Chapter 26

2536 Words
JILLIAN "Marco?" mahinang tawag ko sa kanya ng makita ko siyang gising at nakatingin sa akin ng maalimpungatan ako. Nakaupo na siya sa kanyang higaan, nakasandal sa headrest ng papag. Kaagad akong bumangon sabay tingin sa orasan. Two o'clock. Tumayo ako saka naglakad palapit sa kanya. "Bakit gising ka na? Ang aga pa ah. May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Naupo ako sa gilid ng higaan niya. Tinitigan niya ako bago nilingon ang higaan ko at muli rin akong tinitigan. "Bakit... bakit doon ka natutulog?" "Ha?" sabi ko saka nilingon rin ang mahabang upuan na yari sa bamboo. "Bakit doon ka natutulog?" ulit niya. "Anong bakit doon ako natutulog? Syempre binabantayan kita." "Alam kong binabantayan mo ako." "O alam mo naman pala." "Ang ibig kong sabihin, bakit sa upuan ka lang natutulog?" "Dalawa lang naman ang papag namin dito e. Itong sayo saka 'yong isa sa kwarto ko na hinihigaan ni Inay." "Sorry Jillian--" "Bakit ka nagso-sorry? May nagawa ka bang kasalanan?" "Nang dahil sa akin nagti-tiyaga kang matulog sa upuan." "Sus, maliit na bagay. Tsaka komportable naman ako do'n e. Hindi nga lang ako makagalaw at baka mahulog ako sa lupa." "Hindi ba nananakit ang katawan mo?" "Hindi. Sanay naman ako e. 'Wag mo akong alalahanin. Ang importante komportable ka dito sa kinahihigaan mo at nang gumaling ka na. 'Yon ang goal ko ngayon." "Hindi ka ba napapagod sa kakaalaga sa akin?" "Bakit naman ako mapapagod? Wala naman akong ibang trabaho maliban sa alagaan ka tsaka 'yong ibang gawaing bahay." "Tell me about yourself Jillian." What...? Nagulat ako sa sinabi niya. Manghang tiningnan ko siya baka nagkamali lang ako ng dinig pero seryoso siyang nakatitig sa akin. "Wow, sabay ganun? Ano 'to job interview?" nakatawang tanong ko sa kanya. Pero hindi siya natinag. Nagtanong pa rin siya. "Nasaan ang Tatay mo? Bakit kayong dalawa lang ng Inay mo ang nandito sa bahay niyo?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako nakaimik. Nag-iwas ako ng tingin ng makita kong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang mariin akong tinititigan. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Maniniwala kaya siya sa akin? Naguguluhang tanong ko sa aking isip. Ilang minuto ang lumipas na namayani ang katahimikan. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nanatili akong nakatingin sa kawalan. Samantalang siya ramdam na ramdam ko ang kanyang mga matang nakatutok sa akin. "Jillian--" "Wala--" Sabay pa naming sabi. I stopped. He stopped too. Muling namayani ang katahimikan. I sighed. "Matulog ka na Marco." sabi ko sabay tingin sa kanya. "Tsaka ilang beses ko ba sasabihin sayo na 'wag mo munang pwersahin 'yang katawan mo?" naiinis na sermon ko sa kanya. Dalawang linggo pa lang ang lumipas simula ng magising siya pero nagpupumilit ng bumaba ng papag. Akala mo naman kaya niya na. Kung hindi ko sermunan hindi pa titigil. Ang tigas ng ulo. Sarap pukpukin. "Mahina lang ako Jillian, hindi ako lumpo." "Ah, ganun? Nangangatwiran ka na ngayon?" He chuckled. "Daig mo pa ang asawa ko kung pagalitan ako ah." Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Anong asawang pinagsasasabi mo diyan? Caregiver mo ako kaya dapat kang sumunod sa akin dahil ako ang nakakaalam--" "Ang higpit mo namang Caregiver." sabad niya. "Syempre kailangan 'yon para maka-recover ka kaagad." "Magkakasakit ako lalo kapag hindi mo ako hinayaang makatayo man lang." "Hindi pa nga kaya ng katawan mo. Ang kulit mo talaga. Pa'no kung matumba ka? 'Di dagdag sugat na naman?" "Anong silbi ng pader para 'di ko hawakan kapag tumayo ako? Syempre mag-iingat--" "Saka na. Kumalma ka muna dito sa higaan. Palipasin mo muna ng ilan pang mga araw--" "Oo na. Hindi naman ako sayo mananalo e. Ang gusto mo lagi ang nasusunod." "Aba, dapat lang. Tsaka isa pa--" "Bakit ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko sayo kaysa pagalitan mo ako ng pagalitan? Ang dami mo pang sinasabi e." I rolled my eyes. "Walang interesting sa buhay ko. Boring at nakakaumay." "Kahit na. Gusto ko pa rin malaman." Nakakunot-noong tiningnan ko siya. "Bakit, natatakot ka ba sa amin?" "No... I just want to know you better." "Know you better... 'Wag mo nga akong english-in." He chuckled. "Bakit ang sungit-sungit mo na ngayon? Dati bini-baby mo pa ako tapos ngayon lagi mo na akong pinapagalitan. May period ka ba?" Nanlaki ang aking mata sa huling sinabi niya. Bigla ko siyang nahampas sa kanyang braso. "Awww!" daing niya. Napangiwi ako ng ma-realized ko ang aking ginawa. "Sorry. Ikaw kasi e." sabi ko habang marahan na hinaplos saka hinipan ang sugat sa braso niyang tinamaan ko. "Masakit pa ba?" alanganing tanong ko sa kanya. "Hindi na. Isa pa nga. Hampasin mo pa." nakangising sabi niya. Inirapan ko siya. "Lakasan ko kaya. Gusto mo? Ang lakas ng trip mo ngayon ah. Matulog ka na nga." sabi ko sabay tayo. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko hinatak ang kamay ko. Pero lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakahawak doon. "Isa... bitawan mo ang kamay ko. Inaantok pa ako. Matutulog ako." "Umaga na. Bakit matutulog ka pa?" "Ngayon lang ako bumabawi ng tulog sa mga nakalipas na araw na hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala ko sayo." Malalim siyang bumuntong-hininga saka dahan-dahan na binitawan ang kamay ko. Naglakad ako patungo sa bamboo chair na hinihigaan kong may sapin na foam. Naupo ako doon saka inayos ang aking unan. Hihiga na sana ako ng lingunin ko siya. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Kaagad din siyang nag-iwas ng magtama ang aming mga mata. Natigilan ako. Matagal akong napatitig sa kanya. Nakatingin siya sa bintanang nakasarado. I sighed. Tumayo ako at muling naglakad palapit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng higaan niya. Deadma lang siya. Hindi niya ako pinansin. I sighed again. "Wala na si Itay. Matagal na. Iniwan niya kami. Pinagpalit niya kami ni Inay sa kerida niya." mahinang sabi ko. Tiningnan niya ako. Muling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko nakayanan ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata kaya yumuko ako. Nilaro-laro ko ang mga daliri sa aking mga paa. "I'm sorry Jillian." Nilingon ko siya. Tipid ko siyang nginitian. "It's fine. Matagal ko ng tanggap na wala na siya. Binura ko na rin siya sa buhay ko." Talaga ba Jillian? Diba kahapon nangangalaiti ka pa nga dun sa lalaking nahuli mo na naman na nakamanman sainyo? Damn--conscience tumahimik ka at matagal ng patay ang hayuf na yun sa buhay ko! Sa buhay namin ni Inay! "Kung wala kang ibang trabaho sino ang bumubuhay sa inyo? Saan kayo kumukuha ng pang-araw-araw na pangangailangan niyo?" "May malawak na taniman kami ng repolyo, carrots at strawberry. 'Yon ang bumubuhay sa amin ni Inay." "Sinong namamalakad no'n ngayon lalo't binabantayan mo ako?" "Tulong-tulong kaming lahat na sampung pamilya na naiwang nakatira dito sa bundok. Malaki ang tiwala ko sa kanila kahit hindi ako bumisita doon." Hindi siya umimik sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking kamay na nakatukod sa kanyang higaan. Kinuha niya iyon at marahan na minasahe. Napatitig ako doon. Natigilan pa ako sa ginawa niya pero hindi ko magawang bawiin ang kamay ko. Tila may munting kuryenteng nanulay doon, dumeritso sa aking puso at umakyat sa aking utak. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Napanganga ako sa imaheng biglang pumasok sa aking utak habang magkahinang ang aming mga mata. Why... he looks familiar? Saan ko na ba nakita ang mukha ng lalaking 'to? "Jillian..?" "Ha?" Naramdaman ko ang kanyang isang kamay na dumampi sa gilid ng aking nakangangang mga labi. "Grabe ka makatitig sa akin ah. Pati laway mo tumutulo na." Napakurap-kurap ako sabay tikom ng aking bibig. Wala sa sariling pinunasan ko pa 'yon na ikinatawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Binawi ko ang kamay kong hawak niya pero hindi niya 'yon binitawan. Napatitig na naman ako doon ng pagsalikupin pa niya ang mga daliri naming dalawa. Ramdam ko ang init ng kanyang mga kamay na tumatagos sa aking balat. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He smiled at me. "Ilang taon ka na Jillian?" "Bakit mo naman naitanong?" "Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang?" "Bakit pati edad ko gusto mong malaman?" "Bakit bawal ba? Edad lang naman 'yan pinagdadamot mo pa talaga." "Pinagdadamot... alalahanin mo muna ang buong pangalan--" "Sabihin mo na. 'Pag may naalala ako tungkol sa sarili ko ikaw mismo ang pinakaunang makakaalam." "Talaga lang ha." "Ilan nga?" "Twenty-five." "Twenty-five lang?" gulat na ulit pa niya. I rolled my eyes. "Oo. Bakit ilan ba ang gusto mo? Kwarenta? Ikaw 'tong mukha ng kwarenta e." He chuckled. "Ang harsh mo naman sa akin. Hindi naman ako ganun katanda noh." "Sus, baka nga singkwenta ka na e. Hindi ka na makatayo diyan sa higaan mo." "F*ck... seryoso ka?" bulalas niya. Malakas akong napahagalpak ng tawa. "Tingnan mo 'to. Pagkatapos mo akong pagbawalan pwersahin ang katawan ko tapos sasabihin mong ganyan? Nakuha mo pa talaga akong pagtawanan." "Kanina pa ba kayong dalawa gising?" narinig kong boses ni Inay. Sabay kaming napalingon ni Marco sa pintuan. Nakangiting mukha ni Inay ang sumalubong sa akin. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa aming dalawa. Lalo na sa magkasalikop naming mga kamay. Pasimple po iyong binawi kay Marco habang nakatitig kay Inay na abot-langit na ang ngiti. "N-Nay... nagising po ba namin kayo?" tanong ko. "Ang ingay mo kasi Jillian." sabi ni Marco. Nagpanting ang aking tainga sa sinabi niya. Kaagad ko siyang nilingon. "Anong akong maingay? Ikaw itong parang machine gun ang bunganga kakatanong sa akin e." "Mahina lang naman ang boses ko. Ikaw kaya itong parang inahing manok sa lakas ng boses." "Aba't--" "Napapansin ko nitong mga nakalipas na araw parang aso't pusa na kayong dalawa ah." sabad ni Inay. Napalingon muli ako sa kanya. "Ito po kasing si Marco nagpupumilit ng lumabas ng bahay." "O, ano naman ngayon kung lumabas siya ng bahay?" tanong ni Inay. "Nay, mahina pa po siya. Magpalakas muna siya bago siya maglakwatsa sa labas." "Ginagawa mo naman akong bata, Jillian." narinig kong sabi ni Marco. Salubong ang mga kilay na tiningnan ko siya. "Anong ginagawang bata? Concern ako sayo kaya hinihigpitan kita. Alam kong kating-kati ka ng makalayas diyan sa higaan mo pero kunting tiis pa. Magpalakas ka pa muna, 'wag 'yong pabigla-bigla. Hindi biro 'yong nangyari sayo Marco." gumaralgal ang boses ko sa huling sinabi ko. "O, iiyak ka na naman? Hindi pa ako patay Jillian, 'wag mo akong iyakan." nakatawang sabi niya sa akin. "Hmmp.." naiinis na akmang susuntukin ko siya ng nakakuyom kong kamao. "Bwesit ka talaga kahit kailan." "Nakaluto na ako ng agahan. Kumain na kayong dalawa." sabi ni Inay. Binalingan ko siya. "Bakit anong oras na po ba?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya sabay tingin sa orasan. Quarter to eight?! Kaagad akong napatayo sa aking nakita. Bakit parang ang bilis naman ng oras ata? Kunti lang naman ang pinag-usapan namin ni Marco tapos tanghali na! Damn. "See..? Ang daldal mo. Hindi mo namalayan ang oras--" "Tse... tumigil ka." singhal ko kay Marco. "Kasalanan mo 'to kung bakit nagising ako ng subrang aga. Tuloy kulang ako sa tulog." sabi ko sabay hikab. "Kaya pala ang lakas ng tawa mo kanina dahil nakulangan ka sa tulog. Hindi halatang nag-enjoy ka Nak." Marahas kong nilingon si Inay na pilyang nakangisi sa akin. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Nay... Nagsisimula ka na naman." "Ano? Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko." Inis na napakamot ako sa aking ulo sa sinabi niya. "Nahawa ka na sa maruming utak nina Blessie at Cheena. Siguro kung nandito si Jordan mas malala." She laughed. Natigilan na naman ako. Kahit minsan nakakainis ang panunukso sa akin ni Inay Kay Marco hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong matuwa. Labis-labis ang galak sa aking puso sa nakikita kong pagbabago sa kanya. Habang tumatagal kasi lalo kong nakikita ang dating version niya na matagal ko ng pinagsusumikapan na ibalik. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap nandito na sa harapan ko. Dininig ng Diyos ang matagal ko ng hinihiling sa kanya! Shet... kung wala lang talaga tong sugat si Marco matagal ko na 'to niyakap ng mahigpit. Siya ang biyayang hulog ng langit sa amin. Ang kaso marami pa ang kanyang malalalim na sugat na hindi pa humihilom. Natatakot ako na baka dumugo. Kaya bumabawi na lang ako sa pag-aalaga ko sa kanya. "Ngayon ko na linuto 'yong chopsuey kasi 'di naman nakakakain ng tanghalian si Marco. Baka matulog na naman kaya inagahan ko ng magluto." "Parang ini-spoiled mo naman masyado si Marco, Nay. Ako itong anak mo tapos siya ang inaalala mo." "Nagselos ka pa talaga?" nagtatakang tanong ni Inay sa akin. "Bisita natin siya kaya dapat lang na istimahin natin ng mabuti. Tsaka minsan lang 'to mangyari sa atin kaya hayaan mo na ako. Masaya lang ako at may ibang mukha akong nakikita dito sa bahay hindi 'yong laging nakabusangot mong mukha--" "Nay..!" "O? Totoo naman ah." "Baka pwedeng doon na lang din ako sa kusina kumain--" "No." sabad ko kay Marco ng lingunin ko siya. "Dito ka lang. Ikukuha kita ng pagkain mo." sabi ko sabay hakbang palabas ng kwarto. Dumeritso ako sa kusina. Kinuha ko ang isang mangkok na chopsuey na nasa mesa pati ang platong may laman ng kanin. Bumalik ako sa kwarto. Naabutan kong masinsinan na nag-uusap sina Inay at Marco. Nagulat pa sila pagkapasok ko. Nakakunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakit parang... may kakaiba sa mga ikinikilos nila? Kailan lang naabutan ko silang masinsinan din na nag-uusap ni Inay. Noong nakaraang araw silang tatlo din nina Tay Pio. Tapos bigla na lang hihinto sila sa kanilang pinag-uusapan sa tuwing pumapasok ako ng kwarto. Na para bang confidential ang pinag-uusapan nila at tanging silang tatlo lang dapat ang makaalam. Kahit kinukulit ko si Marco o kaya si Inay kung ano ang pinag-uusapan nila ayaw naman sabihin sa akin. Tuloy napapaisip ako lalo. Pakiramdam ko may inililihim silang tatlo sa akin. Kung ano man 'yon, hindi ko alam. Pero mukhang importante dahil ayaw nilang sabihin sa akin. Pati 'yong kaibigan kong sina Cheena at Blessie kinasabwat kong tanungin ang tatlo pero walang nangyari. Wala ni isang nagsalita sa kanila. Tuloy nauuwi ang curiosity ko sa init ng aking ulo at si Marco ang nababalingan ko. "Bakit ganyan kayo makatingin?" nakasimangot na tanong ko habang dahan-dahan na naglalakad palapit sa kanila. Inilapag ko sa ibabaw ng folding table ang mga dala kong pagkain sa magkabilaang kamay ko. "Ako ba pinag-uusapan niyo't bigla na lang kayo tumatahimik sa tuwing napapasukan ko kayong nag-uusap?" "Ganun ka ba kaimportante para pag-usapan namin?" sabi ni Marco. Nanggigigil na dinuro ko siya. "Ikaw... kanina ka pa sa akin ah. Alam mo kung wala ka lang sugat kanina pa kita binugbog--" "Jillian..." saway sa akin ni Inay. "Ano bang pinag-uusapan niyo at ayaw niyong ipaalam sa akin?" "Pakainin mo na lang si Marco. Tanghali--" "Ayoko." inis na sabad ko kay Inay. "Bahala siya sa buhay niya. Pakainin niya ang sarili niya mag-isa." sabi ko sabay martsa palabas ng kwarto. Bumalik ako sa kusina. Kumuha ako ng pagkain ko saka naupo sa upuan. Nagdadabog na kumain. "Hmmmp... akala nila hindi ko malalaman ang sekreto nila." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD