MARCO
Ilang araw pa ang lumipas ay tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko. Natuyo na din at humilom na ang mga sugat sa aking buong katawan. 'Yung sa mukha ko nawala na rin lahat. Kahit visible pa 'yung mga pasa at peklat, hindi naman na masakit. Ang galing kasi mag-alaga ng ubod sungit kong Caregiver. Napangiti ako sa aking naisip.
Though may mangilan-ngilan pang dumudugo dahil pilit kong pinagtatanggal 'yung mga itim-itim sa ibabaw ng mga sugat, still kaya ko na ang sarili ko. 'Yung bunganga lang ni Jillian ang hindi ko kaya. Araw-araw na lang ako sinesermunan. Mas maingay pa sa mga manok sa labas. Bigla ko tuloy namiss 'yong mga araw na para siyang maamong tupa. Tinatanong pa ako at sinusunod lahat ng gusto ko. Pamper na pamper ako sa kanya. Kaso no'ng medyo gumagaling na ako, unti-unti na rin lumalabas ang sungay niya. Iwan ko ba kung bakit laging mainit ang ulo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya maliban sa pagpupumilit kong lumabas ng kwarto. Buti pa si Nay Julie subrang bait. But I loved them both, lahat silang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kanila baka matagal na akong inuuod sa ilalim ng lupa.
Nilingon ko si Jillian na nakanganga ng natutulog sa bamboo chair. Nakaharap siya sa akin kaya kitang-kita ko ang ganda ng view.
She looks so cute...
Nakangiting sabi ko pa sa aking sarili habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Walang kulurete at kaarte-ate sa katawan, napakasimple pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya. Habang tumatagal kasi lalo siyang gumaganda sa aking paningin.
Bumaba ang aking mata ng bahagya siyang gumalaw. Napamulagat ako ng masilip ko ang kanyang dibdib. Wala siyang suot na bra! Holy crap... Napalunok ako. Matagal akong napatitig doon. Animo'y kinabisado ko pa ang itsura no'n.
Shet... napahilamos ako ng kamay sa aking mukha ng mapagtanto ko ang aking ginagawa.
Ano ba 'tong pumapasok sa utak ko?
"Marco..?" boses ni Nay Julie.
Napapitlag pa ako sa gulat sabay tingin sa labas ng pintuan. Nakita kong nag-aalalang nakatitig sa akin si Nay Julie.
"Nay..."
"Okey ka lang ba?"
Tumango ako. "Yes po."
Bumaba ako sa papag. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako naglakad palapit kay Jillian. Inayos ko rin ang kumot sa kanyang katawan saka binalingan si Nay Julie. Nakangiti na ito habang nakatingin sa amin ni Jillian.
"Kanina pa po ba kayo gising, Nay?"
"Kagigising ko lang. Bakit gising ka na? Ang aga pa ah. Masakit ba ang ulo mo? Nakahawak ka pa sa mukha mo ng mapasukan kita."
Natigilan ako sa sinabi niya. Damn... buti 'yon lang ang naabutan niya.
Pa'no na lang pala kung nakita niya akong nakanganga habang mulagat na nakatitig sa dibdib ng anak niya?
Napangiti ako sa aking naisip sabay kamot sa aking leeg.
"Tapos ngayon ngumingiti ka na mag-isa. Baka naman may something na diyan sa utak mo?"
I chuckled. "Magaling na po ako Nay. No worry." sabi ko sabay hakbang palapit sa kanya.
"Hmmm..." sinulyapan niya si Jillian bago binalik muli sa akin ang tingin. "Mukhang hindi e. Parang lumala ata ang sakit mo e. Iba 'yong titig mo sa anak ko kanina." nakangising sabi niya saka ako tinalikuran.
Naitulos ako sa aking kinatatayuan sa sinabi niya habang sinusundan siya ng tingin. Pumasok ito sa kusina.
What the f*ck did she mean by that?!
Naguguluhang tanong ko pa sa aking sarili. Muli kong nilingon si Jillian. Nanlaki ulit ang aking mga mata ng makita kong nakatihaya na siya. Napakurap-kurap pa ako sa aking nakita. Bumaba ang kumot hanggang sa kanyang bewang. Parang laser naman ang aking mga matang napatitig sa kanyang tayong-tayo na mga dibdib na bumabakat sa maluwang niyang suot na sleeveless shirt.
Mariin akong pumikit saka dali-daling lumabas ng kwarto. Natigilan pa ako ng malingunan kong nakasilip pa sa hamba ng kusina si Nay Julie. Kay lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip pero sa uri ng ngisi at tingin na pinupukol niya sa akin sa tuwing nahuhuli niya akong nakatitig sa anak niya, pakiramdam ko iniisip niyang may gusto ako kay Jillian. Lalo't ilang beses niya pa kaming naabutan na nag-uusap at nagtatawanan ng madaling araw. Nakahawak pa ang kamay ko kay Jillian.
Well, I really like her but... she's too damn young for me!
Lumabas ako ng bahay. Dumeritso ako sa likod. Kaagad kumalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng salubungin ako ng malamig at sariwang hangin. Nanoot iyon sa balat ng aking katawan. Tumingala ako sa bughaw na langit. Malalim akong bumuntong-hininga habang nakatitig doon.
This place is amazing! So peaceful and quiet.
Bawat araw na lumilipas lalo kong nagugustuhan ang lugar na 'to. Lalo na ang mga taong nakatira dito. Masaya sila kahit simple lang ang uri ng pamumuhay nila. Nakikita ko sa kanilang mga mukha na kuntento sila sa kanilang buhay dito. Kahit si Nay Julie at Jillian lagi kong nakikitang masaya. Nako-curious tuloy ako kung anong dahilan bakit iniwan sila ni Tay Julius. Like... damn, for me they're a precious stone. A unique gems that you'll never ever find in a deep blue sea.
Kahit maikli pa lang ang panahon na nakakasama ko sila sigurado akong mabuting tao sila. At patunay doon ang pagsagip nila sa buhay ko. Ang pagkupkop at 'di matatawarang pag-aalaga sa akin ni Jillian. Libreng panggagamot sa akin ni Tay Pio. Mga pagkain at damit na binibigay sa akin ng iba pang mga taong nakatira dito sa bundok. Mahirap makahanap ng totoong taong kagaya nila. 'Yong pure ang kalooban, walang halong pagkukunwari.
Simula ng magkamalay ako hanggang ngayon never ko silang nakitang malungkot. Animo'y sinalo nila ang lahat ng happy pills na sinaboy sa kalawakan at nilunok lahat. Ang tawanan, kwentuhan, asaran na nakikita ko sa kanilang lahat pakiramdam ko may malaking kulang sa aking pagkatao ang biglang napunan. I felt complete and contented habang kasama ko silang lahat. Nakapaligid sa akin. Lalo na si Nay Julie and... Jillian. They were all my new family here.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon sa likod ng bahay. Nagmuni-muni habang nakatingin sa kawalan. Nang maramdaman ko na ang init ng araw na tumatama sa aking balat nagpasya na akong bumalik sa loob ng bahay. Malalim akong bumuntong-hininga habang nakapamulsang naglalakad.
"Salamat dito sa mga dala mo. Nag-abala ka pa talaga." narinig kong boses ni Jillian.
"Syempre, pasalubong ko 'yan para sa inyo ni Nay Julie." sagot ng baritonong boses ng lalaki.
Teka... lalaki? Natigilan ako at napahinto sa paghakbang. May bisita ba sila? Tanong ko pa sa aking isip habang nakikinig sa kanilang usapan.
"Kailan ka pa dumating? Tsaka bakit ka pumunta dito?" tanong ulit ni Jilian.
Tumawa ang lalaki. "Kagabi lang. Bakit bawal na bang dalawin kayo?"
"Naks... kararating mo lang tapos namasyal ka kaagad dito."
"Syempre... na-miss kita e."
"Na-miss... tigilan mo nga ako--"
"Na-miss nga kita. Two years tayong hindi nagkita tapos ganyan lang ang reaksyon mo?"
Tumawa si Jillian. "Anong gusto mo, magtatalon ako sa tuwa, ganun?"
Hindi na ako nakatiis pa sa aking kinatatayuan sa naririnig kong masayang usapan nila at tawanan kaya nagpatuloy ako sa paghakbang. Nakangiting mukha nina Jillian at lalaking kaharap niya ang sumalubong sa akin. Matangkad ang lalaki, maputi, malaki ang pangangatawan at... bata pa.
Nakangiting umiling ang lalaki. "Kahit kailan talaga ang sama mo."
Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay sa aking nakita. Walang kurap-kurap na nakangiting nakatitig si Jillian sa lalaki. Animo'y naka-focus ang buong atensyon niya doon.
"Ang sama agad-agad? Hindi ba pwedeng--MARCO..." bulalas niya ng malingunan niya ako. Napabaling din sa akin ang lalaki. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata pagkakita sa akin. "...saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." sabi ni Jillian.
I stepped forward. "Diyan lang... sa likod." sabi ko sabay tingin sa lalaki. "May bisita ka ata."
"So it's true." sabi no'ng bisita ni Jillian habang pinapasadahan ako ng tingin. "May kasama na kayong lalaki dito sa bahay."
"Ah... oo. Natagpuan namin siya ng walang malay sa gilid ng sapa." sabi ni Jillian.
"Sabi nga ni Cheena."
"Tsismosa talaga ang babaeng 'yon kahit kailan." nakatawang sabi ni Jillian. "Ah, siya nga pala si Marco..." tinuro niya ako sa lalaki. "...Marco si Kevin." pagpapakilala niya sa aming dalawa.
Nilahad nito ang kamay sa akin. "Glad to meet you in person Marco." sabi ni Kevin.
Nakipag-shake hands din ako sa kanya pero hindi ako nagsalita ng kahit ano. Nagpapalipat-lipat lang ang aking tingin sa kanilang dalawa. Ganun din sila sa akin. Ilang minutong biglang natahimik ang buong paligid. Walang nagsalita sa aming tatlo.
I cleared my throat. "Excuse me." sabi ko sabay talikod. Naglakad ako papunta sa kakahuyan.
"Marco, saan ka pupunta?" habol na tanong sa akin ni Jillian pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paghakbang.
"Pupunta muna ako sa opisina ni Dad, pero babalik ako mamayang hapon ha." narinig ko pang sabi no'ng lalaki.
"Ikaw bahala. Salamat ulit dito sa bigay mo."
"No problem. Basta ikaw."
Tss. Basta ikaw..
Nagdadabog na ulit ko pa sa sinabi no'ng lalaki. Pagdating ko sa unahan nagpalinga-linga ako. Naghahanap ng pwede kong matambayan. Nakakita akong malaking puno. Humakbang ako palapit doon saka naupo sa malaking ugat nito. Sumandal ako sa katawan nito saka pumikit.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit ng may biglang sumundot ng anong bagay sa aking tainga. Kaagad akong napadilat at marahas na nilingon ang istorbo. Nakangising mukha ni Jillian ang sumalubong sa akin. Kinunutan ko siya ng noo saka muling bumalik sa pagkakasandal sa katawan ng punong kahoy.
"Pinapauwi ka na ni Inay. Hindi ka pa daw nag-aagahan. Anong oras na."
"Hindi ako nagugutom."
"Sa gutom ka o hindi kailangan mo pa rin kumain. May mga gamot ka pang kailangan inumin."
"I'm fine. Hindi ko na kailangan pa ang mga 'yun."
"Anong hindi kailangan? May mga sugat ka pang hindi pa tuluyang humihilom. Sugat pa ang mga 'yun sa loob."
"Mamayang gabi--"
"Anong mamayang gabi?" sabad niya. "Two times a day--"
"Bakit ba ang kulit mo? Magaling naman na ako--"
"Huy!" sigaw ni Jillian sabay takbo. "Stop right there!"
Nagulat pa ako sa biglang sigaw niya. Kaagad akong napabalikwas ng bangon habang sinusundan siya ng tingin. Sumasal kaagad ang t***k ng puso ko ng maabutan ni Jillian ang lalaking hinabol niya. Nagsuntukan ang dalawa!
Shet... sino 'yon?
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila. Nakaupo na si Jillian sa ibabaw ng likod ng lalaki habang tinatalian ng baging ang pigil-pigil na dalawang kamay nito.
"Hanggang ngayon hindi pa rin kayo tumitigil ah! Gusto niyo bang patayin ko kayo ng 'di na kayo makabalik pa?!" galit na galit na singhal ni Jillian.
Tumawa ang lalaki. "Pinoprotektahan--ahhh--!" daing nung lalaki ng suntukin ni Jillian ang mukha nito.
"Hindi mo nga kayang protektahan ang sarili mo, ako pa kaya? Siraulo ka ba ha?"
"Kabilin-bilinan ng Tatay mong 'wag kang hahawakan--Ahh--!" daing nito ng muli itong suntukin ni Jillian.
Nakita kong umaagos na ang dugo sa ilong ng lalaki. Putok din ang mga labi.
Sinabunutan ni Jillian ang buhok nito habang itinataas ang mukha palapit sa kanya. "Sabihin mo sa hayuf na amo mo tantanan niya na kami! Kapag hindi pa rin siya tumigil ako na mismo ang susugod sa bahay niya! Naiintindihan mo?" hindi umimik ang lalaki. Lalong sinabunutan ito ni Jillian. "Naiintindihan mo?!"
"Yes Ma'am." mahinang sabi no'ng lalaki.
Pabalang na binitiwan ni Jillian ang buhok nito. Umalis din siya mula sa pagkakadagan sa likod nito.
"Tumayo ka diyan." utos ni Jillian. Kaagad naman tumalima ang lalaki. Nagdura pa ito ng dugo sa loob ng bunganga. "Now leave..." turo niya sa daan. "...and don't you ever come back here again or else you'll never came out here alive."
Pasimpleng tiningnan ako no'ng lalaki bago naglakad palayo sa amin. Tinitigan ko si Jillian. Namumula ang kanyang buong mukha sa matinding galit. Umiigting pa ang mga panga. Pagtingin ko sa kanyang kamay nakakuyom pa ito habang sinusundan ng nakakamatay na titig ang papalayong lalaki.
"Who is he?" tanong ko sa kanya.
She sighed deeply before she stared at me. "Pakawala ng hayuf kung ama--"
"Don't call him like that." sabad ko sa kanya. "He's still you're father."
"Seriously?" she mocked me. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo."
"Huwag mong hayaan ang sarili mong lamunin ka ng subrang galit--."
She greeted her teeth. "Hindi mo alam kung anong klaseng tao siya Marco."
"Baka may dahilan siya--"
"What reason?!" singhal niya sa akin. "Hindi mo alam kung anong klaseng buhay ang naranasan namin ni Inay nang iwan niya kami at ipagpalit sa kerida niya, kaya 'wag na 'wag kang magsasalita diyan na baka may lintik siyang dahilan kaya niya nagawa sa amin 'to!"
Natigilan ako ng sunod-sunod na pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Ji-Jillian." sabi ko sabay hawak sa kanya pero tinabig niya ang kamay ko.
"Don't touch me." mariin na sabi niya.
Pero hindi ako natinag. Kaagad ko siyang hinablot sa kanyang braso at hinatak palapit sa akin. Nagpumiglas pa siya pero hindi ko siya pinakawalan. Mahigpit ko siyang niyakap.
"I'm sorry. I didn't mean it." paulit-ulit na hinging paumanhin ko sa kanya. Sinapo ko ang kanyang mukha ng aking dalawang palad at marahan na pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy doon. "I'm sorry. Please stop crying."
"H-Hanggang ngayon... galit na galit pa rin ako sa kanya. Lalo pa nga atang tumindi e dahil sa mga ginagawa niya. Hindi niya kami tinitigilan. Pinapaasa niya lang si Inay." gumagaralgal ang boses na sabi niya.
"Just forget about him, okey." pinunasan ko muli ang tumakas na luha sa kanyang mga mata. I kissed her forehead and hugged her again tightly. Paulit-ulit ko siyang hinalikan sa ibabaw ng kanyang ulo hanggang sa kumalma siya.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon ng tumingala siya sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga mata.
"Uwi na tayo. Kailangan mong kumain at inumin 'yong mga gamot para gumaling ka na ng tuluyan."
I chuckled. "Ako pa talaga ang inalala mo."
Kinalas niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya. "Obligasyon kitang paalalahanan para do'n."
Napapakamot sa ulong napailing ako sa kanya. "Oo na. Ang higpit mo talaga."
"Hindi 'yong paghihigpit."
"Whatever." sabi ko saka inakbayan siya.
Sinamaan niya ako ng tingin sabay tanggal sa aking braso. Tinawanan ko siya at muli itong ibinalik sa ibabaw ng kanyang mga balikat. Sinubukan niya itong tanggaling muli pero hinigpitan ko ang pagkakaakbay sa kanya sabay hakbang. Napasunod siya sa akin.
"Ano ba Marco? Ang bigat ng braso mo. Tanggalin mo na. Baka may makakita sa atin ano pa ang isipin."
"Ayoko."
Patuloy siyang nagpumiglas pero kalaunan huminto na rin siya.
Naglakad kami pabalik sa bahay. Malayo pa lang tanaw ko na si Nay Julie na nag-aalalang nakatayo sa labas ng pintuan.
"Bakit ang tagal niyo? Saan ba kayo pumunta?" mapanuring tanong nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Kaagad din tinabig ni Jillian ang braso kong nakaakbay sa kanya ng makahulugan iyong tingnan ni Nay Julie.
"Na-Naabutan ko po kasing natutulog sa tabi ng kahoy itong si Marco. Tulog mantika kaya nahirapan--"
"Hey... hindi ako--"
"Tulog ka." halos hindi bumuka ang kanyang bibig na sabi niya sa akin. Pinanlakihan niya pa ako ng kanyang mga mata.
Ngumiti ako saka binalingan si Nay Julie. "Ah... tulog DAW po kasi ako sabi ni Jillian, Nay kaya natagalan--Aww!" napaigtad pa ako ng kurutin niya ako sa aking tagiliran.
Nakakaasar niya akong nginitian. 'Yong halos mawala ang kanyang mga mata bago binalingan si Nay Julie na nagtatakang nakatitig sa aming dalawa.
"Kain na po tayo, Nay. 'Wag niyo pong pansinin si Marco. Ganyan talaga 'yan kapag nalilipasan ng gutom." sabi niya sabay hakbang papasok sa loob ng bahay.
Nagkatinginan pa kami ni Nay Julie. Halatang hindi ito kombinsido sa sinabi ng kanyang anak pero hindi na ito umimik pa. Nakasunod ang mga mata namin kay Jillian na naglalakad papunta sa kusina.
Maya-maya nilingon ako nito. Napatingin din ako sa kanya. Isang mapanuring tingin ang iginawad nito sa akin bago sinundan ang kanyang anak. Malalim akong napabuntong-hininga saka sumunod na rin sa kanya.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023