JILLIAN
"Sinusundan mo ba ako?!"
Tumawa si budol gang sabay tayo. "Bakit naman kita susundan, artista ka ba? Tsaka kanina pa ako dito no. Ikaw anong ginagawa mo diyan sa taas ng bato? Saan ka dumaan at hindi ata kita nakita?" tanong niya habang humahakbang palapit sa batong kinatatayuan ko.
"Anong ginagawa mo dito kung ganun aber? Maang-maangan ka pa. Kahit saan ako magpunta lagi ka na lang nakasunod. Pakawala ka ba ni Itay? Kung oo, pwede ba tantanan mo na ako? At pakisabi sa hinayupak na lalaking 'yon hindi namin kailangan ng alipores niya. 'Yong kabet niya ang atupagin niya. 'Wag niya na kaming guluhin pa. Kaya kong bantayan mag-isa si Inay." galit na sabi ko sa kanya.
"Anong pakawala ng Itay mo? Ni hindi nga kita kilala, ang Itay mo pa kaya? Tsaka ikaw itong lagi na lang sumusulpot kung saan ako pumunta. Ini-stalk mo ba ako?"
"WHAT? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" mapakla akong tumawa sabay turo sa aking sarili. "Ako? Ini-stalk ka? Yakz... asa ka."
Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi ko. "Kung ganun bakit lagi kitang nakikita kahit saan ako magpunta?"
"Aba... malay ko sayo."
"Tapos dalawang beses mo pa akong binangga. May gusto ka ba sa akin?"
Ano daw..? Malakas akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya. Hindi ko akalain na conceited din pala ang budol na 'to. Napagkamalan pa akong may gusto sa kanya. Like... duh..? Kahit gwapo siya, hindi ko siya type no. Pilingero.
"Excuse me... Ako? May gusto sayo? Nagpapatawa ka ba? Kahit siguro ikaw na lang ang natitirang lalaki dito sa mundo hinding-hindi kita magugustuhan."
He sneered. "Talaga lang ha? Denial Queen."
Inirapan ko siya. "Ang yabang mo. Mahiya ka nga sa balat mo. Hindi ka naman gwapo." sabi ko sabay talon pababa sa buhanginan.
Sinamaan ko siya ng tingin bago ko siya tinalikuran ngunit malakas akong napatili ng hablutin niya ang braso ko. Napasubsob ako sa kanyang malapader na dibdib. Ang tigas!
"Not so fast kitten." narinig kong bulong niya sa punong tainga ko.
Kinilabutan ako ng maamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Malakas ko siyang tinulak sa kanyang dibdib. Napaatras siya pero hindi niya binitawan ang braso ko. Hawak-hawak niya iyon ng mahigpit.
Tiningnan ko siya ng masama. "Bitawan mo ang braso ko."
He laughed. "Pa'no kung ayoko?"
"Then you'll be sorry." sabi ko sabay pilipit ng kanyang kamay patalikod. Aw! narining kong daing pa niya. Napangisi ako. "Ops! Nasaktan ba kita? Now listen--Ahh!" impit akong napatili ng pagpalitin niya ang posisyon namin.
Hindi ako makahuma sa bilis ng mga pangyayari. Nakakaluko niya akong pinagtawanan. Hawak niya ang aking dalawang kamay sa likuran. Pumalag ako pero humigpit lalo ang pagkakapigil niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Sh*t.
"Bitawan mo ako!" singhal ko sa kanya ng hawiin niya ang buhok ko.
Nalantad sa kanya ang aking leeg. Lalong nagrigudon ang puso ko ng dumikit ang mukha niya doon. Bigla akong pinagpawisan ng malapot. Sunod-sunod akong napahinga ng malalim at pilit na nilalayo ang sarili ng maamoy ko lalo ang alak sa kanyang mainit na hininga na tumatama sa aking leeg.
"Masyado kang matapang na bansot ka. Ang dami mo ng atraso sa akin. Nakuha mo pa akong pagtripan kanina." madiin niyang sabi sabay kagat sa aking leeg.
"Aww--!" daing ko. Lalo akong kinabahan ng humigpit na naman ang paghawak niya sa akin. "Pakawalan mo ako... bwesit ka! Ano ka bampira?!"
"Alam mo, doon pa lang sa San Agustin nanggigigil na ako sayo e. Kumukulo ang dugo ko sayo makita ko pa lang 'yang pagmumukha mo. Ang sarap mong ilibing na buhay. Alam mo ba 'yon ha?"
"Well, budol gang the feeling is mutual!" singhal ko sa kanya saka sinubukang pumalag sa malabakal niyang kamay na nakahawak sa akin patalikod. Nasaktan ako lalo ng muli iyong humigpit. "Ano ba? Hindi mo ba ako bibitawan? Sisigaw ako."
He laughed. "E 'di sumigaw ka kung gusto mo. Walang pumipigil sayo." nakakalukong sabi niya pa sa akin.
Akmang sisigaw na ako ng bigla niya namang takpan ng kanyang malaking kamay ang aking bibig. Walang ano-ano't kinagat ko ang kanyang kamay. Minura niya ako. Hindi ko siya pinansin. Malakas kong inapakan ang kanyang paa ng maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Tuluyan niya na akong nabitawan habang malutong akong pinagmumura. Kaagad akong tumakbo palayo sa kanya ngunit... Ahhh--! tili ko ng bigla niyang hatakin ang isa kong paa. Napatid ako. Aw! Napangiwi ako sa lakas ng pagbagsak kong padapa sa buhangin.
"Tatakasan mo pa ako--F*ck!" mura niya ng bigla ko siyang tadyakan sa kanyang binti.
Kaagad akong tumayo ngunit mabilis niyang nahatak muli ang isa kong paa. Hindi niya na iyon pinakawalan pa. Pinagtatadyakan ko siya gamit ang isa ko pang paa pero pati 'yon ay nahuli niya. Mahigpit niya itong pigil-pigil ng malabakal niyang mga kamay. Napatihaya ako. Nanlaki pa ang aking mga mata ng makita kong nakababa na ang aking damit hanggang sa tiyan ko. Nalantad sa kanya ang suot kong pang-ilalim na black boyleg short. Matiim siyang nakatitig doon habang nakabukaka ako sa harapan niya. Damn. Nasilipan niya ako! Hiyaw pa ng aking utak. Lalong kumulo ang dugo ko sa kanya ng ngisian niya pa ako.
Bwesit talaga!
Muli akong kumilos para makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa paa ko ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng umibabaw siya sa akin. Kaagad ko siyang inundayan ng suntok sa kanyang mukha pero nasalo niya ang kamao ko. Mabilis niyang hinuli ang dalawa kong kamay saka mahigpit na hinawakan at itinaas sa uluhan ko. Nakadagan pa sa akin ang mabigat niyang katawan. Hindi na ako makapalag!
"Pakawalan mo akong manyak ka budol gang!"
"Budol gang? Manyak? Damn. Ang tindi ng tawag mo sa akin ah." nakangising sabi niya pa sa akin.
Muli akong nagpumiglas pero pinagtawanan niya lang ako. Ginalaw ko ang mga binti ko pero wrong move ata dahil nasagi ko ang kanya. Nanlalaki ang mga matang nahigit ko ang aking hininga. Natigilan din siya sa ginawa ko. Walang kurap-kurap na napatitig kaming dalawa sa isa't isa. Matagal. Hanggang sa nakita kong bumaba ang kanyang mga mata sa nakaawang kong mga labi. Sabay pa kaming napalunok. Oh my golay! What is happening?! Muli akong nagpumiglas ng mas lalo kong maramdaman ang kanya sa gilid ng aking hita.
"F*CK--Don't move!" singhal niya sa akin pero lalo akong tinubuan ng takot.
"Bitiwan mo sabi ako! Bastos ka--hmmm!" nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang sakupin ang aking mga labi.
Marahas niya akong hinahalikan. Nanggigigil. Halos mawalan ako ng hininga. Hindi ako makagalaw sa subrang gulat lalo na ng maramdaman kong ginagalugad na ng kanyang dila ang loob ng bibig ko.
T'ngna... hinahalikan niya ako! Gulantang na hiyaw pa lumulutang kong utak. Kaagad kong kinagat ang mapangahas niyang mga labi. Napamura siya sa ginawa ko sabay bitaw ng aking mga labi. Muli akong nagpumiglas ngunit nginisian niya lang ako.
"You know what? No one messes with me and get away from it that easy." sabi niya saka muli akong hinalikan.
"Ahh--Ano ba?! Pakawalan mo ako--hmmmp!" sigaw ko habang iniiwas ang aking mukha pero hinahabol niya naman ang aking mga labi.
Sinubukan kong tuhuran siya, pero tila nahulaan niya ang gagawin ko kaya mas idiniin niya pa ang sarili sa akin, inipit niya ang mga tuhod ko gamit ang kanyang mga hita. I gasped. Nilayasan ako ng hangin sa baga. My chest pounding so fast. P*tangina. Papatayin ata ako ng bastos na 'to!
Hanggang sa nagitla ako sa sumunod niyang ginawa. Pinagparte niya ang aking mga hita gamit ang kanyang mga binti. Pumuwesto siya sa gitna ko habang patuloy akong hinahalikan. I felt his hard shaft again when he pushed his crotch on me! Halos panawan ako ng ulirat sa ginawa niya. Nanginig ang aking buong katawan. Bolta-boltaheng kuryente ang bigla na lang tumama sa akin deritso sa kaibuturan ko. Dumoble ang lakas at bilis ng paghampas ng aking dibdib. Naramdaman kong humigpit pa lalo ang paghawak niya sa aking mga kamay. F*ck sh*t. He's caging me!
Biglang nanubig ang aking mga mata sa subrang takot na sumalakay sa aking buong sistema. Takot sa maaaring mangyari sa akin sa kamay ng manyakis na 'to. Hindi ko inaasahan na gaganituhin niya ako. Lalo't galit kami sa isa't isa. Or baka dala lang ng espiritu ng alak kaya siya nagkakaganito? Napikon sa mga sinabi ko sa kanya.
Pero hindi ko naman kasi alam na nakainom pala siya. Tsaka malay ko ba na nandito rin siya? Damn. Ano na ang gagawin ko? Masyado siyang malakas. Mabilis pa ang mga kamay. Tapos ako itong si tanga nag-aral pa ng self-defense pero hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ngayon.
Pinagpatuloy ko ang pagpumiglas ngunit ang matamis niyang mga labing madiin na humahagod sa wala pang karanasan na mga labi ko ang nagpapahina sa akin. Kung kanina marahas, ngayon biglang nagbago ang paraan ng paghalik niya sa akin. Parang inaakit niya na ako. Nakakaliyo. And damn... he's a good kisser! Para niyang kinakain ang bibig ko. Hinihigop na halos mahimatay na ako. Nakapikit pa siya habang walang sawa akong hinahalikan. Animo'y ninanamnam ang mga labi kong halos nangangapal na. At inaamin ko, unti-unti na akong nadadala sa kanyang ginagawa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit umiinit na rin ang buong katawan ko. Nanghihina na ako. Para na akong inaantok, namumungay na ang aking mga mata. Ganito ba talaga 'to kapag hinahalikan? Para akong dinuduyan.
Wala akong muwang sa ganitong bagay. Never pang may nangahas sa akin na lalaking halikan ako. Takot lang nilang mabalian ng buto. Pero ang isang 'to nakalusot sa akin ngayon. Iwan ko kung bakit. Nahihiwagaan rin ako sa mga ikinikilos ko kapag kaharap ko siya. Kahit nanggigil ako sa tindi ng inis ko sa kanya, naliligalig ako sa tuwing napapatitig ako sa kanyang mga mata. Animo'y may hatid iyon na gayuma at napapasunod ako sa kanya. Hindi ako makabuwelo. I can't stop him. I can't think properly and don't even know how to fight with him anymore. I forgot everything, my defense. And this damn strange feelings I suddenly felt towards him is unstoppable. I don't know how to control it. I just can't!
Binitiwan niya ang mga kamay ko ng maramdaman niyang hindi na ako nanlaban pa kasabay ng pagbaba ng kanyang mga labi sa aking lalamunan, patungo sa aking leeg. Paulit-ulit niya ako doon hinalikan. Napanganga ako sa hindi maipaliwanag na sensasyon na tumupok sa akin. Gumapang ang kanyang mga kamay sa katawan ko. Hanggang sa maramdaman kong marahan na minamasahe nito ang aking dibdib. Malakas akong napadaing sa ginawa niya.
Tumigil siya bigla sa paghalik sa akin saka hinanap ang aking mga mata. Habol ang hiningang nagtitigan kaming dalawa. Wala ni isang gustong magbawi ng tingin. Hinawakan niya ng mainit niyang kamay ang mukha ko bago niya ako muling siniil ng halik. I automatically closed my eyes. And this time, I kissed him back. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Napasabunot pa ako sa kanyang buhok ng lumalim pa lalo ang paghalik niya sa akin. Wala akong idea kung pa'no humalik pero ginaya ko na lang ang ginagawa niya. I slid my tongue inside his mouth, he groaned and I moaned when he sipped it.
We were savagely kissing each other while his hands roaming inside my clothes. Marahan na humahaplos. Pumipisil. Dumeritso sa loob ng aking bra, sa aking dibdib at minasahe iyon. Napaigtad pa ako sa init na nagmumula sa kanyang mga kamay na naghatid sa aking ng milyon-milyong hindi maipaliwanag na pakiramdam na nagpapawala sa aking katinuan. Para na akong nababaliw. Init na init kahit nasa tabing dagat lang kaming dalawa. Naririnig ko ang malakas na paghampas ng alon sa mga batuhan kasabay ng mga daing naming dalawa. Teka, bakit nakikipaghalikan pala ako sa budol gang na 'to?
P*tangina! Para akong sinabuyan ng isang drum na yelo at biglang nagising sa bangungot. Marahas ko siyang naitulak sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nakalayo siya mula sa pagkakadagan sa akin. Mabilis ang mga kilos na kaagad akong tumayo. Tigagal na napatingala pa siya sa akin. Bahagya pang nakabukas ang kanyang nangingintab na mga labi. Pareho kaming hinihingal. Dahan-dahan siyang tumayo habang walang kurap-kurap na nakatitig sa akin. Tiningnan ko siya ng masama sabay talikod. Ngunit impit akong napasigaw ng hatakin niya akong muli sa aking braso pabalik. Sa subrang pagkataranta kaagad ko siyang sinampal saka tinuhuran sa gitna.
"Awww--Sh*t!" napaaringking siya sa sakit habang sapo ang kanya.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad akong kumaripas ng takbo palayo sa kanya.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023