MARCO
Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Nagkakandahaba na rin ang leeg ko kakatanaw kung nasaan na ba sila. Kanina pa kami dito sa bukid nagha-harvest ng carrots pero ang bwesit na dalawang 'yon ang tagal dumating. Tapos hinayaan pa ni Nay Julie maiwan mag-isa sa bahay si Jillian kasama ang lalaking 'yon!
Ganun ba kalaki ng tiwala nila kay Kevin? Sino ba kasi 'yon sa buhay ni Jillian?
Umuusok ang ilong na tanong ko pa sa aking sarili habang kaliwat kanan na binubunot at tinatapon ang carrots.
Pa'no kung gawan ng masama no'n si Jillian? F*ck... Lalaki siya. Magandang dalaga naman si Jillian. Tapos silang dalawa lang nandun!
Hep... they've known each other for a long time and they're best friends.
Bigla akong natigilan.
Korek. Tsaka isa pa ano naman ang pakialam mo sa kanila? Boto naman sa lalaking 'yon si Nay Julie.
Oo nga. Baka nga mag-dyowa sila e.
Arrgh! Tinanggal ko ang bonnet na suot ko ng magsagutan na ang nababaliw kong utak. Bakit ba nag-aalala ako sa babaeng 'yon? Ano ba namang pakialam ko kung anong gawin nila? Buhay nila 'yon.
F*ck!
"Aww--! Kuya Pogi!" malakas na hiyaw ni Cheena.
Marahas akong napabaling sa gilid ko. Natigilan ako ng makita kong naiiyak na nakahawak si Cheena sa kanyang mata.
Oh damn! Kaagad ko siyang nilapitan. "Okey ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Bwesit ka Kuya Pogi... Ang sakit t'ngna!" inis na sabi niya habang nakahawak pa rin ang kamay sa kanyang mata. "Ano ba kasing iniisip mo at wala ka sa sarili? Kanina ka pa namin tinatawag tapos ngayon binigwasan mo pa ako ng carrots. Kung saan-saan mo pa pinaghahagis."
Wala sa sariling napalinga-linga ako sa paligid dahil sa sinabi niya. Kaagad kong nabitawan ang carrots na hawak ko matapos kong makita ang resulta ng ginawa ko. Nagkalat lang naman ang mga nabunot kong carrots.
Damn... Binalingan ko siya. "Sorry na. Hindi nga kita narinig." napatitig ako sa kanyang mukha. Nakangiwi siya. May nakita pa akong luha na pumatak sa kabila niyang mata. Sh*t.. 'di ko naman kasi alam na nasa gilid ko lang siya... "Patingin nga." sabi ko sabay hawak sa kanyang mukha. Umiwas siya pero kaagad ko din iyon binaling sa akin. "Tanggalin mo muna 'yang kamay mo para makita ko."
"Ang sakit nga e. Nalagyan ata ng lupa sa loob--"
"Tanggalin mo na nga sabi 'yang kamay mo."
Sumunod naman siya. Binuka ko ang kanyang mata gamit ang mga daliri ko at tiningnan kong may lupa ba sa loob.
"Wala naman akong makitang lupa." sabi ko saka hinipan ang kanyang mata.
Kaagad niya naman iyon kinusot ng kanyang kamay.
"Ano okey na ba?"
"Ano 'yon magic? Isang ihip mo lang biglang mawawala?" mataray niyang sabi sa akin sabay tabig ng mga kamay kong nakahawak sa kanyang mukha.
I chuckled. "Bigla ka na lang kasi sumusulpot diyan--"
"So kasalanan ko pa tuloy ngayon?" nakapamaywang na sabad niya sa akin.
I laughed.
"Ayy--! Ano ba Kevin!" malakas na tili ni Jiilian.
Kaagad akong napalingon. Halos magdilim ang paningin ko ng matanaw ko silang dalawa. Nakaakbay ang braso ni Kevin kay Jillian. Hindi lang 'yon... halos nakayapos na ang damuhong na 'yon sa katawan niya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan nina Nay Julie. Nakasunod sa kanila ang aking nagbabagang mga mata. Hanggang sa hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang aking kamao habang nakatitig sa kanilang masayang nagtatawanan kasama ng iba pang mga naninirahan dito sa bundok. At mukhang kilalang-kilala ang lalaking 'yon dito.
Sh*t... parang hindi nalalayo ang edad nilang dalawa ni Jillian. Unlike me...
Napatingin ako kay Blessie ng tumayo ito sa harapan ko. Blocking the view. Nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilaan niyang bewang.
"Hmmmm... selos yaaarn?" nakataas pa ang isang kilay na tanong niya sa akin.
Makailang ulit niya pang nilingon ang dalawa na ngayon ay mas lalong lumakas ang tawanan bago ako makahulugan na tinitigan.
"Selos? Ako?" nakatawang turo ko pa sa aking sarili. Umiling ako sabay iwas ng tingin. "Bakit naman ako magseselos sa kanila?"
"Ang sama ng tingin mo e." sabad ni Cheena. Nakapamewang na din itong nakatanaw sa dalawa. Binalingan niya ako. Napahimas ako sa aking batok ng makita kong namumula ang isa niyang mata. "'Wag mo akong pagtawanan at masasapok talaga kita." sikmat niya sa akin
"What..?" seryosong sabi ko. Napaatras pa ako ng duruin niya ako ng hawak niyang carrots.
"Wat-watin ko yang mukha mo e." inis na sabi niya. "Natutuwa ka pa sa ginawa mo sa mata ko--"
"Bakit nakita mo ba akong tumawa?" palusot ko pa.
"Magsisinungaling ka pa talaga... isumbong ko kaya kay Jillian ang sekreto--"
"Damn... don't you ever do that!" bulalas ko sa kanya.
"So nagseselos ka nga kay Kevin, Kuya Marco?" tanong ni Blessie.
"NO." mabilis na sagot ko. Tinalikuran ko sila saka sinimulang pulutin ang mga pinaghahagis kong carrots.
"No daw..." nakangusong sabi ni Cheena. "Kanina ka pa wala sa sarili mo. Parang ayaw mo pa nga siyang iwan do'n sa bahay nila e."
"Nagkakandahaba pa ang leeg mo kakatanaw sa dalawa kanina." sigunda ni Blessie.
"Tapos ang lakas-lakas na nga ng sigaw ko pero hindi mo ako narinig." sabi ulit ni Cheena.
"Nakakuyom pa ang kamao mo habang pinagdidiskitahan ang carrots kaya nga nabigwasan mo no'n si Cheena." sigunda ulit ni Blessie.
Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha ng pagtulungan nila akong dalawa. "Alam niyo kayong dalawa.." dinuro ko sila na ikinatawa nila. "...niyaya niyo ba ako dito sa bukid para mag-harvest or para titigan lang ako? Lahat na lang ng galaw ko alam niyo ah."
Napa-O shape pa ang labi ng dalawa habang nanlalaki ang mga mata. Nagkatinginan pa sila sabay tawa. Sinamaan ko sila ng tingin. Ang lakas ng tama sa ulo ng mga 'to.
"Naks... hindi ka namin type no." sabay pang sabi nila.
I chuckled. "Bakit sinabi ko ba?"
"Sabi mo kasi para titigan ka. Ano 'yon gwapong-gwapo sa sarili?" salubong ang mga kilay na sabi ni Cheena.
Napahagalpak ng tawa si Blessie sabay tulak kay Cheena. Hindi nito inaasahan ang ginawa no'ng isa kaya napaupo ito sa lupa ng mapatid ng sarili niyang paa. Natawa ako sa itsura niya pero kaagad din ako napatakip ng kamay sa aking bibig ng samaan niya ako ng tingin.
"Gwapo naman talaga siya ah. Crush mo pa nga e." nakatawa pa ring sabi ni Blessie.
"Bakit ako lang ba?" nakasimangot na sikmat ni Cheena sabay tayo. Samantalang ako natitigilan sa tinatakbo ng sagutan nilang dalawa. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib habang nagpapalipat-lipat ang naa-amused kong tingin sa kanilang dalawa. "Crush mo din naman si Kuya Marco ah." sabi niya habang pinapagpag ang kanyang pang-upo. "Sabi mo pa nga kamukha siya no'ng lead singer ng PRINX Band."
Kaagad nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Nahigit ko pa ang aking hininga matapos niyang banggitin ang pangalan ng banda namin. Napatitig ako kay Blessie ng halos maglupasay naman ito sa kilig.
"Kamukha naman kasi ni Kuya Marco 'yong lead singer no'n e." sabi ni Blessie saka pinasadahan ako ng tingin. "Kung mahaba lang ang buhok niya tsaka may tattoo at earing, siyang-siya talaga 'yon e."
"Pero napaka-imposible naman na mapadpad 'yon dito sa bundok. Ang sosyal no'n."
Tumango-tango si Blessie. "Sabagay--HUY! Saan ka pupunta Kuya Marco?"
Sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Malalaking hakbang na nilapitan ko si Jillian ng makita kong pumunta siyang mag-isa sa puno ng santol bitbit ang isang maliit na basket.
"Bakit ang tagal niyo ni Kevin pumunta dito sa bukid? Ano bang ginawa niyo?" bungad ko sa kanya paghinto ko sa likuran niya.
"Ayy-Kabayo ka!" tili niya sabay lingon sa akin. "Bakit ka ba nanggugulat diyan?!" singhal niya sa akin.
Napahawak pa ang isang kamay niya sa kanyang dibdib sa subrang pagkagulat. Napatingin ako doon. Natigilan ako ng masilip ko ang kanyang itim na bra pero kaagad din nangunot ang aking noo. Napatiim bagang ako ng pasadahan ko ang kabuuan niya. Walang ano-ano't hinablot ko ang braso niya saka kinaladkad pabalik sa bahay nila. Narinig ko pa ang pagtawag sa amin ng mga taong nakakita sa amin pero hindi ko sila pinansin. Deritso lang ang lakad ko habang hatak-hatak si Jillian. Hindi ko alintana ang laki ng mga hakbang ko.
Malapit na kami sa bahay nila ng hatakin niya ang braso niyang hawak ko. Kaagad ko iyon nabitawan.
Sunod-sunod siyang bumuga ng hangin. Ganun din ako. Ang lapit lang ng nilakad namin pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hingal na hingal. Habol ang mga hininga. Animo'y tumakbo kami ng pagkalayo-layo.
"Ano bang problema mo?" maya-maya inis na tanong niya sa akin.
"Bakit ang tagal niyo ni Kevin? Anong ginawa niyo?" ulit na tanong ko.
Natigilan siya sa tanong ko pero kaagad din iyon napalitan ng galit.
"Pakialam mo ba?"
"Syempre may pakialam ako dahil--" I stop ng ma-realized ko ang mga katagang lumabas sa bibig ko.
Mariin niya akong tinitigan. "Dahil?"
Hindi ako umimik. Nag-iwas ako ng tingin sabay hilot sa aking sentido. F*ck... This is insane..! I'm acting weird again...
"Bahala ka nga diyan sa buhay mo." sabi niya sabay talikod. Kaagad ko naman hinablot ang braso niya pabalik. "Ano ba kasing problema mo?!" galit na singhal niya sa mukha ko.
"Bakit ganyan ang damit mo? Magpalit ka nga doon."
Napanganga siya sa sinabi ko sabay tingin sa damit niya saka muli akong tiningnan. Halos magdugtungan na ang kanyang mga kilay habang tinititigan ako ng masama.
"So dahil sa damit ko kaya kinaladkad mo ako pabalik dito sa bahay?" nangangalaiting tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Muli kong hinatak ang braso niya saka naglakad papunta sa bahay pero malakas niyang piniksi ito.
"Ano ayaw mong magbihis? Palitan mo 'yang suot--"
"Bakit hindi si Cheena pagsabihan mo na magpalit ng damit? Kita na ang kuyukot sa ikli ng miniskirt n'ya pero wala lang sayo. Bakit ako ang pinag--"
"Kita na 'yang bra mo. Bakit gustong-gusto mo bang ipakita 'yang kay Kev--" malakas na lagapak ng sampal niya ang dumapo sa aking mukha ang nagpatigil sa akin.
Halos tumabingi ang mukha ko sa lakas ng impact. Ilang sigundo akong 'di nakagalaw bago dahan-dahan na binaling ang aking mukha sa kanya. Ngunit kaagad din akong natigilan sa sumalubong sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nakanganga pa habang walang kurap-kurap na nakatitig sa akin.
She tilted her head and stared at me intently. "Tama... ikaw nga 'yon." sabi niya.
Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ikaw nga..."
"Anong ako?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya.
"Ikaw 'yong bwesit na laging nakasunod sa akin noon."
"Ha?"
"Ikaw nga 'yon. Ikaw si BUDOL GANG!" sabi niya sabay duro sa akin. "Kahit kailan talaga bastos ka noh. Sinisilipan--"
"Teka teka... anong ako si Budol gang? Tsaka kailan ba kita sinilipan?" maang-maangan ko pang tanong sa kanya.
Natahimik siya sa sinabi ko. Matagal niya akong tinitigan saka malalim na bumuntong-hininga. "Wala ka pa rin bang maalala ngayon tungkol sa pagkatao mo?"
Umiling ako. "Bakit tinawag mo akong si Budol gang? Nagkita na ba tayo dati?"
She heaved out a deep sighed again. "Unang kita natin noong nagkabanggaan tayo sa SM doon sa bayan."
"Tapos?" tanong ko ng hindi niya na dugtungan 'yong sinabi niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Alam mo bang iyon ang pinaka-worst na nangyari sa buhay ko?"
What... WORST DAW..? Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ha? Bakit naman worst? Pinagsamantalahan ba kita?"
Umiling siya. "Hindi. Pero ng dahil sayo pinabitbit ako ng dalawang malaking plastic bag na puno ng groceries ni Jordan simula sa loob ng grocery store ng SM papunta sa sakayan ng tricycle. Tapos ang masaklap pinahinto pa ng bwesit na 'yon ang tricycle ilang metro pa ang layo sa bahay nila para bitbitin ko 'yong mga groceries! Parusa niya 'yon sa akin dahil hindi ko siya tinulungan sa pamimili ng ihahanda namin sa birthday ni Inay noon. Kaya halos isumpa kita noon e. Alam mo ba 'yon?" asik niya pa sa akin.
I chuckled. Sinamaan niya ako ng tingin na lalong ikinatawa ko. "Napaka unreasonable naman ng Jordan na 'yon para ganunin ka. Tsaka isa pa hindi ko naman siguro sinasadyang mabangga ka noon."
"Hindi lang 'yon ang ginawa mo. Pati dun sa lugar nina Jordan sa Isla. Nandun ka rin. Nagkabanggaan na naman tayo kaya inisip ko baka sinusundan mo nga ako." sabi niya saka ako tiningnan. "Hindi nga ba?"
"Aba malay ko... tsaka bakit naman kita susundan kung sakali aber?"
Napanguso siya. Napatitig naman ako doon. Biglang nag-flashback sa aking utak 'yong gabing nangyari sa aming dalawa sa tabing dagat mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Kaagad kong ipinilig ang aking ulo para mawala ang mga imaheng unti-unting bumabalandra sa aking harapan.
"Hindi ko alam sayo. Imposible naman coincidence dahil pati do'n sa Zipline nandun ka rin."
"Hmmmm... seryoso?"
"Mukha ba akong sinungaling? Pati nga kinagabihan nandun ka rin sa batuhan na tinambayan ko habang naliligo sa dagat ang mga kaibigan ko."
"O? Ano naman ang ginagawa ko doon sa batuhan?"
"Malay ko sayo. Nakainom ka no'n. Galit na galit tayo sa isa't isa. Tapos bigla mo na lang ako pinaghahalikan. Muntik mo pa nga akong magahasa--" huminto siya saka napakagat labi sa kanyang huling sinabi. Bigla din namula ang kanyang mukha sabay iwas ng tingin.
Napangiti ako sa aking isip. "Anong sabi mo?"
"W-Wala." sabi niya sabay takbo pauwi sa bahay.
Nakangiting nasundan ko siya ng tingin. Nang pumasok siya sa loob ng bahay nagsimula ako humakbang para sundan siya.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023