JILLIAN
Marahas ang aking paghinga. Sunod-sunod. Lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihinang humawak ako sa katawan ng puno ng mangga sa labas ng bahay nina Jordan. Parang mahihimatay ako sa subrang bilis ng pagtakbo ko makatakas lang sa kanya. Butil-butil ang malamig na pawis ang tumulo sa aking mukha.
I was literally listening to a strong thud of my heart when I felt like my head is spinning. I abruptly closed my eyes. Trying to calm myself.
Bastos talaga ang lalaking 'yon. Pagsasamantalahan pa ata ako. Tapos nagawa ko pang makipaghalikan sa kanya! Bwesit talaga.
I slowly lean on the trunk of the tree as I found my breath.
"Jillian."
"Ayy manyak ka!" tili ko sabay bigwas ng kamay sa taong biglang humawak sa aking braso.
"Aww--SH*T ka Jillian!" daing ni Jordan habang sapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha.
Napangiwi ako ng makilala ko siya. "Jor--dan? Anong ginagawa mo dito?"
"T'ngna ka. Bubulagin mo pa ata ako e!" singhal niya sa akin.
"Naku, sorry na. Hindi ko alam na ikaw 'yan. Bigla ka na lang kasi sumulpot." natataranta ko siyang nilapitan sabay hawak sa kanyang kamay na nakatakip sa kanyang mukha pero umiwas siya sa akin.
Malakas niyang tinabig ang kamay ko. "Haist. Ang sakit, bwesit. Saan ka ba kasi nagpunta?" sabi niya habang hawak pa rin ng isang kamay ang kabilang mata, nakabukas naman ang isa.
My lips stretched even more. "Masakit ba?"
"Ah hindi. Nasarapan ako sa bigwas ng kamay mo kaya ako umiyak." nagpunas siya ng luha saka tiningnan ako ng masama.
"Sorry na. Ginulat mo kasi ako e."
"Sorry... Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagsususuot?"
Hindi ako umimik. Nakangiwi pa rin akong nakatitig sa kanya. Lalo na sa kanyang kabilang mata na hindi niya maidilat. Kasi naman e. Himutok ko pa sa aking sarili. Bigla akong tinubuan ng konsensya sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi sukat akalain na siya iyon. Akala ko nasundan ako ni Budol gang.
"Ano? Tulala? Malala ka talaga. Ikaw na nga itong nakasakit--"
"Sorry na sabi. Akala ko kasi nasundan ako ni Budol gang."
"Budol gang na naman?"
"Oo e, siya na naman."
"Parang napaghahalata na kayong dalawa ah."
"Anong napaghahalatang pinagsasasabi mo diyan?"
"Stalker mo ata 'yon e. Simula pa doon sa San Agustin hanggang dito nakasunod siya sayo."
"Hindi ako sigurado diyan. Hindi niya ako kilala, lalo na si Itay."
"O e, bakit kung saan ka pumunta nandun din siya aber? Ano 'yon nagkataon lang, ganun?"
"Hindi ko nga alam e. Nagulat na lang ako kanina pagtayo ko sa ibabaw ng bato para sana tanawin kayo ay siya 'yong nalingunan ko. Nandun din siya sa batuhan sa dulo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rin doon. Mukhang hindi niya naman ako sinusundan dahil nagkagulatan pa nga kaming dalawa pagkakita namin sa isa't isa."
"Batuhan sa dulo? Ang layo na no'n ah. Anong ginagawa mo doon?"
I heaved out a deep sighs. "Wala. Nagmuni-muni. Honestly, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Inay. Lahat na ginawa ko pero parang walang kwenta ang lahat ng effort ko sa kanya Jordan." gumaralgal ang aking boses sa huling sinabi ko.
Sa totoo lang habang tumatagal na nakikita ko ang miserableng kalagayan ni Inay, lalong tumitindi ang galit at pagkamuhing nararamdaman ko kay Itay. Tapos ang hayop na 'yon may nalalaman pang pabantay-bantay sa aming dalawa. Makailang ulit na akong nakahuli ng lalaking nagmamanman sa bahay namin. Minsan sinusundan pa ako. Pinagbubugbog ko silang lahat at sinabihang tantanan na kami matapos kong malaman na padala sila ni Itay para bantayan kami. Kaso 'di tumitigil. Kung sino-sinong pinapadala sa amin. Akala siguro 'di ko sila mahuhuli.
Ang tindi niya diba? Wala siyang kasing sama. Mas pinalala niya lang ang sitwasyon. Tuloy si Inay umaasang babalikan pa kami ni Itay. Na ikinakagalit ko lalo. Hindi dahil sa ayaw kong mabuo ang pamilya namin kundi dahil pagkatapos niya kaming ipagpalit sa iba, iwan na parang tuta, saktan si Inay, magpaparamdam siyang muli na para bang walang nangyari. Hayop siya. Wala ng hihigit sa kanya sa lahat ng hayop. Sagad sa buto ang galit ko sa kanya kaya 'wag na 'wag talaga siya magpapakita sa akin at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko mapatay ko siya.
Malalim na bumuntong-hininga si Jordan saka ako inakbayan. "Sabi na kasing sumama na kayo sa amin sa Makati. Kailangan ilayo mo si Nay Julie sa San Agustin para makalimutan niya ang Itay mo. Hangga't nananatili kasi kayo doon sa bahay niyo, lalong hindi siya makakapag-move on. Ilang taon na ang nakalipas simula ng iwan kayo wala pa ring improvement diba? Siguro kailangan niyo ng bagong bahay, bagong environment, para magbago din ang takbo ng buhay niyo."
Matamlay ko siyang tiningan. "Kung saan-saan ko naman na siya pinasyal diba? Kita mo naman, wala pa ding epekto. Nagyayaya na kaagad umuwi. Mas lalong hindi ko siya mapipilit diyan sa gusto mo. Baka palayasin pa ako no'n instead na sumama sa akin."
"Ang tigas din kasi ng ulo ng Nanay mo. Iwan ko ba. Hindi na namin alam kung pa'no pa kayo tutulungan."
"Sorry ha. Pati tuloy kayo naaabala--"
"Hindi kayo abala sa amin Jillian. Para ng pamilya ang turing namin sa inyo. Alam mo naman 'yon diba?"
Tumango ako. "Nahihiya na nga ako sainyo e."
"Aysus." sabi ni Jordan sabay tanggal ng kamay sa aking balikat saka ako pinamaywangan. "'Wag kang mahiya dahil hindi 'yon libre. Babayaran mo ang lahat ng tulong namin sa inyo no." nakairap niya pang sabi sa akin.
I chuckled.
"'Yan... tumawa ka din. Cheer up! Ngayon ka pa ba susuko kung kailan nalampasan mo na ang pagkarami-raming unos na dumating sa buhay niyo? 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Balang araw mare-realized din 'yan ng Nanay mo ang lahat ng sakripisyong ginagawa mo para sa kanya. Ipagpatuloy mo lang 'yang ginagawa mo. Hindi mo pwedeng ipakita sa kanyang nanghihina ka para hindi rin siya panghinaan ng loob. Mahirap ang pinagdaanan niya kaya bilang anak, intindihin mo na lang."
"Alam mo naman kung gaano kahaba ng pasensya ko diba? Kaso minsan nakakainis. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Inay. Pero pakiramdam ko umaasa siyang babalikan pa kami ni Itay. Ayaw niyang maniwala na ipinagpalit na kami sa iba. Diba nakaka-frustrate. Kahit todo sikap ako na aliwin siya para maka-move on siya sa panlulukong ginawa ni Itay e kung siya mismo ay hindi niya tinutulungan ang sarili niya. Useless pa rin 'yon. Sa totoo lang malapit na akong mabaliw. Dumagdag pa si Budol gang sa problema ko."
Umiling siya. "'Wag mo ng problemahin pa ang lalaking 'yon. Wala naman siyang ginagawang masama sayo. Ikaw na lang ang umiwas."
"Iwan ko ba. Hindi ko siya makalimutan. Laging sumasagi sa utak ko ang pagmumukha niya. Hanggang sa panaginip ko nandun siya. Kumukulo talaga ang dugo ko sa bwesit na lalaking--" natigilan ako ng makita ko ang makahulugan na tingin niya sa akin. "Umaandar na naman 'yang marumi mong utak." sikmat ko sa kanya.
Tumawa siya. "Hindi kaya gusto mo siya kaya--"
"NO WAY! The hell would freeze first before that's gonna happen."
"Hmmm. 'Wag kang magsalita ng patapos. Baka kainin mo din 'yang sinabi mo sa huli."
Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Anong ibig mong sabihin?"
"Baka gusto mo siya kaya nagkakaganyan ka."
"Duh...? Seryoso ka?"
"Remember kamukha siya ng kinahuhumalingan--"
"Ayusin mo 'yang wordings mo. Anong kinahuhumalingan?"
"'Yong lead singer ng PRINX, kamukha niya."
"So? Ano ngayon kung kamukha niya?"
"Maybe you like him too."
I chuckled. "Hello? Si Budol Gang..." sabi ko sabay turo sa aking sarili. "...gusto ko? Nagpapatawa ka ba? Wala akong gusto sa kanya no. Gustong sapakin oo."
"Hmmm. Hindi 'yan ang nakikita ko sa mga kilos mo?"
I rolled my eyes. "Kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap. Nasaan na pala sina Cheena at Blessie?" pag-iiba ko ng usapan.
Nagulat ako ng bigla siyang napahalakhak.
"Baka one of this days, hanap-hanapin mo 'yan si--"
"Heeeee! Tumigil ka nga."
"Bakit? Totoo naman ah. Hindi mo kamo siya makalimutan. Pati sa panaginip mo nandun siya. Baka mas mauna ka pang matuluyan kaysa kay Nay Julie."
"Tse! Bahala ka nga diyan sa buhay mo!" singhal ko sa kanya sabay talikod.
Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa inakto ko. Pinagkakantiyawan niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Deri-deritso lang ako ng lakad papasok sa loob ng bahay. Nagkagulatan pa kami ni Nay Dolor na halatang naalimpungatan at lumabas ng kwarto.
"O, Joyce Jillian. Nandiyan ka na pala. Nagkita ba kayo ni Jordan?" tanong niya.
"Opo. Nasa labas po siya. Tumatawa mag-isa."
"Anong tumatawang mag-isa? Sabunutan kita diyan e." sabad ni Jordan na biglang sumulpot sa likuran ko.
Napatitig sa kanya si Nay Dolor. "A-Anong nangyari diyan sa mata mo Jordan?" tanong nito habang nakaturo pa ang kamay sa kanya.
Kaagad akong napangiwi saka nilingon si Jordan. Namumula ang kanyang mata. Parang biglang nagka-sore eyes.
Nakangiwing nakagat ko ang aking ibabang labi.
"Nabigwas--"
"Napuwing lang po ako Nay. Bakit gising pa po kayo?"
"Napuwing? Ganyang kapula?"
"Alangan color blue? Naging foreigner ako bigla, ganun? Syempre pupula talaga. Si Nanay talaga nagpapatawa." napapakamot pa sa ulong sabi ni Jordan. "Bakit hindi pa po kayo natutulog? 'Yong tatlo natulog na ba?"
"Tulog na. Nagpupumilit pa ngang sumunod sayo e pati si Mareng Julz. Hindi na namin pinayagan at baka sila naman ang mawala. Tsaka nakaidlip na rin ako kanina, naalimpungatan lang ako. E tse-check ko lang sana kung nahanap mo na si Jillian." sabi niya saka ako tiningnan. "Saan ka ba pumunta Iha?"
"Ah... do'n lang po sa dalampasigan." sagot ko.
"Matulog na po kayo ulit Nay." sabad ni Jordan.
Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa. "Sige. Matulog na rin kayong dalawa, anong oras na." sabi niya saka kami tinalikuran, pumasok sa kanilang kwarto.
Nakasunod sa kanya ang aking tingin hanggang sa isarado nito ang pinto.
"OH MY... HICKEY..." maya-maya bulalas ni Jordan.
Kaagad akong napabaling kay Jordan sa sinabi niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nakatakip pa ang kamay sa kanyang bibig habang nakatitig sa akin. Nagulat pa ako ng hawiin niya ang buhok ko. Halos lumuwa na ang kanyang mga mata, walang kurap-kurap na nakatitig sa leeg ko.
Tinampal ko ang kamay niya. "Bakit ganyan ang titig mo sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi siya makapagsalita. Nakanganga lang habang nakaturo pa ang kamay sa akin. "Iwan ko sayo Jordan para kang timang." sabi ko sabay talikod.
Ngunit kaagad din akong napabalik ng hablutin niya ang braso ko.
Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "Bakit marami kang love bites diyan sa leeg mo bebe gurl?"
"A-Anong love bites ba ang pinagsasasabi mo?"
Tumaas ang kilay niya sabay kaladkad sa akin papunta sa oval shape full length mirror.
"Ayan... hindi mo ba nakikita 'yan? Tadtad ah."
My jaw dropped. Napamulagat ako sa aking nakita. Hindi makapaniwalang nilapit ko pa ang aking sarili sa salamin para mas lalong mabistahan ang pagkarami-raming pula sa aking lalamunan at leeg. Shet... Makailang ulit kong minura ang sarili sa utak ng maalala kong pinanggigilan pala ako kanina ni Budol gang. Hindi ko akalain na magmamarka ng ganito karami ang mga maliliit na pagkagat-kagat niya sa akin.
"O ano? Tulala again? Sinong may gawa niyan?" tanong niya. Hindi ako nakaimik. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Nakakaluko niya akong nginisian. "Don't tell me... 'yong lalaking 'yon ang may gawa niyan?"
"NO--"
"No? So how did you get that? Malamok ba doon sa batuhan at pinapak ka?"
"Iwan ko. Hindi ko alam."
He laughed. "Hindi mo alam? Nakatulog ka ba habang pinagkakagat ka?" matiim niya akong tinitigan. "Hmmm... kaya pala ngayon ka lang nagising."
I rolled my eyes. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Naks... ito naman. Aminin mo na. May sekreto pala kayong dalawa na malupet ah. Now I know why." kinikilig niya pang sabi sabay sundot ng tagiliran ko.
Napaigtad ako sa ginawa niya. "Ano ba?! Matulog na nga ta--"
"May nangyari sa inyo no?"
"WHAT..?!"
"Jordan, Jillian... Ano bang pinag-uusapan niyo pa diyan? Ang ingay niyong dalawa diyan sa labas may mga tulog na. Matulog na kayo!" sabad na boses ni Nay Dolor.
Sabay pa kaming napabaling ni Jordan sa nakasaradong pintuan ng kwarto ng mga ito.
Muli niya akong binalingan. "Kaya pala 'di mo makalimutan--"
"Walang nangyari sa amin." pinanlakihan ko siya ng aking mga mata nang nakakaluko niya akong ngisian. "Ang dumi talaga ng utak ko. Diyan ka na nga." sabi ko saka malalaking hakbang na tinalikuran siya.
Pinagkakantiyawan niya pa ako pero 'di ko na siya pinansin pa. Napangiti ako ng muli itong sigawan ni Nay Dolor. Kaagad akong pumasok sa kabilang kwarto kung saan natulog sina Inay.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023