JILLIAN
"Ano pong nangyayari sa kanya Nay?" kinakabahan na tanong ko sabay lingon kay Inay.
Napanganga pa siya habang nakatitig sa lalaking panay daing sa higaan pagkapasok sa kwarto matapos ko siyang tawagin.
"Baka magkakamalay na siya..." sabi ni Inay sabay talikod. "...sandali lang tatawagin ko si Pio!" sigaw niya habang tumatakbo palabas ng bahay.
Si Tay Pio ay ama ng kaibigan kong si Cheena. Sabi niya nag-aral siya noon ng MBBS (Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery) ngunit dala ng kahirapan ay hindi siya nakapagtapos. Kaya kahit papaano ay may alam siya sa mga gamot panlunas. Lalo na pagdating sa mga herbal, eksperto siya doon.
Sa tuwing may nagkakasakit or aksidenteng nangyayari dito sa lugar namin ay sa kanya kami tumatakbo. Libre ang serbisyong binibigay niya sa aming lahat kaya mas nakakatipid kaysa pumunta pa kami ng Hospital sa bayan lalo't mahirap lang kami. Sa awa ng Diyos lahat naman gumagaling ang mga nagpapagamot sa kanya.
Kaso itong nagyari sa lalaking nasa harapan ko ay bago lang at malala na aksidenteng nakita ko sa buong buhay ko kaya kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko sa tabi ng kama kung saan nakahiga ang lalaki. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nagkakamalay. Makailang ulit ko na rin pinagpipilitan sa kanila na dalhin na namin ng Hospital pero sabi ni Tay Pio kaya niyang pagalingin ang lalaki. Hindi ako kumbinsido sa kanya. Kahit alam kong magaling siya, nangingibabaw pa rin ang takot sa dibdib ko. Kung anong dahilan, hindi ko alam. Basta 'yon ang aking unang naramdaman pagkakita ko sa lalaki sa gilid ng sapa kinabukasan matapos bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Simula no'n hanggang ngayon ay hindi na 'yon nawala. Mas lalo pa ngang lumala.
Palaisipan sa amin kung pa'no siya napadpad do'n sa sapa. Bakit siya inanod? Saan siya nagpunta? Umakyat ba siya ng bundok or ano? Ang dami kong tanong pero 'di ko masagot-sagot ng tama. Labis-labis din ang aking pag-aalala sa kanya at lalo akong linulukuban ng takot dahil isang linggo na hindi pa rin siya nagigising. Panay lang siyang daing. Pero sa nakikita kong itsura niya at mas lumakas na mga daing niya ngayon na para bang binabangungot na iwan or baka nasasaktan dahil sa mga sugat, sa tingin ko magkakamalay na siya. Butil-butil na ang pawis na tumutulo sa kanyang katawan. Tanging maluwang na shorts lang ang suot niya. Hindi namin siya dinadamitan dahil marami siyang sugat lalo na sa kanyang dibdib, mukha, pati sa mga braso at mga binti. Sa bandang likod naman hindi gaano pero ang dami niyang pilay.
FLASHBACK...
"Grabe 'yong ulan kagabi, napakalakas. Nakakatakot 'yong salpukan ng kulog at kidlat." sabi ni Blessie.
Naglalakad kami ngayong tatlo papunta sa malaking sapa bitbit ang mga timba at palangganang puno ng mga putikang bedsheets, mga punda at kurtina na nalaglag sa lupa. Tirik na tirik 'yong araw kahapon kaya sinipag akong labhan pati 'yon kagabi matapos matuyo ng mga nilabhan kong mga damit namin ni Inay. Ang kaso bigla naman bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Hindi ko inaasahan ang nangyari kaya tuloy maglalaba ako ulit ngayon dahil lahat ng sinampay ko kagabi sa labas ng bahay ay nagsiliparan kung saan-saan. Puno ng putik. Ayaw din kasi ako palabasin ng bahay kagabi ni Inay para sana takbuhin 'yong sinampay ko't maisilong. Nasayang lang tuloy 'yong sabon at downy na ginamit ko. Pinaghirapan pa naman namin gawin 'yon. Nag-DIY kami ng downy. Subrang bango ang kinalabasan kaya tuwang-tuwa ako. Subrang excited akong subukan sa damit namin kung mabago ba talaga. Kaso napunta lang sa wala. Buti na lang marami pang tira. Ulitin ko na lang kahit nakakabwesit. Excited din kasi 'yong ulan e. Hindi man lang nagpaabiso na babagsak siya.
"Kaya nga e. Akala ko nga may low pressure area na naman pero no'ng tsenek ko yung weather update kahapon wala naman." sabi naman ni Cheena.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. "Nakakapagtaka naman bakit biglang umulan kagabi." sabi ko.
Huminto si Blessie sa paghakbang. Kaagad din kaming natigilan ni Cheena at sabay pang napalingon sa kanya. Nakakunot-noong nakatingin siya sa taas. Pati tuloy kami napatingin na din sa taas. Nagkatinginan pa kami ni Cheena at sabay din kaming napatingin ulit sa kanya ng wala naman kaming ibang makitang nakakamangha sa tinitingnan niya sa itaas. Puro lang naman dahon ng punong kahoy at asul na langit.
"Siguro dahil nabuhusan ko ng hinugasan kong tubig ng mga plato 'yong pusa namin kahapon." sabi niya sabay tingin sa amin na nagtatakang nakatitig sa kanya.
I rolled my eyes at what she said. Akala ko kung ano na. Umiiling na tinalikuran ko sila.
"Nagpapaniwala ka naman doon. Myth lang 'yon. 'Di naman totoo." sabi ko habang naglalakad pababa sa sapa ngunit ganun na lamang ang gulat ko sa aking natanaw. Bahagya pa akong napaatras. Makailang ulit pa akong kumurap-kurap baka namamalikmata lang ako sa aking nakita pero nandun pa rin 'yong lalaki sa kinahihigaan nito. Nakadapa sa gilid ng sapa. Napahawak ako ng mahigpit sa timba at palangganang bitbit ko. Naitulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Nanlalaki ang mga matang napalunok ako kasabay ng malakas na tadyak na tumama sa aking dibdib. Bigla akong linukuban ng takot. Nanlamig ang aking buong katawan. "P-Parang may p-patay na t-tao sa gilid ng s-sapa." kandautal at nanginginig ang mga labing sambit ko.
"Ha, ano daw?"
"Anong patay?"
Sabay pang tanong no'ng dalawang nasa likuran kong nagtatalo na about sa panliligo ng pusa. Hindi ko sila nilingon. Nanatili akong nakatingin sa lalaki. Hindi ako makakurap man lang. Pati ang paghinga nakalimutan ko na nga din ata sa samot saring emosyon na naramdaman ko habang iniisip kung sino sa mga kasamahan namin ang lalaking 'yon. Nakalubog ang kalahati ng katawan nito sa sapa. Hindi ko rin makita ang mukha.
"Huy, Jillian." niyugyog ni Cheena ang braso ko. Wala sa sariling nilingon ko siya. Natitigilan naman siyang napatitig sa akin. "Bakit nanlalamig ka? Anong sinasabi mong patay--"
"OH MY GOD!" bulalas ni Blessie habang nakatingin doon sa lalaki.
Kaagad akong nahimasmasan. "Tawagin mo sina Tay Pio, Cheena! Bilisan mo!" natatarantang sigaw ko. Nagpa-panic na kaagad din itong kumaripas ng takbo sabay bato ng mga bitbit pagkakita sa lalaki. Napatid pa ito sa sariling paa na ikinabagsak niya sa damuhan pero kaagad din itong bumangon at mabilis na tumakbo habang malutong na nagmumura. Nabitawan ko din ang mga bibit ko. Binalingan ko si Blessie na hanggang ngayon tulala pa rin. "Tulungan ko akong buhatin 'yong lalaki Blessie, dali! sigaw ko sabay takbo pababa sa sapa.
Nanginginig ang mga kamay na nilapitan ko ang lalaki. Kaagad kong pinulsuhan ito.
"Buhay pa..." sambit ko sa aking sarili sabay hatak sa kanya para maiahon mula sa pagkakalubog sa tubig ng kalahating katawan nito. Walang kahirap-hirap na nahatak ko itong mag-isa kahit ang laking tao niya saka inayos ang pagkakahiga sa gilid ng sapa. Tsenek ko ang ilong at bibig. Nang wala akong makitang obstacle kaagad akong nag-CPR. Subrang hina ng pulso nito at hindi humihinga. Pero at least may pulso pa. Sh*t.. Ilang minuto kong ginawa iyon ng sunod-sunod itong umubo. Kaagad ko siyang itinagilid ng maraming tubig ang lumabas sa kanyang bibig. Nang matapos na ang pagsusuka niya muli kong tsenek ang kanyang pulso. "Thanks God." nakahinga akong maluwag ng lumakas na ang kanyang pulso at humihinga na kahit muli siyang nawalan ng malay.
Akala ko talaga... shet.
Napasabunot ako sa aking buhok sabay lingon kay Blessie na kagat-kagat ang daliring naglalakad palapit sa akin. Kaagad din akong natigilan sa aking nakita. Nagpalipat-lipat pa ang aking tingin sa kanya at sa lalaking hawak ko.
Teka... pa'no ko nahatak mag-isa ang malaking lalaking 'to?
Nagtatakang tanong ko pa sa aking sarili ng huminto si Blessie sa harapan ko. Maang na napatingala ako sa kanya.
Nakangiwing tinitigan niya ako sabay tingin sa lalaki. "Hala Bess... kawawa naman. K-Kumusta siya? Sorry naunahan ako ng takot Bess. Hindi ako makagalaw--"
"JILLIAAAAAAAN!"
"BLESSIEEEEEEE!"
Narinig kong malakas na sigaw sa amin. Sabay kaming napalingon ni Blessie sa mga taong humahangos na lumapit sa amin. Sina Tay Pio, Tay Arnold at Tay Roland kasama si Cheena.
"Nalapatan ko na siya ng paunang lunas pero hindi stable ang kanyang pulso at paghinga--"
"Puno siya ng sugat..." sabad ni Tay Pio sabay lapit sa lalaki. "...dalhin natin sa bahay nina Jillian para ma-check ko. Kailangan ko ding linisan kaagad ang kanyang mga sugat at baka ma-infection."
Kaagad naman tumalima sina Tay Arnold at Tay Roland. Pinagtulungan nila itong buhatin pauwi sa bahay.
"Ah..."
Napakurap-kurap ako ng marinig ko muli ang daing ng lalaki. Bigla akong napabalik sa kasalukuyan sabay lingon sa labas ng kwarto.
Nasaan na ba kasi sila? Bakit ang tagal ni Inay?
Hindi mapakaling tanong ko pa sa aking sarili saka tiningnan muli ang lalaki. Napatayo ako ng makita kong dahan-dahan siyang dumidilat. Natumba pa ang upuan sa ginawa kong pag-atras. Malakas pa akong napasinghap ng magtama ang aming mga mata. Biglang lumukso ang puso ko na para bang kilala nito ang lalaki. Natigilan ako. Parang familliar...? Saan ko ba nakita ang mga matang 'yon? Tanong ko pa sa aking isip habang nakatitig sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha dahil bukod sa maraming mga pasa, marami ring sugat.
Umiwas siya ng tingin saka sinubukang bumangon. Napangiwi ito saka malakas na dumaing.
Natatarantang kaagad ko siyang dinaluhan. "'W-Wag ka munang bumangon." pigil ko sa kanya. "Baka bumuka lalo 'yang mga sugat--'wag mong tanggalin 'yang mga dahon." awat ko kaagad sa kamay niyang akmang tatanggalin ang mga halamang gamot na nilagay ni Tay Pio sa mga sugat niya.
Hindi ko alam kung anong klaseng dahon ang mga ito. Basta ang sabi niya makakatulong ito sa mabilis na paghilom ng mga sugat ng lalaki. Mukhang epektibo naman dahil 'yong ibang maliliit na sugat natuyo naman agad. Medyo nabawasan na rin ang pamamaga.
Tiningnan niya ako at muling nagpumilit na bumangon. Wala na akong nagawa pa kundi ang alalayan siya para makaupo. Pinasandal ko ang kanyang likod sa headrest ng papag na yari sa bamboo. Nilagyan ko ng unan ang likod niya para 'di siya masaktan.
"Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko sa kanya ng masiguro kong komportable na siya sa kanyang kinauupuan pero nakatitig lang siya sa mukha ko.
Hindi siya umimik. Bigla tuloy akong nahiya sa uri ng titig niya sa akin pero hindi ako nag-iwas. Hindi ko alam kung bakit pero para siyang gulat na gulat na iwan habang walang kurap-kurap na nakatingin sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin saka iginala ang mga mata sa buong paligid at muli akong tinitigan.
Napalunok ako. "S-Sandali lang ha, k-kukuha muna akong tubig sa kusina." kandautal na sabi ko sabay talikod. Mabibilis ang mga kamay na nagsalin ako ng tubig sa baso saka binalikan siya sa loob ng kwarto. Napahinto pa ako sa paghakbang ng muling magtama ang aming mga mata pagpasok ko sa kwarto. Nakatingin pa rin pala siya sa linabasan ko. I cleared my throat then slowly walked towards him. "Uminom ka muna."
Ilang minuto pa ang lumipas na nanatiling nakatitig siya sa akin bago niya inabot ang basong inaabot ko sa kanya. Nang makita kong malamya ang kanyang mga kamay, ako ng nagkusang lumapit ng baso sa kanyang bibig. Napangiti ako ng maubos niya ang laman no'n.
"S-Sino ka? B-Bakit nandito ako?" mahina niyang tanong sa akin.
Itinayo ko ang upuan na natumba no'ng mapaatras ako kanina saka pinatong doon ang baso. Humakbang ako papunta sa paanan niya para 'di sumakit ang kanyang leeg kakatingala sa akin.
I smiled at him. "Ako si Jillian. Natagpuan ka namin na walang malay sa gilid ng sapa kaya dinala ka namin dito sa bahay." hindi siya umimik sa sinabi ko. I sighed then put my both hands behind my back. Tumahimik din ako ng ilang minuto bago muling nagsalita. "Anong nangyari sayo? Bakit nandun ka sa sapa?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.
Ngumiwi lang siya sabay hawak sa kanyang ulo na may benda. Kaagad ko naman siyang nilapitan. "Okey ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ko sa kanya ng makarinig ako ng nagmamadaling mga yabag.
Napalingon ako sa b****a ng pintuan. Humahangos na pumasok si Tay Pio kasunod si Inay. May iba pang mga taong nakasunod sa kanila pero 'di na pumasok sa loob. Nanatili lang sa pintuan.
"Buti naman at nagkamalay ka na." nakangiting sabi ni Tay Pio pagkalapit sa amin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa lalaki.
Binalingan ko ang lalaki ng hindi ito sumagot. Nagtama muli ang paningin naming dalawa ng tingnan niya rin ako.
"Parang binugbog ng sangkaterbang lalaki ang katawan ko. Ang kirot din ng mga sugat ko sa tuwing gumagalaw ako." sabi niya habang nakatitig sa akin na para bang ako ang nagtanong sa kanya. Pinasadahan niya ang kanyang katawan saka tiningnan si Tay Pio. "Para saan po ang mga dahon na 'to?" tanong niya.
"Herbal plant para mapadali ang paghilom ng mga sugat mo. Mamaya tatanggalin 'yan ni Jillian para malinisan 'yang mga sugat mo. Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot para sa kirot. Ilang linggo lang mawawala din ang sakit niyang katawan mo. Na-steamed na din kita kaya hindi na gaanong kalala ang pilay mo sa katawan."
"Anong pangalan mo, Iho?" sabad na tanong ni Inay. Kaagad naman nalipat ang tingin sa kanya no'ng lalaki. "Tsaka anong ginagawa mo doon sa sapa? Inanod ka ba no'ng gabing malakas ang ulan?"
Tinitigan niya si Inay saka muli akong tiningnan. "M-Marco." sabi niya.
Nag-antay pa kami ng ilang minuto sa paliwanag niya pero hindi niya na iyon dinugtungan pa. Nagkatinginan kaming tatlo nina Tay Pio.
"Ah... sandali lang. Ipaghahanda kita ng pagkain." sabi ni Inay saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"Wala ka na bang ibang nararamdaman maliban do'n sa mga sinabi mo? Hindi ka ba nahihilo or nakakaramdaman ng ano mang masakit diyan sa ulo mo?" tanong ulit ni Tay Pio.
"Kumikirot lang po 'yong sugat sa ulo ko at... nagugutom na po ako." sagot niya kay Tay Pio saka muli akong tiningnan.
Nagtatakang napatingin din ako sa kanya. Bakit ba sa tuwing sumasagot siya sa bawat tanong nila lagi siyang tumitingin sa akin? Tanong ko pa sa aking sarili ng ma-realized ko ang aking posisyon. Nakaluhod ako sa harapan niya at... magkahawak pa ang aming mga kamay!
Oh shet...
Parang napapasong kaagad kong binitawan ang kanyang kamay sabay tayo. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Malakas na tumikhim si Tay Pio. Marahas ko siyang niligon. Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay ng makita ko ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Damn. Bakit nakahawak ang kamay ko sa kanya? Sino bang humawak, siya o ako? Naguguluhang tanong ko pa sa aking sarili pero makailang ulit ko rin kinaltukan ang sarili sa aking isip ng mapagtanto kong hindi pala gumagalaw si Marco sa kanyang kinauupuan. Malamang ako humawak! Kaya pala panay titig sa akin dahil dumada-moves na ang kamay ko. T'ngna. Nakakahiya!
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023