JILLIAN
"Kailan ka pa ba dumating Iho?" tanong ni Inay kay Kevin. "Mukhang nahiyang ka ata sa Manila ah."
Kasalukuyan kaming apat kumakain ng agahan sa hapag-kainan. Nakaupo sa gitnang dulo ng mesa si Inay. Sa kanan si Marco at sa kaliwa naman ako naupo. Tumabi sa akin si Kevin. Tahimik at ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Kahit si Inay nakahalata rin sa uri ng titigan ng dalawa kaya siya itong gumagawa ng paraan para lang magkaroon ng ingay sa harapan ng hapag.
Hindi ko inaasahan na pupunta ngayong umaga si Kevin. Siguro dahil hindi siya nakabalik kahapon? I'm not sure. At wala ding kaso 'yon sa akin kung pumunta man siya dito o hindi.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina at mukhang manok na isasabong itong dalawa. Nagulat pa nga ako paglabas ko ng bahay para sana tawagin si Marco na kakain na ay matiim na titigan nilang dalawa ang nabungaran ko. Nakakuyom pa ang kamao ni Marco samantalang chill lang si Kevin kahit matalim ang tingin na pinupukol nito sa kanya. Kahit tumayo na ako sa harapan nila hindi man lang sila natinag. Kung hindi ko pa niyugyog ang braso ni Marco hindi pa sila natigil. Napapaisip tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila at ganito ngayon ang mga itsura nila.
"Noong nakaraang gabi lang po Nay. Dapat nga kagabi makikikain ako dito e, ang kaso naharang naman ako. Hindi ako nakawala dun sa mga kaibigan ko kaya ngayon na lang ako pumunta." sagot ni Kevin.
"Ah, sayo pala galing 'yong mga groceries at chocolates na nakita ko sa sala kahapon. Maraming salamat Iho. Nag-abala ka pa."
"Lagi ko naman 'yon ginagawa noon pa po diba? Bakit parang gulat na gulat kayo ngayon sa dala ko?"
"Two years kang 'di nagparamdam tapos sa isang iglap bigla ka na lang susulpot dito sa bahay, may bitbit ng kung ano-ano. Ano 'yon suhol?" sabi ko.
Tumawa si Kevin. Binalingan niya ako. "So meaning inantay mo pala ang mga tawag at text messages ko, ganun?" pilyong nginisian niya ako. Inirapan ko naman siya. "Damn... dapat sinabihan mo ako noon pa na gusto mo pala ng ganun para araw-araw kitang tinawagan." kantyaw niya pa sa akin.
"Ako magkakagusto no'n?" turo ko pa sa aking sarili. "Seryoso kang mag-aantay ako ng text at tawag mo? Yay... asa ka."
"Asus nahiya ka pa. Boto naman sa atin si Nay Julie. Aminin mo na kasi... may feelings ka talaga sa akin--"
Malakas na tunog ng bumagsak na kubyertos sa plato ni Marco ang nagpatigil sa pagkakantiyaw sa akin ni Kevin. Lahat kami napabaling sa kanya. Kaagad nagtama ang paningin naming dalawa. Nagulat pa ako sa uri ng titig niya sa akin. Animoy toro na gusto akong suwagin. Napakurap-kurap pa ako kung tama ba 'yong nakikita kong reaksyon sa mukha niya pero kaagad din iyon nawala. Nakangiwi na siya ngayon habang nakahawak sa kanyang braso.
"Sorry... sumakit lang yung sugat sa braso ko kaya nabitawan ko 'yong kutsara." sabi ni Marco.
Kaagad akong napatayo sa aking kinauupuan. Umikot ako sa kabila at dali-daling nilapitan siya.
"Alin ang masakit?" sabi ko sabay hawak sa braso niya pero tuyo naman na yung mga sugat niya. Nakakunot-noong tinitigan ko siya. "Makirot pa ba sa loob?" nakangiwing tumango siya. "Sandali lang ikukuha kitang gamot." malalaking hakbang na lumabas ako ng kusina. Dumeritso ako sa loob ng kwarto, kumuha ng isang pirasong gamot para sa kirot ng sugat niya saka lumabas muli at bumalik sa kusina. "Ito inumin mo na." kaagad niya naman kinuha sa kamay ko ang gamot na inabot ko sa kanya saka ininom. "Ang tigas kasi ng ulo mo e. Sinabi ng sugat pa ang mga 'yan sa loob kahit tuyo na dito sa labas ayaw mong maniwala sa ak--"
"Good morning mga fersooon..!" malakas na sabad nina Cheena at Blessie.
Kaagad kaming napabaling sa kanila. Abot tainga ang ngiti ng dalawa habang nakatayo sa b****a ng pintuan ng kusina. May bitbit ng tag-isang maliit na basket na puno ng iba't ibang mga prutas.
"Good timing kayong dalawa lagi ah." nakangiting sabi ko. "Kain tayo."
"Pwedeng... take home na lang?" nakatawang sabi ni Cheena saka binalingan si Marco. "Hi Kuya Pogi..." bati niya sabay hakbang palapit sa amin. "Pinabibigay ni Itay." sabi niya sabay abot kay Marco ng dala nito. Kaagad ko iyon inabot pero iniwas niya iyon sa akin. Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Kay Kuya Pogi pinabibigay ni Itay hindi sayo."
"Oo nga, hindi po para sayo..." maarteng sigunda pa ni Blessie. Ngumiti ito sabay hakbang palapit kay Marco. Sinimangutan ko sila. "...pinabibigay din itong prutas sayo ni Inay, Marco."
Natigilan ako ng tawagin niya ito sa pangalan nito. Dati naman Kuya or Fafa tawag niya, bakit ngayon Marco na lang? Tsaka iba ata ang ngiti ng dalawang kurdapya na 'to ngayon? Anong meron? Tapos pinag-isipan pa akong kukunin ko ang mga prutas na dala nila. Mga timang talaga kahit kailan.
"Marco talaga?" naiinis ko pang tanong sa kanya.
"Bakit..." pinamaywangan ako ni Blessie. "...ikaw lang ba may karapatan tawagin siyang Marco?" natameme ako sa sinabi niya ng pailalim din akong tingnan ni Marco. "Tsaka isa pa, 'yon naman talaga ang pangalan niya kaya choice ko 'yon kung tatawagin ko ba siyang kuya or hindi no." sabi niya sabay baling kay Marco. "Diba Fafa Marco?"
He chuckled. "Salamat dito sa prutas--"
"Naku basta ikaw!" patiling sabi pa no'ng dalawa. Animo'y kinikilig na bulate sa tabi nito.
I rolled my eyes. "Bakit kayo napad--"
"Bakit nandito ka ng ganito kaaga Kevin?" sabad ni Blessie habang nakatingin dito.
Ano 'yon focus na focus kay Marco kaya ngayon lang napansin si Kevin?
Napailing ako sa aking naisip.
"Tapos ang sama pa ng titig mo kay Kuya Pogi..." sigunda naman ni Cheena. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa dalawa. Napalingon din ako kay Kevin. Umayos siya ng upo saka ako nginitian. "...hmmm 'wag mo 'tong aawayin--"
"Grabe aawayin talaga?" sabad ni Kevin. "Ganun na ba ang tingin niyo sa akin? Sa tagal ng pinagsamahan natin ginaganito niyo na ako ngayon."
"A e, hindi naman sa ganun, ito naman, tampo agad yarn?" sabi ni Cheena sabay lapit dito. "Malakas ka sa akin no." sabi niya saka binunggo ito sa braso.
Umiling si Kevin. "Malakas... alam kong si Austin ang--"
"Oyy... ito naman si Kevin masyadong ano..." napapadyak pang sabad ni Cheena. "...pero kumusta na nga pala siya? Naibigay mo na ba ang bago kong number?"
Malakas kaming tumawa maliban kay Marco na seryoso ang mukha nang mag-beautiful eyes pa si Cheena sa harapan ni Kevin na nakatawang umiiling.
"Asus, umaariba ka na naman Cheena. Hindi ka na talaga nakapaghintay. Ikaw na ang nanligaw." nakatawang sabi ni Inay.
Nakangusong inirapan niya ito saka pinagkrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. "Ang bagal po kasi Nay e. Maiiwan tayo nito sa byahe." nagrereklamo pang sabi nito. Lalo tuloy lumakas ang tawanan namin.
"Bakit pala nandito kayo?" nagpalipat-lipat ang mga mata ni Inay sa dalawa. "Pustorang-pustora pa kayo ah. May date?"
"Naghatid lang po nitong prutas Nay." sagot ni Blessie ng hindi umimik si Cheena.
Pinagtaasan ko siya ng isa kong kilay. "'Yon lang ba? Wala ng iba?" sabad na tanong ko saka pinasadahan din ang kanilang suot ni Cheena. "Bakit ganyan ang mga suot niyo aber? Saan kayo pupunta?"
"Ayy oo nga pala." nasapo ni Cheena ang noo. "Nakalimutan ko tuloy kung ano ang sadya namin dito." sabi niya sabay hakbang palapit kay Marco. Nakasunod ang mga mata namin sa kanya. "Pupunta kami sa bukid Kuya Pogi, sama ka?"
"Marami ding hinog 'yung santol kuha tayo." excited pang dugtong ni Blessie.
Natigilan na naman ako sa sinabi nila sabay hawak sa aking ulo. Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan 'yong tungkol doon? Nagha-harvest na kami ngayon ng mga tanim namin na carrots. 'Yung repolyo noong nakaraang araw pa nila sinisimulan. Hindi lang ako makabisita doon dahil kay Marco. Ayaw ko siyang iwan at baka kung ano na naman ang maisipan gawin. Noong nakaraang araw kasi naabutan kong nag-iigib ng tubig. Ang tigas pa naman ng ulo, ayaw paawat.
Tiningnan muna ako ni Marco bago sinagot si Cheena. "Kung papayagan ako ni kamahalan why not?"
Naitulos ako sa aking kinatatayuan matapos ko marinig ang tinawag sa akin ni Marco. Kaagad din uminit ang aking mukha ng sabay-sabay pang napaubo ang tatlo. Naibuga naman ni Kevin ang kinakain niya. Kaagad naman itong inabutan ni Inay ng tubig. Inabot nito iyon sabay inom.
"Naks kamahalan talaga." nakatawang kantiyaw pa no'ng dalawa sa akin matapos mahimasmasan.
"Tumigil nga kayong dalawa."
Muli silang tumawa. Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi man lang natinag ang mga bwesit na 'to. Sarap sipain palabas ng kusina.
"So kamahalan, pwede ba namin isama si Kuya Pogi sa bukid?" abot taingang ngiti na tanong sa akin ni Cheena.
Sinimangutan ko siya sabay talikod. Bumalik ako sa aking upuan sa kabilang mesa. Nakasunod ang tingin nilang lahat sa akin.
Pupunta lang pala ng bukid ganun ang ayos nila?
Naka-yellow long sleeve si Cheena na tinernuhan ng above the knee na black miniskirt. Tapos si Blessie naman naka-green fitted shirt tapos brown denim shorts. Pambihira... ginawang mall ang bukid.
"Nabo-bored na ako dito sa loob ng bahay--"
"'Di sumama ka. Pinipigilan ba kita?" sabad ko kay Marco.
Kaagad din akong natigilan sa uri ng tono ko at mga katagang lumabas sa bibig ko. Pero patay malisya na lang ako at binalingan ang aking pagkain na iniwan kanina. Gulat na gulat at nakanganga pa siyang napatitig sa akin. Pati ang apat ganun din. Animo'y ngayon lang ako nakitang nagsungit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagagalit sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit ako naiinis. Basta ko na lang naramdaman iyon pagdating no'ng dalawa. Parang may dalang masamang hangin pagpasok dito sa loob ng kusina kanina.
"Hala siya..."
"Angry bird..."
Sabay pang sabi no'ng dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin habang ngumunguya ako. Nakatitig pa rin sa akin si Marco pero hindi ko siya pinansin. Pati sina Inay at Kevin nakita ko din sa peripheral vision kong nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin nina Cheena at Blessie. Pero deadma lang ako. Sige lang akong subo habang nakatingin kay Blessie at Cheena.
"Napapansin ko lagi ka na lang masungit sa amin ni Blessie sa tuwing lumalapit kami kay Kuya Pogi."
"Pansin ko nga din 'yon. Nagseselos ka ba?"
Bigla akong nabilaukan sa sinabi nilang dalawa. Sunod-sunod akong napaubo. Kaagad naman akong binigyan ni Kevin ng tubig at marahan na hinimas ang aking likod. Nakita ko rin na napatayo sa kinauupuan niya si Marco pero hindi na siya lumapit pa sa akin.
"Okey ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kevin. Tumango ako habang umuubo pa rin at hinahamig ang aking sarili. Nagpunas rin ako ng luhang tumakas sa aking mga mata. "Subo lang kasi ng subo e, 'yan tuloy."
"Itong dalawa kasi e.." sabi ko habang nakaturo sa dalawa ang kamay ko. "...kung ano-anong sinasabi. Nabilaukan tuloy ako. Ang sarap kutusan."
"Asus sinisisi pa talaga kami." nakairap pang sabi ni Cheena.
"Masyado ka kayang halata." sigunda pa ni Blessie.
Pinanliitan ko sila ng aking mga mata. "Alam niyo kayong dalawa..." napatigil ako sa pagsasalita ng parang asong nginisian pa nila ako. Uminit tuloy lalo ang ulo ko sa kanila. "...lumayas na nga kayo! Panira ng araw." sabi ko sabay hakbang palabas ng kusina.
"O, saan ka pupunta?" habol na tanong ni Inay.
Nilingon ko siya. "Magpapalit po ng damit. Kailangan ko din pumunta doon sa bukid." sabi ko sabay talikod. Dumeritso ako sa kwarto ko.
"Mauna na kami Bess ha!" sigaw ni Cheena.
"Sasama na rin ako sa kanila Nak!" sigunda ni Inay.
"Sabay na lang kayo ni Fafa Kevin, Bess!" sabi naman ni Blessie. "Tara na."
Nagmadali na ako sa paghahanap ng maisusuot kong damit ng marinig ko ang masayang tawanan at mga yabag nila palabas ng bahay.
Alin ba dito ang isusuot ko?
Parang tangang tanong ko pa sa aking sarili habang hinahalungkat ang loob ng aking drawer. Wala akong mapili sa subrang dami ng damit. Mga basa pa kasi 'yong ibang damit na sinusuot ko doon sa bukid kaya mga bago ang nandito. Puro mga damit ni Marco na lang kasi ang nilalabhan ko. Hindi ko hinahalo sa damit namin ni Inay dahil marurumi iyon at lagi pa naman sa bukid si Inay.
Kinuha ko ang maluwang na puting damit na lampas sa aking tuhod. Pagkatapos kong magbihis kaagad akong lumabas ng kwarto. Naabutan kong nakatayo sa hamba ng pintuan sa main door si Kevin. Nilingon niya ako. Napahinto ako sa paghakbang ng pasadahan niya ang kabuuan ko.
I cleared my throat then walked towards him. "Tara na?"
"You look even more beautiful, Jillian."
I chuckled. "Two years ka lang nawala tapos ngayon pagbalik mo sira na ang mata mo? Bisitahin mo din kaya minsan ang EO ng lumiwanag 'yang paningin mo."
He laughed. "Kailan mo ba magagawang seryusohin ang lahat ng mga sinasabi ko sayo?"
I grinned. "Alam kong babaero ka, so, NEVER kaya 'wag mo ng subukan pa."
"People change, Jillian and... I'm one of those you know..." sabi niya saka dahan-dahan na hinawakan ang aking isang kamay. "You've change me Jillian."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya sa subrang pagkagulat. I know he likes me. Maraming beses niya na 'yon sinabi sa akin noon pa pero hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Like... duh? Ilang ulit ko na ba siya binasted? Hindi ko na nga mabilang pa e. Pero hito siya paulit-ulit din akong sinusuyo. Ang kaso wala akong nararamdaman sa kanya kaya ayaw ko siyang paasahin. Paulit-ulit ko naman na 'yon sinabi sa kanya noon pa. Kaibigan lang ang tanging maibibigay ko sa kanya kahit ayaw ko. Mabait naman siya and easy to get along with at walang ginagawang masama sa akin kaya tinanggap ko siya sa buhay namin ni Inay but as a friend only... Nothing more... nothing less... But now? Ano na naman ba 'to?
Binawi ko ang kamay kong hawak niya. "Matagal ko na 'yan narinig. Bakit ngayon nagsisimula ka na naman?"
He sighed. "Kahit kailan ba hindi man lang ako nagkapuwang diyan sa puso mo?"
I chuckled. "Syempre meron. Pero alam mo naman kung ano diba? Sinabi ko naman sayo noon pa. Never kitang pinaasa at alam mo ang dahilan."
"Will never give up."
I rolled my eyes. "Mag-give up ka na. I'm telling you, wala ka talagang mapapala sa akin."
Matagal siyang napatitig sa aking mukha sa sinabi ko. "Did you like... Marco?"
Napaubo ako sa sinabi niya. "Seriously? Pati ba naman ikaw?"
"Well.." nagkibit-balikat siya. "Iba ang nakikita sa mga kilos at titig niya sayo."
"Ha? Anong iba? What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"You may be not notice him but... I saw what I saw." sabi niya sabay pisil sa aking chin.
Naiinis na tinabig ko ang kanyang kamay na nakahawak doon. Tinawanan niya lang ako saka ginulo ang aking buhok.
"Ano ba Kevin!" singhal ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niyang nanggugulo sa aking buhok pero inakbayan niya naman ako. "Isa tanggalin mo 'yan kung ayaw mong mabalian ng buto." warning ko sa kanya na ikinalakas lalo ng tawa niya.
"Hanggang ngayon ang sungit-sungit mo pa rin. Tara na nga. " sabi niya sabay hatak sa akin.
Napasunod naman ako kaagad sa kanya dahil nakaakbay pa rin sa mga balikat ko ang mabigat niyang braso.
"Ano ba! Tanggalin mo 'yang--Hmmp--"
Hindi na ako nakaimik pa ng takpan ng kamay niyang nakaakbay sa aking mga balikat ang bibig ko.
"Bilisan mo ng maglakad. Ang ingay ng bunganga mo. Nabibingi ako." sabi niya saka malalaking hakbang na naglakad papunta sa bukid.
Hindi na ako nakaimik pa ng halos buhatin niya na ako. Ilang minuto din ang nilakad namin bago kami nakarating doon. Nagpalinga-linga ako at hinanap ko si Marco. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makita kong nakahawak ang mga kamay ni Marco sa magkabilaang mukha ni Cheena habang nilalapit ang kanyang mukha dito.
What the heck...?! What are they doing?!
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023