puro sequence ang mga pinipili nila sa mga tanong na nabubunot nila kaya naumay ako lalo't 'di naman ginagawa ang sequences na binibigay sa kanila. Kaagad akong umayaw. Naglakad ako papunta sa dagat. Binasa ko ang paa ko.
"Ang killjoy mo talaga Jillian kahit kailan!" sigaw sa akin ni Cheena.
"Boring e! Puro kayo sequence, walang wenta. Bahala kayo diyan!" sabi ko.
"Tara ligo na lang tayo!" narining kong sabi ni Jordan sabay takbo papunta sa dagat.
Sumunod sa kanya ang dalawa. Napatili ako ng sabuyan nila ako ng dagat.
"Tara na!"
"Ang sarap maligo!"
Pag-eengganyo pa nila sa akin.
"Ayoko." sabi ko at kaagad lumayo sa kanila.
"Saan ka pupunta?"
"Dito lang. Lakad-lakad." sagot ko saka pinagpatuloy ang paghakbang.
May ilan-ilan pa akong nadaanan na mga tao. Yung iba nag-iinuman. Marami din akong nakitang naliligo sa dagat. Dumeritso ako sa dulo. Walang katao-tao. Napangiti ako. Umikot ako sa likod ng malaking bato saka umakyat doon. Naupo ako sa ibabaw no'n habang nakatanaw sa mga kaibigan kong bukod tanging maingay. Umaalingaw-ngaw sa katahimikan ng gabi.
I heaved out a deep sighs then stared the starry sky. Bilog ang buwan kaya maliwanag ang paligid. Medyo may kadiliman lang dito banda sa kinauupuan ko dahil sa shadow ng malaking bato at mga punong-kahoy.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakaupo doon, nakatitig sa langit. Nag-iisip kung pa'no ko ba pananatilihing masaya si Inay. Akala ko kasi tuloy-tuloy na 'yon e. Nagkamali ako. Pagkatapos kasi ng birthday niya bumalik na naman siya sa dati. Bugnutin, mainitin ang ulo, kumibo-dili, sakitin. Kahit dinala namin dito sa Isla, wala ding silbi. Ayaw gumala.
Hanggang sa wala sa sariling napalingon ako sa gawi ng mga kaibigan ko ng hindi ko na marinig pa ang ingay ng mga ito. Napakunot-noo ako ng wala na akong makitang tao sa dagat. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka nagpalinga-linga. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng pagbaling ko sa kabila ay nanlalaking mga mata at bahagya pang nakangangang mga labi ni budol gang ang sumalubong sa akin. Nakaupo siya sa buhangin habang nakatingala sa akin.
"What the hell are you doing here?!" sabay pang bulalas naming dalawa.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023