Chapter 22

2387 Words
MARCO Malalaking hakbang na bumalik ako sa aking kotse. I took out my phone in my pocket then dialed Zephanie's number again. Kaagad itong sumagot. "Hello po Sir. Paalis na po ba kayo?" "Yes. I'm leaving now. Will be there tomorrow afternoon, I guess. Just prepare all the files I asked you and send it to my email, Ok? Bye." sabi ko then hang up the call. Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse then start the engine at nilisan ang Hacienda. Nasa kasagsagan na ako ng byahe ng sunod-sunod na nag-ring ang cellphone ko. Nagulat pa ako sa biglang pagtunog nito. Hindi ko ito pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho. Parang gusto kong magwala kanina pa. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Nangangalay na ang aking mga kamay at braso kakamaneho sa haba ng byahe. Nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpapaniwala sa pinagsasabi ng Miguel Dan Felix na 'yon sa akin. Dammit! Malamang pinagtatawanan na ako no'n kanina pa. Kinagat ko ang kalukuhan niya! Pahamak talaga! Tarantado! Makailang beses ko ng pinagmumura siya sa aking isip pero hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman kong inis sa loob ng aking dibdib. Makakatikim talaga ang g*gong 'yon sa akin kapag nakita ko siya. Halos isumpa ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako muling babyahe pa pabalik ng Manila gamit ang aking kotse. Imbes na nag-eroplano na lang ako na isang oras lang ang byahe pabalik ng Manila mula sa Isla, walang kwentang magdamag na byahe ang inabot ko. Ni wala nga akong naabutan na sunrise na sinasabi niya sa Barangay Bato. Angkop na angkop pa naman ang pangalan ng Barangay sa itsura ng kalsada. Mabato na nga, sira-sira pa. Daig pa 'yong dinaanan ng bagyo. Out of the way na 'yon pero sinadya ko pa talaga dahil sa lintik na sunrise na sinasabi ng luko at tanaw daw ang bundok ng Marikit. Nagpapaniwala naman ako sa kalukuhan n'ya. G*go talaga. Pati tuloy ang pang-upo at likod ko nangangalay na rin. Kahit siguro magdamag akong magreklamo, magsisi, isumpa s'ya sa aking isip 'di na maibabalik pa ang pagod, puyat, at ngalay na nararamdaman ko. T'ngnang katangahan ko talaga. Nabudol na naman ako! Muling tumunog ang cellphone ko. Tinatamad na inabot ko ito. Tiningnan ko kung sino ang makulit na caller. Mom calling... I sighed. "Si Mom talaga. 'Di pa nga ako nakakarating ng Condo ko tumatawag na kaagad." Nakangiting napahilot ako ng aking batok. Sigurado akong umuusok na ang ilong no'n sa tagal kong pagsagot sa tawag niya. Malamang sermon na naman ang aabutin ko nito. I smirked at the thought. Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse. Kailangan ko na kaagad makarating ng Condo para magpahinga. Buti na lang at hindi pa traffic. Malapit ng sumuko ang katawang lupa ko sa subrang pagod at antok na nararamdaman ko. I'm going to get even with you Miguel one day. I swear. Sambit ko pa sa aking sarili. Maya-maya binagalan ko na ang pagpapatakbo. I checked my wristwatch. Quarter to ten. s**t. Subrang tagal ng byahe ko. Sumilip ako sa labas. Lampas Alabang na ako. Malapit na. Napatingin muli ako sa hawak kong cellphone ng huminto ang pagtunog nito. I waited for her to call again. Pero hindi na siya tumawag pang muli kaya nagkibit-balikat na lang ako at binalik ito sa lalagyan. I increased the speed again. Malapit na ako ng Makati ng muling tumunog ang cellphone ko. Inabot ko itong muli. I press the answer button at kaagad kong nilagay sa loud speaker saka pinatong sa ibabaw ng dash boad. "Hello..? JM...! Bakit ang tagal mo sumagot? Kanina pa ako tumatawag sayo!" bungad kaagad ni Mom. "Are you with Sam?" What..? Napakunot noo ako ng marinig ko ang galit na boses ni Mom sa kabilang linya na bumungad sa akin. Tama ba ang dinig ko? Hinahanap n'ya sa akin si Sam? But why..? Kaagad kong kinabig ang manibela paliko ng makakita akong Coffee Shop. Mabilis akong nag-park sa gilid no'n. "I'm driving Mom. What's the matter? You sounds very pissed." sabi ko. "Talagang naasar ako sa'yong bata ka. Importante ang tinawag ko. Pwede mo naman ihinto 'yang kotse mo sa gilid para sagutin ang tawag ko." inis n'yang sabi sa akin sa kabilang linya. "I'm asking you kung kasama mo ba si Sam?" Natigilan ako sa aking narinig. "Why you're asking me about Samantha, Mom? She's not with me." "E kung ganun nasaan si Samantha? Nandito ngayon ang mga magulang niya, nag-aalala. Hinahanap si Sam. Kagabi pa daw hindi umuuwi. Akala nila dito namin pinatulog matapos utusan nitong si Philip kahapon na ibigay sayo yung inihaw na manok. Kaya tinawagan kita dahil ikaw ang huling kasama no'n." Lalong nangunot ang aking noo sa sinabi niya. "What? Hindi umuwi ng bahay nila si Sam kagabi?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya. Imposible naman... Sinabihan ko 'yong umuwi na pagkatapos ilagay sa loob ng kotse ko ang dala nitong inihaw na manok. "Hindi nga. Tatawagan ba kita kung umuwi? Hindi mo ba kasama? Kung ganun nawawala si Samantha!" Nawawala? Sh*t... sabi ko na nga ba may nilulutong plano 'yon. "She's not with me Mom. Tsaka bakit ko naman po 'yon isasama paluwas ng Manila? Sinabihan ko 'yon kahapon na ilagay yung...." napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang isang kamay ang lumabas mula sa likuran ng aking upuan. Matagal akong napatitig doon. I chuckled. "Wait a moment... will call you later Mom." sabi ko nang masiguro kong may taong nakasakay sa likuran ng kotse ko. Kaagad akong nagpaalam kay Mom na nasa kabilang linya. Hindi ko na inantay pang sumagot s'ya't kaagad kong pinindot ang end call button at mabilis na bumaba ng aking kotse. Umikot ako sa kabilang pintuan at maingat na binuksan ito. Doon ko nakita ang isang babaeng mahimbing na natutulog sa lapag ng likuran ng upuan ko. Nakatiklop ang dalawang tuhod. Pilit na siniksik at pinagkasya ang sarili sa maliit na espasyo. 'Di man lang ba s'ya nangalay sa ganyang posisyon? Damn this girl...! Napangiti ako sa aking naisip. Ilang minuto ko pa s'yang iiling-iling na pinagmasdan sa hindi komportableng itsura n'ya habang natutulog ng biglang maalimpungatan. Kaagad na nagpunas s'ya ng kanyang mukha gamit ang mga kamay. Inayos ang nagulong buhok at nakangangang nag-inat pa. Looks so cute... Paglingon n'ya biglang nanlaki ang kanyang mga mata pagkakita sa akin na nakatayo sa labas ng pintuan ng kotse ko. Kaagad s'yang napatigil sa paghikab sabay takip ng kanyang bibig gamit ang dalawang kamay. I smirked. "Good morning my runaway lil' sis." "What are you doing here?!" asik n'ya pa sa akin. I make an O shape using my lips without a sound. "I should be the one asking you that Lil' sis. What are you doing here behind my car?" Tila naman natauhan s'ya sa sinabi ko. Inikot pa ang mga mata sa paligid n'ya at kaagad na napatayo. "Aww!" daing n'ya habang hinihimas-himas ang bumbunan matapos itong mauntog sa biglaang pagtayo. I chuckled. Tiningnan n'ya ako ng masama. Kaagad ko naman tinikom ang aking bibig. Naalala ko 'yong sinabi sa'min ni Mom dati. Biruin mo na ang lasing 'wag lang ang bagong gising. Dahan-dahan s'yang umupo sa upuan habang hinihimas-himas pa din ang nauntog na ulo. Nakasimangot n'ya akong tiningnan. "So why are you here? Mom just called. They're looking for you. Your parents are worried sick about you." Hindi s'ya umimik sa sinabi ko. Yumuko lang s'ya habang sinusuklay-suklay ng mga daliri ng kamay niya ang kanyang buhok. A few minutes passed but I recieved no answer from her. "What? You have nothing to say?" untang ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin s'ya umimik. Parang binging inayos naman n'ya ang nagusot na damit. Inunat pa ang mga binti at marahang hinilot-hilot. Napatitig ako sa makinis niyang mga binti. Sh*t. Bakit ba dumudumi ang utak ko sa babaing 'to? Kaagad kong iniwas ang aking mga mata. I hate this strange feelings. It shouldn't be like this. Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ko siya nagustuhan. Siguro dahil palaban siya, matapang. Bihira ako makatagpo ng gano'n. Matigas pa ang ulo. How about that Jillian girl who called you budol gang and manyak? Damn--conscience tumigil ka! Napailing ako saka ipinilig ang ulo para itaboy ang anag-ag ng kahapon na matagal ko ng ibinaon sa hukay. "Oh you're ignoring me now? Okey... wait, will call them and I...." "Don't...!" nagulat pa ako ng bigla siyang sumigaw. Natatarantang napalapit pa siya sa akin. Kaaagad hinatak ang braso ko. "Please don't, Kuya JM." nagsusumamong mga matang nakatitig siya sa akin habang umiiling-iling pa. "Please..." Napatitig ako sa kanyang maamong mukha. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. I sighed. "So answer me, why did you runaway and hid here behind my car? Pinapalagay ko lang naman sayo yung manok sa loob ng kotse ko. Hindi ko sinabing pati ikaw kasama." malumanay na tanong ko sa kanya. Ngunit hindi n'ya ako sinagot. Mapanuring tinitigan ko s'ya. "Samantha." "Isa." bilang ko pa sa kanya ng tahimik lang s'yang nakayuko. Wala atang balak akong sagutin? I released a pissed groaned. Nauubos na ang pasensya ko lalo't antok na antok na ako. Nananakit na ang buong katawan ko sa magdamag na byahe. Gusto ko ng makarating agad ng Condo para makapagpahinga. May meeting pa akong dadaluhan mamayang alas kwatro. "Dalawa...! Samantha.. ano ba?! Hindi ka magsasalita?!" napipikang sigaw ko na sa kanya. "I don't want to get married with your brother!" I was taken aback ng luhaan siyang pasigaw na sumagot sa akin. Sunod-sunod na patak ng mga luha ang nakita ko sa kanyang mga mata. Kaagad n'yang tinakpan ng dalawang kamay ang mukha at malakas na napahagulhol. Damn it... Natataranta akong nilapitan siya "Hey... Sam, I'm Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses." sabi ko. Pero lalo lamang lumakas ang hagulhol niya. Hindi na ako mapakali pa sa kanyang tabi. 'Di ko alam kung paano ko siya patatahanin. May ibang taong dumaraan papasok ng coffee shop na hintuan ko ang napapalingon pa sa gawi namin. Sh*t... Iniisip siguro ng mga ito nag-aaway kami ng girlfriend ko. Pinapaiyak ko. "F*ck! Stop crying please." nagsusumamo ang boses kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung sa balikat ba o kaya sa ulo or sa likod ko siya hahawakan para mapatahan. Pa'no ba kasi magpatahan ng umiiyak na babae na hindi mo girlfriend? Baka 'pag niyakap ko siya masapak naman ako nito. Ang tapang pa naman. Akala mo naman kalakihang babae. Hinayaan ko na lang siyang umiyak. Paulit-ulit akong humingi ng pasensya sa kanya. Baka natakot ko siya sa sigaw ko. Bigla kong nasapo ang aking noo. 'Lanyang buhay 'to oo... Ilang minuto rin ang lumipas bago ko siya narinig na magsalita. "I-I... d-don't... I don't want to... to get mar-ried to y-your brother. T-That's why I r-runaway." gumagaralgal pa ang boses na wika niya habang sumisinghot-singkot pa. Dinukot ko kaagad ang panyo na nasa bulsa ko. Binigay ko sa kanya. Kaagad niya naman kinuha iyon. Pinunas sa mukha. Narinig ko pang suminga siya sa aking panyo. I chuckled. "Hindi mo naman kailangang tumakas dahil do'n." Tiningnan niya ako. Namumula ang mga mata. Pati ilong at pisngi. Napatulala ako sa kanya. Kahit mugto na ang mga mata bakit mas gumanda ata siya ngayon sa paningin ko? Her kissable pink lips na bahagya pang nakabukas parang nag-aanyayang hagkan. F*ck..! Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong naiisip ko? Nasisiraan na ata ako ng bait. T'ngna. Malilitikan ako nito ni Tay Philip. Pinagnanasaan ko ang bunsong anak niya! Ganun na ba ako katigang? Pinagbabantaan ko si Migz at saka si Keith tapos ako pala itong parang g*go. I heaved out a deep sighs. Siguro kung nagkataon na twenty seven na siya, baka niligawan ko siya. Baka ako na lang ang tumupad sa covenant ng mga magulang ko at magulang niya. Kung sakaling mahulog ang loob namin sa isa't isa. Kaso hindi. Bukod sa subrang bata pa niya para sa akin, mukhang wala siyang interest sa lalaki. Kinunutan n'ya ako ng noo. "What... do you mean?" tanong niya sa akin. "I mean..." "You mean kailangan kong manatili doon na parang nag-aantay ako ng nalalapit kong kamatayan ganun?" sabad niya. "Hell NO... What I mean is.. mali ang ginawa mong pagtakas. Look, Sam... nag-aalala ang mga magulang mo pati ang mga parents ko sayo ngayon. Umuwi ka na." Galit na tiningnan niya ako. "Hindi sila nag-aalala sa akin at hindi ako uuwi! Nag-aalala sila dahil hindi matutuloy ang kasal. Tsaka isa ka pa!" dinuro n'ya ako. "Kumakampi ka pa sa kanila!" sighal n'ya sa akin. Naguguluhang napaturo pa ako sa aking sarili. "Ako? 'Bat ako nadamay dito? Ako na nga itong dinamay mo sa pagtakas na ginawa mo tapos kasalanan ko pa tuloy." nagtatampong sabi ko sa kanya. "Kasalanan mo dahil ginatungan mo pa silang ipakasal kami ni Miguel!" "Gatungan ko man o hindi buo na ang pasya nila na ipakasal kayong dalawa." "Kahit na! Imbes na tulungan mo akong pigilan sila ng malaman mong pinagkasundo lang kaming dalawa ng kapatid mo, mas lalo mo pa silang ginatungan! Inisip tuloy nila tama yung planong ginawa nila!" Napakamot ako sa aking batok habang pinipigilan kong tumaas ang gilid ng aking mga labi. Galit na lahat-lahat maganda pa rin. Napailing ako sa aking naisip. Baka pag nakita niya akong pinagtatawanan ko siya masapak ako nitong wala sa oras. "Look, hindi ko na kasalanan yun, Sam. Problema na ninyong dalawa yun ni Miguel. Tsaka hindi ako nakikialam sa mga pasya ng Parents ko. Not unless I'm involve with it." "Ah... ganun? Problema na namin yun? Pwes, ngayon bahala ka sa buhay mong mamroblema sa mga magulang ko pati diyan sa mga magulang mo dahil hindi ko na din problema 'yan!" malakas na sigaw n'ya sa akin. Saka mabilis na binuksan ang kabilang pinto ng kotse. Pabalibag niya pa itong sinara. Malalaking hakbang na naglakad palayo. Natigilan ako. Sa bilis ng mga pangyayari hindi ako nakahuma. Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang malalaking hakbang na naglakad palayo sa akin. Nang mahimasmasan ako kaagad ko siyang hinabol. "F*ck... Samantha! Come back here!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya. Kaagad din akong bumalik sa kinaroroonan ng kotse ko ng makita kong masyado na s'yang malayo. Mabilis kong ini-start iyon at hinabol s'ya. Sh*t... napakatigas talaga ng ulo ng babaeng 'yon! ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD