Chapter 19

2230 Words
MARCO Mabilis lumipas ang mga araw, buwan at taon. Halos mahalughog ko na rin ang lahat ng bundok ng buong Pilipinas kakaakyat. Pati sa mga beach laman din ako, wala akong pinalampas kahit isa. Hindi ko na rin nakita pang muli ang babaeng 'yon which is good dahil kahit papaano naging mapayapa naman ang takbo ng buhay ko. Even though tadtad ang sermon sa akin ni Mom almost everyday. Parang palaging may sunog kapag tumatawag sa akin. Hindi nila ako mahagilap sa Condo ko sa Makati, lalo na sa opisina. Kinukulit pa akong mag-asawa na. Na para bang malapit na akong mag-senior citizen. Damn. I'm just thirty five at wala akong mahanap na matinong babae. 'Yong ako ang gusto, ang personality ko, ang buong pagkatao ko, hindi 'yong pangalan ko, power at yaman ng pamilya ko ang habol lang sa akin. Oh... hindi nga pala ako naghahanap. Napangiti ako sa aking naisip. Well, in fact, I am happy with my life now. Bakit pa ako maghahanap ng taong ipupukpok ko sa ulo ko? Like... someone na magko-control sa ginagawa ko. Hindi ako no'n basta-basta makakagala. Kailangan ko pang e-report ang mga aktibidades ko. Masarap maging single. Malaya. Everything in my life now is under control, in proper places. Full of adventures, less stress, even though Mr. Chua giving me a hard time with my business proposal to him, still, I made him agreed with it. I am eager to have him in our company. Not because malaki ang maiaambag niya sa kompanya, but because may alam siya sa pinagtatagpi-tagpi kong senaryo na tinutuklas naming magkakaibigan. "Hindi na ako makakasama sa inyo sa Quezon, bro." sabi ni Ryan. Naglalakad kami pabalik sa suit na tinutuluyan namin. Nag-Rock Climbing kami dito sa Cebu. Nagyaya sila noong nakaraang araw kaya halos mapatalon pa ako sa tuwa na agad sumama sa kanila. Nagsinungaling pa ako kay Mom na nasa kabilang isla lang ako. First time kong ma-experience ang umakyat sa batuhan. Pakiramdam ko para akong si Spider Man. Kulang na lang lumipad ako e. Nilingon ko siya. "Hindi na ako dederitso doon. Pupunta ako ng Hacienda." "O? Bakit biglang nagbago na naman ang utak mo?" tanong ni Keith. "Rock climbing lang din naman ang pupuntahan ko sana doon e. Kaso nagyaya na kayo dito sa Cebu, kaya next time na lang ako pupunta doon. Tsaka kailangan ko din papirmahin kaagad si Mr. Chua sa contract namin. Pabago-bago pa naman ang utak no'n. Napaka-unprofessional or sadyang nakakahalata na sa mga ikinikilos ko." Natawa sila sa sinabi ko. "Masyado ka kasing aggressive, bro. Matinik pa naman ang Intsik na 'yon." sabi ni Ryan. "Simplehan mo lang kasi ang panliligaw mo sa matandang 'yon. Baka mabuliyaso pa ang plano natin. Mag-nga-nga tayo nito." sabi ni Keith na ikinatawa naming tatlo. "Anyways, sasabay ka ba sa amin paluwas ng Manila?" "'Wag na. Ihatid niyo na lang ako sa Hacienda. Mamayang gabi pa ako luluwas. Gamitin ko na lang 'yong kotse--" "Magkotse ka lang pabalik ng Manila?" "Seryoso ka?" Sabay pang bulalas nilang dalawa. I chuckled. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Wow! Ang lupet mo bro!" nakatawang sabi ni Keith. "Ilang oras ang bubunuin mo sa byahe, bro. Kayanin mo kaya?" tanong ni Ryan. "Well I have my own car. Tsaka isa pa, sabi ni Migz maraming magagandang tanawin akong madadaanan. Baka makakita akong bundok na pwede kong e-add sa bucket list ko. Tomorrow afternoon pa naman ang meeting ko kay Mr. Chua. Marami pa akong time." Tumango-tango ang dalawa. "Sabagay. Nakalimutan kong adik ka nga pala sa pagka-camping." sabi ulit ni Ryan. "So, aalis na ba tayo ngayon? Hindi na ba tayo kakain muna bago bumyahe?" tanong ni Keith pagkapasok namin sa elevator. "'Wag na. Do'n na lang sa bahay. Mag-iihaw daw si Tay Philip. 'Wag niyo na din pagkainteresan 'yong dalawang red wine ah. Ibibigay ko na lang do'n sa dalawang matanda. Kaya niyo namang bumili no'n. Hirap daw silang makatulog e. Tiyak matutuwa 'yon." sabi ko. Nagkibit-balikat sila sa sinabi ko. "Sa bahay na lang din ako kakain. Hindi na ako bababa doon sa inyo." sabi ni Ryan. Nakakunot-noong nilingon namin siya. "Bakit parang nagmamadali ka atang umuwi?" tanong ko. "May... problema ka ba? Napapansin ko these past few days madalas kang tahimik." sabi naman ni Keith. Nakangising umiling si Ryan. "Wala. May aasikasuhin--" "Aasikasuhin?" sabad ni Keith. I tilted my head and stared at him intently. "Babae?" sabi ko na ikinapula ng mukha ni Ryan. Malakas akong napahalakhak. "Sh*t. Nag-blush ka pa. Congrats bro. Akala ko si Wayne ang gusto--Aww!" hiyaw ko ng dumapo ang kamao niya sa ulo ko. Kaagad ko iyon hinimas. "Siraulo. Pumunta na nga kayo sa mga kwarto niyo. Pakibilisan ang mga kilos at may importante akong lakad." sabi nito saka malalaking hakbang na lumabas ng lift pagkabukas nito. Malakas naman kaming napahagalpak ng tawa ni Keith habang sinusundan ito ng tingin. Nakangising nagkatinginan pa kaming dalawa bago pumasok sa kanya-kanya naming room para makapag-impake. Pagkatapos ay hinatid nila ako sa Hacienda. ***** "Did I miss the good news?" nakangiting sabad ko sa masayang tawanan nila. Naabutan kong pinagkakantiyawan ng mga magulang ko at nina Tay Philip at Nay Cora si Sam sa harapan ng hapag na puno ng pagkain. Bigla tuloy nagrambulan ang mga alaga ko sa tiyan. Sabay-sabay pa silang napalingon sa akin. Nasa b****a pa lang ako ng main door ng Rest House rinig na rinig ko na ang tawanan nila. Parang nagse-celebrate na hindi ko mawari. But I am happy seeing them happy. Matagal-tagal na panahon na rin na huling nakita ko silang ganito kasaya. Parang bumabata sila sa paningin ko sa tuwing nakikita ko ang masayang ngiti sa kanilang mga labi. "Oh, Iho nandiyan ka na pala. Halika ka na dito. Saluhan mo kami." nakangiting sabi ni Tay Philip. "Looks like you're all having fun here. Anong meron?" tanong ko habang nakasandal pa rin sa hamba ng kusina bitbit ang isang imported na red wine. Napangisi ako ng titigan ako ni Sam. "Kanina ka pa ba anak? Akala ko'y dederitso ka na ng Manila?" tanong ni Mom sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya and kissed her cheeks saka nagmano kay Nay Cora. Nagmano rin ako kay Tay Philip sabay abot ng wine dito bago ko nilapitan si Dad at hinagkan ito sa pisngi. Tahimik na nakasunod ang mga mata nila sa akin. Hinila ko ang bakanteng upuan sa sumunod na katabing upuan ni Dad at doon naupo. I smiled. "Kararating ko lang po, Mom. I changed my mind. I decided to stop over and give that special wine..." turo ko sa wine na binigay ko kay Tay Philip. "...and ofcourse to taste that inihaw na manok of Tay Philip." Kaagad naman nilagyan ng inihaw na manok ni Tay Philip ang platong binigay sa akin ni Nay Cora. "Ito tikman mo, masarap 'yan." sabi niya. Natakam ako sa sarap ng amoy. "Thanks po." sabi ko saka nakapikit na dahan-dahang nilapit ang mukha sa manok. "Hmmm... smell good. Amoy pa lang ang sarap na po Tay Philip." Tumawa siya. "Nakow! Ito talagang bata na 'to binola pa ako. Kumain ka na lang diyan." I laughed at what he said then start munching my food. Ramdam ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Sam pero hindi ko siya pinansin. Nagutom ako lalo ng malasahan ko ang inihaw. Ang sarap! Medyo maanghang pa. Hindi na kailangan ng sawsawan dahil ma-juicy ang pagkakaluto nito. Hanggang sa naramdaman kong tahimik na pinagtatawanan ako ni Sam ng sunod-sunod na ang ginawang pagsubo ko. "What's funny, Sam?" hindi nakatiis na tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin akong kumakain. Parang gusto kong mapahagalpak ng tawa ng magulat siya sa tanong ko. Hindi niya siguro alintana na nakikita ko siya sa peripheral vision ko. "May third eye ka ba?" Kaagad nangunot ang noo ko sa sinabi niya sabay tingin sa kanya. "Third eye? What's the connection of that with your giggles?" She rolled her eyes. How cute... Napangisi ako sa aking isip. "What giggles you were saying?" deny niya pa. "I saw you giggling while staring at me eating. And staring is rude." sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Rude? Ako..?" turo niya pa sa kanyang sarili. "You really have a third eye." I smirked. "Is it your first time seeing a man eating like a hungry wolf?" tanong ko sabay abot ng pitsel at nagsalin ng tubig sa baso ng mapansin kong nakatuon sa aming dalawa ang mga mata ng mga magulang namin. Nginisian ko siya ng irapan niya ako habang uminom ako ng tubig. Nakatitig pa rin ako sa kanya ng dahan-dahan kong binaba ang baso. "I told you Tay Philip, amoy pa lang ang sarap na. It's really taste good." "Marami pang tirang naka-marinade na iihawing manok at baboy. Kung gusto mo magbaon ka pagluwas mo ng Maynila mamaya." "Hindi ko po tatanggihan 'yan." "Sige mamaya, mag-iihaw ulit ako bago ka bumyahe para mainit pang baunin mo." napalingon ako sa kanyang sinabi saka ngumiti. Masaya ako at natagpuan silang ligtas ni Dad. Hindi ko akalain na nandito lang pala sila sa Hacienda. Kung saan-saan pa sila pinahanap ni Dad. Sabagay ang hirap maghanap ng taong wala ka man lang hawak na kahit anong picture. Marami pa naman ang magkakapangalan. Kaya siguro nahirapan si Santos sa paghahanap. Kung hindi dahil sa ginawa ni Miguel hindi pa sila mahahanap ni Dad. Parang blessing in disguise tuloy ang nangyari. "Hindi mo na ba hihintayin umuwi dito ang kapatid mo JM?" tanong ni Mom. I smiled at her. "No Mom. My schedule is full. I have a conference to attend. But will do my best to come back here again to visit you two." "Make sure son you're here next month for the wedding." sabad ni Dad. Nakakunot-noong napabaling kaming lahat kay Sam ng bumagsak ang kubyertos nito sa plato. "Wedding? What wedding and who's getting married?" nagtatakang tanong ko sa kanila. "Your brother Miguel's wedding." "Miguel is getting married? With whom?" "With Sam." Lalo akong nagulat sa inanunsyo niya. "Sam? Samantha?" sabi ko sabay turo kay Sam na nakayuko. "With her?" tumango sila. Nabigla ako pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangisi ng makita ko ang itsura ni Sam. I tilted my head and stared at her. "Why I don't know that you and Migz had a relationship? All I know you were fighting each other like cats and dogs." pang-aasar ko pa sa kanya. Kaagad siyang nag-angat ng ulo saka tinitigan ako ng masama. "We never had any relationship! And will never like him! I am against with this marriage!" Gusto kong mapabunghalit ng tawa ng marinig kong sabay pang napaubo si Mom at Nay Cora sa sinabi ni Sam pero pinigilan ko ang aking sarili. "Samantha!" saway naman agad ni Tay Philip. Nilingon ko ang mga magulang ko. Nagpalipat-lipat ang nagtatanong kong mga mata sa kanilang lahat. Tila naman may dumaang anghel at natahimik ang hapag. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto nilang ipakasal si Sam at Miguel. Alam naman nilang langit at lupa ang pagkamuhi ng dalawa sa isa't isa. Dad cleared his throat. "It's an arranged marriage son. May kasunduan kami noong mga bata pa kami nitong si Phil na ipapakasal namin ang magiging anak namin, kung sakaling magkaanak akong babae at lalaki naman 'yong kanya. And now, we arranged Miguel and Sam to get married. We're not getting any younger and we're both eager to see our grandchildren. And we believed na mapapatino nitong si Sam ang kapatid mo. Nang tumigil na din ang pagsulpot ng kung sino-sino na lang na babae sa mansyon." I knew it... Tuluyan na akong napahagalpak ng malakas na tawa sa paliwanag ni Dad. "Is Migz know about this arrangement Mom, Dad?" nakatawa pa ring tanong ko sa kanila. "Not yet. He will know once he arrived here next weekend. And I think he will like the idea, so those random girls will stop pestering him." sagot ni Dad. I smirked then stared Sam. "I bet, not. It's going to have a big war once this two see each other again." "JM..." saway sa akin ni Mom pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakatingin kay Sam na umuusok na ang ilong sa akin. Inabot ko ang baso saka muling uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na ako at nakapamulsang naglakad palapit sa kinauupuan ni Sam. Napangisi ako ng bigla siyang napatayo at napatitig sa aking mukha. "I'm sure Migz will freak out once he found out about his up coming wedding." "Mas ok ng si Samantha ang pakasalan ni Miguel kaysa kung sino-sinong pakawalang babae." nayayamot na sabad ni Dad. "Migz wants someone else but definitely not Sam." sabi ko. Pinanliitan ako ni Sam ng kanyang mga mata. "I don't like him either!" asik niya sa akin. "And never like this wedding!" Biglang napasinghap na naman si Mom sa sinabi niya. Sabay pa itong sinaway ng kanyang mga magulang. Poor Samantha... Naipit sa kakulitan ng mga magulang namin. I grinned. "I can see that in your face but... welcome to the family Sam." nakangiting pang-iinis ko pa sa kanya sabay yakap. Nagulat pa siya sa ginawa ko lalo na ng pisilin ko ang cute niyang ilong at ginulo-gulo ng aking kamay ang kanyang buhok. Nagpumiglas siya pero di ko siya pinakawalan. "I've been dreaming to have a little cute sister like you." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD