Chapter 18

2451 Words
MARCO "Sino bang hinahanap mo at 'di ka mapakali diyan? Tsaka saan ka ba pumunta kagabi? Bigla ka na lang nawala." tanong sa akin ni Keith. Naligo kami ngayon sa dagat. Kanina pa ako nagpapalinga-linga sa paligid. Baka nandito na naman ang bansot na 'yon. Parang kabute pa naman. Magugulat na lang ako nasa harapan ko na. Panira ng araw. Akala ko magiging tahimik ang buhay ko sa ginawa kong pagbabago sa aking sarili. 'Yon pala mas lalong lumala. Kung dati si Sofia gusto akong pikutin dahil sa pangalan ko, ngayon naman baliw ang natagpuan ko dahil sa itsura ko. Hinusgahan kaagad ang pagkatao ko. Kung anong dahilan niya, hindi ko alam. May saltik ata. Iwan ko kung ini-stalk niya ba ako, may gusto ba siya sa akin or nakilala niya ba ako or ano? Ang gulo... nakakabwesit! Pilit kong kinakalimutan ang nangyari sa akin sa States pero may asungot na biglang dumating at ginugulo ang sistema ko. "Baka sinusundan na naman ako ng babaeng 'yon." "Sinong babae?" nagtatakang sabad naman ni Jonard. "'Sino pa nga ba? Alam niyo ba kagabi nandun din siya sa batuhan. Nagulat pa ako may bigla na lang tumayo sa ibabaw ng malaking bato." "F*ck, seriously?" nakatawang sabi ni Keith. "Hindi kaya stalker mo? Halos maghapon na lang ata kayong aksidenteng nagkikita ah. KUNG--aksidente nga? " "Or baka naman nakilala ka? One of your avid fan, ganun, kaya kahit saan ka magpunta nandun din siya." sabi ni Jonard. "I don't know. Pero mukhang hindi niya naman ako nakilala. Kung ano-anong mga pinagtatawag niya pa nga sa akin e. Budol gang, manyak, pakawala ng kanyang Itay." malakas na napahagalpak ng tawa ang dalawa sa sinabi ko. Pinanliitan ko sila ng aking mga mata. "'Wag niyo akong pagtawanan. Seryoso ako." "Sorry dude, I can't help it." tumatawa pa ring sabi ni Jonard. "'Yan na nga ang sinasabi namin sayo. Baka mas lalong ikapahamak mo 'yang ginagawa mo." Nakakunot-noong tiningnan ko si Keith. "Ano bang problema sa ginagawa ko? Wala naman diba? Sadyang abnormal lang talaga ang babaeng 'yon. Ako pa ang nakuhang pag-trip-an." "Bakit naman ganun ang mga pinagtatawag niya sayo?" tanong ni Jonard. "Hindi ko nga alam sa babaeng 'yon e. Nakakapang-init ng ulo. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganung klaseng tao." nakatiim bagang kong sabi. "Ang sarap nga pilipitin ang le--" "Hey bro, chillax..." nakatawa pa ring sabad ni Keith. Tiningnan ko siya ng masama. Nakangising umiling siya. "...alalahanin mo babae pa rin 'yon. Tsaka bakit ka nagkakaganyan ng dahil lang sa kanya? Sa ating anim ikaw itong subrang haba ng pasensya tapos ngayon... parang nasagad ata no'n ang temper mo ah." I released a pissed groaned. 'Yon na nga e, babae siya kaya nanggigigil ako lalo. Kung nagkataon na lalaki lang siya baka basag na ang mukha ng bwesit na 'yon. Hindi ako tinatantanan. Hanggang ba naman dito nakabuntot siya? Ang lakas pa ng loob bara-barahin ako. Hindi man lang natakot sa masamang titig ko sa kanya. Sa liit niyang 'yon, kaya ko siyang durugin gamit ng isang kamay ko lang. Ngunit ang ipinagtataka ko sa sarili ko, bakit para siyang linta na nakakapit sa aking utak? Her scornful voice echoes in my head over and over again! Na para bang ginagalit niya ako lalo. Nananadya talaga e. Hindi ko rin mapigilan ang sariling kong gumanti sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam kung anong meron ang babaeng 'yon at hindi ko makontrol ang sarili ko sa tuwing nakikita ko siya. I lost my temper because of her! Damn. Malala ito. Nagiging childish ako nang dahil sa kanya. Bwesit! Kaagad akong nag-dive, sumisid papunta sa ilalim ng dagat. Nagpabalik-balik ako ng langoy hanggang sa mapagod ang sarili ko. Para matanggal siya sa aking utak. Ngunit ang nakakainis niyang nakangising mukha pa rin ang nakikita ko. Damn! Malakas kong pinaghahampas ng braso ang tubig-dagat saka umahon. Nagtatakang nagkatinginan pa ang dalawa sa inakto ko pero hindi ko sila pinansin. Deri-deritso akong naglakad saka pabagsak na nahiga sa buhanginan. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at hinalikan ko siya kagabi? Inis na tanong ko pa sa aking sarili sabay hilot ng aking sentido ng kumirot iyon. Hindi ako pinatulog ng babaeng 'yon kakaisip sa kanya. Pagkatapos makipaghalikan sa akin tinuhuran ba naman ako. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. Akala ko talaga nabasag sa subrang lakas. Halos mamilipit ako sa sakit. Pati utak ko naalog sa kamay niyang biglang dumapo sa aking mukha. Hindi ko ma-gets kung ano ang drama niya. Naguguluhan din ako sa mga ikinikilos ko kapag kaharap ko siya. Lalo na sa tuwing napapatitig ako sa malungkot niyang mga mata. Animo'y pasan niya ang mundo. Na para bang puno iyon ng misteryo. Nilalakipan niya lang ng mabangis na anyo, tapang pero deep inside parang iba. Parang... durog? Hindi ko alam pero ganun ang nararamdaman ko at ang nakikita ko. At hindi ko maintindihan ang sarili ko na sa kabila ng galit at inis ko sa kanya parang may mainit na kamay ang humahaplos sa aking puso. Nakakaramdam ako ng awa na iwan, nagpapahina sa akin. Bakit ba kailangan kong makaramdam ng ganito sa kanya? T'ngnang puso... tumigil ka! Pinahamak mo na ako kailan lang, ngayon 'wag mo ng ulitin pa! F*ck. Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha saka kaagad bumangon. Malapit na ata akong mabaliw. Matiim akong tinitigan ni Keith habang naglalakad palapit sa akin kasunod si Jonard. "Ano bang nangayayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan? Tutuloy pa ba tayo sa Davao?" sunod-sunod na tanong niya. I sighed. "'Wag na muna ngayon. Ihatid mo na lang ako ulit sa kabilang Isla." "Ha? Sigurado ka? Akala ko ba--" "I changed my mind." "Hmmmm... Why is that?" he tilted his head. "Bakit ba ang dami mong tanong hindi ka na lang sumunod? Kung ayaw mo sasabay na lang ako kay Jonard papunta doon." He laughed. "Alam mo nako-curious talaga ako sa babaeng stalker mo na 'yan. Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan e. Ano bang itsura no'n?" I scoffed. "Bansot na pangit." sabi ko. Sabay pa silang napagalpak ng malakas na tawa ni Jonard. Umiling-iling ako saka sila tinalikuran. Sumunod sila sa akin. "Weeee... pangit ba talaga?" "Baka maganda kaya nagkakaganyan ka na naman." Hindi naniniwalang tanong pa nila sa akin. Salubong ang mga kilay na hinarap ko silang dalawa. "Look, mainit ang ulo ko--" natigilan ako ng pagtawanan na naman nila ako. Biglang nagdilim ang paningin ko sa kanilang dalawa. "You know what? Wala kayong kwentang kausap. Bahala na nga kayo sa buhay niyo." sabi ko saka malalaking hakbang na tinalikuran sila na lumakas pa lalo ang pagtawa. Dahil doon dumoble pa lalo ang naramdaman kong inis. Nagngingitngit ang aking kalooban. Naikuyom ko pa ang aking kamao sa tindi ng 'di maipaliwanag na emosyon na sumalakay sa akin. Hindi ko matanggap na nagmumukha akong katawa-tawa sa harapan ng mga kaibigan ko ng dahil sa babaeng 'yon. Damn. I hate her! *** "Himala ata nandito ka. Akala ko ba papasok ka na bukas sa opisina? Bakit hindi ka bumalik ng Manila?" nakatawang sabi ni Migz habang hinihimas ang panga na malakas na sinampal no'ng babae. Nagtatakang nasundan ko naman ito ng tingin habang malalaking hakbang na naglakad palayo. Nagulat pa ang babae pagkakita sa akin. Kararating ko lang galing sa kabilang Isla kasama sina Keith at Jonard. Dumeritso ang dalawa sa Rancho. Natigilan pa ako sa aking dinatnan pagkapasok ko ng Mansyon. Binalingan ko si Migz. "Ang lakas ng lagpak no'n ah. Sino ba 'yon?" tanong ko habang nakaturo ang kamay sa papalayong babae. He chuckled. "Si Shienna. Panganay na dalaga ni Tay Philip." "Oh, I see. Bakit sinampal ka no'n?" "I offered her a job." "Tapos..?" "She rejected." I smirked. "Mukhang mahihirapan kang paamuhin ang isang 'yon ah. Goodluck." sabi ko saka nilampasan siya. Nagtungo ako sa aking kwarto. Kaagad kong hinubad ang mga damit ko saka dumeritso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay kaagad akong nagbihis ng white shirt at black pants, pinatungan ko ng jacket and wear my boots. Lumabas ako ng Mansyon at naglakad papunta ng Rancho, sa kabilang lupain. "Magandang hapon po Señorito JM." nakangiting bati sa akin ni Lea, ang babaeng nililigawan ni Jonard. Tumigil ako sa paghakbang. I smiled. "Hi." sabi ko habang nakatingin sa katabi nitong tahimik lang na si Samantha. "Saan kayo papunta?" "Sa tubuhan po Señorito--" "It's JM. You don't have to say PO or OPO and that Señorito thing. I hate it." Biglang natigilan ang dalawa sa sinabi ko. Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan pa ang dalawa. "Uhm..." bumuka ang mga labi ni Lea pero hindi makapagsalita. "Parang nakakahiya naman po kung JM lang ang itawag namin sainyo. Anak po kayo ng may ari ng pinagtatrabahuhan ng mga magulang namin." katwiran ni Sam. "Anak lang ako. Hindi ako ang may-ari. So drop the formalities. Like I said, I hate it." sabi ko saka nilampasan sila. "Buti pa 'tong panganay mabait. 'Yong isa saksakan ng yabang. Sarap tadtarin." "Huy--hinaan mo 'yang boses mo. Baka marinig ka." "E ano naman? Gusto ko nga 'yon e ng malaman niyang nakakabwesit ang kapatid niya." Narinig ko pang usapan no'ng dalawa. Napangisi ako saka binilisan na ang paghakbang. Natanaw kong nilalabas ng kaibigan ko ang dalawang kabayo sa kwadra. Si Apollo kay Keith at si Flame naman kay Jonard. "Hindi ampon si Stacey ng mga Sullivan." narinig kong sabi ni Jonard. Stacey? Kaagad akong natigilan sa paghakbang sa sinabi ni Jonard. Nagtatakang napatitig ako sa kanila. Babae 'yon ni Wayne diba? Bakit nila pinag-uusapan? Bakit kilala ni Jonard? Nagtatakang tanong ko pa sa aking sarili habang nakikinig sa kanilang usapan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Keith. "Pinalitan ng ibang bata ang anak nila sa Hospital kung saan nanganak ang asawa ni Tito Rafael." "Pinalitan? How?" "I don't know exactly--JM kanina ka pa ba diyan?" gulat nitong tanong pagkakita sa akin. Lalong nagsalubong ang aking mga kilay sa naging reaksyon niya pagkakita sa akin. Na para bang confidential ang pinag-uusapan nila at hindi ko pwedeng malaman. Nakapamulsang naglakad ako palapit sa kanila. I stared Jonard intently. "Bakit niyo pinag-uusapan ang anak ni Tito Rafael?" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ng makahulugang nagkatinginan pa ang dalawa. "What's the matter? Naglilihim na kayong dalawa sa akin ngayon?" "There's nothing to do with--" "Keith..." sabad ni Jonard. Napabaling kaming dalawa sa kanya. Nakita ko pang umiling si Keith kay Jonard. Bigla akong kinabahan sa inaakto nilang dalawa. Pakiramdam ko may mali at... involve ako. Malalim ko silang tinitigan. "Anong ibig sabihin no'ng mga narinig ko? "Wala nga--" "He needs to know Keith." sabad ulit ni Jonard saka ako tiningnan. Malalim siyang napabuntong-hininga . "'Yong mga taong tumangay sa anak ni Tito Rafael at 'yong mga grupong nambugbog sayo was connected." "What? How does that happen? Tsaka pa'no mo nalaman ang tungkol diyan?" "Matalik na kaibigan ni Dad 'yong Doctor na nagpaanak kay Tita Jackie. Nakwento niya kay Dad ang nangyari bago siya namatay." "Ha? Paanong...? Bakit hindi sinabi ng Daddy mo sa mga Sullivan? Bakit ngayon mo lang--" "It's too complicated... and dangerous JM. Hindi natin kilala ang kalaban. Ilang dekada na ang nakalipas pero till now hindi mabigyan ni Dad ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan niya. Tanging ang bunsong anak nitong si Doc. Thompson ang nakaligtas sa nagyaring m******e sa pamilya." Napalunok ako sa aking narinig. "So... why telling me now... about that?" "Hindi ako makatulog sa kwinento mo sa akin why you change yourself and started to hide your identity and live in a simple lowkey life." "Teka nga at naguguluhan ako..." sabi ko saka nagpabalik-balik ng lakad sa harapan nila habang pinuproseso ng aking utak ang mga sinabi niya. Muli ko siyang hinarap. "Kung si Stacey Sullivan ay hindi totoong anak ni Tito Rafael, nasaan ang totoo nilang anak? Tsaka sino ang totoong mga magulang ni Stacey? Alam na ba nila ang totoo?" He sighed. "Kailan lang nila nalaman pero hindi pa nila sinasabi kay Stacey ang totoo. About sa totoong anak nila, wala akong alam kung nasaan." "Sino ang totoong mga magulang ni Stacey? Bakit pinagpalit nila ang mga bata? Anong dahilan?" tanong ni Keith. "Gagamitin nila para makapaghigante kay Tito Rafa at sa mga kaibigan niya, lalo na kay Kristoffer Altamonte--" "Kristoffer Altamonte?!" bulalas ni Keith. "Bakit pati si Dad kasama?" "Dad? Anak ka ni Kristoffer Altamonte?" nagtatakang tanong ni Jonard. Lalo akong naguluhan sa tinatakbo ng usapan naming tatlo. Hanggang sa unti-unti akong ginapangan ng kakaibang kalabog sa aking dibdib ng mag-sink in na sa aking utak ang mga pinagsasabi ni Jonard. Pakiramdam ko talaga may malaking lihim na tinatago si Dad sa amin. Iba ang dating sa akin ng mga palitan nilang salita ni Mom noong aksidente ko silang marinig na nag-uusap sa loob ng kwarto nila. Kung anong dahilan bakit ayaw nilang sabihin sa amin, hindi ko alam. And my damn curiosity is killing me! Tumango si Keith. "Anong kinalaman ni Dad sa mga taong dumukot sa anak ni Tito Rafa? Tsaka anong atraso nila? Bakit--" "Mas mabuti pang ang mga magulang na lang ninyo ang tanungin niyo. Mas magandang sa kanila mismo manggaling kaysa sa akin. Tsaka wala din akong masyadong alam. Ayaw din magsalita ni Dad." "Sh*t." frustrated na napahawak sa ulo si Keith. "Kaya pala kilala ni Christian ang kapatid ko. Akala ko--" sambit niya sa kanyang sarili sabay lingon sa akin. "May alam din kaya si Dad sa pagkamatay ng ama ni Sheriff Martin?" nagkibit-balikat ako. "Damn... we need to talk Tito Fernan--" "'Wag." pigil ko kay Keith. "Ayaw niyang magsalita sa akin, mas lalong hindi 'yon magsasalita sayo. Mas mahihirapan tayong malaman ang totoo kung sasabihin mo sa kanya ang nalaman mo ngayon." Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. "Anong gawin natin? Alangan tutunganga na lang tayo--" "Will do it discreetly. Like what Jonard said... its dangerous at hindi natin kilala ang mastermind sa likod ng mga nangyari sa pamilya natin from the past. Kung ayaw nila magsalita, pwes tayo ang gagawa ng paraan para malaman natin ang totoo." seryoso kong sabi sa kanila. "So, for now, libutin muna natin ang Hacienda." nakangiting sabad ni Jonard. Napabaling kami sa kanya. Sabay pa kaming napabuntong-hiningang malalim ni Keith. Tumango ako sabay hakbang papasok sa loob ng kwadra. I took out Electra. She's my favorite among them all. Humihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa bilis ng kanyang pagtakbo sa tuwing sinasakyan ko siya. And I badly need it today. Para mawala ang samo't saring katanungan na sunod-sunod na nagsipasukan ngayon sa aking utak. Nagkandapatong-patong na naman ang problema ko. Tapos dumagdag pa ang babaeng iyon sa paggulo ng utak ko. Damn! Kaagad kong sinakyan si Electra at pinatakbo sa malawak na lupain. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD