JILLIAN
Haist... ano bang pumasok sa utak ko at pati 'yon sinabi ko pa sa kanya?
Makailang ulit kong pinagtatampal ng kamay ko ang aking ulo bago pumasok sa aking kwarto. Lumapit ako sa drawer saka naghalungkat ng pwede kong ipalit sa suot ko. Nakakita akong isang malaking dilaw na t-shirt. Kinuha ko iyon pati ang isang maong shorts sa kabilang drawer. Nilapag ko iyon sa papag. Umayos ako ng tayo at akmang maghuhubad na sana ng damit ng malingunan ko si Marco na nakatayo sa b****a ng pintuan ng kwarto ko. Bahagya pa akong napaatras sa subrang pagkagulat.
"Anak ng... anong ginagawa mo dito?!" sighal ko sa kanya.
Pero hindi siya natinag. Ni hindi niya nga ako pinansin. Nakanganga at nanlalaki pa ang mga matang pumasok sa loob ng kwarto ko habang walang kurap-kurap na nakatitig sa mga ginupit kong larawan sa magazine na nakadikit sa dingding. Matagal niya iyon tinitigan animo'y gulat na gulat at hindi makapaniwalang meron ako ng mga ganun saka ako binalingan.
"Bakit marami kang picture na nakadikit diyan sa pader ng lead singer ng PRINX boy band?" nakakunot-noong tanong niya sa akin habang nakaturo pa ang isang kamay doon.
Bumuka ang bibig ko pero wala ni isang salita ang lumabas doon. Animo'y tinakasan ako ng aking utak at wala akong maapuhap na tamang sagot sa tanong niya. Nagpalipat-lipat pa ang aking tingin sa kanya at sa pader. Hanggang sa nagsalubong ang aking mga kilay ng nakakaluko niya akong nginisian.
Putakte... isa ring marumi ang utak.
Tinuro ko sa kanya ang pintuan. "Lumabas ka. Magbibihis ako."
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "So you're obsessed with that guy huh?"
Nalukot ang mukha ko sa sinabi n'ya. "Obsessed? Anong obsessed ba ang pinagsasasabi mo?" sabi ko pero pinagtawanan niya lang ako. Naiinis ko siyang nilapitan saka tinulak palabas ng kwarto. Nagpatianod naman siya habang abot tainga ang ngisi sa akin. "Next time 'wag kang papasok ng walang paalam dito sa kwarto ko ha."
He chuckled. "Sabi ni Cheena man hater ka pero bakit grabe ka kung makadikit kay Kevin? Tapos..." huminto siya sa pagsasalita saka tiningnan ang tadtad na picture na nakadikit sa pader at muli akong tinitigan ng makahulugan "...marami kang collection ng mukha niyang singer."
Uminit ang ulo ko sa mga sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro para pagtakpan ang aking pagkapahiya. "FYI hindi ako dumidikit kay Kevin at..." nilingon ko ang pader saka tinuro. "...ang mga 'yon ay collection ko sa paborito kong banda. Tsaka isa pa..."pinamewangan ko siya. "...pakialam mo ba kung nangongolekta ako ng picture niya?"
"Crush mo siya?" nakangising tanong niya sa akin. "Or maybe you love him that much kaya nangongolekta ka ng larawan ng lalaking 'yon."
"Love him that much... agad-agad? Ganun ako kababaw? Tsaka never akong na-in love no. Crush... hmmm..." nilingon ko ang pader habang nag-iisip saka binalingan siya. "...maybe crush ko siya, oo. Tsaka ano naman sayo kung crush ko nga or love ko siya? Damn..." natampal ko ang aking noo. "Bakit pala ako nag-e-explain sayo?"
Tumawa siya. "You know what, you look even more prettier when you get angry."
Napamaang ako sa sinabi niya pero kaagad ko rin siya sinamaan ng tingin sabay sara ng pinto. Ngunit nagulantang ako ng itulak niya iyon pabukas. Napaatras pa ako sa ginawa niya.
Pinamewangan ko siya. "Kahit kailan talaga bastos ka e no."
Tumawa na naman siya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Ako pa talaga itong bastos? Nag-uusap pa tayo tapos bigla mo na lang ako pagsasarhan ng pinto. Sino ngayon ang bastos sa ating dalawa aber?"
"Alam mo habang tumatagal lalo ka ng nakakainis."
"Oh? Seryoso? Naiinis ka sa akin?" tanong niya saka tiningnan ang mga picture na nakadikit sa pader. "Kamukha ko naman siya pero bakit sa akin galit na galit ka? Sa pagkakatanda ko wala naman akong nagawang kasalanan sayo ah." sabi niya saka muli akong tinitigan.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. May punto naman kasi siya. Bakit nga ba ako nagagalit sa kanya? Wala naman siyang ginawang kasalanan sa akin maliban sa sekretong pinag-uusapan nila nina Inay at Tay Pio na ayaw iparinig sa akin at hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung ano. And damn... lalo akong naka-curious kung ano ba 'yon.
"Wala nga ba Marco? Bakit pakiramdam ko may tinatago kang sekreto sa akin?"
Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi siya nakaimik. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Nakita ko pa siyang napalunok. Tuloy lalo akong nagsuspetsa na may lihim nga siyang tinatago sa akin.
"Ano na bull's eye ka?"
"Bull's eye." nakangising umiling siya. "Ano bang sekreto ko ang pinagsasasabi mo?"
"Aba malay ko sayo. Ilang beses ko kayong nahuhuli ni Inay na nag-uusap, pati si Tay Pio. Tapos inilihim niyo pa sa akin ang pagpunta niyo ng bayan para magpa-CT scan."
Malalim siyang bumuntong-hininga saka humakbang palapit sa akin. Wala sa sariling napaatras ako. Nagulat siya sa ginawa ko pero kaagad din nahimasmasan at nakakaluko akong nginisian. Muli siyang humakbang. Umatras ulit ako hanggang sa maramdaman ko ang pader sa aking likuran. Lumapad ang kanyang ngisi. Nanlaki ang aking mga mata ng inilang hakbang niya lang ako. Halos idiin ko ang aking katawan sa pader ng ma-corner niya ako. Itinukod niya ang kanyang dalawang braso sa magkabilaan ng ulo ko. Napalunok ako ng ilapit niya pa ang mukha sa akin. Halos maduling ako sa subrang lapit. Biglang sumasal ang t***k ng puso ko. Oh my goodness... Ibinaling ko ang aking mukha sa aking kanan sabay tulak sa kanyang dibdib pero hindi siya natinag.
"Please, lumayo sa akin Marco."
Hinawakan niya ang aking baba gamit ang kanyang kanang kamay saka ibinaling paharap sa kanya ang aking mukha. Muling nagtama ang aming paningin. Sukat doon lumukso ang puso ko. Tumibok iyon ng pagkabilis-bilis. Naramdaman ko rin ang pagrambulan ng mga kuliglig sa loob ko. Animo'y sabik na sabik, tuwang-tuwa at kilalang-kilala pa rin ang lalaking 'to pagkalipas ng ilang taon.
Tumaas baba ang dibdib ko ng pakawalan ko ang aking hininga. Ngayon ko lang na-realized na kanina ko pa pala pigil-pigil ang aking paghinga. Damn. What's happening to me? Bakit nagkakaganito na naman ako sa lalaking 'to?
He sighed. "Natatakot ka ba sa akin, Jil?"
"Ha?"
"Hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo."
"Pa'no mo nasabi na 'di ka masamang tao e ni hindi mo nga maalala ang tungkol sa pagkatao mo. Kung sino ka at kung saan--"
"I remember everything."
"What?!" bulalas ko sa kanya sabay tabig ng kamay niyang nakahawak sa baba ko. "You remember everything and yet you decided to pretend in front of us that you had an amnesia?"
"Sorry If I lied to you, Jil. I didn't mean it. Pero sinabi ko kay Nay Julie at kay Tay Pio ang lahat."
Natigilan ako sa sinabi niya. "So that's the secret you were hiding from me all this time, huh?"
Bumuka ang kanyang mga labi pero walang katagang namutawi doon. Matiim siyang nakatitig sa akin bago nag-aalangang tumango. Napakunot-noo ako sa inakto niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Maiintindihan naman siguro kita. Hindi naman ganun kakitid ang utak ko."
"Remember the first day na nagkamalay ako?"
"O?"
"Tinanong kita kung tutulungan mo ba kung sakaling nangailangan ng tulong ang isang taong kinamumuhian mo and you said no kaya naduwag akong aminin sayo ang totoo."
"So you're referring yourself when you asked me that question?" tumango siya. Napanguso ako. "Kaya pala kung makatitig ka sa akin no'n wagas. Akala ko kung ano na, 'yon pala nakilala mo ako."
"Nah, It's not that."
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Ngumiti siya. Napatitig naman ako sa kanyang mga labi. Wrong move dahil lumapad lalo ang ngiti ng luko. Tatarayan ko sana siya ng bigla niya namang hinablot ang aking braso. Napasubsob ako sa kanyang matigas na dibdib. Natigilan pa ako ng maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa akin.
"I was amazed knowing your other side Jil." sabi niya saka ako inilayo ng bahagya sa kanyang katawan. Napatingala ako sa kanya ng iangat niya muli ang baba ko gamit ang isa niyang kamay. "Hindi ko akalain na ang babaeng kinaiinisan ko ng labis ay siya mismo ang magliligtas sa aking buhay. I'm so sorry kung na-judged kita agad simula ng mag-cross ang landas nating dalawa."
"W-What do you mean?"
"Akala ko kasi dati may sira ang utak--"
"What the..." bulalas na sabad ko sa kanya sabay tulak sa kanya. Nabitawan niya ako. Sabay pa kaming napaatras. "Inakala mo palang nababaliw na ako noon, ganun?"
He laughed.
Napikon ako sa kanya kaya malakas ko siyang sinuntok sa kanyang balikat. Aw! Daing niya habang hinihimas ang tinamaan ko. Pero ang lapad pa rin ng ngiti niya sa akin. Sinuntok ko siyang muli pero nasalo niya ito ng kanyang kamay. Hinatak niya ako palapit sa kanya saka muling niyakap. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan.
"Bitiwan mo ako. Bwesit ka."
"Sorry na. Ito naman. I'm just being honest with you." sabi niya. "Inamin ko naman sayo na nagkamali nga ako diba."
"Sabagay napagkamalan nga din naman kitang miyembro ng budol gang at manyak." nakatawang sabi ko. "Amanos na tayo."
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Napatingala ako sa kanya. Kaagad sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha.
Napangiwi ako sa aking nakita. "Sorry... first impression ko lang 'yon sayo. Tsaka isa pa, hindi kita kilala kaya ano sa tingin mo ang iisipin ko sa ginawa mo sa akin noon aber?"
He smiled at me. Tumaas ang kanan niyang kamay at marahan na hinaplos ang kaliwa kong pisngi.
"I like you Jillian. I really do like you."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Bahagya pang napaawang ang aking mga labi sa subrang pagkagulat sa sinabi niya. Like damn... he likes me daw.. e?? Bumaba ang kanyang mga mata sa aking nakaawang na mga labi. Nakita ko pang gumalaw ang kanyang adams apple habang nakatitig doon. Wala sa sariling naitikom ko iyon sabay iwas ng tingin.
Alanganin akong tumawa saka dahan-dahan na tinanggal ang malabakal niyang braso na nakapulupot sa bewang ko ngunit hindi niya ako pinakawalan. I gave him a warning look pero lalo niya lamang akong hinapit.
"Isa, magpapalit akong--"
"Seryoso ako sa sinabi kong gusto kita."
"Ha?"
Pagak siyang tumawa saka nilingon ang mga picture na nakadikit sa pader. Napatingin din ako doon. "Sabi mo crush mo siya..." huminto siya sa pagsasalita kaya napatingala ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang malamlam niyang mga mata. "...pwede ka rin naman magkagusto sa akin."
Ngeek... My lips stretched at what he said. "Crush ko siya kasi magaling siya kumanta--"
"Magaling din akong kumanta." sabad niya sa akin.
"Eiii, magkaiba pa rin kayong dalawa."
He released a pissed groaned. "E bakit si Kevin hinayaan mong ligawan ka tapos ako hindi? Mahal mo ba siya? Sinagot mo na ba siya? Kayo na ba? Ano? Dahil ba sa agwat ng edad nating dalawa?" hindi ako nakaimik sa sunod-sunod na tanong niya sa akin. Frustrated na napahilamos pa siya ng kamay sa kanyang mukha. "Damn... hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya."
"E bakit nanliligaw ka ba sa ak--" natigilan ako sa biglang lumabas sa bibig ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi ng makahulugan niya akong nginisian.
"So does that mean pwede kitang ligawan? Nagpaalam na ako kay Nay Julie, permiso mo na lang ang kulang."
"W-What? N-Nagpaalam ka kay Inay?"
"You heard me."
"No."
"No?"
"No." ulit ko saka muling tinanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa akin ngunit lalo niya lamang iyon hinigpitan. Pakiramdam ko para niya na akong dudurugin sa subrang higpit ng pagkakahapit niya sa akin. "Ayoko... at bawal... bitiwan mo na ako."
"Will give you a reason then to say yes with my proposal."
Napatingala ako sa kanya sa sinabi niya ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng biglang bumaba ang kanyang mukha sa akin at walang babalang siniil ako ng halik. Naiwan sa kanyang dibdib ang dalawa kong kamay na akmang itutulak sana siya matapos kong maramdaman ang mainit niyang mga labi sa ibabaw ng aking mga labi. Hindi iyon gumalaw ng ilang sigundo.
Nang mahimasmasan ako nilayo ko ang aking mukha sa kanya pero inagapan naman iyon ng isa niyang kamay. And this time he started kissing me passionately! Animo'y isa akong babasaging kristal. Ingat na ingat ang kanyang mga labing humahagod sa akin. Punong-puno ng pagsuyo at paggalang. Hindi kagaya noong unang nangyari sa amin sa tabi ng dalampasigan na halos gusto niya na akong durugin.
Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa. Hindi ako gumalaw. Ni hindi ako nagprotesta. Napaigtad pa ako ng maramdaman kong marahan na humaplos ang kanyang isang kamay sa aking likod. Napalunok ako sa kakaibang init na biglang sumalakay sa aking buong katawan. Nanghina ang aking mga tuhod. Bigla akong napahawak ng mahigpit sa kanyang damit.
Then suddenly I felt his tongue trying to get in inside my mouth. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit unti-unti ko rin binuka ang aking mga labi at hinayaan siyang makapasok. Marahan na ginalugad ng kanyang dila ang loob ng bibig ko. Napapikit ako sa tamis ng kanyang mga labi at kakaibang sensayon na hatid ng kanyang halik sa aking katawan.
"Mmmmm." he groaned when I sipped his tongue.
Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at pinalalim niya pa ang kanyang paghalik. Bigla akong nawala sa aking sarili. Nawala sa katinuan. Nagugustuhan ko ang kanyang ginagawa at naghahatid iyon ng kakaibang pakiramdam na hindi ko mawari kung saan nanggaling. Hindi ko rin ma-explain kung ano. I felt this strange feelings before pero parang mas tumindi ata ngayon ang nararamdaman ko at hindi ko mapigilan ang pwersang humahatak sa akin palapit sa kanya.
Hanggang sa namalayan ko na lang na nakikipagpalitan na ako sa kanya ng mapusok at maaalab na halik. Nakapulupot na rin ang aking mga braso sa kanyang leeg. I gripped harder in his hair when he sipped my tongue.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghalikan ng may biglang malakas na bagay na bumagsak sa labas ng kwarto. Bigla kaming napahinto ni Marco sabay lingon sa labas.
"Ayyy, sorry. Pasenya na. Nagulat ako e. Sige ipagpatuloy niyo na 'yan." nakangiwi at natatarantang sabi ni Inay sabay talikod. Malakas pa nitong naibagsak pasara ang pinto sa main door.
Natitigilang napatitig ako ng matagal sa mga carrots, repolyo at mga prutas na nagkalat sa lapag.
Teka, si Inay...
Napakurap-kurap ako ng may maramdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa aking tiyan. Wala sa sariling kaagad akong napatingala sa kanya. His sparkling eyes full of passion met with mine.
"M-Marco." anas ko sabay tulak ng malakas sa kanya.
Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya kaagad niya akong nabitawan. Mabilis akong kumaripas ng takbo palabas.
"Jillian!" sigaw niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa.
Deri-deritso ang takbo ko papasok sa kakahuyan. Nang masiguro kong malayo na ako, nanghihinang napasandal ako sa katawan ng malaking puno. Napahawak ako sa aking dibdib habang sunod-sunod ang habol kong paghinga. Subrang lakas din ang kalabog ng dibdib ko. Parang gusto ng lumabas sa ribcage ko pero 'di mawaglit sa aking utak ang nakita kong itsura ni Inay kanina. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga habang nakatitig sa aming dalawa ni Marco. Namumula pa ang kanyang mukha.
Shet nakakahiya... nahuli niya kami! Ano kaya ang iisipin no'n?
Frustrated na napakamot ako sa aking ulo.
Ano ba kasing pumasok sa utak ko at nakipaghalikan na naman ako sa kanya?!
Mariin akong napapikit at sinamyo ang malamig na hangin na tumatama sa aking buong katawan. Kaagad naman guminhawa ang aking pakiramdam. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon bago ako dumilat at hinanap ang tinago kong itak. Kumuha ako ng malalaking baging at pinagpatuloy ang ginagawa kong patibong para sa mga estrangherong lalaking bigla na lang sumusulpot kung saan.
Well, this time baka matakot na sila.
Napangiti ako saka tumalon pababa ng punong-kahoy na inakyatan ko. Tinali ko ang baging sa katawan ng kabilang puno. Winagwag ko ang aking mga kamay saka pinulot ang itak. Muli kong iginala ang aking paningin sa buong paligid. Nang masigurong walang kahina-hinala humakbang ako papunta sa burol. In my secret haven.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023