Chapter 25

2700 Words
JILLIAN "Jillian...?" tawag sa akin ni Inay. Kaagad ko siyang nilingon. "Kunin mo 'yong maliit na mesa doon sa labas. Dalhin mo dito sa loob, ipapatong ko itong pagkain." sabi niya habang pinapakita sa akin ang hawak na mangkok na may umuusok na chicken vegetable soup. "Ikaw na rin magpakain sa kanya ha." Kaagad akong tumalima. Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang folding table sa labas. Muli akong bumalik sa loob ng kwarto saka inayos ang mesa sa gilid ng higaan malapit kay Marco. Nilapag doon ni Inay ang mangkok at isang basong tubig. Nginitian niya ito bago ako binalingan at makahulugan na tinitigan saka lumabas ng kwarto. Napakunot noo pa ako sa kanyang ginawa. Mukhang... napapadalas ata ang pag ngiti ngayon ni Inay ah. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Marunong na rin siyang makipagbiruan sa mga kaibigan ko. Masigla rin ang kanyang mga kilos lately. Nakikihalubilo na rin sa ibang tao. Panay ng labas ng bahay, iniiwan akong mag-isa dito kasama si Marco. Pati 'yong mga halaman namin sa labas pinagdidiskitahan niya na rin. Napapaisip ako na baka dahil sa lalaking 'to kaya bigla siyang naging ganun. Strange, but I am so happy and hopeful na sana magtuloy-tuloy na siyang magbago. Bumalik sa dating pagiging masayahin at palabiro. Nami-miss ko na kasi ang dating version ni Inay. "Kung may kakaibang maramdaman si Marco tawagin niyo ako kaagad ha." napabaling ako kay Tay Pio ng magsalita ito. Tumango ako sa kanya. "Uuwi na muna ako. Ipapahatid ko na lang dito kay Cheena 'yong gamot na ipapainom sa kanya." sabi niya sabay talikod matapos kung tumango muli. Naiwan kaming dalawa ni Marco sa loob ng kwarto. Nagsialisan na rin ang mga tao sa labas matapos makitang nagkamalay na si Marco. Binalingan ko siya. I cleared my throat when I saw him staring at me intently. "C-Chicken vegetable soup na lang muna ang kainin mo. Baka kasi mabigla ang tiyan mo e." sabi ko sabay hatak ng upuan palapit sa kinahihigaan niya. Naupo ako doon. Inabot ko ang mangkok. Hinawakan ko ang kutsara saka sumandok ng sabaw at kunting gulay. Hinipan ko muna ito bago dahan-dahan nilapit sa kanyang bibig ngunit hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatitig lang sa akin. Alanganing nginitian ko siya. "Ayaw mo ba nito?" tanong ko sa kanya ng ilang minuto na ang lumipas ay hindi niya pa rin binubuka ang kanyang bibig sa pagkaing iniumang ko sa kanya. Binalik ko ang kutsara sa mangkok. "Lugaw? Kumakain ka ba no'n? Igagawa kita." sabi ko sabay tayo. Hinawakan niya ang kamay ko. Kaagad naman akong napatingin doon bago dahan-dahan na nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. "Thank you so much..." mahinang sabi niya. "...to all of you... for saving my life." Muli akong naupo sa tabi niya. I smiled at him. "Your welcome. Ano bang gusto mong kainin? Sabihin mo at ipagluluto kita. 'Wag lang beef kasi wala kami no'n. Puro gulay at manok lang ang available dito sa'min." sabi ko. Tiningnan niya ang hawak kong mangkok. "Yang hawak mo." sabi niya. Natigilan pa ako sa kanyang sinabi pero kaagad din akong tumalima. Muli akong nagsandok ng sabaw at kunting gulay. Hinipan ko muna ito bago ko isinubo sa kanya. Napangiti ako ng ibuka niya na ang kanyang bibig at kinain ito. Nakatitig pa rin siya sa akin habang ngumunguya. Hindi ko alam kung bakit simula ng magising siya panay ang titig niya sa akin. Na para bang may nakakamangha sa aking mukha. Naaasiwa ako kanina pa pero isinisiksik ko na lang sa aking isip na baka nangingilala lang siya or dahil naalog ang utak niya sa pagkakaaksidente niya kaya siguro ganun siya. Kalaunan nagkibit-balikat na lang din ako. Ang importante kinakain niya ang lahat ng sinusubo ko sa kanya hanggang sa maubos ang laman ng mangkok. Pati 'yong isang basong tubig inubos niya rin. Inabot ko ang bimpo saka maingat na pinunasan ang gilid ng kanyang mga labi. Pati kasi 'yon putok at sugat-sugat. Buti medyo humihilom na. "Gusto mo pa ba? Ikukuha kita." Umiling siya. I smiled again. "Kung magutom ka ulit sabihin mo lang sa akin--" "Bess ito na ang--Hi Marco." sabad ni Cheena. Napalingon ako sa b****a ng pinto. Nakangiting naglakad ito palapit sa amin, nakatingin kay Marco. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya. "Buti naman at gising ka na. Pinag-alala mo kami ng bongga. Akala namin patay ka na ng matagpuan ka namin dun sa sapa." sabi niya sabay baling sa akin. "Ito na 'yong gamot na pinabibigay ni Itay." Kaagad ko iyon inabot saka binuksan ang isa. "Ayy wala na nga palang tubig. Saglit--" "Ako ng kukuha." sabad ni Cheena. Dinampot niya ang baso at mangkok na nilapag ko sa ibabaw ng mesa. Lumabas siya ng kwarto. Maya-maya bumalik din itong may dalang isang basong tubig. Inabot niya 'yon sa akin. "Salamat." sabi ko sabay baling kay Marco. Inabot ko sa kanya ang gamot. Kaagad niya naman iyon kinuha at sinubo. Inilapit ko ang basong hawak ko sa kanyang bibig para painumin siya. I smiled again. "Maya-maya lilinisan natin 'yang mga sugat mo ah. Papalitan ko din ang benda diyan sa ulo mo. Aayusin ko muna 'yong mga gagamitin ko." sabi ko sabay tayo. Itinabi ko ang mesa sa gilid. Kinuha ko sa ibabaw ng drawer ang kakailanganin ko sa paglinis ng mga sugat niya saka nilagay sa ibabaw ng mesa. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Tsenek ko muna kung hindi na gaanong mainit ang pinakuluang dahon ng bayabas ni Inay na nasa maliit na palanggana. Nang masigurong maligamgam na, kaagad ko itong binuhat saka muling bumalik sa loob ng kwarto. Naabutan ko siyang nakatitig sa kanyang katawan. Nilingon niya ako at sinundan ng kanyang tingin hanggang sa mailapag ko ang dala kong palanggana sa mesa. "Ikaw ba nagbibihis sa akin?" tanong niya. Bigla akong napaubo. Hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon sa akin. Baka iniisip niya sinisilipan ko siya? Napangiwi ako sa aking naisip. Nilingon ko siya. "H-Hindi. Si Tay Pio ang nag... nagpapalit niyang shorts mo. Tagalinis lang ako ng sugat mo at... taga bantay." sabi ko. Wala sa sariling nakagat ko ang aking ibabang labi sa uri ng titig niya sa akin. Bigla akong naasiwa. Ngayon na may malay na siya parang bigla akong tinubuan ng hiyang hawakan siya. Nagririgudon na din ang puso ko sa loob. Shet... bakit ba kasi naisipan niya pang itanong 'yon? "Dito mo lang ba ako nililinisan?" muling tanong niya habang iginagala ang panigin sa buong papag. Flexi mat ang kinahihigaan niya. Sabi ni Inay doon na muna siya humiga pansamantala habang nagpapagaling siya. Though yung iba humihilom na, meron pa din siyang malalalim na sugat. "Oo. Pinapalitan ko naman 'yan araw-araw after kitang linisan. Hindi ka kasi pwede sa foam mattress at baka mabasa 'yon. Tsaka baka dumikit din ang mga sugat mo. Mas tatagal tuloy ang pag-galing ng mga 'yan." "Nakaya mo akong buhatin?" "Ang bigat-bigat mo nga e. Pero yakang-yaka naman." sabi ko sabay lapit sa kanya saka sinimulan na siyang linisan habang medyo kumakalma na ako at nawala ang aking pagkaasiwa. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin habang dahan-dahan kong pinupunasan ang buong katawan niya ng basang towel na nilulublob ko sa maligamgam na pinakuluang dahon ng bayabas. "Hindi ka ba nandidiri sa akin?" maya-maya tanong niya. Natitigilang napatitig ako sa kanya saka umiling. "Bakit naman kita pandidirihan?" balik tanong ko sa kanya saka pinagpatuloy ang ginagawa. "Ang dami kong sugat." "So? Ano naman ngayon?" "Hindi ka nandidiri? Hinahawakan mo pa ng mga kamay mo." I chuckled. "Alangan paa ang gamitin ko? Gusto mo ba no'n? Sabihin mo lang, willing naman ako. Mas mapapadali pa nga no'n ang trabaho ko." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kaagad akong napaangat ng tingin sa kanya. Napangiti ako sa aking nakita. I sighed in relief. "Masaya ako't mukhang okey na ang pakiramdam mo." "Sure ka ba na hindi ka nandidiri sa mga sugat ko sa katawan? Baka napipilitan ka lang sa ginagawa mo." I rolled my eyes saka muling pinagpatuloy ang ginagawa. "One week ko na 'tong ginagawa. Sugat lang naman 'yan. 'Di naman ako mahahawaan. Tsaka isa pa ang daming alcohol. Ninety-nine percent patay ang germs no'n sa kamay ko." sabi ko sabay tayo matapos ko siyang linisan. Inabot ko ang cream at sinimulan namang lagyan ang bawat sugat niya. Pagkatapos binitbit ko ang palanggana papunta sa kusina. Naghugas ako ng kamay saka muling bumalik sa loob ng kwarto. Nag-alcohol muna ako bago ko sinimulang tanggalin ang benda sa kanyang ulo. Maliit lang naman ang sugat doon pero kung makadugo wagas. Akala mo naman subrang laki. Mas malaki pa nga 'yong hinliliit ko e. "Ano nga palang nangyari sayo? Bakit ka napadpad doon sa sapa? Pa'no ka naanod? Umakyat ka ba ng bundok?" sunod-sunod na ulit kong tanong sa kanya sa tanong ni Inay na hindi niya sinagot kanina. Nagbabakasakaling baka magsabi siya sa akin. Ngunit natapos ko na lahat-lahat linisan ang sugat at pinalitan ang benda sa kanyang ulo ay hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Nag-aalalang hinawakan ko ang kanyang mukha. "Okey ka lang ba? May... masakit ba sayo?" "H-Hindi ko alam. W-Wala akong maalala sa n-nangyari." Napanganga ako sa sinabi niya. "Anong... wala kang maalala sa nangyari?" "Marco... 'yon ang tawag sa akin no'ng babaing napanaginipan ko bago ako nagising. Kaya inisip ko 'yon ang pangalan ko." "You mean... may amnesia ka?!" bulalas ko pero kaagad din akong natigilan. Nasapo ko ang aking ulo saka dahan-dahan na tumayo. "Sorry... papalitan ko muna ang higaan mo ng makapagpahinga ka na." "Ehem..." Marahas akong napabaling sa paanan ng kama ng may malakas na tumikhim doon. Nakakalukong ngisi ni Cheena ang sumalubong sa akin. Nakasandal ito sa pader habang nakakrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. Nagpapalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa ni Marco. Damn. Nandito pa pala siya? Bakit 'di ko napansin? Akala ko umalis na. Pinamaywangan ko siya. "Nandito ka pa palang kurdapya ka. Bakit hindi ka man lang nagsasalita diyan?" She grinned. "Na-OP ako sa usapan niyong dalawa e. Parang sarili niyo ang mundo. Tapos grabe yung mga... TITIGAN. Hanep. Ginawa niyo na nga akong multo, ininggit n'yo pa ako." "Anong titigan ang mga pinagsasasabi mo diyan?" sikmat ko sa kanya sabay sulyap kay Marco. Kaagad din akong nag-iwas ng tingin ng makita kong nakatitig na naman siya sa akin. Bwesit talaga. Bakit ba kasi lagi siyang nakatitig sa akin? Ano bang pumapasok sa utak niya? Parang gusto kong mapapadyak na hindi ko mawari. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa akin na hindi ako ang nagbibihis sa kanya. Lalong lumapad ang ngisi ni Cheena. Sinamaan ko naman siya ng tingin sabay turo ng pinto. "Pakitawag si Tay Pio para mabihisan na 'tong si Marco. Kailangan ko ng palitan ang banig nang makapagpahinga na siya." pinanlakihan ko siya ng aking mga mata ng manatili lang siya sa kinatatayuan niya habang ngising asong nakatitig sa akin. "Isa! Bilisan mo na.!" "Oo na. Ito naman parang laging may sunog." nakasimangot na sabi niya. Pero nakangiting nilingon niya si Marco. "Pagaling ka agad Fafa Marco ah. Masyadong nag-aalala 'yan si Jillian--" "Cheena!" "Oo na... Ito na nga, uuwi na." nagdadabog na naglakad ito palabas ng kwarto. "Hindi na 'yan makatulog si Jillian sa takot na baka hindi ka na magising." mabilis na sabi ni Cheena kay Marco sabay takbo palabas ng bahay habang tumatawa. Parang sira... binibigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ko sa lalaking 'to. Like... duh? Kahit naman sino mag-aalala diba? Buhay ang pinag-uusapan dito hindi sa kung anong simpleng bagay lang. Mamaya mamatay 'to dito sa bahay namin, 'di nakasuhan pa kami tuloy ng wala sa oras ng pamilya nito. Hindi talaga nag-iisip ang mga 'to. Naiinis na himutok ko pa sa aking isip habang nakatanaw sa pintuan na nilabasan ni Cheena. Malalim akong bumuntong-hininga. Pagbaling ko kay Marco biglang uminit ang aking mukha ng makita kong nakangiting nakatitig siya sa akin. Napailing ako sabay iwas ng tingin. Maya-maya dumating si Tay Pio para palitan ang undergarments niya. Lumabas ako ng kwarto at nanatili sa sala. Ilang minuto lang akong nanatili sa labas ng tawagin ako ni Tay Pio. Pumasok ako sa loob. "Tutulungan pa ba kita sa pagbuhat sa kanya para mapalitan 'yong--" "Hindi na po Tay, kaya ko na." sabad ko kaagad kay Tay Pio. "Siya nga po pala, sabi niya..." huminto ako sa pagsasalita saka tiningnan si Marco na nakatitig na naman sa akin. "...wala daw po siyang maalala. Ibig sabihin po ba nun may-amnesia siya?" Natigilan si Tay Pio sa sinabi ko saka tiningnan si Marco. "Posibleng nagkaroon nga siya ng temporary memory loss kung sinabi niyang wala siyang maalala sanhi ng pagkakabagok ng kanyang ulo. Pero sa tingin ko hindi naman malala kasi naalala niya pa nga 'yong pangalan niya pero kapag gumanda na ang pakiramdam niya dalhin natin sa Hospital para ma-CT scan siya." Tumango-tango ako sa kanyang sinabi. "O pa'no, iwan ko muna kayo." sabi ni Tay Pio. "Salamat po Tay." "Naku, isa ka pa. Subra-subra na nga itong si Marco kakapasalamat sa akin, dumagdag ka pa." "Kung hindi po dahil sa inyo baka--" "Kung hindi dahil SAYO..." sabad ni Tay Pio sa sinasabi ko. Pinagdiinan niya pa yung salitang sayo. "...baka wala na siya. Naagapan mo siya kaya nandito siya ngayon. Kung tumagal pa siya doon ng ilang araw baka hindi--" "Tay 'wag niyo na pong ituloy. Kinikilabutan ako." He laughed. "O siya, alis na muna ako. Marco." baling niya rito saka lumabas ng kwarto. Kumuha ako ng bagong flexi mat saka lumapit kay Marco. Ni-roll ko ang kabilang side ng banig papunta sa kanya para malinisan ang papag. Kumuha ako ng alcohol saka in-spray-han doon at pinunasan ng basahan bago nilagay ang kalahati ng bagong flexi mat. Tiningnan ko si Marco. "I-Ililipat kita doon ah." sabi ko habang nakaturo sa bagong lagay kong flexi mat. Tumango siya. Napangiwi pa siya ng subukan niyang gumalaw. "'Wag ka ng bumangon. Tumagilid ka na lang para matanggal 'tong marumi ng banig." nakipag-cooperate naman siya kaya hindi ako nahirapan. Sinubukan niya ulit bumangon pero kaagad ko din siyang pinigilan. Baka mabinat siya at mabigla ang kanyang katawan. Mamaya matumba pa siya 'di dalawa kami nito ang magiging pasyente kung nagkataon. Ang laki niya pa namang tao, hindi ko siya kakayanin. 'Yong tatlo nga hirap na hirap siyang buhatin no'n papunta dito sa bahay. Ako pa kaya sa bubwit lang? Baka lumiit ako lalo ng tuluyan nito. Pagkatapos kong malinisan at mapalitan ang kanyang kinahihigaan, nagligpit na ako ng mga ginamit ko. Muli akong nag-alcohol saka lumapit sa kanya. "Hindi ka ba matutulog ulit?" "Bakit ginagawa mo 'to sa'kin, Jillian?" "Ha?" "Hindi mo ako kilala pero inaalagaan mo ako." "Because... you need help?" patanong ko pang sabi sa kanya. "Lahat ba ng nangangailangan ng tulong tinutulungan mo?" Tumango ako. "Oo. Kung kaya ko naman, why not diba?" "Pa'no kung 'yong kinamumuhian mong tao ang nangailangan ng tulong, tutulungan mo rin ba siya?" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Ang weird... pero pakiramdam ko may something sa mga tanong niya. Napapaisip ako pero sinasawata ko kaagad ang mga pumapasok sa aking utak. Baka mag-over think na naman ako at hindi rin naman ako sure. "Pwedeng oo, pwede ring hindi. Depende. Tsaka bakit mo ba yan tinatanong?" Mariin niya akong tinitigan saka malalim na bumuntong-hininga. "Wala lang. Naisip ko lang, masyado ka kasing mabait. Kaya inisip ko na..." "Inisip mo na, ano?" tanong ko sa kanya ng hindi niya na dugtungan pa iyon. "Pwede mo ba akong tulungan makahiga ulit?" pag-iiba niya ng usapan. Nagkibit balikat na lang ako saka lumapit sa kanya para maihiga siya. Makailang ulit ko pa siyang nakitang ngumiwi. "Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya matapos kong maayos ang kanyang pagkakahiga. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Thank you Jillian." I rolled my eyes. "Ilang ulit ka ba magpapasalamat sa akin?" "Will thank you for the rest of my life." Napamaang ako sa sinabi niya saka tumawa. "Magaling ka na nga. Nagawa mo na akong bolahin e. Sige na, magpahinga ka na. Maglalaba lang muna ako." sabi ko sabay tayo at lumabas ng kwarto. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD