Chapter 20

2431 Words
MARCO "Kahit kami din, Iha. Sabik din kami nitong si Fernan magka-anak na babae." sigunda naman ni Mom. "I'm sure your Parents is eager to have a son too. Right Balae?" Natawa ako sa sinabi ni Mom. Ramdam kong nabwisit lalo si Sam sa kanyang narinig. "Ano ba Señorito JM!" asik niya sa akin sabay kalas ng mga braso kong nakayakap at kamay na nanggugulo sa kanyang buhok. Kaagad ko naman siyang pinakawalan. "It's Kuya JM, Sam." nakatawang sabi ko. Napatitig siya sa akin sa sinabi ko. 'Yong tipong parang tigre sa galit pero sa isang iglap bigla siyang naging maamong tupa sa harapan naming lahat. And it makes me think that she just go with the flow. Knowing her, I'm sure may niluluto na siyang plano sa kanyang utak. She sighed. "Yeah right, kuya." mahinahon niyang sabi. What a best actress..! I grinned. "Tiyak magkakaroon ako nitong pogi at cute na cute na pamangkin." pang-aasar ko pa sa kanya. I even wiggle my thick eye brows while staring at her and saying those words. "What can you say Mom, Dad?" Lalo akong napangisi sa subrang inis na nakikita ko sa kanyang mga mata. Bagamat ang galing niya magtago ng emotion, pero sa akin hindi 'yon nakaligtas. Pakiramdam ko gusto niya na akong umbagin pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil nakatingin sa amin ang mga magulang namin. "Naku, excited na kami nitong Mama mo magkaroon ng mga makukulit na batang nagtatakbuhan at naghahagikhikan sa loob ng Mansyon." sagot ni Dad. She released a pissed groaned at what Dad said. I grinned widened. "You heard that Sam?" I teased her. "Kaya bilisan n'yong dalawa ni Migz. Gumawa kayo agad. Puro kayo away. Sa simbahan din pala ang bagsak n'yong dalawa. Tsk Tsk..." Nagulat pa ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko. Buti na lang dumulas ang kamay niya. Bigla din umigkas ang kanyang kamay para suntukin ako pero kaagad naman akong nakaiwas. I laughed wholeheartedly. "Gotta go Mom, Dad, Tay Philip and Nay Cora." mabilis na paalam ko sa kanila sabay hakbang palabas ng kusina. "Kuya J...M!" sigaw niya sa akin pero tumawa lang ako. Nagpalinga-linga ako pagdating ko sa labas. Wala akong makitang tao na pwede kong utusan para mapapunta doon sa Mansyon si Tay Ising para ibigay 'yong wine kaya naglakad ako papunta sa tubuhan. Ilang kilometro pa ang layo nito sa akin ng biglang umalingaw-ngaw ang call ringtone ng cellphone ko. Kaagad ko iyon hinugot sa aking bulsa. Napakunot-noo pa ako ng makita ko ang tumatawag. Migz calling... I pressed the answer button then put it in my ear. "Yes? Problema mo? Bakit Philippine number ang gamit mo? Don't tell me--" "I just arrived." "So why come home early dear brother?" He sighed. "May problema ako kay Shienna." I chuckled. "Kailan ka ba nawalan ng problema do'n? Baka naman pwede magtino--" "Ang dami mong sinasabi." inis na sabad niya sa akin. "I just called to informed you but don't tell Mom and Dad yet. Next weekend na ako uuwi sa Hacienda." "Why is that?" "Bakit ba puro ka tanong? I'll hang--" "Wait!" pigil ko sa kanya. "Puntahan mo si Wayne. May problema ang isang 'yon. Hindi namin makausap. Pinagtataguan kami. Nagkukulong sa opisina." "Nagkukulong sa opisina dahil sa problema?" he laughed. "That's a flash news." "Well naapakan 'yong ego niya, 'di matanggap ang ginawa sa kanya ni Jelyn." "What do you mean?" "Tanungin mo na lang--Hey, Renz! Wait!" tawag ko sa anak ni Tay Ising ng matanaw kong naglalakad 'di kalayuan sa akin. Kaagad naman siya huminto sa paghakbang at hinarap ako. "Papunta ka ba sa tubuhan?" Tumango siya. "Yes Kuya. Bakit po?" "Pwede paki sabihan si Tay Ising na pumunta ng Mansyon kung hindi na siya busy?" "Uh... sige po Kuya." sabi niya saka tumalikod matapos magpaalam sa akin. "Nasa Hacienda ka ngayon?" tanong ni Migz sa kabilang linya. Naglakad ako pabalik ng Mansyon. "Yes." "Akala ko ba nasa Cebu kayo ngayon?" "Kararating ko lang kanina. Babyahe din ako maya-maya paluwas ng Manila." "Nasaan na 'yong dalawa?" "Pinauna ko na." "Bakit pinauna mo? Anong sasakyan mo paluwas?" "My car--" "Oh great. I'm sure matutuwa ka sa byahe mo pabalik. I had a great time too last time na nagbyahe ako paluwas ng Manila using my car." nakatawa pa niyang sabi. "Sige na bro, pupuntahan ko si Wayne. Ingat sa byahe and enjoy!" Natigilan ako bigla sa nahimigan kong tuwa sa kanyang boses matapos niyang patayin ang tawag. Parang... may iba? Pero kalaunan nagkibit-balikat na lang din ako at malalaking hakbang na pumasok ng Mansyon. Dumeritso ako sa aking kwarto. Mabilis kong hinubad ang aking mga damit at pumasok ng banyo para maligo. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng boxers saka pabagsak ng nahiga sa aking kama hanggang sa hatakin ako ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip ng maalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa labas ng aking kwarto. Dahan-dahan akong bumangon saka tiningnan kung sino ang kumakatok. "Naistorbo ba kita?" nag-aalalang bungad na tanong sa akin ni Nana. Kinusot ko ang aking mga mata saka naghikab. Natawa ako ng titigan pa ako ni Nana. "Okey lang po Nana, no worry. Bakit po pala? Anong kailangan niyo?" She stared at me once more then sighed. "Nasa sala si Ising. Hinahanap ka." "Ah, sige po. Pakisabi po saglit lang. Magbibihis lang po ako." sabi ko sabay talikod pagkatapos tumango ni Nana at tinungo ang hagdan. I took my light-pink long sleeve and black fitted black jeans matching with my black leather boots then wear it on. Inabot ko ang black sunglasses at cellphone pati ang susi ng kotse saka lumabas ng kwarto. Naabutan kong nakaupo sa couch si Tay Ising. Kaagad itong tumayo pagkakita sa akin na naglalakad pababa ng hagdanan. "Señorito JM. Pinapatawag niyo daw po ako?" kinakabahan pa niyang tanong sa akin. Nakangiting huminto ako sa harapan niya. "Sabi ko naman po sa inyo 'wag niyo na akong tawagin na Señorito. Tapos may PO pa kayo. Feeling ko tuloy mas matanda pa po ako sa inyo. Parang gusto ko na tuloy maniwala kay Mom na naiiwanan na ako sa byahe kaya need ko ng mag-asawa." Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. "Ah e, hindi naman sa ganun Señorito--" tumigil siya ng magsalubong ang kilay ko. "Sige na nga J...M... napakabait mo talagang bata ka. Bakit mo pala ako pinatawag?" "May ibibigay lang po ako sainyo. Wait lang po ah." sabi ko sabay pasok sa Library at kinuha ang Cabernet Sauvignon wine. Muli akong lumabas saka nakangiting inabot sa kanya ito. "Para po sa inyo. Red wine po ito Tay." "Ha?" nakamaang na sambit niya habang nakatitig lang sa inaabot ko. Lalo akong napangiti sa naging reaction niya. Inabot ko ang kanyang kamay saka nilagay doon ang alak. "Nakakatulong ang pag-inom ng alak na ito paminsan-minsan para po makatulog kayo." "Sa... akin ba talaga 'to?" natitigilan pa ring tanong niya sa akin. Tumango ako. "Yes po." "Naku, maraming salamat Seño--JM pala." "Walang anoman po Tay Ising." "Akala ko may nagawa akong mali kaya pinatawag mo ako." nakatawang sabi niya. Kaagad akong natigilan sa sinabi niya. I sighed. "Pasensya na po ulit 'don sa ginawa ni Migz. Mukhang nagka-trauma po kay--" "Naku, hindi 'yon. Dapat nga ako pa magpasalamat sa tulong na binigay niyo sa aming lahat. Subrang laki ng utang na loob namin sa inyong pamilya. Nakita mo naman si Renz diba? Kung hindi dahil sa inyo hindi siya makakapagtapos ng engineering." I chuckled. "I'm sure papag-aralin naman po siya ni Jonard." "Ah--Basta salamat pa rin sa inyo. Biyaya kayo ng langit sa amin." "Salamat din po Tay Ising." sabi ko sabay tingin sa aking relo sa bisig. "Sige po may... gagawin lang po ako." "Ah--sige sige. Aalis na rin ako. Salamat ulit dito ah. Ingat ka sa byahe mo mamaya." sabi niya sabay talikod pagkatapos ko siyang tanguan. I smiled again then dialed Zephanie's number, my secretary. Isang ring lang ay kaagad itong sumagot. "Please gather all the files na kakailanganin ko bukas and cancel all the meetings." "Copy Sir." sagot niya. Kaagad kong pinatay ang tawag saka pumasok sa loob. Kasalukuyan akong nasa Library at hinahanda ang mga dokumentong dadalhin ko paluwas ng Manila ng marinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Mom. Kaagad kong nag-angat ng tingin sa kanya. Bahagya lang siyang nakasilip sa labas ng pintuan ng Library. Parang nag-aalangan pumasok. Akala siguro busy ako. I smiled at her. "Mom. Come in." She stared at me. "Anong oras ba ang alis mo?" tanong niya sa akin habang niluluwagan ang bukas ng pinto. Daha-dahan siyang naglakad papasok. Huminto sa harap mismo ng mesa ko. I checked my wristwatch. It's five o'clock. "I'm leaving soon Mom." "Gabi ka pa talaga babyahe. Tapos kotse lang ang gamit mo. Bakit hindi ka na lang magpasundo kay Keith ng chopper?" "Para maabutan ko po 'yong sunrise bukas." nakangiting sabi ko sa kanya. "Tsaka ano naman ang masama kung kotse lang ang gamit ko? Magaling naman ako magmaneho at makakapag-ikot-ikot pa ako sa mga Barangay na madadaanan ko." "Gusto mo din naman ang pamumundok e bakit hindi ka na lang manatili dito sa Hacienda?" "Magkaiba po 'yong pagka-camping dito sa Hacienda Mom." She heaved out a deep sighs. Laglag ang mga balikat na bahagya pa akong tinalikuran. Napangiti ako sa naging reaction niya. Alam kong mami-miss lang niya ako kaya ganito siya ngayon sa akin. Lagi naman. Kahit doon sa Manila sa tuwing dinadalaw ko sila ni Dad. Umiiyak lagi kapag aalis na ako. Kahit kay Migz ganun din. Siguro ganun lang talaga ang mga Ina? Masyadong maalalahanin. Ginagawa kaming bata. Akala mo naman taon kami 'di magkikita. Sabagay madalang na akong pumunta dito sa Mansyon simula ng magpasya ang mga ito na manatili na dito sa Hacienda. Sa tingin ko dahil sa matalik na kaibigan niyong si Tay Philip at Nay Cora. Honestly, I was surprised the first time I've known about them and grateful about what they did to my father before at the same time. They were nice and easy to get along with. Itinuring ko na silang pangalawa kong mga magulang. And I loved them all. I was very busy this past few days kaya wala akong oras. Naglalagi ako sa may Condo Unit ko in Makati. Bihira din akong pumunta sa bahay namin sa Taguig paglumuluwas naman ang mga ito doon. It just that my schedule doesn't matched with them. Kaya palagi akong nasesermunan ni Mom. Dad does't care at all. Sumasakit lang daw ang ulo niya sa amin kaya pinabayaan niya na kami. Well, I kinda used to it and I don't mind. Mas gusto ko pa nga 'yon e. 'Wag nila akong pakialaman. Si Mom lang talaga ang masyadong madrama. Dahan-dahan akong tumayo at umikot sa aking mesa. Nilapitan ko siya. Ang tahimik masyado. Nagulat pa ako ng makita ko siyang kaagad na nagpunas ng mga mata. Is she cryin'? F*ck! Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. It's my weakness. I don't want to see her or any woman crying. Parang pinipiga ang puso ko na iwan kapag nakakakita akong umiiyak lalo na't babae. Nasasaktan ako. I don't know when did it start. Basta nagising na lang ako isang araw ganito na ako. Normal lang ba 'yon sa isang lalaki? Damn! "Mom. Please don't cry. Baka biglang pumasok dito si Dad, isipin no'n pinapaiyak kita." She silently sniffed. "Pinapaiyak n'yo naman talaga ako lagi ni Miguel. Lagi niyo na lang akong pinag-aalala. Kailan ba kayong dalawa mapipirmes sa isang lugar? Bihira ko na nga lang kayo makita. Kapag tinatawagan kayo, lagi naman kayong nagmamadali. Pati pagbisita dito sa Mansyon parang nagmamadali din. Kahit doon sa isang bahay sa Taguig ganun din. Kailan ka ba mag-aasawa ng pumirmes ka na ng bahay at lampas kalendaryo ka na?" I laughed wholeheartedly. I knew it. Sisermunan niya na naman ako. Tinitigan niya ako ng masama ng pagtawanan ko siya. Aw! Kinurot niya pa ako sa aking tagiliran. Natatawa pa ring nagmamadali na akong lumayo sa kanya habang hinihimas-himas ko pa ang aking tagiliran. "You're little pinch Mom still hurts." "Aba't... 'di lang kurot ang aabutin mo sa'kin na bata ka. Kung kailan naman kayo ni Miguel lumaki saka naman lalo sumasakit ang ulo namin ng Daddy mo sa inyo. Kailan ba kayong dalawa magtitino?" Napahawak ako sa aking batok habang pinipigilan ko ang pagtaas ng gilid ng aking labi. "Mom, 'di na po ako bata. Tsaka matino naman po ako. Grabi naman po kayo sa'kin. And besides I'm a very busy man. Isa pa po masaya naman ako sa buhay ko. Noong gusto ko nang mag-asawa ayaw naman ninyong dalawa ni Dad. Ngayon pinupwersa niyo naman ako. Wala pa po sa isip ko ang pumasok sa magulong buhay, wala akong oras para diyan." Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "Masyado pang bata kayo noon at nag-aaral pa. Bakit, kaya niyo na bang bumuhay ng pamilya noon na wala naman kayong alam na trabaho ng kapatid mo? Puro pambubulakbol lang naman ang alam ninyong dalawa. Puro pa pakawala ang dinadala niyo sa bahay. Tsaka hindi magulong buhay ang pag-aasawa. Kapag tamang tao ang pinakasalan mo magiging masaya lalo ang buhay mo kasama ng pamilya mo, kagaya ng sa'min ng Daddy mo." I sighed. "Yeah, but not the arranged marriage Mom." sabi ko saka naupo sa edge ng mesa. "You and Dad both knows that Migz and Sam hate each other." Bigla siyang natahimik sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Malalim siyang napabuntong-hininga. Dahan-dahan na naglakad patungo sa sofa malapit sa gilid dito sa loob ng Library. Tahimik na naupo doon. Nakasunod lang sa kanya ang aking tingin. Ilang minuto din ang lumipas na katahimikan at walang nagsalita sa aming dalawa. She cleared her throat. "You know how much we love the two daughter of Philip and Cora, right?" tiningnan niya ako. "Hindi na iba ang pamilya nila sa atin. We've been dreaming to have a little princess in our family before but never happened. And we want one of you two marry their daughter 'cause that's your Dad and Philip covenant when they were young back then. And Cora and I agreed with it too." "But Migz like someone else Mom, definitely not Sam." pangangatwiran ko pa sa kanya. Kanina, I can feel it that Sam really against with their arranged marriage. Hindi ko lang alam kung pa'no ko siya tutulungan na makumbinsi ang pamilya namin na 'wag ituloy ang plano ng mga ito. Baka iba ang isipin nila. "E kung ikaw na lang kaya ang ipakasal namin kay Sam?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD