Chapter 23

2542 Words
MARCO Kaagad kong hinablot ang braso n'ya ng maabutan ko siya. "And where do you think you're going?" halos hindi bumuka ang bibig kong tanong sa kanya sa subrang inis ko. "Get off your hands on me." asik niya sa akin. I sighed. "Look Sam, pagod ako. May meeting pa ako mamaya. I have no time with this drama. Will you just go back home? I already called Mom and--" Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "You told them?!" sabad n'ya kaagad sa akin at malakas na piniksi ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Nabitawan ko siya. Napahilamos pa ako ng kamay sa aking mukha. Damn... amazona talaga! "What can I do?" frustrated na tanong ko sa kanya. "They're worried sick about you and--" "No! I'm not going home and I don't want to hear your damn excuses!" galit n'yang sigaw muli sa akin. Napatulala ako sa kanya. Hindi ko akalain ganun s'ya katapang. Kaliit na babae... grabe! Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin ng layasan niya ako. Ngunit kaagad din akong nahimasmasan saka napakurap-kurap ng ma-realized kong tinatakasan niya na naman ako. Bwesit talaga..! Sasakit ang ulo ko sa Samantha na 'to. Inis na inis na bumalik ako sa aking kotse at padaskol kung sinara ang pinto. Kaagad ko itong ini-start at muli siyang hinabol. Ngunit pagliko ko sa sumunod na kanto na dinaanan niya hindi ko na siya makita pa. Saan na ba pumunta ang babaeng 'yon? Tanong ko pa sa aking sarili saka nagpalinga-linga sa paligid. But I didn't see any trace of her. Parang bulang biglang naglaho. Talaga naman, Samantha..! Lumabas ako ng kotse saka nilapitan ang isang lalaking nakita kong naninigarilyo, nakatayo malapit sa truck. "Excuse me, may nakita po ba kayong babaeng dumaan dito ngayon lang? Mga 5'4" ang taas, mahaba ang buhok, balingkinitan ang pangangatawan na maputi. She wore a yellow shirt and white short." Tinitigan niya ako. Humithit pa muna ito sa sigarilyong hawak saka ibinuga sa itaas ang usok bago itinapon sabay apak para patayin ang sindi. Umiling siya sa akin. "Naku Sir, hindi ko po masyadong napansin e. Marami po kasing dumadaan dito kaya hindi ko matandaan kung may dumaan ngang babaeng kagaya ng sinasabi niyo po." sagot nito sa akin. Napahawak ako sa aking ulo sa sinabi niya. Damn. "Ay...! Meron po akong nakita kanina Sir na babaeng kagaya ng hinahanap ninyo!" kaagad kong nilingon ang lalaking sumabad at naglalakad palapit sa amin. "Tumatakbo pa nga po yun e." dugtong pa niya pagkalapit sa amin. "Sigurado ka ba d'yan?" nakakunot-noo'ng tanong ko sa kanya. "Opo Sir. Nakabangga niya pa nga po ako kanina e. Pagbaba ko ng truck. Parang may tinatakasan." pinasadahan niya ako ng tingin sabay ngisi. "Girlfriend ninyo po ba Sir?" Girlfriend... Tss. Napailing ako. "No. She's my little sister. Saan na ba siya pumunta?" Napakamot ito sa ulo. "Ay... yun lang. Hindi po ako sigurado kung saan na po e. Bigla na lang po kasi nawala." sabi niya saka nagpalinga-linga sa paligid. "Baka po dumiretso na doon." turo niya sa akin sa sangandaan. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa daan na tinuro niya. Paano ko ba mahuhulaan kung saan nga siya dumaan doon? I heaved out a deep sighs. "Sige.. thank you." sabi ko at kaagad ng tinalikuran sila. Pumasok ako sa aking kotse. Kaagad ko itong pinaandar at nilisan ang lugar. Dumeritso ako sa apartment ni Shienna, sa ate ni Sam. Ngunit sarado ang apartment nito. Kanina pa ako kumakatok at tinatawag ito ngunit walang sumasagot sa akin. Sinubukan kong buksan ang bintana para sumilip sa loob pero ang hirap mabuksan. Wala ata talagang tao? Nagpalinga-linga ako sa paligid para magtanong ngunit wala ding katao-tao. Bumalik ako sa aking sasakyan. Kinuha ko ang phone ko. Nagta-type ako ng message habang naglalakad pabalik ng apartment ni Shienna ng tumunog ito. Zephanie calling... I pressed the answer button right away saka nilagay ang cellphone sa aking tainga ngunit kaagad din akong natigilan sa sinabi niya. Halos lumubo ang ulo ko ng sunod-sunod na itong magsalita sa kabilang linya. I'm speechless. Wala sa sariling napahilot ako sa aking sentido matapos nitong patayin ang tawag. Frustrated na sinuntok ko ang pader ng apartment ni Shienna pagkatapos ng tawag na natanggap ko mula sa secretary ko na umatras sa kontrata si Mr. Chua sa business proposal ko sa kanya. Nag-usap na kami at contract signing na lang ang kulang pero ngayon sa isang iglap biglang nawala. Matagal ko ng nililigawan ang matandang 'yon pero masyadong pabebe. Ang daming paligoy-ligoy. Tapos dumagdag pa si Samantha sa problema ko. Damn it... Damn it.. Damn it..! "Sir..?" anang boses ng babae sa likuran ko. Salubong ang mga kilay na marahas ko itong nilingon. Isang matabang babae at medyo may edad na ang aking nakita. Napasinghap pa siya habang nakangiwing nakatitig sa akin. "E, S-Sir, wala po d'yan si Shienna kung hinahanap mo--" "Nasaan s'ya?" galit kong sabad na tanong sa kanya. Kaagad din akong nahimasmasan sa ginawa ko ng makita kong namutla s'ya. Kinalma ko ang aking sarili saka umayos ng tayo. "I'm sorry... Alam n'yo po ba kung nasaan si Shienna?" malumanay ko ng tanong sa kanya. She smiled at me. "Umalis na d'yan si Shienna kasama ang anak n'ya--" "Anak?" sabad ko. "A-Anong... Anong anak? May anak s'ya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Paanong nangyari 'yon? At sino ang... ama? Tanong ko pa sa aking sarili ngunit kaagad din akong natigilan sa pumasok sa aking naisip. Sh*t... masasapak ko talaga ang lalaking 'yon! "Opo, isang taong gulang na anak po ni Shiena. Ako pa nga po nag-aalaga no'n e. Simula ng ipagbuntis 'yon ni Shienna, kasama ko na sila." sabi niya saka matamis akong nginitian. "Kayo po ba ang ama ng anak niya?" Umiling ako. "No, I'm not the father. Sinabi po ba sayo kung saan sila pupunta?" "Sabi niya sa San Carlos, may Medical Mission sila nina Doc. Ramos." I nodded. "Sige po, salamat." sabi ko at kaagad siyang tinalikuran saka pumasok sa aking kotse. Dumeritso ako sa Hospital na pinagtatrabahuhan ni Shienna. Kinausap ko ang kaibigan kong Chairman ng Hospital na 'yon ngunit sinabi nitong three weeks mahigit ng nag-resign si Shienna sa trabaho. Nando'n rin si Doc. Ramos at walang Medical Mission silang pupuntahan sa San Carlos. F*ck..! Saan s'ya pumunta? Halos pumutok ang ulo ko sa nagkandapatong-patong na problemang biglang dumating sa akin. Na kung tutuusin hindi ko naman problema e. Ang kaso inoobliga ko ang aking sarili at nag-aalala ako sa dalawang babaeng 'yon! Damn it Miguel..! I'll make sure, you'll never get away from it. F*cking asshole..! Kaagad kong pinaharurot ang aking sasakyan palayo sa lugar na 'yon at umuwi sa aking Condo Unit. Mabilis kong inimpake ang mga gamit ko at pagkain at muling lumabas. Dumeritso ako ng aking sasakyan at nilagay sa back seat ang lahat na mga bitbit ko. Muli akong pumasok sa driver seat. I took my phone and dialed James number. Ilang ring pa lang ay kaagad nitong sinagot ang tawag ko. I smirked. "Hello bro... Just wanna ask you a favor. Please contact Miguel for me. Tell him to be ready with his up coming arranged marriage with Samantha. And please, 'wag mong sasabihin na ako ang nagsabi sayo." sunod-sunod kong sabi sa kanya then hang up the call. Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita. Siguradong kukulitin niya lang ako tungkol sa mga sinabi ko sa kanya. At wala ako sa mood ngayon para makipag-usap. Malakas kong hinampas ang manibela. F*ck... What an amazing day! Sa subrang ganda parang ang sarap magwala sa loob ng bar. Kaagad kong pinasibad ang kotse ko at muling nilisan ang lugar. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin at baka mabaliw ako ng tuluyan. Ilang oras din ang tinagal ng byahe bago ko hininto ang aking kotse sa isang Mall sa bayan ng San Agustin. Matagal ko ng pinapangarap akyatin ang bundok ng Mt. Quasinta ngunit dahil sa lintik na paghahanda ko sa proposal ko kay Mr. Chua na nauwi din sa wala ay ngayon ko lang magagawa. I heaved out a deep sighs to calm myself. Well maybe baka may dahilan kaya ganun. Pero ayaw ko pa rin tanggapin ang katotohanan that he turn down my proposal. Anong dahilan bakit bigla s'yang umatras sa contract signing namin? Nahalata niya kaya ako? Kaagad din akong umiling sa aking tanong. Imposible. There must be something else. Pero ano?! I released a pissed groaned. Bwesit siya... 'wag na 'wag s'ya makalapit-lapit pa sa akin muli at masasapak ko na talaga s'ya. Pabago-bago ng utak. Nakakadalawa na s'ya sa akin. Ang pangatlo, kamao ko na ang dadapo agad sa mukha n'ya. Damn..! Kaagad akong napahilot sa aking sentido. I felt exhausted and damn furious. Biglang nawala lahat ng antok ko sa tambak na problema ko. Pakiramdam ko mabibitak ano mang oras ang ulo ko sa subrang sakit. Ilang ulit pa akong malalim na bumuntong-hininga. Saka kaagad ng bumaba ng sasakyan at kinuha sa back seat ang lahat na mga gagamitin ko sa pag-camping. Isinukbit ko sa aking likod ang isang malaking backpack at ang gitara ko sa aking kanang balikat. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa paanan ng bundok. Marami akong taong naabutan doon at kapwa magkakapareha pa. 'Yong iba grupo at pawang mga babae pa. Nagsisikuhan pa 'yong iba pagkakita sa akin. I just shrugged my shoulder at kaagad umiwas ng tingin sa kanila. "Ayy suplado." "Parang... may kahawig siyang singer." "Oo nga e. Sayang pogi pa naman sana." Narinig ko pang usapan nila pero I just ignored them. Mainit ang ulo ko and not interested to any woman. Matapos kaming e-orient ng naka-assigned na tour guide namin ay nagsimula na kaming maglakad. Ang iingay nila at ang lalakas ng boses habang nagkukwetuhan habang pasulyap-sulyap pa sa akin 'yong isang grupo ng mga kababaihan na nakita kong nagsikuhan kanina. Hindi ko sila pinansin at binagalan ko na lang ang aking paglakad. Hanggang sa namalayang ko na lang na napakalayo na nila sa akin. Hindi naman ako natatakot. Sanay akong umakyat ng bundok mag-isa, ng walang kasama. Mas tahimik, mas masaya. Nakita ko pang huminto ang tour guide namin. Animo'y inaantay ako. Hinayaan ko lang siya. Wala ako sa mood. Gusto kong mapag-isa. "Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa aking ng makalapit na ako sa kanya. "Naiiwanan ka ng grupo." I smiled. "Yeah, I'm ok."sabi ko. Sumabay siya ng lakad sa akin. "No worry, kabisado ko naman ang lugar. Nakailang balik na rin ako dito kaya ok lang na naiiwan niyo ako. Mahahanap ko din naman kayo." pagsisinungaling ko pa sa kanya. Nakakunot-noo'ng tinitigan niya ako. "Lagi ako nagto-tour dito." sabi niya. "Don't get me wrong ah, pero ngayon lang kita nakita rito." I chuckled. "Baka hindi mo lang ako napansin dati." Tumango-tango siya. "Hmmm... sabagay. Sa subrang daming umaakyat dito, malabong maalala pa nga kita." Ilang minuto rin kaming dalawa nag-usap bago siya nag-excuse ng lapitan kami ng isang babae at hinatak siya sa kanyang braso. Nakatingin pa ang babae sa akin habang may sinasabi sa tour guide namin. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Nang makita kong malayo na sila sa akin at ako na lang mag-isa ang naiwan ay umiba na ako ng daan sa kanila. Kung nagtungo sila sa kanan na sangandaan na dinaanan namin, kumaliwa naman ako. Subrang layo na ng nilakad ko. Wala na akong naririnig pang ingay ng mga kasamahan ko. Tanging huni ng mga ibon at pagaspas ng dahon dahil sa malakas na hangin ang tanging ingay na naririnig ko sa aking paligid. Biglang gumaan ang pakiramdam at makailang ulit pang sinamyo ang presko at malamig na hangin. Kaagad akong huminto sa paghakbang ng paglabas ko ng kakahuyan ay nakakita akong isang patag na lupa malapit sa napakalaking ilog. Ah... heaven. Nakangiting iginala ko ang aking paningin sa paligid. Napakaganda ng lugar. Parang paraiso sa aking paningin. Napapaligiran ng naglalakihang puno ang napakalinaw na ilog na nasa harapan ko. I wonder kung saan patungo ang ilog na 'to. Ang daming puting ligaw na bulaklak sa gilid ng sapa. Nalalatagan ng carabao grass ang patag na lupang kinatatayuan ko. Naglakad ako papunta sa unahan. Sinundan ko ang ilog. Ngunit ganun na lamang ang pagkamangha ko sa sumalubong sa aking mga mata. Wow. Halos mapanganga ako ng pagliko ko subrang daming naggagandahan na iba't ibang ibon. Ang daming naglalakihan na itim na bato na dinadaluyan ng napakalinaw na tubig at napakaraming iba't ibang kulay ng bulaklak ng orchids sa katawan ng kahoy na nakapaligid dito. What a place... It's breathtakingly beautiful! Paglingon ko sa kaliwa ko may nakita akong isang kweba. Na-curious ako at gusto ko sanang lapitan ngunit tinatalo na ako ng subrang antok at pagod. Kaagad akong bumalik sa ibaba at sinimulang itayo ang aking tent. Madilim na ng maayos ko ang lahat. Nakagawa na rin ako ng bonfire 'di kalayuan sa tent ko at katatapos ko lang din kumain. Niligpit ko na ang ibang gamit ko sa labas at pinasok lahat sa loob ng tent ko saka natulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ng maalimpungatan ako sa subrang lakas ng ulan at hangin, at may kasama pang pagkulog at kidlat. Kaagad akong napabalikwas ng bangon ng maramdaman kong basang-basa ang kinahihigaan ko pati ang damit ko. Kaagad kong hinablot ang backpack sa gilid ko at kinuha ang waterproof flashlight. Dali-dali kong sinukbit sa aking likod ang bag at hinawakan ang aking gitara. Halos manginig ako ng puro tubig ang makita ko paglabas ko ng tent. Hindi ko makita ang daan. Sh*t.. ano 'to? Baha? Pero tirik na tirik naman ang araw kanina ah. May bagyo ba? T'ngna.. bakit ba kasi hindi ko muna tiningnan 'yong weather update kahapon bago umakyat..! Damn it. Malalaking hakbang na tinungo ko ang kakahuyan sa gilid ng matamaan ng flashligh ko ang mga tuyong kahoy na kinuha ko kanina at ginamit sa paggawa ng bonfire na mga nakalutang na sa tubig. Walang palya ang pag kulog at kidlat, animo'y galit na galit at nagsasalpukan. Ang lalaki din ng bagsak ng ulan na tumatama sa akin. Kinabahan ako lalo ng biglang umabot na sa baywang ko ang tubig. T'ngna..! Kaagad akong humawak sa katawan ng puno ng kahoy at lumayo sa lugar na 'yon. Patuloy akong naglakad. Napapamura pa ako sa tuwing natitisod ako sa mga nakausling ugat ng punong-kahoy. Subrang dilim pa naman ng paligid. Tanging ang liwanag na nagmumula sa kidlat at flashlight na hawak ko ang nagsisilbing liwanag ko. Hanggang sa hindi ko namalayang hampas na pala ang nilalakaran ko. "Oh.. Damn.. NO..! Awww--! Malakas na hiyaw ko ng bigla na lang akong gumulong pababa. Kaagad kong nabitawan ang flashlight na hawak ko at ang gitara. Pakiramdam ko bali-bali ang mga buto ko sa lakas ng bawat pagbagsak ng katawan ko sa matigas na bagay. Hindi ko alam kung bato ba or ugat ng punong kahoy. Walang tigil ang paggulong ko pababa. Kahit pilit kung humahanap ng makapitan, dumudulas ang mga kamay ko sa mga ito. Damn. Dito na yata ako mamamatay. Hanggang sa mabagok ang ulo ko sa isang matigas na bagay at unti-unting pumipikit ang aking mga mata. "Mom... Dad... Miguel.." mahina kong sambit sa aking sarili bago ako nawalan ng malay. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD