Chapter 21

2100 Words
MARCO "What...?" bigla akong napamulagat sa sinabi ni Mom saka napahalakhak ng mag-sink in na sa utak ko ang sinabi niya. Did I heard her right? Yeah, I must admit that I kinda like her the first time I saw her but still she's too young for me. I prefer her older sister perhaps? I smirked at the thought. Oh well, she's not my type though. I just like her age than Sam. Perfectly fits with an old man like me. And I don't want to be accuse as cradle-snatcher. Kaagad akong natigilan sa tinatakbo ng aking utak. Damn man... what am I thinking! She's Migz possession for Pete's sake! Naiinis na biglang tumayo si Mom sa sopang kinauupuan niya. Nakapamaywang na tiningnan niya ako ng masama. Tumayo rin ako at nakangiting pinamulsa ang mga kamay. "Sam is too young for me Mom. And they're just like sister to me." "O e 'di tama lang na si Miguel. Ilang taon lang naman ang agwat--" "Iba nga ang gusto ni Migz." Nanliit ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "Kung 'yong babae niyang pakawala na bigla na lang sumusulpot dito sa bahay ang gusto niya, pwes tumigil siya. Mas mabuti pang sa anak nina Cora siya mapunta kasya kung kani-kanino lang. Tapos ikaw..." duro niya pa sa akin. "Whoa..." nakangiting napaatras ako. "...kung ayaw mong magpirme sa bahay bigyan mo kami ng apo ng Daddy mo ng may ibang mukha naman akong makita at makausap. Hindi 'yong puro mukha na lang ni Fernan ang nakikita ko. Kung kailan tumanda saka naman nagiging clingy." nakairap pang sabi niya. Malakas akong napahagalpak ng tawa sa huling tinuran niya. Halos yumugyog ang mga balikat ko kakatawa. Napahawak pa ako sa aking tiyan. Nabwesit siya sa akin. Aww! Pinagkukurot niya ako kahit saang parte ng aking katawan. Todo naman akong ilag sa mga kurot niya habang malakas na tumatawa. "Narinig ko ata 'yong pangalan ko?" Napatigil si Mom sa pagkurot sa akin. Sabay pa kaming napalingon sa labas ng pintuan ng may magsalita doon. Nakita kong nakahalukipkip na nakasandig sa hamba ng pintuan si Dad habang nakapamulsang nakangiting nakatingin sa amin. "Aww!" she pinch my t**s. Ang sakit! Hinihimas-himas ko ang aking dibdib ng maramdaman ko sa aking tagiliran ang isa pang pinong kurot niya bago ako tinigilan. Napapaigtad pa ako sa sakit. "Ayaw mo na pala ng clingy ngayon, Isme?" tinitigan ni Dad ng pailalim si Mom. "Noon, tandang-tanda ko pa ikaw 'tong dikit ng dikit sa akin. Pinikot mo pa nga ako e." Nanlaki ang mga mata ni Mom. "Aba't... binabaliktad mo ata ngayon Fernan!" asik niya. He laughed. "Aminin mo na kasi. Ikaw 'tong dead na dead sa akin noon. Tapos ngayon kung kailan may dalawa na tayong binata saka ka naman nagiging pakipot." pang-aasar pa ni Dad. Nakangising napailing na lang ako sa takbo ng usapan ng mga magulang ko. Parang mga bata. Naglakad ako palapit sa mesa at muling naupo sa edge nito. Pinagkrus ko sa harapan ng aking dibdib ang aking mga braso. Mataman akong nagpapalipat-lipat ng tingin at nakikinig lang sa sagutan nila. I missed this. 'Yong ingay ng bahay namin. 'Yong tawanan at kwentuhan, asaran. Parang kailan lang nagsusuntukan pa kami ni Migz at sabay din kaming pinapalo ni Dad. Kasalanan ng isa, damay lahat. Grounded pa ng isang linggo. I smirked at the memory. Napailing si Mom. "Susko ginoo... napakayabang nito. Bakit, sino ba yung lumuhod na umiiyak sa labas ng bahay namin habang nagmamakaawa na balikan ko pagkatapos kong break-an, aber?" nakapamaywang pang sabi niya. Napakamot pa si Dad sa kanyang ulo. "Sus... sinundan mo naman ako no'n sa Airport nung mabalitaan mong uuwi na ako ng Pilipinas." then he laughed. What a view... Ang sweet nilang tingnan. Kahit may edad na sila halata pa din sa mga galaw at kilos kung gaano ka-in love sa isa't isa. I looked at my Mom face. She's now blushing. Natawa ako. Kaagad niya akong nilingon. Sinamaan niya pa ako ng tingin. I automatically closed my lips with matching action pa ng kamay na nilagyan iyon ng zipper. Minsan nangangarap din ako na sana makatagpo din akong babae na kagaya ni Mom. Someone who will love me forever. Yung hindi ako lulukuhin at pahahalagahan ang aming relasyon. Yung kahit matanda na kami mananatili pa rin ang pag-ibig namin sa isa't isa kagaya ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Wagas at dalisay. May babae pa kayang ganun ngayon? I bet, none. Kaya nga wala pa akong girlfriend hanggang ngayon. Baka hindi pa pinapanganak 'yong para sa akin. In fact, I never had any serious relationship in my entire life. Never committed to anyone. But yeah, I had some random girls but just a fling. Nothing serious. They've come and go in my life. And... never look back. Talaga ba, JM? Nakalimutan mo na bang may isang babae na muntik mo ng pakasalan? Shit. It was my worst nightmare. I dismissed the thought. Hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang aking kanang kamao. Kaagad ko namang pinalis ang biglang namuong galit sa aking dibdib. I stared at my Parents again. Trying to divert my wandering mind. Tahimik lang na nakatitig si Mom kay Dad na parang asong nakangisi naman sa kanya. Ang lakas ding mang-asar. "You're blushing Mom." tudyo ko sa kanya. Marahas niya akong nilingon at pinanlakihan ng kanyang mga mata. "I'm not!" asik niya pa sa akin. "Yes you are." "Tse..! Magsama kayo ng ama mo!" asik niya sa amin ni Dad. Sabay pa kaming napahalakhak ni Dad sa sinabi niya. Mabibilis na nagmartsa siya palabas ng Library. Pinalo pa niya si Dad sa braso na nakatayo sa b****a ng pintuan ng dumaan siya palabas doon at iniwan kami. Tuloy lumakas pa lalo ang aming tawanan. Halos umalingaw-ngaw iyon sa buong kabahayan. "So, you're leaving son?" maya-maya tanong ni Dad. I nodded. He sighed saka naglakad palapit sa akin. "Just be safe on the way back to Manila." sabi n'ya sa akin at mahigpit akong niyakap. Bahagya pa akong natigilan sa ginawa n'ya. Ngunit kaagad din akong nahimasmasan and hug him back. "Thanks Dad. Will do my best to visit you too often." Nakangiting tinapik-tapik n'ya ako sa aking likod saka binitawan. Kaagad kong dinampot ang mga dokumentong nakalagay sa envelop at lumabas ng Library matapos kong magpaalam kay Dad. Dumeritso ako ng kusina para uminom ng tubig. Naabutan kong busy si Nana. "Aalis ka na ba Iho?" malungkot na tanong sa akin ni Nana Rosa. Sila ng mag-anak nilang sina Mang Oscar at anak na si Jeffrey ang katiwala dito sa Mansyon sa Hacienda at sa kabilang Rancho. Oh no... ito ang ayaw ko kapag umuuwi ako dito. Lahat sila umiiyak kapag aalis na ako. Napaka-OA talaga nila! Daig ko pa ang mag-a-abroad. Minadali ko na ang pag-inom ng tubig at niyakap s'ya. "'Wag po kayong malungkot Nana. Babalik naman ako dito. May kailangan lang akong asikasuhin sa opisina." Malalim s'yang bumuntong-hininga. "Basta mag-iingat ka sa byahe. Bakit ba kasi hindi ka na lang mag eroplano para mabilis ka lang makarating. Delikado pa naman mag byahe na nakakotse ka lang. Subrang layo..." "Okey lang po ako Nana. At excited pa nga ako e." "Naku talagang bata ka. Ang kakaakyat mo ng budok baka unggoy ang mapangasawa mo n'yan." Malakas akong napahagalpak ng tawa sa sinabi n'ya at malalaking hakbang na lumabas na ng kusina matapos ko magpaalam sa kanya. Muntik pa akong mabunggo ni Sam na nagmamadali rin ang lakad papasok ng Mansyon animo'y wala sa sarili. Sinundan ko pa s'ya ng tingin matapos ko marinig ang paghingi n'ya ng paumanhin sa akin. Naiiling na mabilis akong naglakad papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko. Kaagad kong binuksan ang pinto at pumasok doon. Ini-start ko na ang makina ng maalala ko ang envelop na naiwan ko sa ibabaw ng mesa sa kusina. Binuksan ko muli ang pinto ng kotse at bumaba. Nagulat pa ako ng makita ko si Sam na humahangos na nakatayo sa labas. Napangisi ako sa itsura n'ya lalo na ng irapan n'ya ako. Sh*t.. ang ganda pa rin kahit ang suplada..! I chuckled. "O... Sam. Where have you been at hingal na hingal ka ata? May humahabol ba sayo?" nakangising tanong ko sa kanya sabay lingon sa likod n'ya. Lalong lumakas ang tawa ko ng senyasan n'ya akong tumigil dahil hindi s'ya makapagsalita. "Did Mom and Dad bully you again?" tanong ko muli sa kanya. Umiling s'ya. "N-no.... A-a..dren..al..ine..." huminga s'ya ng malalim. "Adrenaline r-rush." Kaagad akong napatakip ng aking bibig sa sinabi n'ya para pigilan ang pagtawa ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili at halos umalog ang aking mga balikat. Tumigil lang ako ng pukulin n'ya ako ng nakakamatay na tingin. Umayos ako ng tayo saka pinamulsa ang dalawang kamay. I cleared my throat. "You were in a hurry lately and even bumped at me. Nagde-dreaming ka pa ata kanina habang naglalakad e. Tapos ngayon parang may kabayong humahabol naman sayo. What happen?" tanong ko. Kaagad akong napangisi ng mapatitig siya sa akin. Pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko. Laglag ang mga panga. Malakas akong tumikhim ng magsimula na namang dumumi ang aking utak. I smirked. "So what's the verdict?" She rolled her eyes. Damn. She always looks cute everytime she did that. "N-Nag... sorry naman ako k-kanina. Tsaka... 'di ko napansin na ikaw pala 'yong nakasalubong ko. Ibibigay ko sana ito sayong pinapabigay ni Itay kaso 'di kita naabutan sa loob. Sabi ni Tito kalalabas mo lang kaya nagtatakbo ako baka 'di na kita maabutan. Malilintikan ako nito kay Itay kapag dala ko pa rin ito pabalik. Sipsip ka pa naman doon." "Oh that.. yeah, f*ck. I forgot!" sabi ko habang nakatingin sa inaabot niyang plastik sa akin sabay lingon sa aking kotse. "Can you please just put it inside the car? To the chair next to the driver seat. Then after that..." nagpalinga-linga ako sa paligid. "...go back home, papagabi na. Babalik lang ako sandali sa loob. I forgot some documents in the kitchen. Naiwan ko sa mesa nung uminom akong tubig bago lumabas." paliwanag ko saka malalaking hakbang na tinalikuran siya. "Oh? Nagkita ba kayo ni Sam?" nagtatakang tanong ni Dad pagkapasok ko ng Mansyon. Nakasunod ang kanyang mga mata sa akin pagpasok ko ng kusina hanggang sa lumabas akong muli. "Yes po--" "Ano 'yan?" tukoy niya sa hawak kong envelop. "Some documents para sa contract signing namin ni Mr. Chua." He heaved out a deep sighs. "Hindi ka pa rin tumitigil kakahanap ng info about sa kanila?" Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. Damn.. pa'no niya nalaman? "Ha? What do you mean?" maang-maangan ko pang tanong kay Dad. "You don't have to use that tricks to me JM. Alam ko ang mga ikinikilos mo lately. Especially diyan kay Chua." I chuckled. "You misunderstand it Dad. Malaki ang pakinabang--" "Siya ang mas malaking pakinabang sa kompanya. Kristoffer know him personally." It's true then... may kinalaman nga ang ama ni Keith. Pero anong dahilan at puno't dulo ng lahat?! Damn. Frustrated na hiyaw ko pa sa aking utak. "So why don't bother yourself to tell us the truth?" "Its too risky. Mas maganda ng wala kayong alam." "Your reason is too swallow Dad. Mas risky kung wala kaming alam kung sino ang kalaban namin. Hindi namin alam kung kailan at kanino iiwas." "Hindi mo kilala si Chua--" "Kung hindi mo sasabihin then so be it. I got no choice but do it on my own." sabi ko saka humakbang palabas ng Mansyon. "Why don't you just stop digging details about the past JM? Gusto mo bang magkagulo ang buhay nating lahat? Maraming inosenteng madadamay sa ginagawa ninyong magbabarkada." Nilingon ko siya. "'Yon po ang dahilan ko Dad, ang matuldukan ang gulo na unti-unting pumapasok sa ating pamilya. Kita niyo naman 'yong nangyari sa akin diba? Akala ko simpleng pangti-trip lang pero sa huli malalaman ko na hindi pala. Kung hindi niyo kayang harapin, pwes kami ang haharap--" "Hindi mo ako naiintindihan--" "Hindi talaga dahil ayaw niyong magsalita. Lahat nakatikom ang mga bibig niyo. Anong gusto niyo? Hayaan na lang silang salakayin tayo?" Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Ilang sigundo kaming nagtitigan. Hindi ko alam kung galit, takot or pag-aalala ang nakita kong dumaan sa kanyang mga mata. Bigla din iyon nawala. Walang emotion akong tiningnan ni Dad. Nag-iwas ako ng tingin. "We did it discreetly. Hindi naman kami basta-basta lang susugod sa kanila ng hindi handa. We've learned from the past and will never do the same mistake again. I can assure you that." sabi ko sabay talikod. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD